CHAPTER 53
"Aba-aba pano mo nalamang may password 'to? Ikaw ha pinakialaman mo talaga yong phone ko. Ano na cu-curious ka ba kong anong laman nito huh, pfft... kala mo ba may porn?"
"Hu*tangina anong pinagsasabi mo dyan ha!!"
"Ayiee ikaw Ken huh gusto mo palang manood ng ganon, sige sa susunod pag may time ako ay mag do-download ako para sayo pero... hmm, di ko alam kong san ako mag d-download ng ganyang video eh."
"Arayy ko sh*t!" Daing ko ng bigla-bigla nalang pinitik ng dalawang beses ni Ken yong noo ko.
"Ano bang kasalanan ng noo ko sayo ah! Inaano ka ba nya?!!" Galit kong sabi. Kawawa naman yong noo ko palagi nalang syang sinasaktan ni Ken!
"Para kaseng baliw, kong ano-ano nalang ang pinagsasabi mo dyan!" Irita nyang sabi sabay inirapan ako, tinalikuran nya ako at nag simulang mag lakad.
"Hoy san ka pupunta hubby??? Sumakay pa tayo ng ibang ridesss!!!" Sigaw ko, tumakbo ako papunta sa kanya at hinila yong kamay nya.
Ang gaga di pa nga kami tapos eh, isang rides lang ang nasakyan namin! Hutangina naman akala ko mag e-enjoy ako!
"Uuwi na tayo!" Sabi nya at saka hinila yong kamay ko.
"Sandali lang, sandali lang bilhan mo muna ako ng cotton candy!" Parang bata kong sabi at pinipilit na kumawa sa pagkaka nya sa kamay ko.
Huminto naman sya at tinignan ako. "Asan?!"
"Nandon oh, nadaanan natin." Sabi ko at tinuro.
"Mag kano ba??" nag kibitbalikat lang ako. H*tangina ba't ako tinatanong nya eh, hindi naman ako yong nag titinda non! Binigyan nya ako ng 100...
"Pabili nga." sabi ko don sa lalaki, hmm di ko sya tinatawag na Manong o di kaya gumamit ng po. Kase ka-edad ko lang yata sya eh.
Ngumiti sya sakin at ngitian ko rin sya. "Sinong kasama mo dito miss?" Tanong nya.
"Ah---"
"Asawa nya kasama nya yong asawa nya." Bigla akong napalingon sa likuran ko.
Diba nandon sya kanina? Ba't ba bigla-bigla nalang sumusulpot si hubby? Para syang multo no.
"Ahh, ikaw ba ang asawa nya?" Tinignan ko si Ken.
Nakatingin sya sa lalaki ngayon, ang talim ng tingin nya don sa lalaki para yatang gusto nyang pumatay.
Nababaliw na yata sya.
"Hindi ba halata?" Hoy Ken wag mo nga syang pilosopohin! Hindi na nag salita yong lalaki.
Kinuha ko na yong cotton candy at saka nag bayad, tahimik lang si Ken hanggang sa maka uwi kami. Ewan ko ba di nya ako kinakausap, lagi lang nakakunot yong noo nya.
_
Ken Fernandez's Pov.
Nakarating na kami sa bahay, kaagad naman akong pumasok sa kwarto at malakas na isinara yong pinto.
Di na talaga kami pupunta sa amusement park!! Ang dami-daming lumalandi kay Trixie! Sarap nilang pisilin isa-isa!! Nakakagigil sila bwesit!!!
Nag bihis na ako at pumunta sa kusina para mag luto.
Nag punta naman ako sa kwarto ni Trix ng matapos na akong mag luto, sigurado akong gutom na ang bruha na yon.
Kakatok na sana ako nakita ko namang bukas ng kaunti yong pintuan ng kwarto nya, di talaga sya matunggan mag lock ng pinto eh!
Pano kong may pumasok ditong mag nanakaw o di kaya mga masasamang tao tapos may balak na gumawa ng masama sa kanya ha??!!!
