CHAPTER 52

"Waaaa huhuh help! Help! Gusto ko ng bumaba shutangina!!!!" Sigaw ni Ken.

Ako naman tawa ng tawa habang tinitignan sya. "Sh*t!!! Para yatang lalabas na yong kaluluwa ko!!"

"Huhuh help!!! Nasusuka ako!!!"

"Pfft... hahhaha okay ka lang ba hubby?"

"Sa tingin mo okay ako ha!! Bruha ka!!!" Bulyaw nya sakin, lumipat sya sa inuupuan ko at humawak sa braso ko.

Siniksik nya yong ulo nya sa leeg ko. "Tangina!! Di na ako sasakay ulit sa ganito!!" Sabi nya pa.

Ako naman napapatulala.

*Dug dub dug dub*

*Dug dub dug dub dug dub*

Mababaliw na yata yong puso ko hutangina!

Biglang huminto yong ferris wheel. Teka tapos na ba? Tinignan ko yong nasa baba.

Luh, dito pa talaga kami sa toktok ah, ano kayang nangyari para kaseng may problema don eh.

Hala baka nasira? Naalala ko tuloy yong iniisip ko kanina.

Amboring ba't ang tagal nilang matapos! Magiba sana yan... heheh joke lang dapat makasakay muna ako bago magiba.

Dapat makasakay muna ako bago magiba? Nako po, mali yata pagkasabi ko non, ang ibig kong sabihin eh matapos kong makasakay talaga eh bago yon, bago sya masira! Tutuparin na nga lang yong hiling ko tapos mali-mali pa, nako po sumasakit yong ulo ko!

"Tapos na ba?" kinakabahang tanong ni hubby, umiiling naman ako.

"Nasira yata hubby."

"Ano???"

"Bakit ano bang problema mo don?" Taka kong tanong.

Okay lang naman yon eh, kase gusto ko rin namang makita yong view dito oh. Nakikita ko mula dito yong dagat.

Waaa hindi pa ako nakakapunta sa dagat este matagal na akong hindi nakakapunta sa dagat.

"Baliw ka ba! Ibig sabihin non eh mag tatagal tayo--"

"Bakit ayaw mo bang mag tagal tayo Ken? Ayaw mo bang umabot tayo ng 3 years bilang mag asawa?"

"Gaga! Ang ibig kong sabihin ay magtatagal dito sa loob." Diin nyang sabi, nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko naman kase.

"Ahahah yon pala yon." Napahiya ako don ah.

Bigla syang napayakap sakin ng biglang gumalaw ng kaunti yong ferris wheel. Tinapik-lapik ko naman yong likod nya, ramdam ko kase yong nanginginig nya. Ganyan ba talaga sya ka takot sumakay sa mga ganito?

"Hubby nagugutom na ako." Biglang sabi ko.

Change topic tayo para makalimutan nya bigla yong takot nya. Sigurado naman kase akong aasarin nya ako.

Kumalas sya sa pagkakayakap sakin.

"Di naman nakapag tataka yan." Saad nya sabay tingin nya sa tyan ko. Oh kita nyo na.

"Pwede tabi ulit tayo mamayang gabi hubby?" Nabaliw na yata ako. Kung ano-ano na lang ang sinasabi ko para lang aliwin si hubby.

"Hindi." Matigas nyang sabi kaseng tigas ng braso nya charoott!

"Heheh sabi ko nga eh, hindi."

"Ano nga palang gusto mong regalo sa birthday mo hubby?"

"Wala." Anong wala ka dyan? Lahat naman siguro tayo eh may gustong-gustong regalo sa birthday natin.

"Ano nga? Sabihin mo na?" Pamimilit ko sabay yugyug sa balikat nya.

"Wala akong gustong regalo kagaya ng mga bagay-bagay okay. Ang gusto kong regalo sa birthday ko eh..."

"Eh, ano?" Si hubby talaga ang hilig mambitin, pwede namang sabihin nya na lang kaagad.

"Na makilala ko na sana sya." Regalo ba yan?

"Sino?" Tanong ko naman.

"Basta, wag ka ng mag tanong. Di mo rin naman sya kilala." Sino kaya yan? Napansin ko kaseng napangiti sya bigla pero agad den yong nawala ng mapansin nyang nakatingin ako sakanya.

"Pano mo naman nasabing di ko sya kilala, sabihin mo nga sakin malay mo naman diba. Baka kilala ko sya." Lalaki siguro yang iniisip nya? Imposible naman kaseng babae di ba?

"Wag ka ng mapilit Trix."

"Tsk, sabi pa naman ni Mommy at Daddy na dapat ang mag asawa eh, nag sasabihan ng secreto." Pag paparinig ko sakanya.

"Oh, tapos?"

"Wala! Ang gusto ko lang sabihin ay dapat nag sasabi ka sakin ng mga secreto mo!"

"Aba kong makapag salita ka dyan, bakit nag sasabi ka rin ba ng mga secreto mo sakin?! Ang unfair naman kong ako lang yong nagsasabi ng secreto ko tapos ikaw hindi."

