Chapter 8 Rexton
"You're joking," hindi makapaniwalang saad ni Jerome.
"I wish I am," malungkot na bulong ni Jhasphere sapat para marinig ng natigilang kausap.
"Mauna na ako, Jhasphere."
Nabaling sa lalaking nasa late-twenties na ang edad at may hila-hilang silver na maleta ang kanilang atensiyon. Tumigil siya sa kanilang harapan.
"Jers—rome? Jerome?"
"Kuya Rexton?"
"Ikaw nga ba iyan, Jerome?"
Tumango siya.
"Tagal na panahon na ah. Kamusta ka na?" Kumurba ang kaniyang labi ng mapansin ang posas sa palapulsuhan ng dalawa. "Kaya pala kahit anong hanap ang gawin ko, hindi ko makita, naka-posas na pala sa kriminal."
"Hindi ka pa rin nagbabago, kuya, an'sakit mo pa ring magbiro."
"Ikaw din, hindi ka pa din natatawa sa mga biro ko."
"Tsk." Sarkastiko siyang tumawa. "Okay na?"
"Ewan ko sa'yo Jerome," sabi ni Rexton at bumaling sa kapatid.
Si Rexton 'yong tipo ng tao na hindi sinasala kung ano ang lalabas sa kaniyang bibig. Kung ano ang unang salitang pumasok sa isip niya, iyon na iyon. Wala siyang pakialam makasakit man ng iba. Alam iyon ni Jerome, sanay na siya dito, subalit tao lang naman siya, may pakiramdam, nasasaktan. Sa kabila nito, hindi maitatanggi ang pagiging mabuti niyang tao.
"Kung magkakalat kayo ng libog sa bahay, siguraduhin niyong lilinisin niyo bago pa dumating si Papa. Alam mo namang tutol siya sa relasyon niyo. Kapag may naamoy iyong chlorine panigurado gagawa na naman iyon ng paraan para paghiwalayan kayo. Iiyak ka na naman," duro niya kay Jhasphere.
"Kuya!"
Nakalolokong ngumiti si Rexton at tumingin kay Jerome na naguguluhan sa mga naririnig. Humagalpak siya ng tawa na mas lalong nagpakunot sa noo ng huli at nagpa-init naman ng ulo ni Jhasphere dahilan para pabiro niyang sipain ang pwetan ng kapatid.
"Umalis ka na nga! Hinihintay ka na ng mga mahal mong priso!"
Masamang tinitigan ni Rexton ang kapatid habang hinihimas-himas ang pisngi ng kaniyang pwet habang naglalakad palapit sa maletang sinipa din ni Jhasphere.
"Seryoso, Jerome, maniwala ka man o hindi, wala lang talaga siyang pagpipilian two years ago kun'di ang talikuran ka."
"Shut up, kuya! Ako na ang magpapaliwanag. Umalis ka na lang. Mag-iingat ka sa biyahe. Bye!"
Hinawakan niya ang palapulsuhan ng kamay ni Jerome na naka-posas gamit ang kamay niyang naka-posas din at marahan siyang hinila para bumaba, habang ang libre niyang kamay ay nakaharang sa itaas ng pinto upang hindi mauntog si Jerome. Sinara niya ang pinto ng sasakyan.
"Ba't nandito ka pa, kuya?"
"Tsk! Oo na! Aalis na ako! Atat ka masyadong ma-solo si Jerome! Dahan-dahanin mo lang. Alam kong sabik na sabik ka, pero isipin mo ang kapakanan niya."
"Dami mong alam, kuya!" Mahinang sinipa ulit ni Jhasphere ang pwetan ng nakakatandang kapatid. Tawang-tawa itong naglalakad palapit ulit sa dalawa habang iniinda ang sakit at hinihimas ang parteng sinipa ng kapatid.
"Ito na. Totoo na 'to. Alis na ako. Bye." Hinila na niya ang kaniyang maleta. Ngunit ilang hakbang lamang, muli siyang humarap.
"Paalala lang, Jerome. Hayop sa kama iyang kapatid ko. 'Apaka-wild! Rawr!"
Mabilis na nag-init ang mga pisngi ni Jerome at napayuko. Maya-maya pa'y tumalikod siya at pinaypayan ang sarili gamit ang palad ng kaniyang malayang kamay ng maalala ang isang gabing puno ng aksyon.
Humagalpak ng tawa si Rexton.
"Hindi na pala kailangan. Mukhang alam mo na ang tungkol doon. Mukhang na-experience mo na."
Nahihiyang ipinihit ni Jhasphere ang katawan sa kabilang gilid. Sa kaniyang labi nakapinta ang tila nagmamalaking ngiti.
"Masarap b—"
Bago pa man matapos ni Rexton ang kaniyang sasabihin, natakpan na ni Jhasphere ng kamay ang kaniyang bunganga na agad din niyang inalis ng maramdaman ang pabagsak na katawan ni Jerome.
Nakalimutan niyang naka-posas ang kanilang kamay, kaya nahila niya ito. Dahil sa hindi handa, madaling nadaig ng biglaang pwersa si Jerome at nawalan ng balanse.
"Oh!"
