Chapter 10: Prime 4

Ruhan’s Point of View

Hindi na din ako nakipagtalo pa kay Eliz at baka mas lalong magalit siya sa akin. Bumaba ako at akmang pupunta sa kabilang pinto para pagbuksan si Eliz pero nakita ko siyang naglalakad na papasok sa campus.

"Pambihira namang babae ‘to ah." Umiling-iling ako at hinabol si Eliz. Ang siga maglakad ah, paano niya nagagawang maglakad ng mabilis eh naka-heels siya? Sanay na ba siya?

"Ang gwapo ni Ruhan oh!"

"Look! Eliz is stunning!"

"Bagay na bagay sila oh!"

"Bagay daw tayo sabi nila," bulong ko kay Eliz at tinuro yung mga babae.

"Sinungaling sila kung ganun,"bored na sabi niya at inayos ang gown. Ikinrus ko ang aking braso sa kanyang braso. Hindi na siya nagreklamo pa at pumasok na kami sa loob. Maingay ang buong paligid hanggang sa makarating kami sa Hall.

"Let's all welcome! The Campus King and Queen!" sabi ng mc at may tumapat saming spotlight.

"Ayos ka lang?"tanong ko sa kanya dahil parang di siya mapakali. "Y-yeah, kinakabahan lang,"sabi niya. Kinakabahan siya ng lagay na iyan? Bakit naman siya kakabahan.

"Don't worry, andito lang ako kung may mangyari man na masama,"sabi ko at tumingin sa kanya. Namula siya ng bahagya, hindi ko alam kung dahil ba sa sinabi ko o dahil mainit lang talaga dito sa hall?

"Bahala ka nga! Duh~"Asik niya at nilayasan ako.

What the?

Someone’s Point of View

"Balita ko ay naka-uwi na ang apo ni Sevastian ah?” sabi ni Lux.

"Yes kuya, kaya naiinis ako!"sigaw ng kapatid niya.

"Wag kang mag-aalala my little sister dahil gaganti tayo sa kanila, sa pagkakamali nila na naging dahilan ng pagkamatay ng kapatid natin."

"Bukas ay may magaganap na party sa Campus dahil coronation ng King and Queen,"sabi ng kapatid niyang babae kaya napangiti si Lux.

"I guess, kailangan na natin kumilos…"

Eliz’s Point of View

"Don't worry, andito lang ako kung may mangyari mang masama.

*Dug dug dug!

What the... bakit ganito yung puso ko? Parang ewan! Aminin na natin guys, medyo nakampante ako noong sinabi niya yun. Malay mo kasi bigla nalang manggulo yung nagpadala ng death threat?

Kung ako kasi ang tatanungin ay magandang sumugod sa mga oras na ito dahil maraming tao. Pero sana mali ang iniisip ko. Nandito ako ngayon sa itaas ng stage katabi si Ruhan.

Naka-upo kami sa throne na para bang Hari at Reyna talaga kami. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na may something na ganito. Hindi naman kasi normal sa isang school ang may ganitong kaartehan na Campus King and Queen hindi ba?

"Uyy Ruhan si Bella oh, ang sama ng tingin.. puntahan mo,"sabi ko.

"Bakit naman? Nagseselos ka?"sabi niya kaya napatingin ako. Kapal talaga ng mukha nito.

"Bakit naman ako magseselos aber? Tss kung pwede lang ay siya na ang paupuin ko pero hindi pwedes,"sabi ko.

"Bakit naman? Gusto mo talaga ang pagiging Queen mo eh noh?"pang-aasar pa niya.

"Duh~hindi dahil dun, ang sama ng ugali ng babaeng yan. Dyan kapa pumatol, parehas kayong demonyo!"singhal ko sa kanya.

"What? Demonyo sa gwapo? Nice,"tugon niya at ngumiti ng sobrang tamis. Yuck! Magpapaka-indenial muna ako kasi ayokong aminin sa kanya na nagaga-gwapuhan ako sa kanya. Baka lumaki ulo eh.

Tiningnan ko na lamang ang mga students na nagsasayaw sa ibaba ng stage. Hindi lang kasi 'to para samin. Parang farewell party na din ito sa mga aalis sa campus at mag-aaral sa mas malalaking university. At isa pa, ngayon din sasabihin kunh sino ang Rank 1 to 4 para i-represent ang Prime 4. Nakita ko mula sa ibaba na nagsasayaw si Lyca kasama si Nathan

Hmm.. bagay naman silang dalawa. Siguro ay dapat i-suggest ko kay Nathan na ligawan na niya si Lyca, baka maagaw pa eh. Alam niyo naman iyang pinsan ko, may pagka-torpe.

