CHAPTER 18: SHOCKED
TYRA
“ ibalik mo lahat sa dati!!!” sigaw niya, kita ko ang galit sa mukha niya kaya nag madali naman ako at pinag tutulak ung mga drawer, kahit hirap pinilit ko.
Dumating si mr. raven na gulat na gulat, lalapitan sana siya pero sinigawan siya ni ivan na wag akong tulungan.
“ siya ang may gumawa niyan kaya siya ang mag babalik niyan, subukan niyo siyang tulungan at papalayin ko kayong lahat dito!” sabi ni ivan.
“ kukunin ko lang ung kurtina” mahina kong sabi, lumabas ako sa kwarto. Hindi na napigilan ung luha ko na ttumulo, bumalik na ako sa kwarto at inuna munang ikabit ung kurtina. Ihuhuli ko na lang muna ung drawer kasi hirap ako.
Nakanuod lang sila saakin habang inaayos ko ang gamit, kahit hirap na hirap nagawa kong tapusin at inabot ako ng gabi. Sobrang pagod ko at sobrang gutom na ako, bumaba na ako para kumain pero nakita ko si ivan sa baba kaya hindi na ako tumuloy at bumalik na lang.
Naligo na lang ako at inihiga na lang sa kama, nagising ako na masakit ang katawan at nanghihina. Bumangon ako para maligo dahil may klase pa ako, bumaba na ako at naabutan ko sila s baba na nag aalmusal.
Hindi na ako nag diretso doon at lumabas na ako, binuksan ko ung wallet ko, napa buntong hininga na lang ako. Nag lakad na ako papuntang school, mabuti na lang maaga ako. Nakarating na ako at mabuti na lang may oras pa ako, dumaan ako sa canteen at kumuha ng pagkain, mabuti na lang talaga libre
“ dahan dahan baka mabulunan ka naman” si cobi, ngumiti ako ng tipid at pinag patuloy ung pagkain.
“ may sakit ka ba?? Namumutla ka??” umiling ako, natapos ko na ung pagkain ko at uminom na ng tubig.
“ pagod lang, mauna na ako” tumayo na ako ng bigla niyang hinila ung kamay ko.
“ andito lang ako pag kailangan mo ng tulong” ngumiti ako at tumango, nag lakad na ako palayo at pumasok na sa room.
Natapos na ang klase ko, dumaan ako sa canteen para kumain para hindi na ako kakain sa bahay. Natapos na akong kumain kaya uuwi na ako ng makasalubong ko sila ivan at stella, umiwas ako ng nag salita si stella.
“ doon ka muna sa kapatid mo matutulog sabi ni ivan” hindi ko na sila nilingon at tumango na lang ako, umuwi na ako at kumuha na muna ng ddamit
“ mr. raven don muna ako sa kapatid ko daw” kita sa mukha niya na ayaw pero alam niya naman kung bakit.
“ ssige, babalitaan kita” tumango ako, pababa na ako ng makasalubong ko sila ivan. Nag lakad lang ako at nilampasan sila, gusto ko lang naman maging maaliwalas ung kwarto at akala ko hindi magiging issue na pakikialaman ko dahil asawA ko naman siya.
Akala ko talaga okay kami pero simula nong si stellA ang kasama at nong nag away sila ni mr. raven ay hindi na malaman kung paano kikilos dito sa bahay na ito.
Mas okay nga na doon muna ako sa ate ko, nag lakad na ako dahil nag titipid ako. Binibilisan ko para hindi ako maabutan ng gabi dahil na trauma ako sa nangyari noon.
Beep! Beep!
Nilingon ko ung bumisina at si cobi pala, huminto siya at sinabing sakay na kaya sumakay ako. Mas okay ng sumabay ako kaysa maabutan ng dilim, mahirap na.
“ saan ka pupunta?” tanong niya.
“ sa kapatid ko, pwede bang pahatid ako doon??” ngumiti siya at tumango.
“ pinalayas ka??” umiling ako.
“ doon muna ako, mas okay na din iyon kasi ang hirap gumalaw doon sa bahay na iyon” biglang may kung anong bumara sa lalamunan ko kaya napa tingin ako kay cobi.
“ okay lang, hindi masamang umiyak” nginitian ko siya at tumanaw sa may bintana, tumulo ang luha ko.
Ang sakit kasi, oo wala kami ng feelings para sa isat isa at itong idea na ito ay para lang sa kapakanan ng pamilya ko dahil naawa nga siya saakin. Ako kasi isinabuhay agad ang pagiging mag asawa namin at hindi inisip na itong ganap saamin ay dahil lang pala sa pamilya ko.
Masyado din ako nag assume at umasa na talagang magiging mag asawa kami kahit wala kami nong tinatawag na ppagmamahal, umiiyak ako dahil sa maikling panahon na iyon ay napa mahal ako sa taong magulo.
Napamahal ako sa wAlang emosyob na tao, napamahal ako sa isang taong manhid, napa mahal ako sa isang tao na kuntento na lang siya sa kung ano meron siya. Nakarating na kami sa condo ni ate, nag pasalamat ako kay cobi at gusto niya pa sanang makilala si ate pero gabi na kaya saka na lang daw..
Pinag buksan ako ni ate, gulat nga siya kung bakit ako andon. Pumasok ako at naabutan kong tulog na ang anak niya, binigyan niya ako ng tubig.
“ dito muna ako” sabi ko sakanya..
“ nag away kayo??” umiling ako.
“ ilang araw lang ako dito” sagot ko.
“ ano ka ba okay lang kung dito ka kaso aalis kasi kami, nakahanap kasi ako ng trabaho at okay naman sakanila na maay anak. Doon na din kami mag sstay dahil libre naman, nalungkot ako. Kung kilan naman na kailangan ko siya ay aalis siya pero okay lang para naman sa anak niya itong trabaho.
“ kailan alis niyo??” tanong ko.
“ bukas na kaya nag aayos ako ng gamit namin, hindi ko pa nga nasasabi sa asawa mo. Ikaw na lang mag sabi kung sakali” tumango ako.
Matapos naming mag usap ay natulog na kami, siguro tulog na sila habang ako ay hindi. Hindi ako makatulog dahil sa kakaisip kung didito ba ako o pupunta na lang sa bahay ng magulang ko. Inabot na ako ng madaling araw bago ako maka pag ddesisyo at hindi na nakatulog.
Minessage ko si ate dahil napag desisyonan kong pupunta na lang sa bahay kaysa tumira dito.