CHAPTER 28: PAIN
IVAN
After nong hinatid ko siya sakanila ay wala na ako balita sakanya, maski sa trabaho namin di na siya pumasok hanggang nag resign na ako at nag patayo na ng sariling business. Gulat na gulat nga si mr. Raven kung bakit ito ang pinili kong business, sinasagot ko na lang na mas patok ito ngayon pero may isang rason kung bakit ito ang pinili.
Umaasa akong balang araw ay pumasok siya dahil mahilig naman na siyang mag bar, bar ang pinatayo ko. Hindi basta bastang bar kundi high class ito pero pwedè sa lahat kahit high class. Kinausap ko din si mr. Raven na bumalik saakin at tulungan ako sa pamamalakad nito.
“ naka bantay ka nanaman diyan sa mga monitor mo??” tinitignan ko kung baka mapadpad si tyra sa bar ko.
“ mr. Raven bigla bigla na lang kasi siyang hindi na nag paramdam, ganun uli nong nakaraan. Minsan naisip ko ng ipahanap ko siya” sabi ko.
“ ang taong nasaktan at nawala ay mahirap talagang hanapin yan, hintayin mo na lang na kusa kayong pagtagpuin” sagot niya
“ paano pag di bumalik?” tanong ko.
“ ibig sabihin hindi ikaw ang para sakanya” napa buga ako ng hangin.
Sinunod ko nga ung sinabi ni mr. Raven ang mag hintay at lumipas ang araw, buwan at taon ay hindi na siya bumalik. Mukhang tatanggapin ko na hindi na talaga kami para sa isat isa, nag focus na lang ako sa business ko.
“ tabi!!!! Tabi!!!!!!” napaharap ako sa sumisigaw at late na ako nakailag kaya tumama siya saakin, hinawakan ko ang paa ko. Tinignan ko ung tao na naka dapa at iniinda ung pagka bagsak niya.
“ sabi kasing tabi!!!!!” sigaw niya, napataas ako ng kilay.
“ miss ikaw na nga bumangga, ikaw pa ang galit” pagalit siyang lumingon saakin.
Pakiramdam ko tumigil ang oras para saakin, tignan mo nga naman kung kailan binitawan mo, doon naman siya darating sa buhay mo.
“ ikaw pala” sabi ko, tumayo siya at napahawak sa bandang likod niya.
“ mukhang kaya mo namang dalhin ang sarili mo sa hospital kaya ikaw na bahala sa sarili mo, aalis na ako. Busy pa ako” umangkas na siya sa bike niya kaya hinawakan ko agad ang braso niya para mapa ngiwe, may tama pala ung siko niya.
“ aray!!! Hanggang ngayon ba mapanakit ka parin??!!” hindi ko maiwasang ngumiti, ang lalim ng hugot niya.
“ hanggang ngayon ang sungit mo saakin” inirapan ako.
“ sige na, pareho naman tayong nasaktan at malayo naman sa bituka kaya mauuna na ako” mabilis niyang ipinedal ang bike niya, hanggang ngayon lumalayo ka parin saakin?? Hanggang kailan ka titigil sa pag layo?? Hanggang kailan.
Maaga akong pumunta sa bar para asikasuhin, wala kasi si mr. Raven dahil busy siya sa honeymoon niya… kung kailan tumanda doon siya nakakilala ng para sakanya, hindi mo talaga masasabi kung kailan darating ung tao para sayo.
“ sir okay na po ang lahat” tumango ako.
“ ah sir may mga applikante tayo, pinabalik ko sila ng ganitong oras para kayo mismo ang mag hire sakanila kasi iyon ang sabi ni mr. Raven” sabi ng manager ko.
“ sige, papasukin mo sila” tumango siya at iniwan ung mga resume nila sa mesa ko, tinignan ko isa isa at mukhang matitino naman hanggang may napansin akong pamilyar. Ano nangyari dito sa taong to??
Pumasok na sila at tinignan ko sila isa isa hanggang napunta ako sa pamilyar na tao, ngumiti siya at napakamot ng ulo. Hinire ko silang lahat at binigyan na sila ng uniform para mag umpisa na, trainee pa lang sila ng isang linggo tqpos after non mag process sila ng mga requirements.
“ ano nangyari sayo??” ipinaiwan ko muna siya, si cobi.
“ nakakarma” sabay iling.
“ simula nong inamin ang lahat sa papa ni annie ay bumagsak na ang lahat saakin, hindi niya ako tanggap at pilit niyang inilayo si annie. Mabuti na lang talaga ay saakin sumama pero kapalit non ay itinakwil niya siya kahit buntis pa ito”
“ hindi pa siya nakuntento, siniraan niya pa ang kompanya ko at sa lahat kaya nalugmok ako hanggang unti untin naubos kaya heto ako, back to start uli at nagsusumikap para sa pamilya ko” tumango ako, hindi ko alam na ganito ang nangyari sakanila. Nagtataka lang ako kung bakit hindi siya tanggap? Mayaman naman si cobi noon siguro may rason ang ama annie para hindi tanggap.
“ bakit di ka mag trabaho sa mas mataas na pwesto? naka pag aral ka nnaman” sabi ko, umiling siya na parang dismayado.
“ hinaharangan lagi ng ama ni annie kaya ito na lang ang choice ko” sagot niya, kung kailan ka naman nagka pamilya doon ka pa magigipit. Buhay nga naman, napaka mapag larong buhay.
“ kamusta, hindi ko inaasahan na ganito ang business mo” ngumiti ako.
“ dahil lang naman sa isang tao kaya ito tumayo” naka tingin lang siya saakin.
“ kamusta na siya??” tanong niya.
“ wala akong alam, minsan ko lang siya nakita pero nag sungit tapos wala na. tanggap ko naman na, tanggap ko na hindi siya para saakin” napa buntong hininga na lang ako.
“ ano ka ba, sabi nga nila it comes to the right time” tumango ako.
Nag paalam na siya at trabaho na, ako naman ay nag trabaho na dahil balak kong hindi pumasok bukas. Dadalawin ko kasi ang magulang ko bukas, ika 5 years death anniversary nila kasi bukas kaya hindi ako papasok.
Alas dose na ako ng gabi natapos, tinignan ko ang monitor ko na punong puno nanaman ang bar ko. Nanunuod lang ako ng may mapansin akong may nag kukumpulan, parang may away. Lumapit na ang mga bouncer ko para sitahin sila, kaya na nila yan.
Tumayo ako para umuwi, kinuha ko ung bag ko at papatayin ko na ung monitor ko ng may mapansin ako na pamilyar, tinignan ko ng maigi at parang si tyra. Nanlaki ang mata ko, lumabas ako at pinuntahan ung kumpulang tao.
“ sir ung bagong hire at ung customer natin nag aaway” napa buga ako ng hangin.