CHAPTER 30:FREEDOM

TYRA

Simula nong ibenta ko at binayaran ni ivan ang utang ko ay nag bago na ang buhay ko, tulad ng usapan namin na mag tra-trabaho ako sa bar niya kasi nga kailangan ko parin bayaran ung mga nabasa ko. Hindi porke pamamay ari na ako ni ivan aay magiging buhay hayahay na ako, baka nakakalimutan niyong ibinenta ako at iyon ang kabayaran.

“ pwede bang mag day off bukas??” tanong ko sakanya.

“ bakit? Saan ka pupunta?” tanong niya.

“ wala gusto ko lang mamasyal” sagsa ko, tinignan ako bahagya tapos ay ibinalik sa ginagawa iya

“ ahm.. sige tara” huh?? Kumunot ang noo ko

“ sabi ko ako, bakit kasama ka??” tanong ko.

“gusto ko din mag day off” edi magkanya kanya kami hindi ung sinabi niyang tara.

“ okay pero mag iba tayo ng lakad” nilingon niya uli ako.

“ bakit ba??!! Sasama ako sayo” napakamot ako ng ulo, ito nanaman kasi siya na ang kulit.

“ hindi ppwede” mabilis kong sagot, naka tingin lang siya saakin.

“ bakit kasi sasama ka pa? mamasyal lang naman ako” naka tingin parin saakin, napa buga ako ng hangin.

“ okay ssige” wala naman na ako magagawa, gusto ko lang naman mag muni muni sa dagat.

“ saan mo gusto? Libre ko” oh diba, yan ang iniiwasan ko ung pakikialaman niya ako.

“ ikaw na bahala basta sa tahimik dahil gusto kong maka pag muni muni” sagot ko, tumango siya at kinuha ung phone niya.

Kinabukasan maaga kaming nag biyahe para daw hindi masyadong mainit, tahimik lang kami hanggang makarating sa lugar. Nagulat ako sa pinuntahan namin, hindi ko inaasahan na ganito kaganda at katahimik ung lugar.

Maririnig mo na lang talaga ung hampas ng alon, nilingon ko siya na naka masid lang sa tubig. Tumingin siya saakin kaya agad kong iniwas ang tingin ko.

Pumunta muna kami mag check in at nag shower na muna ako, bumaba na din kami para kumain habang nakatanaw sa alon. Natapos na kaming kumain at nag paalam ako na maglalakad muna ako dahil maaga pa naman at hindi pa gabi.

Sasamahan niya daw ako dahil gusto din niyang mag lakad lakad, tahimik lang kaming naglalakad at inienjoy ung katahimikan. Umupo ako sa sand at hinarap ung dalampasigan, habang siya ay naka tayo lamg sa tabi ko na naka pamulsa pa ang dalawang kamay.

“ alam mo ba, minsan ko ng binalik mag paakamatay pero gusto ko sa ganitog lugar… masyado akong nasaktan sa nangyari at nahirapan akong mag move on na lang pero hindi ko kinaya kaya ang ginawa ko ay nagwalwal ng nagwalwal hanggang napadpad ako sa sugal. Nong una ay okay pa pero nog tumagal nalulong na ako kaya panay takbo na lang ang ginawa ko.

Gusto kong bumalik sa dating ako pero hindi ko na alam kung paano, hindi ko napapansin nahihirapan na din pala ag pamilya ko saakin dahil maski sila ay damay sa kalokohan na ginagawa ko”

“ pasensya na kung nadamay ka pa nangyari saakin, hindi ko lang talaga alam kung paano bumalik at magsimula dahil magulo a ang lahat” nana buga ako ng hangin.

“ you can start a new beginning now, umpisahan mong buoin uli ang sarili mo katulad ng kalimutan ang lahat. Ibaon mo na sa limot ung sakit at wag ng balikan pa, mas okay na pagtuunnan mo din ang sarili mo at ang pamilya mo” sabi niya

“ pahilumin mo ang sarili mo tyra, matutu ka sa pagkakamali ng iba at ng sarili mo” dugtong niya, may konting katahimikann bago siya nag salita uli.

