CHAPTER 19: MY WAY

IVAN

Para akong bata na nawawalan ng landas, hindi ko alam kung ano ba balak ko. Gulong gulo ako simula nong wAla si mr. raven sa tabi ko, mabuti na lang talaga aay andiyan si stella para payuhan ako pero bawat desisyon ko na lang ay laging may second thoughts.

“ ivan, ilang buwan na lang pala ay gra-graduate kana. Anong balak mo kung sakali??” tanong ni tita mara, dinalaw niya kasi kami.

“ siguro mag tra-trabaho” sagot ko.

“ bakit ka pa mag tra-trabaho? mEron naman kaming mga empleyado mo na mag tra-trabaho para sayo” sagot ni tita

“ oo nga naman ivan, andiyan si mama kaya mas okay ng dumito kana lang or mag bakasyon” sabi ni stella.

“ parang kasing ggusto kong mag trabaho at alamin kung paano patakbuhin ang kompanya, tama naman si mr. raven na hindi ako tumatanda at kahit may ari man ako ng kompanya ay kailangan kong mag trabaho” sagot ko.

“ ano ka ba, wala ka bang tiwala saakin? Hindi masama ang plano mo pero pinapagaan na nga namin ang buhay mo ayaw mo pa? ivan dumito ka na lang at enjoyin ang buhay. Andami mong pera kaya bakit hindi mo gastusin? Mamuhay ka ng marangya dahil pag namatay ka hindi mo madadala ang pera” napa isip ako, tama din naman si tita.

“ you should treat your self dahil deserve mo lalo pat naka pag tapos kana” sabi pa ni tita.

“ okay pero after ko mag graduate” sagot ko, nginitian nila ako at napa tingin ako kay mr. raven na parang hindi niya gusto ang desisyon ko.

Umalis na sila, may pupuntahan pa da kasi si tita mara at sinamaha ni stella, pumunta akong kusina para kumuha ng makakain.

“ kamusta na si tyra?” tanong ni mr. raven.

“ I don’t know, mukhang okay naman siya sa may kapatid niya” sagot ko.

“ ivan hindi mo man lang siya pupuntahan or kakamustahin---” tinignan ko siya.

“ kailan ko ba ibinalik ang dati mong trabaho?? Diba sabi ko wag kang mangingialam at ung sa bahay lang ang pakialaman mo” naka tingin siya saakin.

“ ano bang nanyayari sayo ivan?? Para kang robot na napaka daling kontrolin” sabi niya, napa ngiti ako.

“ bakit ganun ang ginagawa mo saakin noon diba?? Hindi mo lang matanggap na malaya na ako ngayon at nagagawa ang lahat kaya binabaliktad mo para ano? Kontrolin ako uli???” sumama ang mukha niya sa pagkakasabi ko.

“ hindi kita konontrol. Lahat ng ginagawa ko ay para lang sayo, para sa ikakabuti mo dahil king hindi ko ginawa iyong mga iyon. Ngayon pa lang nag hihirap kana dahil inubos na ng tita mo ang yaman mo”

“ alam mo hindi ko sana sasabihin sayo pero mas okay ng malaman mo dahil hindi ka naman marunong mag appreciate ng mga giinawa sayo ng ibang tao” dugtong niya pa.

“ nasa kwarto ko lahat ng mga dokumento na nag papatunay na aang tita mo ay isang traydor, tignan mo ng malaman mo at total sabi mo kinokontrol kita? Aalis na lang ako para makuha mo ang kalayaan na gusto mo”

“ mas okay din na hiwalayan mo si tyra dahil hindi niya deserve ang isang tulad mong walang patutunguhan ang buhay” nag lakad na siya palayo at naiwan akong tulala.

Papunta ako sa kwarto ng makasalubong ko si mr. Raven na dala dala na ang kanyang gamit, hindi niya ako pinansin at bumaba na siya. Papasok na ako sa kwarto ng maisip ko ung sinabi niyang nasa kwArto niya ang mga nag papatunay na niloloko ako ni tita.

Hindi ko alam pero andito ako sa kwarto niya, inilibot ko ang mata ko sa kanyang silid at napansin ang mga folder sa may mesa. Nilapitan ko iyon at kinuha ung naunag folder, bungad pa lang ay may mga litrato na ni tita.

Tinignan ko ung nasa baba na pirmado ko, sa pagkakaalam ko never pa ako pumipirma ng kung ano ano sa kompanya dahil sabi ni tita ay hindi na daw kailangan at mag tiwala na lang ako sakanya.

May mga pirmado ko na hindi ko alam, nagulat lang ako ng may makitang binebenta ang ilang shares ko na aprobado ko? Kailan pa ako nag benta ng shares ko. Kinuha ko ung isang folder at binasa, isinunod ang iba hanggang nanghina ako at napa upo

Hindi ako kayang lokohin ni mr, raven dahil mahal niya ang pamiya ko, kung totoo man ito kailangan kong mag ingat ngayon pa alam ko ang lahat. Kinuha ko ung mga folder at at inilagay sa safe ng kwarto ko.

Ano na ang gagawin ko ngayon? Wala si mr. raven para pagtanungan ko kung anong gagawin ko. Naguguluhan tuloy ako kung anong gagawin ko, kinuha ko ung phone ko at tatawagan ko si tyra ng naisip ko na bakit ko siya tatawagan sa kabila ng pagpapalayas ko sakanya dito sa bahay dahil lang sa paglilinis niya.

Nagulat lang ako at hindi ko sinasadya na pagtaasan siya ng boses, hindi lang kasi ako sanay na pakialaman ang kwarto ko. Hindi ko naman naisip na hindi ko na pala iyon kwarto kundi kwarto na namin pala kaya okay lang na pakialaman niya.

Kakausapin ko sana siya pero nakita ko sila ni cobi tapos sabi pa ni stella na ang sweet nila sa canteen, hindi dapat siya lumalapit sa lalaking iyon dahil nga may asawA na siya. Hindi lang naman si stella ang nakakakita sakanila na magkasama kundi maski ako, hindi ko lang nahuhuli na ang sweet nila

Oo utang na loob niya ung pagsagip ni cobi sa buhay niya pero hindi iyon rason para lapitan niya si cobi o kausapin, pangit ba ako?? Bakit di siya makuntento saakin. Inihagis ko na lang ung phone ko at humiga.

Nag isip ako ng kung anong gagawin, hanggang naka idlip ako. Namalayan ko na lang na may kung anong humihimas sa buhok ko, inimulat ko ung mata ko at ang nakita ko ay mukha ni tyra pero pumikit ako at nakita ko si stella kaya napa bangon ako.