Chapter 11: Unwanted Guest
Eliz’s Point of View
What the?! Ito na ba yung kinatatakutan ko?
Nakita kong may tatlong lalaki na naka-all black ang nasa pinto ng hall at may hawak na baril na para bang may hinahanap dahil sa patuloy nilang paglinga sa paligid.
Mabuti at walang natamaan sa putok ng mga baril kanina dahil sa paso ng halaman iyon tumama na nasa gilid ng stage.
"Ahhh!!"
"S-sino sila?!?!"
"Principal Sevastian! Tara po sa back stage!" halos hindi nila maintindihan kung saan sila tatakbo, ang iba ay nagtago sa ilalim ng mesa, ang iba ay nasa may sulok.
"Ruhan! San ka pupunta?!"Sigaw ko ng makita si Ruhan na tumakbo pababa ng stage.
Bang!
Nataranta ako pero nakita ko si Ruhan na may kinuha sa loob ng tuxedo niya—baril?! Bakit may baril siyang dala?!
"Eliz! Tara na!"sabi sakin ni Nathan kasama si Shin at parehas silang may hawak na baril.
"Ano bang nangyayare?!"Natataranta kong tanong habang tumatakbo kami papunta sa backstage.
Alam kong gangster si Ruhan pero nagugulat parin ako sa mga nangyayare. Ibig bang sabihin nito ay gangster din ang pinsan ko? Humanda talaga si Nathan kapag nagkita kami, nagawa pa talaga niyang magsikreto sa akin?
"Mamaya na kami magpapaliwanag basta dito ka lang!" ani Nathan at iniwanan ako dito sa may backstage.
"Lolo! What's happening?!"hindi ko mapigilan ang mag-alala. Bakit naman kasi nagkatotoo iyong kutob ko?
"I don't know pero baka dahil sa death threat, ito na nga ba ang sinasabi ko eh kung kailan maraming madadamay, doon sila aatake!"galit nag alit na wika ni Lolo.
Ikinalma ko ang sarili ko dahil wala namang magagawa ang pagpapanic ko. Sumilip sa smay stage at napansin na wala ng tao maliban sa ilang estudyante na nandoon.
"Buti at umalis na sila!"
"Oo nga! Nakakatakot!"
"Sino kaya yun?!"
"Where are you going?”tanong sakin ni Lolo at pingilan akong lisanin ang back stage.
"Wala na po sila. Kakamustahin ko lang po sila kung may nasaktan ba.."Sabi ko at kinumbinsi si Lolo gamit ang aking tingin.
Pinayagan niya akong lumabas ng backstage at nagtungo sa ibaba ng stage. Kumapara kanina ay mas makalat na ngayon at nagkalat ang piraso ng paso ng halaman na tinamaan ng baril kanina.
"Eliz! I'm glad you're okay!"Alalang sabi ni Lyca.
"May nasaktan ba? Okay lang ba kayo?!"Tanong ko at umiling siya.
Hoo! Mabuti na lamang at walang nasaktan. Kargo pa kasi namin kung may mangyari sa kanila. Paniguradong marami ang magrereklamong mga magulang
"Teka nasan si—Where is Ruhan? Where are the Prime 4?!" napagtanto na wala sila, silang apat. Kahit ang pinsan ko ay wala.
"Ayun na nga! Tumakbo sila palabas—Where are you going!? Eliz!"Sigaw ni Lyca pero diko na siya pinansin at mabilis na tumakbo palabas ng Hall.
Mabilis akong tumakbo at tiningnan ang paligid. Mabuti at naisip kong mag-rubber shoes kaya madali akong maka-takbo.
Bang!
"Ruhan! Nathan! Where are you?!"Sigaw ko at pilit na hinahanap ang pinanggalingan ng putok ng baril.
Sh*t! Asan na ba sila?! Sana naman okay lang sila!
Patuloy lang ako sa pagtakbo ng matalisod ako sa bato. Madali akong tumayo at pinagpag ang kamay ko at—at—dugo?!