Hmm, may tama ka naman Ken pero... Ah, sige na nga wag nalang tayong mag sabihan ng secreto.

"Sige nga sabihin mo nga sakin, ano bang meron don sa kwarto na sinasabi ni Tita at Tito?" Heheh hindi pa ako handang sabihin sayo hubby, nahihiya pa ako. Alam mo namang mahiyain ako diba. I mean, nag f-feeling mahiyain.

"Wow ang ganda nang view nakikita ko yong dagat!" Pag iiba ko ng topic.

"Tsk, kita mo na. Iniiwasan mo nga yong topic." Iniiwasan? Wala namang nambato sakin kaya ba't ako iiwas?

"Para kang tanga dyan, ngayon ka lang ba nakakita ng dagat pandak?" natatawang tanong nya at tinignan rin yong tinitignan ko.

"Gaga syempre nakakita na ako yong sa video at saka dito."

"Di ka pa ba nakakapunta ng dagat?" si makapaniwala nyang tanong, kumunot naman yong noo ko. May problema ba kong di pa ako nakakapunta?

"Oo. " sagot ko.

"Bakit naman?"

"Ahh, ehh... uhm, actually nakapunta naman ako pero nong 8 years pa yata ako non. Muntik na kase akong malunod sa dagat kaya simula non ay hindi na ako pinayagan ni Mommy na mag pupunta sa mga ganyan."

"Kahit nga ganito na yong edad ko tapos may asawa na nga, di parin ako pinapayagan ni Mommy." dagdag ko pa.

"Gusto mo bang pumunta sa dagat? Gustong-gusto mo ba talaga?" Tinignan ko sya sa mata pero wala akong nakikitang emosyon mula sakanya.

"Oo, sana. Hmm, bakit? Gagawa ka ba ng paraan para makapunta ako don hubby?"

"Hindi. Bakit naman ako gagawa ng paraan para sayo diba?" Tsk, sabi ko nga eh, ano pa bang ini-expect ko? Haler si Ken yan Trixie no, wala yang pakialam sayo.

***

"Hubby subukan nating yong ibang rides, yong viking ko gusto ko yon." Aya ko sakanya, tinignan ko naman sya na biglang namutla.

"Papatayin mo yata akong babae ka, shutangina mag d-date dapat e' hindi sasakay sa mga pesteng rides nayan!"

"Date rin naman tawag dito ah."

"Yung date dapat romantic! Hindi yong pang horror gaga ka!"

"Horror ba tawag don?"

"Gusto mo pala ng romantic eh di umuwi tayo sa bahay at mag punta sa kwarto. Then turn off the lights and close the door, ohhh--"

"Ba't kumakanta ka dyan, para ka talagang baliw ano! Tignan mo oh, pinag titinginan ka nang mga tao!"

"Okay lang at least ako lang ang tinitignan nila at hindi ikaw." Sabi ko. Tinignan ko sya may kung ano syang pinipindot-pindot sa phone nya. Ano kaya yan?

"Halika dito." Biglang sabi nya.

"Bakit?" kinakabahan kong tanong, para kaseng may binabalak syang masama sakin char lang.

Lumapit naman ako sakanya, nag taka ako nang itinaas nya yong kamay nya... Camera ba yan?

"Gusto mo mag selfie? Tayong dalawa mag se-selfie?" Hindi makapaniwala kong tanong. Ayaw nya kayang nag se-selfie at mas ayaw nyang pini-picturan sya.

"Ayys ang laki-laki mo Trix di tuloy tayo kasya sa camera!"

"Hoy anong malaki ka dyan! Ang sabihin mo ampangit nang camera mong bakla ka!!" Sabi ko at inirapan nya lang ako. Pinuntahan nya yong nakatayong lalaki na naka upo lang sa gilid.

"Excuse kuya pwede kuhanan mo kami ng picture?"

"Oh, sige po. Walang problema." Mweheh ang chismosa ko talaga diba?

"Smile po kayo." Grabe naman maka po si Kuya di pa naman kami ganon ka tanda hutanginang nang-gigigil po ako sayo.

Nag smile naman ako, di ko pinatigil sa pag picture si Kuya hanggang sa umabot talaga ng 500 photos. Mweheh alam nyo na remembrance, minsan lang mag pa picture si hubby sakin kaya lulubos-lubusin ko na.

"Pupunuin mo yata yong storage ko eh! Tignan mo oh, 524 photos!"

"Oo alam ko, nakikita ko naman." Pilosopong sabi ko, may mata naman kase ako eh, hindi naman ako bulag haler.

"SHAREit mo nga sakin hubby lahat yan ah, wag kang mag titira ni isa."

"Ang dami ng pictures at video sa phone mo, hindi ba yan na f-full storage?"

"May memory ako no at saka pano mo nalamang marami akong photos at video? Tsk, tsk, ikaw hubby ah! Pinapakialaman mo siguro 'tong phone ko no??!"

"G-Gaga ka ba may password yan eh, pano ko ma o-open yan ha!" nakapamewang nyang sabi.