“ your frEe” kumunot ang noo ko, ano pinagsasabi nito.

“ your free to go, hindi mo kailangang mag trabaho sa bar ko o hindi mo kailangang bayaran ung mga nagastos mo o ung utang na pinang bayad ko” tiningala ko siya na naka tanaw parin sa may alon.

“ gaya ng sabi ko noon, ayokong ikulog ka taonng tulad ko” nakaramdam ako ng kirot sa puso ko sa pagka sabi niyang iyon.

“ malaya ka tyra, hagilapin mo ang sarili mo at mag pahilom basta ba wag mong balakin na mag pakamatay dahil susunod ako” biglang may kung anong bumara sa lalamunan ko.

“ kung sakali man na pagtagpuin uli tayo ng panahon at pareho parin tayong walang pamilya, siguro naman okay lang na maging tayo na doon dahil mukhang tayo talaga ang para sa isat isa” ngumiti siya at binasa ang labui, umiiyak ba siya??

“ pero kung pag tagpuin tayo na masaya na sa piling ng iba, pakiusap ko sayo mag panggap kang di mo ako kilala---” nag crack na ung boses siya at tama nga ako, umiiyak siya.

“ivan” tumingala siya at pasimpleng pinunasan ang luha niya.

“ okay ako, ayoko lang nakikita kang malungkot. Gusto ko makita uli ung ngiti sa labi mo maski hindi ako ang nagbibigay non” tinignan niya ako at ngumiti.

“ bago kita iwan dito gusto kong sabihin muna sayo to” huminga ng malalim.

“ your my first love and that will never die” tumalikod na siya at nag lakad palayo, naka tanaw lang ako sakanya hanggang nawala na sa paningin ko.

Akala nag bibiro siyang iiwan ako, bumalik ako sa room namin at wala nga siya maski ang gamit niya. Nag iwan pa siya ng pera at note na ‘enjoy and smile’, im so happy na nakilala ko siya na sa kabila ng lahat ng nangyari ay nabago ko siya ng ganito.

Ngumiti ako at pinunasan ang luha ko, promise ko babalik akong may ngiti sa labi at kung magkita man tayo ay mag papasalamat ako sa lahat ng tinulong mo saakin dahil kahit hindi na tayo mag asawa ay hindi mo parin ako pinabayaan hanggang sa huli.

AFTER 3 YEARS

Tinupad ko ang pangako ko, im fully healed and kababalik ko nga lang galing abroad. Ung perang inwan niya ay ginamit ko papuntang abroad at doon nag hanap ng daan hanggang may kumapit saakin at nag alok ng trabaho, hindi na ako tumanggi.

Naging maganda ang takbo ng buhay ko doon, na promote ako hanggang naka pag tayo ako ng sarili naming bahay at nakabili ng lupa para saakin at sa kapatid ko. Ang pinaka maganda ay naka pag tayo ako ng branch dito sa pinas sa tulong ng amo ko.

Umuwi ako para imanage na iyon at para narin makasama ang pamilya ko, nakita ko na agad ang sundo ko at ng kakaway sana ako ay may bumunggo saakin. Mabuti na lang napakapit pa ako sakanya pero ang awkward g posiyon namin.

“ tsk” iyon lang sinabi at binitawan ako, kumunot ang noo ko at iniisip na pamilyar ung boses. Napakurap ako ng ilang beses hanggang maalala ko si ivan.

“ ivan!” huminto siya at hinarap ako, inalis ung shade niya at tinignan ako.

“ hi” ngumiti siya kaya ngumiti akong sobrang lawak.

THE END!

THANK YOU SO MUCH PO!

YOUR AUTHOR: D. R. S. R