Mabilis na inikot ni Jhasphere ang katawan paharap kay Jerome, iniluhod ang isang tuhod at ginamit ang sariling pangharang upang hindi bumagsak ang huli. Sa magkabilang-balikat ni Jhasphere lumapat ang dalawang kamay ni Jerome. Dito siya nakakuha ng suporta. Nakahawak sa may bandang siko ng naka-posas niyang kamay ang naka-posas ding kamay ni Jhasphere.
Nagkatitigan ang dalawa. Titig na titig. Pakiramdam nila pareho, tumigil ang buong paligid at nakasentro lamang sa kanilang dalawa ang oras. Kitang-kita ni Jerome ang paggalaw ng mga talukap ni Jhasphere sa tuwing siya ay kukurap at ang pagtaas-baba ng adam's apple nito. Dinig na dinig din ni Jerome ang malakas na tibok ng puso niya.
Bakit ganoon, Sphere? Kahit gaano ako kagalit, pangalan mo pa rin ang paulit-ulit na sinisigaw ng puso ko? Bakit mahal pa rin kita sa kabila ng lahat? Bakit may parte sa puso kong nagnanais na bigyan ka ulit ng pagkakataon? Bigyan ulit ng pag-asa ang relasyon nating dalawa? Bakit?
Dahan-dahang inilalapit ni Jhasphere ang kaniyang mukha. Alam na ni Jerome ang susunod na mangyayari, may pagtutol man, nagpatianod siya sa kagustuhan ng kaniyang damdamin. Ipinikit niya ang mga mata at kabadong hinintay ang paglapat ng mainit at malambot na labi ni Jhasphere sa kaniya.
Sunod-sunod na flash at shutter sound ang bumalot kay Jerome, hatid ng mga ito'y alaalang hindi kanais-nais. Mabilis siyang umayos ng tayo. Ganoon din si Jhasphere, na masamang tinitigan ang nakatatandang kapatid habang pinapagpagan ang kaniyang tuhod.
"Siguradong matutuwa nito si Mama," masaya niyang sabi habang isa-isang tinitingnan ang mga larawang kinuha niya. "Una na ako. Bye! Ah! May condom nga pala sa drawer ng mini table sa tabi ng kama ko. Just saying. Hirap na baka makabuo kayo," mabilis niyang sabi at nagsimulang maglakad paalis, hila-hila ang kaniyang maleta. Hinanap niya ang pangalan ng kaniyang ina sa kaniyang phonebook at mabilis itong tinawagan.
"Ma, may ipapakita ako sa'yo mamaya. Tiyak na ikatutuwa mo 'to. Promise!"
"Pasok tayo," aya ni Jhasphere ng mawala na sa kanilang paningin ang kaniyang kapatid. Humakbang siya ngunit hindi si Jerome, dahil dito nahila niya ang namumula ng palapulsuhan ng huli dahilan para mapasinghap ito sa sakit at lumikha ng tunog na tila humihigop.
"Ayos ka lang?" taranta niyang tanong. Ngunit wala siyang nakuhang sagot.
"Kailan pa?"
Kumunot ang kaniyang noo. "Ang alin?" tanong niya.
"Ang sakit ni Ethan? Kailan pa iyon?"
"Hindi ko alam."
"Hindi mo alam?" Hindi makapaniwala niyang bulalas. "Ba't hindi mo alam?"
"Dahil hindi ko tinanong."
Napasuklay na lamang sa kaniyang buhok si Jerome at huminga ng malalim upang pigilan ang inis na nararamdaman niya.
"Kailan mo nalaman?"
"Noong nakaraang dalawang buwan. Sabay naming nalaman ni Jerson."
Natigilan si Jerome.
"Alam ng kakambal ko?"
Tumango si Jhasphere.
"Iyon nga ang nakakatawa eh. Pareho nilang alam ang tungkol sa kalagayan ng isa't isa, pero hindi nila alam na alam nila pareho. Now, pwede bang ang sa atin naman ang pag-usapan natin?"
"Sa atin?" nanunuyang tanong ni Jerome habang naka-ngiti na tila hindi makapaniwala. "Wala ng tayo, Jhasphere. The very moment that you turn your back on me, natapos na din ang sinasabing mong sa atin."
"Let me explain first."
"No need. Sapat na ang mga sinabi ni kuya Rexton para maintindihan ko kung bakit mo ako tinalikuran. But, it doesn't mean na babalik tayo sa dati." Huminga ng malalim si Jerome. "Alisin mo na 'to. Kailangan kong makita si Ethan."
Napabuntonghininga si Jhasphere.
"Nasa loob ng bahay ang susi. Tara." Walang lakas niyang wika.
Dumiretso sila sa ikalawang palapag at pumasok sa silid na puro kulay asul at napapalamutian ng kung ano-anong gamit na may kinalaman sa pagbabasketball. Ini-lock ni Jhasphere ang pintuan dahilan para titigan siya ni Jerome. Titig na nagtatanong.
"Hindi ka makakaalis sa kwarto ko hangga't hindi mo ako pinapakinggan."
Napapikit ng mariin si Jerome at humigop ng hangin.
"Fine! Makikinig ako. Pero, pwede bang kumain muna tayo. Kanina pa ako nagugutom."