Chapter 12: Danger
"Eliz! What happened?!"Nabuhayan ako ng loob ng may magsalita.
"Nathan! Shin! Help Ruhan! May tama siya!"lumapit silang dalawa sa akin at tiningnan ang lagay ni Ruhan. Tumayo sandal si Shin at hinugot ang cellphone mula sa kanyang bulsa.
"Hello?! We need an ambulance here at Cortejo Campus! Hurry!"
"Are you okay Eliz?"tanong sakin ni Nathan at nag-aalalang tiningnan ako.
"No! Hanggang may nakikita akong napapahamak ng dahil sakin, hindi ako magiging okay! Look at Ruhan! Nabaril siya oh!"Bulalas ko habang hawak ang kamay ni Ruhan.
"E.. liz..."Napatingin ako kay Ruhan ng magsalita siya.
"Shhh.. Wag kana magsalita..”sabi ko at pilit na kinakalma ang sarili. Calm down Eliz, Ruhan will be okay…
Sinunod niya ang sinabi ko at hindi na nagsalita pa pero bakas sa mukha niya nasasaktan siya. Marami ng dugo ang sa tingin ko ay Nawala sa kanya dahil narin siguro sa lalim ng bala.
Maya-maya pa ay dumating na ang ambulance at mabilis na isinakay si Ruhan sa loob.
"Eliz, ikaw na ang sumama kay Ruhan sa hospital, aasikasuhin lang namin ang Campus."sabi ni Nathan at tumango na lamang ako.
Hindi na ako nagsalita pa at pumasok na sa ambulansya. Sana maging okay ka... Dapat lang. Dahil susunugin ko ang buong hospital kapag hindi ka nila pinagaling.
Mabilis ang takbo ng ambulansya dahil medyo may kalayuan ang hospital dito. Nilalapatan na naman ng mga nurses dito sa ambulance si Ruhan ng first aid para tumigil ang pagdurugo.
KRIING!! KRIING!!
May kinuha yung nurse sa bulsa ng tuxedo ni Ruhan.
His phone.
Kinuha ko iyon at tiningnan ang tumatawag..
Mommy calling...
Sasagutin ko ba??
Sinagot ko iyon dahil kailangan nilang malaman ang nangyayare. Lalo na at may kinalaman ang kaligtasan ni Ruhan dito
"Hello dear, nasabi mo na ba?"sabi nung babae sa kabilang linya ng telepono.
Alin ang nasabi na?
"H-hello po? Ahh si Eliz po ito yung—"
"Oh? Eliz, It's nice! You're Eliz, diba? Yung Queen ng Campus? Yung partner ni Ruhan?"
Sunod-sunod na tanong ng mom ni Ruhan.
Kilala niya ako?
"Ahh ako nga po. Si ano po kasi, si Ruhan.. nabaril po."Sabi ko.
"What?! Bakit?! Anong nangyari?!"
"May sumugod ho kasing mga tao na may baril sa school pero we're on our way na po sa hospital, doon po sa Morgan's Hospital."Sabi ko.
"I hope he's okay, matagal na ang nakakalipas ng ma-ospital siya, may gulo na naman siguro."
Gulo?
" Ikaw muna ang bahala sa anak namin, nandito kami sa Quezon eh pero papunta na kami dyan, matatagalan ang byahe namin dear."
"I understand po, hindi ko naman po pababayaan ang anak niyo." sabi ko.
"Alam namin yun dear. Btw, we need to go. Bye."
"Bye po." Paalam ko at binaba ang telepono.
Hindi ko namalayan na papasok na kami sa gate ng hospital.
Mabilis kaming bumaba at pumasok sa hospital at pinasok agad si Ruhan sa emergency room.
Ruhan’s Point of View
Pagmulat ng mata ko ay nasilaw agada ko dahil sa puting ilaw, nasa hospital nga pala ako. Nagbaba ang tingin ko at napansin ang mabigat na pakiramdam sa may bandang kanan na braso ko.
"H-hey.."tawag pansin ko sa babaeng naka-ubob sa kama ko. Eliz? Hindi na siya nakasuot ng gown, siguro ay nagpalit na siya kanina.
Binantayan niya ba ako?
Nagkusot muna siya ng mata bago ako tiningnan at bahagyang nagulat.
"Ruhan?... OMG! Finally you're awake!"bulalas niya.
"I'm happy that you're okay.." wala sa sariling sabi ko at hinawi ang iilang hibla ng buhok na nasa mukha niya.
Mabuti at hindi siya napahamak dahil alam kong siya ang puntirya ng mga dumating na mga lalaki sa campus.
"Ikaw dapat ang tinatanong ko, okay kana ba? Gusto mo bang tawagin ko ang doctor?" ngayon ko lang siya naka-usap ng seryoso at mahinahon. Kadalasan kasi naman ay galit at naghihimutok.
