Chapter 27-Work
"My, I need to go."
"Saan ang punta mo?" nakakunot-noong tanong ni mommy sa akin.
"Pupunta po ako sa condo ni Kavez, nirecommend niya po ako sa kakilala niya. Do'n po ako magtatrabaho," pagpapaliwanag ko.
"Okay, take care!"
Kahit na tapos na sa pag-aaral ay hindi ko pa rin tinanggal ang habit ko na hahalikan ang magulang ko bago umalis sa bahay. Nakasanayan ko na ito at ayoko itong tanggalin.
Lumabas na ako ng bahay. Excited ako dahil unang beses kong magagamit ang kotseng binigay sa akin nina mommy at daddy noong grumaduate ako. Kulay itim ito, ang sarap pala sa pakiramdam na may sarili na akong sasakyan.
Mabilis ko itong pinaandar patungo sa condo ni Kavez. Susunduin niya sana ako sa bahay ngunit tinanggihan ko ito, gusto ko kasing magamit na itong kotse. Sumakay agad ako ng elevator, nang makarating sa tamang floor ay agad akong lumabas doon.
Nakita kong nakaawang ng kaunti ang kaniyang pinto. Bakit niya iniiwan itong ganito? Pumasok agad ako at wala akong nadatnang Kavez sa sala. Lumakas at bumilis ang pintig ng puso ko ng marinig ko ang mahina pero parang pasigaw na tinig.
"Ughh, ugh."
Hindi ko namalayang napatakbo na pala ako papunta sa kwarto. Doon natagpuan ko si Kavez na............. hindi mabuksan ang kaniyang bintana. Napatayo siya ng tuwid ng makita ako. Agad na sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang labi.
"Good morning, sorry ha. Hindi ko mabuksan yung bintana, hindi ko alam kung bakita ganito. Bagong-bago ang condo na ito pero sira agad ang bintana," nagkibit-balikat siya.
"Ahh, ipatingin mo na lang siguro," 'yon lamang ang nasabi ko dahil akala ko ay may iba na siyang ginagawa rito.
"Bihis lang ako tapos pupunta na tayong Klein Company, papakita ko lang sayo ang lugar. Tanggap ka na roon," mas lumaki ang ngiti niya.
Sinuklian ko ang ngiti niya at lumabas na muna sa kwarto niya. Ang swerte ko talaga kay Kavez.
"Wala na bang mga nakasaksak?" tanong ko sa kaniya dahil baka may nalilimutan pa siya. Nandito na kami ngayon sa sasakyan niya.
"Wala na, naicheck ko na kanina."
Pinaandar niya na ang makina at pumunta na kami sa kompanyang aking pagtatrabahuhan. Nasa labas pa lamang kami ng building ay halata na ang lawak nito. Sana ay maging maganda ang mga karanasan ko rito kapag nagsimula na ako sa pagtatrabaho.
Inakay na ako ni Kavez papasok doon. Pinto pa lang ay kamangha-mangha na ang laki noon. Inilibot muna ako ni Kavez sa ibang parte ng kompanya, gusto ko mang libutin ang iba pang parte ay alam kong kulang ang oras namin.
Pumasok kami sa isang malaking pinto, ang alam ko ay ito na ang opisina ng magiging amo ko.
"Hello po tita," pagbati ni Kavez. Hindi ko alam na Tita niya pala ang may-ari nito, akala ko ay kakilala niya lamang.
Parang nakita ko na siya, hindi ko lamang maalala kung saan at kung tama ba ang hinala ko.
"Oww! How are you Kavez? Nice to meet you again!" masayang pagbati ng kaniyang tita ngunit ang paningin niya ay nasa akin, maganda ang ngiti nito kaya sinuklian ko rin ito.
"I'm okay," sabay nagbeso silang dalawa.
"This is your girlfriend? She's so pretty!"
"Thank you ma'am," magalang na pasasalamat ko.
"Don't call me ma'am I am not a teacher. Just call me tita," ani nito na natatawa.
Nagugulat man ay sinagot ko ang bilin niya,
"Okay, Thank you tita."
"Hindi pa pala ako nagpapakilala. I'm Percie Verna. What is your name?"
"Yexie Arabelle," nakangiting ani ko.
"Your dad is an engineer, am I right?"
Talagang kilalang engineer si daddy.
"Yes po," sagot ko.
"Wait, siya iyong magtatrabaho rito diba?" baling niya kay Kavez
"Yes, Tita. Pumunta lang po kami rito para magkakilala kayo at mailibot ko siya sa kaniyang pagtatrabahuhan."
"You're so sweet Kavez, saan na kayo pupunta pagkatapos?"
"Babalik na po kaming condo tita."
"Kain muna tayo sa labas, okay lang ba?"
Napatingin ako kay Kavez. Siya ang masusunod kung gusto niya ba.
"Is it okay, Yexie?" tanong niya sa'kin.
"Oo naman."
"Oh, siya tara na!" maligayang sambit ni tita Percie na ang tono ay parang bata.
Kumain kami sa malapit lamang na restaurant. Masayang kasama ang tita ni Kavez. Hindi siya nauubusan ng ikukwento ngunit laging pumapasok sa isip ko na familiar talaga siya. Inaalis ko na lamang ito sa isip at pinagkikibit balikat, baka naman napapraning lang ako.
Matapos naming kumain ay agad na kaming umalis ni Kavez dahil may meeting pa raw si tita Percie. Sa daan ay nagkuwento ako sa kaniya, nahawaan na ata ako ng kadaldalan ni tita Percie HAHAHA.
"Ang sayang kasama ni tita Percie!" nakangiting ani ko.
Naalala ko ang mommy niya. Hindi ko pa ito nakikita kahit na tatlong taon na kaming magkasinatahan. Lagi kasi itong busy dahil sa trabaho. Ang sabi naman ni Kavez ay kilala na ako nito at naikuwento niya na ako sa kaniyang ina.
Nang marating na namin ang condo niya ay agad akong sumalampak sa sofa, nakakapagod 'yon kahit na kaunting oras lang naman. Tumabi sa akin si Kavez.
"Gusto mo bang dito na lang tumira?"
Hindi agad rumehistro sa akin ang sinabi niya. Alam kong nasa tamang edad na kaming dalawa pero mahirap pa rin ang ganoon. Kahit na gulat pa rin ay sinagot ko siya ng tanong din,
"Okay lang ba?"
"Oo naman, matagal ko na 'yong plano. Humahanap lang talaga ako ng tiyempo para tanungin ka."
Nag-aalala man na hindi pumayag ang aking magulang ay may kaunting parte sa akin ang masaya. Gusto kong nakikitang palagi si Kavez at gusto ko ring makasama siya sa iisang bubong.