"May I?"tanong sakin ni Ruhan at inilahad ang kamay niya na agad ko namang pinaunlakan. I just nodded. Why not? Sino ba naman ako para tumanggi sa king ko?

"Ayieee!"

"Bagay sila oh!!"

"Ang gwapo ni Ruhan!!"

"Ang ganda din ni Eliz!"

"Ang ganda mo ngayon.."bulong sakin ni Ruhan.

Ngayon? Nagbibiro ba siya? "Ngayon lang? Bahala ka na nga!" akmang tatalikod nang bigla niya akong higitin at iharap sa kanya. Ang lapit niya…

"Ang sweet nila!!"

"A-ano bang ginagawa m-mo?"Tanong ko dahil ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Inilagay niya ang dalawa kong kamay sa pagkabilang balikat niya. Pinagpatuloy namin ang pagsasayaw dahil parang nahihiya akong magwalk-out dahil maraming tao. Nagtagal kami ng ilang minuto sa dance floor hanggang sa matapos ang tugtog.

"Tara na, malapit na mag-announce si Lolo Sevastian." Nagtungo kami sa itaas ng stage at muling umupo.

"Bakit Lolo din tawag mo kay Lolo? Nakiki-Lolo ka ng may Lolo eh!" Hindi ko mapigilan ang mapa-irap sa kanya.

"Okay everyone, it's time to announce our new set of Prime 4!" Nag-upuan na ang mga students sa mga table na may magandang ayos. Malaki siguro ang inilaan ng Campus para sa catering? Sobrang big time kasi ng mga gamit dito. Tsaka maraming mga pagpipilian na pagkain sa buffet.

"Alam kong karamihan sa inyo ay alam na kung sino ang magiging Prime 4, right? Pero mas gawin natin itong formal." Naglakad si Lolo sa may unahan habang hawak ang isang papel.

"Pwede ko bang anyayahan ang ating Campus Queen para isuot sa apat ang kwintas na magsisimbolo ng pagiging Prime 4?"tanong ni Lolo at tumingin sakin. Tumayo ako at nilapitan si Lolo. Inabot niya sakin ang box at binuksan iyon. Apat na kwintas na may sapphire sa gitna at may naka-ukit na number 4.

"Sino kaya?"

"Baka kasali si Kean!"

"Si Ruhan sigurado na!"

"Okay... For our Prime 4... Kean Hyun!"Anunsyo ni Lolo.

Umakyat sa stage ang isang lalaki na kulay brown ang buhok. Tama lang ang tangkad nito at may natatagong karisma. Gwapo siya at mukhang mabait naman. I hope. Lumapit ako sa kanya at isinuot ang kwintas. "Hi, Queen,"bati ni Kean sakin.

Siya yung may lahing korean diba? Para kasing siya yung mga KPOP idols na napapanood ko. "Eliz nalang,"Sabi ko at ngumiti.

"For our next member of Prime 4... Shin Choi!" Umakyat sa stage ang lalaki na naka-red tuxedo at kumakaway pa. Matamis ang ngiti na kanyang binibitawan sa mga tao. Anong akala niya, fashion show ito?

"Here.."Sabi ko at isinusuot ang kwintas sa kanya.

"Thanks Queen Eliz.."Sabi niya pero nagulat ako ng halikan niya ang kamay ko kaya nagulat ako. Hindi ko na lamang iyon pinansin at isinuot ang kwintas sa sunod na tinawag ni Lolo.

"Diko akalain na magiging member ka ng Prime 4."sabi ko at isinuot ang kwintas sa kanya.

"Pinsan mo ata to!"

Yup! Member si Nathan ng Prime 4 at hindi na ako magtataka. Edi siya na!

"And lastly... Our King! Ruhan Pedraza!" Tumayo siya mula sa pagkaka-upo at lumapit sakin. Kinindatan pa ako ng ungas.

"Tss edi ikaw na ang member mg Prime 4!"Singhal ko sa kanya.

"Atleast, you are my queen,” Sambit niya at tinapik pa ako sa likod. Nang matapos kong ikabit sa kanya ang kwintas ay binatukan ko siya. "Aww!”

"The newly.. Prime 4!" Anunsyo ni Lolo at humilera silang apat sa may unahan ng stage. Ang gwapo nila. Tapos ang cute nung Shin kahit medyo playboy siya, remember?

Nagpatuloy ang palakpakan habang proud na proud yung apat dito sa stage. May pa kaway effect pa si Nathan na para bang artista. Si Ruhan naman ay nakatingin sakin.

"What?"Mataray na sabi ko at inirapan siya.

"Wala naman..."Sambit niya.

"Tss kung ano-ano nalang naiisip mo eh—"

Bang! Bang!

What the?! Pwede pa ba akong mag-inarte? Duh~!