Huminga ako ng malalim, wala naman akong ibang nararamdaman bukod sa masakit ang likod ko. "No need, okay na naman ako eh. Alam ba ni Mom na nandito ako?"
"Yes, actually lumabas muna sila para asikasuhin yung bills mo."sabi niya.
Tama nga yung kutob ko na may ganitong mangyayare.
FLASHBACK
Bang! Bang!
Agad nagtakbuhan ang ilang mga tao sa loob ng Hall. Nakita ko ang tatlong lalaki na may hawak na baril na nasa pinto ng Hall.
"Ahhh!!"
"S-sino sila?!?!"
"Principal Sevastian! Tara po sa backstage!"Sigaw ni Miss Marie at iginaya si Lolo Sevastian sa back stage kasama si Eliz.
"Ruhan! Saan ka pupunta?!"Dinig kong sigaw ni Eliz pero tuloy lang ako sa pagbaba sa stage para habulin yung mga lalaki.
Kinuha ko ang baril na tinatago ko sa loob ng tuxedo ko at mabilis na tumakbo sa kinaroroonan ng lalaki.
Babarilin ko dapat siya sa binti pero nakatakbo na siya palabas.
"Tara Kean!"Sigaw ko at mabilis kaming umalis ni Kean sa loob ng Hall para habulin ang mga armadong lalaki.
Nakita ko yung sila na nagpunta sa bandang liblib na lugar ng Campus. Kitang-kita ko na mabilis na tumatakbo para takasan kami ni Kean.
"Doon ka! Dito ako sinunod naman niya ang sinabi ko at pumunta sa kabilang direksyon.
"Ruhan! Nathan! Where are you?!"
What the...?! Is that Eliz?
"Sabi ng wag siyang—Ahhh!"Napasigaw ako sa sakit at naramdaman ang malamig na metal na tumama sa likod ko malapit sa tiyan.
Hindi ko ininda ang sakit at patuloy na hinahabol ang lalaki, malayo naman sa puso kaya makakatagal pa ako. Ang kailangan ko lang gawin ay hanapin si Eliz.
Sh*t…ang sakit.
Nakarating na ako sa dulo ng Campus dahil mataas na pader na ito. I lost him.
Ang kulit ng babaeng ‘yon , sinabi ng huwag siyang umalis eh. Dagdag alalahanin ko pa siya ngayon? Wala naman akong magagawa dahil sa akin siya ibinilin ng Lolo Sevastian niya.
Naglakad na lamang ako papunta sa posibleng kinaroroonan ni Eliz ng may marinig ako.
Oh no...
"Wag kang lalapit kung hindi ay babarilin ko ang babaeng ito!"Sigaw ng isang lalaki.
It's Eliz, hawak siya ng isang lalaki at nandoon din si Kean. Hindi na ako magsayang pa ng oras at lumapit sa kinaroroonan niya.
"Bitaw."Mahinahong sabi ko habang itinutok ang baril sa lalaki na nasa unahan ko.
Bahagya itong humarap saakin at itinaas ang dalawang kamay.
"R-ruhan..."Mahinang sabi ni Eliz.
"Umalis ka o papasabugin ko ang ulo mo? Wala ka ng kasama, umalis na silang lahat at ikaw nalang ang natitira."Sabi ko doon sa lalaki.
Please sana maging maayos na ang lahat at hindi ko na talaga kaya ang sakit na mararamdaman ko.
Tumakbo ang lalaki palayo at iminustra ko kay Kean na sundan ito.
"R-ruhan..."Sambit ni Eliz kaya lumapit ako sa kanya.
"M-mabuti at okay ka lang,"Sabi ko at niyakap siya.
Ayokong sabihin sa kanya na may tama ako dahil alam kong mag-aalala siya.
"Eliz..."Mahina niya pang sambit.
"Ruhan, why aren't you talking—R-ruhan.."tumingin siya mga kamay niya na puno ng dugo. Galing iyon sa likod ko ng yakapin niya ako.
"Ruhan! May tama ka!"Natatarantang sabi niya
Hindi na yata ako makakatagal dahil unti-unti na akong nanghihina. "Eliz.."Sambit ko at bahagyang nanlabo ang paningin ko.
"Damn! Help us! Ruhan, wake up!"Dinig kong sigaw niya.
Noong una ay akala ko naulan, ot turns out na naiyak pala siya. Akala ko noong una ay puro kaartehan lang ang alam niya, marunong din pala siyang mag-alala.
"E-eliz.."
"Shhh.. wag ka ng magsalita."Sabi niya at hindi na ako muling nagsalita dahil sa totoo lang ay hindi ko na talaga maramdaman ang katawan ko.
Naramdaman ko ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.
END OF FLASHBACK