Nang tuluyan na akong makapasok sa kwarto nya ay napahinto ako ng may narinig akong kumanta bigla.
"Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid..."
Wait... Pamilyar ang boses na yon...
"Trix?"
"Ikaw ba yan Ken???" dinig kong tanong nya mula don sa loob ng banyo, naliligo sya??
Bigla naman akong kinabahan, sh*t ano ba 'tong naiisip ko!
*Iling*iling*
"Oo ako nga." Sagot ko.
"Ba't ka nandito??" Tanong nya.
"Kakain na tayo malamang, bakit ayaw mo bang kumain?"
"Syempre gusto ko no!" napangisi naman ako, basta't pagkain ang usapan di ka talaga uurong eh no.
"Uhm... ikaw ba yong kumanta? Kumanta ka ba?"
"H-Ha? Di naman ako kumanta ah." Saad nya, napakamot naman ako sa ulo. So guni-guni ko lang pala yon? Eh bakit feeling ko e narinig ko talaga yon, na totoo yon???
Ay bahala na nga--- napalingon ako don sa ilalim ng kama ni Trix.
Kinuha ko yong parang papel... ah ehh litrato pala yata to. Binaliktad ko 'to at napataas ang kilay ko ng mukha ko ang nandon. I mean, picture ko to??!
Naalala ko tuloy 'to, napagod ako kase nag laro kami ng basketball, kahit naman bakla ako eh naglalaro parin ako ng ganyan no. So ayon na nga dahil sa pagod ay nakatulog ako sa classroom.. tsk di ko alam na pinicturan pala ako ng babaeng 'to.
Bigla naman akong napangiti, gustong-gusto nya talaga ako ah.
Ewan ko ba kong anong naisip ko bigla, kase kinuha ko yong picture at nilagay sa bulsa bago lumabas ng kwarto nya.
***
Di parin ako makatulog.
Hayst! Di kase mawala sa isip ko yong sinabi ni Trix kanina na pwede ba daw tabi kaming matulog ulit???!!
"Ang gaga mo Ken! Ba't ba naiisip mo yon ha!!!?" Sinabunutan ko yong sarili ko. Para nakong baliw sh*t!
Ni lingon-lingon ko yung buong kwarto ko, may naririnig kase akong kakaibang ingayyy----
"Sh*t! Sh*t!!!!" Mura ko ng may nakita akong epis, nasa pader sya---
"Kyaaaaa!!!!!!" sigaw ko hindi naman sa bakla parin ako--- ayy este bakla pala talaga ako.... ah basta noon palang talaga takot na ako sa epis!
"Waaaaaa!!!!!" Dinig kong sigaw sa kabilang kwarto.
Napatalon naman ako dahil lumipad yung epis papunta sakin...
H*tangina na this!!!
Kumaripas ako nang takbo papalabas ng kwarto, nagulat naman ako na sabay kaming lumabas ng kwarto ni Trixie...?
"Anyare sayo?" Sabay naming tanong sa isat isa.
"Huhuh ken may epis sa kwarto ko." parang naiiyak nyang sabi, hutangina pareho kaming may epis sa kwarto!
"Pwede bang dyan ako sa kwarto mo matulog?" dagdag pa nya, akmang papasok na sya sa kwarto ko...
"May epis den dito woyy!" Animal ka Trix! Baka makalabas yan dyan!
"Tangina ka bat di mo sinabi agad huhuh muntik na yon ah!!" Umupo sya sa sahig at sinipa sipa yong paa nya, tsk para syang bata.
"San ako matutulog nya?" Dinig kong tanong nya sa sarili.
Napataas naman ang kilay ko ng bigla syang lumingon sakin... nang nakangisi pa.
"Ah, kaya pala lumabas ka ng kwarto kasi may epis pfft... HAHAHAH."
"H-Hindi ah, narinig kasi kitang sumigaw, k-kaya lumabas ako!" Palusot.