Tiningnan ko ang lupang pinagbagsakan ko at may dugo , pero kaunti lang. Pero kahit na! Dugo parin yun!
Uh-oh! Pero kanino naman ito?
Nakita ko ding may mga ilang patak ng dugo sa hindi kalayuan kaya sinundan ko iyon pero biglang nawala ng mga dugo.
"Asan na kayo?"Bulong ko at pikit na pinapakalma ang sarili ko.
Hindi ako matitigil hangga’t hindi ko nkikita ang isa sa kanila. Lalo na’t alam ko na hindi pa umaalis ang mga sumugod na lalaki kanina. Ang tanong, sino sila?
"Bakit—"ang hindi maipaliwanag na lamig sa sentido ko ang dahilan ng panandaliang pagkatigil ng mundo ko. Mariin akong napapikit at umaasa n asana ay may dumating na tulong.
"S-sino ka?"kahit nangangatal ay nagawa ko paring magsalita.
Alam kong baril iyon at isang kalabit lang ng gatilyo noon ay paniguradong deretso ako sa langit.
"Ikaw yung apo ni Sevastian.. hindi ba?" sabi niya.
"S-sino ka sabi?!"hindi siya nagsalita.
Oh god, please help me.
"Queen!" pareho kaming napalingon sa may likuran. Noon una ay hindi ko pa makilala pero habang papalapit ay nakikita ko ng mas malinaw ang mukha niya.
Isa siya sa Prime 4. Kean, right?
Biglang pumunta ang lalaki sa likod ko at kinulong ang aking leeg ng kanyang mga braso habang nakatutok parin ang baril sakin.
"W-wag please..."hindi ko maiwasan ang mapapikit.
Mamamatay na ba ako? Please sana manlang nakapag-paalam manlang ako kina Mom and Dad.
"Wag kang lalapit kung hindi ay babarilin ko ang babaeng ito!"sigaw ng lalaki kay Kean.
Natakot ako ng lalong idikit nung lalaki yung baril sa sentido ko. Anong gagawin ko??!
Ewan ko ba pero ngayon lang ako natakot ng ganito, siguro dahil marami na talagang madadamay.
.
.
"Bitaw,"isang boses ang nanggaling sa hindi kalayuan.
Hindi ko namalayan pero unti-unting nawala ang pagkaka-hawak sa akin ng lalaki.
Tumingin ako sa likuran ko at nakita si Ruhan. May hawak siyang baril at nakatutok sa lalaking nasa likod ko kanina.
"R-ruhan..."
"Umalis ka o papasabugin ko ang ulo mo? Wala ka ng kasama, umalis na silang lahat at ikaw nalang ang natitira."Kampanteng sabi ni Ruhan pero parang may mali sa kanya.
I don't know what but I'm sure, there's something not right with him.
Nagdalawang isip pa yung lalaki pero agad din itong tumakbo palayo. Iminustra naman ni Ruhan kay Kean na sundan ito.
"Ruhan..."Sabi ko at patakbong lumapit sa kanya.
"M-mabuti at okay ka lang,"sabi niya at niyakap ako.
Nahalata ko na maputla ang mukha niya. "Ruhan..."Sabi ko pa habang nakayakap sa kanya.
"Ruhan.. why aren't you talking—R-ruhan.." hindi ko na naiwasan na maluha ng makita na halos naging kulay pula na ang kamay ko
D-dugo! Maraming dugo!
"Ruhan! May tama ka!"Ssabi ko at tiningnan siya, kaya ba maputla ang mukha niya?!
Sa kanya ba yung dugo na nasa kamay ko kanina nung nadapa ako?!
"E-eliz.."Nahihirapang sabi niya at tuluyang bumagsak ang katawan.
"Damn! Help us! Ruhan!"Sigaw ko. Umupo ako ng pa indian-sit at inihiga ko siya sa mga hita ko.
Ruhan naman eh! Bakit hindi ka nag-iingat…