CHAPTER 17: WIFE

TYRA

Nasa pisbolan kami ng makita ko sa kabilang kalsada sila ivan at stella, never man lang niya ako niyaya. Laging si stella, siya ba ung aasawa? Pakiramdam ko iniiwasan niya ako nitong nakaraan simula nong malapit na ako ma rape.

“ yang tingin mo” si annie, napa ngiti ako at yumuko.

“ kung ako yan magseselos ako” singit ni cobi.

“ asawa ko yan tapos ganyan kahit pinsan ko” dugtong niya pa.

“ mahal ka ba talaga ng asawa mo??” tanong niya, natahimik ako kasi alam ko ung sagot pero ang hirap sabihin.

Hindi ko din maintindihan itong nararamdaman ko, bakit naninikip ung dibdib ko kapag nakikita ko sila ng ganito. Kahit sa bahay ganito sila, akala mo wala ako doon at ganun sila. Napa buga na lang ako ng hangin.

Papalapit sila ddito mukhang mag pipishbol na din sila, umorder sila at tahimik lang kami habang kumakain. Napansin kung may tumulo na sauce sa damit ko, pupunasan ko sana ng biglang pinunasan naman si cobi habang naka ngiti.

Napa tingin ako kay ivan na kumakain lang, akala ko makikitain ko siya ng kahit konting inis or ano kaso wwala

“ thank you” kinindatan ako ni cobi.

“ cobi may gusto ka kay tyra??” ano?? Gusto agad?? Kakikilala lang namin.

“ kasi ikaw ung nasa bar diba? Tapos sinundan mo pa talaga siya dito so it means gusto mo siya?” dugtong niya pa.

“ haha sinong hindi magkakagusto sakanya, maski may asawa yan gugustuhin yan” sagot naman niya, tinignan ko uli si ivan at nadidismaya lang ako dahil wala man lang akong nakukuha na emosyon sakanya.

“ ivan oh ung asawa mo may nagkakagusto” sabi ni stellA kay ivan.

“ that’s good to here” sagot niya sabay subo ng pagkain niya.

“ wala lang sayo kahit mayka gusto sa asawa mo??” tanong niya.

“ its not a big deal” sagot niya, parang gusto ko tuloy siyang tusukin ng stick dahil sa mga sinasagot niya.

“ oh tyra hindi daW big deal ibig sabihin kung ka gusto ka din sakanya ay okay lang, ivan have a kinnd of heart” sabi niya, ngumiti ako.

“ okay, magsasabi naman ako pag na inlove na ako” sagot ko, ito ang gusto mong sagutan diba, hmp!

“ oy! Bakit parang gusto mo silang mag hhiwalay” si annie, umiba naman ang timpla ng mukha ni stella.

“ pinsan ka ba niya talaga, hindi ba dapat maging supportive ka sa relasyon nila hindi ung sinusogsug mo pa sa iba” dugtong ni annie, namula naman siya na parang napahiya siya.

“ masama bang mag tanong?” inirapan niya si annie sabay talikod at kumain na.

Matapos na kaming kumain ay nagkayayaan ng umuwi, aaminin ko na hinihintay kong yayayain ako ni ivan na sumabay na sakanya pero wala akong narinig at si stella lang ang niyaya niya. Nalungkot ako dahil bakit ganito siya.

“ hatid ko na kayo” sabi ni cobi, tumango ako at ngumiti ng timid. Bago sumakay sa kotse ni cobi tinignan ko muna sila ivan, pina upo niya pa talaga sa harap?? Sumakay na lang ako sa sasakyan at hindi pinapahalata na umiiyak ung puso ko.

Ako ang inunang hinatid bago si annie, pumasok na ako sa loob at nakasalubong ko si mr, raven. Lumapit siya saakin na parang may kakaiba.

“ bakit po?” tanong ko.

“ hindi maganda ang uwi ni ivan” bulong niyang sabi, siya pa talaga sasama ang loob na dapat ako.

“ sige po” tumango siya at dumiretso na ako sa kwarto namin, nadatnan ko siya na umiinom sa may veranda. Hinayaan ko na lang siya at nag shower na pagka labas ko nagulat ako dahil naka sandal siya sa may ppader

“ tapos na ako” iyon lang sabi, mag lalakad na ako ng hinawakan niya ang braso ko. Tinignan ko siya na naka tingin saakin.

“ bakit?” tanong ko.

Niyakap na lang niya ako at hindi kumibo, ilalayo ko ung katawan ko pero hindi niya pinapayagan kaya hinayaan ko na lang siya. Tamado na ba siya agad sa ininom niya? Saglit lang naman ang agwat namin sa pag uwi ah.

Pagkatapos niya ako yakapin ay lumabas na siya, ano iyon?? Wala man lang sasabihin or bigla lang iyon tinupak. Hindi na ako nag over think dahil masasaktan lang din nanaman ako.

Kinabukasan wala akong pasok kaya naisipan kong mag linis ng bahay, nag pa tulong ako kay mr. Raven at sakto naman na ngayon siya mag lilinis. Hindi ko na naabutan si ivan pero kagabi ay hating gabi na siya pumasok sa kwarto namin

“ ito na mga pinakuha momo kurtina, sigurado ka ba dito na babaguhin mo kahit hindi alam ni ivan. Noo kasi laging gray ang sinasabi niyang kulay lang ng kurtina ng bahay” sabi ni mr. raven.

“ ang dull po kasi pag gray at madilim, mas okay na sumubok ng para at promise magugustuhan niya dahil hindi naman o. a ung kulay na ilalagay ko” sagot ko.

“ osige iwan na kita at mag lilinis naman ako” tumango ako.

Inalis ko na ung mga kurtina, bago ko ilagay ay nag linis muna ako. Inayos ko ung mga ggamt niya, ini arrange ko ung mga drawer, nag patulong naman ako sa mga katulong kaya nailipat namin. Nagustuhan nga nila dahil lumuwang at maayos tignan daw.

Tanghali na ako natapos mag linis sa kwarto pa lang namin ah, ngumiti ako ng makita ko ang outcome dahil sobrang ganda at napaka aliwalas tignan.

“ hala ka! Bakit mo inibahan?!! Alam mo bang paborito niya ung kurtina na iyon tapos bakit mo ginalaw ung mga gamit niya??!! Ayaw niyang ginagalaw gamit nniya” nagulat pa ako sa pag dating ni stella.

“ hindi naman ata masamang sumubok ng ibang kulay at hindi ko naman pinakialam, pinalawak ko lang naman ung kkwarto” sagot ko.

“ kahit na, magagalit---”

Napatingin kami sa dumating na si ivan, nginitian ko siya at lumapit pero biglang umiba ung itsura niya.

“ sinabi ko ng magagalit ka—” lumapit siya sa may mga kurtina at pinag aalis, napunit pa nga ung ibang kurtina dahil sa paghila niya.