"Asus alam ko namang takot karin sa epis hubby, wag ka ng mahiya. Alam mo bagay talaga tayo kase pareho tayong takot sa epis." sabi nya at humalakhak ng tawa, napailing-iling naman ako sa sinabi nya.
Bagay? Tsk, corny nya talaga kahit kailan. Sarap nya kainin este sarap nyang hambalusin!
"Hoy san ka pupunta?" Tanong ko ng binuksan nya yong pintuan ng kwarto naming dalawa.
"Sa kwarto natin di ba halata? Inaantok nako eh, matutulog na sana ako kaso dahil sa bwesit na epis na yon, di na natuloy!"
"Eh? Dyan rin ako matutulog!" Ano yan magkabi nanaman kaming matulog? Peste! Sunod-sunod ang kamalasan na nangyari sakin ngayon ah!!
"Dika takot sa epis diba! Kaya dun ka matulog sa kwarto mo." Para ko tuloy kinain yong sinabi ko kanina sakanya.
"Trixie naman eh! alam mo namang takot ako sa epis."
_
Trixie Forteza Fernandez's Pov.
"Trixie naman eh! Alam mo namang takot ako sa epis." mweheh sinabi ko naman kanina diba na alam ko.
"Okay." Saad ko at pumasok sa kwarto.
"Hoy sinabing dyan den ako matutulog!!" Inis nyang sabi, awiee mukhang magkatabi kaming matulog ni hubby, excited na ako ano kayang mangyayari?
May mangyayari kaya? Pfft nag e-expect ka nanaman Trix!
"Eh, di matulog ka! Bakit may pumipigil ba sayo ha??!" Tsk, di ko naman sya pipigilang matulog eh.
"Tsk, bakit mainitin ang ulo mo ngayon! Di mo pa naman buwanan diba???!"
"Anong buwanan ang pinagsasabi mo dyan ha?!!"
"Tsk, wag kang mag maang-maangan Trix, alam kong alam mo yong ibig kong sabihin!" Eh, hindi ko nga alam, ambobo mo naman hubby!
"Hindi ko nga alam! Ba't ba hindi ka nakakaintindi!!" Pasigaw kong sabi.
Nakakainis sya pag ako talaga mainis ng tudo eh ra-rape ko talaga 'tong baklang to! Sinabi ngang di ko alam pinagsasabi nya tapos ipipilit nya paring may alam ako?!
Tuluyan na akong nakapasok sa kwarto at padabog na humiga sa kama.
Kita kong pumasok sya at ni lock yong pinto...? Teka nga ba't ni lock nya yong pinto??? Ay ewan wag mo na ngang isipin yan Trix, ganyan naman talaga si Ken eh, ang hilig man-lock ng pinto.
Humiga sya sa tabi ko, tumalikod naman ako sa kanya. Pakipot lang Trix? Ano feeling nag tatampo? Ang gaga ano naman kaya yong ikinatampo ko? Tsk tsk ang gulo, di ko na maintindihan yong sarili ko--
Napatigil ako sa pag iisip ng biglang naramdaman ko nalang na may kamay na yumakap sa baywang ko mula sa likod.
Eh?
Gusto ko mang lumingon kay hubby pero di ko magawa.
Hoo... kalma kalang self, baka malaman nyang kinakabahan ka!
"H-Hoy bakla a-alisin mo nga yang k-kamay mo!" Nauutal kong saad.
Kunwari sana na galit ako eh kaso nautal pa ang h*tangina!
Pero heheh shit! Kinikilig ako hutangina help me! Mamamatay na yata ako sa sobrang bilis ng tibok nitong nababaliw kong puso!!
"Ako 'to diba." Saad nya at may pinakitang picture, nanlaki naman ang mata ko.
"H*tangina ba't nasayo yan!!" Sabi ko at sinubukan sanang kunin 'yon sa kamay nya kaso mabilis nyang inilag 'yon.