Chapter 28-Reunion
Abot-abot ang kaba ko habang papunta sa kwarto ng aking magulang. Maganda itong tiyempo dahil naroon silang dalawa at maganda ang mood ng mga ito.
Napatalon ako sa gulat nang maramdamang nagvibrate ang aking cellphone. Kainis naman kung kailan malapit na ako eh! Sino ba 'to? Masasapok ko talaga ang tumatawag kung hindi mahalaga ang sasabihin nito.
"Hello?"
"Hey! Yexie? Kamusta?" hindi ko mabosesan kung sino ang kausap ko.
"Sino 'to?"
"Limot mo agad ako? President niyo nung grade 12," sagot niya.
"Ah, sorry. Limot ko na eh, medyo matagal na rin kasi 'yon." hindi interasadong ani ko, wala naman kasi akong nakaclose noon sa grade 12 ko maliban kay Paizel kaya hindi ko talaga siya makikilala.
"So? Kamusta ka na?"
"Okay naman. Bakit ka napatawag?" Saan niya nakuha ang number ko? 'Yon lang ba ang itinawag niya, ang mangumusta?
"Mayroon kasing nagyaya, reunion daw tayo-tayong magkakaklase noong grade 12. Ano payag ka ba? Doon lang naman sa resort nina Rian."
"Sige ba," lang ang naisagot ko. Hindi ko nga alam kung sino 'yong Rian na sinasabi niya, wala talaga ako kaalam-alam sa mga kaklase ko dati. Siguradong andoon si Kavez at Paizel kaya hindi naman siguro ako mabuburyo.
"Sige, salamat. Tatawagan ko pa ang iba nating kaklase," at ibinaba na nito ang tawag. Mabuti naman at atat na akong makausap sina mommy at daddy.
Dahan-dahan ang pagbubukas ko ng pinto habang malakas at mabilis naman ang tibok ng puso ko. Nandoon lamang ang dalawa at nakahiga sa kama, nang marinig nila ang langitngit ng kanilang pinto ay napatingin sila sa akin.
"Oh? Yexie? Naparito ka?" umupo silang dalawa sa kama at tinitigan akong mabuti.
Para akong bata na nakabasag ng plorera dahil sa aking itsura. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanila galing sa pagkakatungo.
"Mommy, daddy? Ahmm, gusto ko lang ipagpaalam if pwede po ba. g magsama kami ni Kavez doon sa condo niya?"
Ang sabi ni Kavez ay sasamahan niya akong magpaalam sa magulang ko ngunit tumanggi ako roon, gusto kong ako na lang mag-isa ang magpaalam.
"You mean, doon ka titira?" nakakunot-noong tanong ni daddy.
"Opo," saad ko habang tumatango.
Nagkatinginan si daddy at mommy, sana ay pumayag sila. Narinig ko ang matunog na pagbuntong-hininga nilang dalawa.
"Yexie, nasa tamang edad ka na kaya pinapayagan ka namin ngunit alam mo ang limitasyon. Katatapos mo lang ng kolehiyo. Kailangan mo munang magtrabaho " ani ni mommy.
May kung anong sumibol na saya sa'kin.
"Okay lang sa'min, Yexie. Kailan ka lilipat?" tanong naman ni daddy.
Hindi ko na napigilan, agad akong napatakbo sa kanila at niyakap. Para na naman akong bata.
"Thank you, mommy, daddy," halatang-halata ang saya ko.
"Welcome, anak," sambit ni daddy.
"Siguro po ay sa isang linggo ang lipat ko."
Totoo nga't makalipas ang isang linggo ay lumipat na ako sa condo ni Kavez. Pinangako ko sa aking magulang na bibisatahin ko sila madalas kaya hindi na sila masyadong nag-alala.
Ngayon ay dala-dala ni Kavez ang isang maletang mga damit ko habang nasa elavator kami. Bukas ay mamimili kami ng iba ko pang mga gamit.
"Natawagan ka ba no'ng presideng natin noong grade 12 tayo?" tanong ni Kavez sa akin.
"Oo, may reunion pala. Kailan daw ba 'yon?"
"Bukas na," sagot ni Kavez.
"Hindi tayo aattend? Bukas tayo mamimili ng gamit ko ah?"
"Gano'n na nga", nakangiting ani nito sa akin.
Ngumuso ako, "Pwede bang sa susunod na lang tayo mamili?" gusto kong makita kahit na papa'no 'yong dati kong mga kaklase kahit hindi ko sila masyadong kilala.
"Okay, we will attend."
Hindi ko inaasahang bibitawan niya ang maleta at pumuwesto sa aking likuran. Bigla niya akong niyakap ng patalikod. Hindi ko naiwasang ngumiti. Agad kong pinalo ang braso niya kahit ganoon ang naging reaksyon ko.
"Alisin mo yan Kavez, malapit na tayo. Baka may biglang sumakay, makita pa tayo."
Kinabukasan ay pumunta kami sa resort no'ng kaklase naming si Rian. Agad naming nasalubong ang mga dati naming kaklase. Naroon na si Paizel, agad naman akong lumapit sa kaniya.
"Ilang linggo rin tayong hindi nagkita ah?" nakangising aniya sa akin.
"Oo nga eh," sagot ko.
"Balita ko nasa condo ka na raw ni Kavez?" mas ngumisi si Paizel sa akin.
"Oo, gusto mo ba bumisita roon sa Sabado?" masayang tanong ko sa kaniya. Gusto ko na ulit makabonding si Paizel at Arielle.
"Sige ba!"
"Anyayahan din natin si Arielle?" suhestiyon ko. Wala siya rito ngayon dahil hindi naman namin siya kaklase noong grade 12.
"Nasa ibang bansa si Arielle. Hindi mo ba alam?" tanong ni Paizel.
"Wala siya sinasabi sa'kin."
"Babalik din naman ata agad siya. Tayo na lang muna."
Masaya kaming nagkainan at nagkuwentuhan. Hindi ako nabuburyo kahit si Paizel at Kavez lang ang kaclose ko sa kanila.
"Truth or Dare," suhestiyon ni Tare nang magtanong si Mariel, president namin noon, kung ano ang pwede naming laruin.
Sinang-ayunan naman ito ng lahat. Kumuha sila ng isang bote at pinaiikot ito, nakabilog kaming lahat. Tumapat ito sa'kin. Ano ba 'yan start ng laro tapos sa'kin agad?
"Truth or Dare?" tanong ni Mariel.
"Dare."
Napatingin siya kay Kavez, "Ang balita ay magkasama na kayo sa iisang bubong? Subukan natin ang tatag mo Kavez," natatawa siya habang sinasabi iyon.
"Yexie, halikan mo si Leo sa pisngi," sabi niya na ang tinutukoy ay ang soccer player namin dati.
"Iba na lang, Mariel," agad na tanggi ko.
"Dare lang 'yan, Yexie. Mabilis nga lang ang pinapagawa ko eh."
Dumako ang mata ko kay Kavez, hindi kakikitaan ng anumang reaksyon ang mukha niya. Napatingin naman ako kay Leo na ganoon din ang itsura, mukhang wala lang sa kaniya 'yon. Bumuntong-hininga ako at tumayo. Lalapit pa lang ako kay Leo ay may humigit na ng kamay ko.
"Kung ganyan lang ding mga laro ang gagawin niyo ay mas gugustuhin naming umuwi," galit na ani ni Kavez.
Hinila niya na ako palabas ng resort bago pa may makapagsalita sa mga kaklase namin.