Chapter 23 Hurting
Luke'sPOV
Pagkapark ko ng aking sasakyan di kalayuan sa bahay nina Athalia. Nagulat ako dahil may naka-park na isang Black Kia Optima K5 sa tabi ng bahay nina Athalia. Kay Charles ba ang sasakyan? Wala namang ibang nanliligaw kay Athalia kundi si Charles lang. Kaya malamang kay Charles ang sasakyan. Hindi ko maiwasang mainis dahil sa isiping magkasama sila ngayon ni Athalia.
Biglang bumukas ang gate ng bahay nina Athalia. Lumabas roon si Athalia kasama si Charles at tinungo ng dalawa ang sasakyan ni Charles. Humarap si Charles kay Athalia at parang may sinabi siya kay Athalia.
Unti-unting inilapit ni Charles ang mukha sa mukha ni Athalia at naglapat ang kanilang mga labi. F*ck! Gustong-gusto kong lumabas ng sasakyan at sugurin ng suntok si Charles at bugbugin hanggang sa malagutan ng hininga dahil sa ginawang paghalik niya kay Athalia. Pero nagpigil ako dahil wala naman akong karapatan na gawin iyon kay Charles. At kung gagawin ko man, tiyak na mapapahamak lamang ako.
Sabagay, wala naman kaming relasyon ni Athalia at hindi na ata iyon mangyayari. Dahil sa nakikita ko, may posibilidad na sagutin ni Athalia si Charles. Pinayagan nga niyang halikan siya ni Charles ang sagutin pa kaya o baka naman sila na?
Naikuyom ko ang aking kamao dahil doon. Nasasaktan ako sa ipinapakita ni Athalia na sweetness kay Charles. Gusto ko sakin lang siya ganiyan. Diba sinabi ko naman na sa kaniya na hihiwalayan ko si Mickaela para sa kaniya? O baka talagang hindi niya ako gusto at hanggang kaibigan lang ang turing niya sakin. Baka nga yun ang dahilan.
Nang matapos ang halik na iyon na hindi naman nagtagal ng isang minuto. Sumakay na ng sasakyan si Charles at pinasibad iyon paalis. Napagawi ang tingin ni Athalia sa sasakyan ko at kitang-kita ko roon ang pagkagulat sa kaniyang mukha. Napahawak siya sa kaniyang dibdib. Kinakabahan ba siya dahil nakita ko siyang hinalikan ni Charles?
Gusto ko ng klaruhin lahat. Gusto kong malaman kung may gusto ba siya sakin o wala. O may pag-asa pa ba ako. Kung wala naman, ayos lang. We still friends at walang magbabago roon. Nang makalabas ako ng sasakyan dahan-dahan akong lumapit sa kaniya habang titig na titig sa kaniyang mga mata. Nang ilang metro nalang ang layo ko sa kaniya, tinawag niya ang aking pangalan.
"Luke.." aniya. Tuluyan na akong nakalapit sa kaniya.
"Anong ibig sabihin ng halik na iyon, Athalia? May relasyon na ba kayo ni Charles?" tanong ko. Sinalubong niya ang aking titig.
"Oo, sinagot ko na siya kanina." aniya.
Pakiramdam ko parang may punyal na tumusok sa aking puso dahil sa nalaman. Ano ba ang wala sakin na meron si Charles? Mas matagal naman akong kilala ni Athalia, bakit ganun? Gusto kong ilabas ang aking galit ng mga sandaling iyon. Gusto kong suntukin ang pader ng kanilang gate hanggang sa namanhid ang aking kamao. Tumango-tango nalang ako, ayaw kong katakutan ako ni Athalia.
"Congrats! Masaya ako para sa inyong dalawa. Siguro nga talaga na hindi mo ako magawang magustuhan at kaibigan lang talaga ang turing mo sakin. Tatanggapin ko iyon." ani ko. Kitang-kita ko ang pagbalatay ng emosyon sa kaniyang mukha na hindi ko mabasa kung ano iyon.
"Salamat, Luke. Siguro nga hanggang magkaibigan lang talaga tayo at hindi tayo itinadhana na maging magkasintahan. Hindi mo na kailangang hiwalayan pa si Michaela para sakin." ani Athalia na mas lalong nagpadurog sa aking puso.
Hindi ba siya masaya kung gagawin ko iyon para sa kaniya? Pero bakit ang nakikita ko sa kaniyang mga mata ay panghihinayang o baka guni-guni ko lamang iyon. Nagpanting ang aking tenga sa sinabi niya.
"Makikipaghiwalay pa rin ako sa kaniya, Athalia. Hindi mo ako kailangang diktahan. Hindi porke't naging kasintahan mo na si Charles eh hindi ko na itutuloy ang balak ko."
May paninindigan kong tugon. Hindi porket may boyfriend na si Athalia ay hindi ako makikipagkalas kay Mickaela. Ayaw ko ng lokohin pa ang sarili ko. Nakita ko ang pagkalito sa kaniyang mukha.
"Ha? Bakit? Luke hindi magiging tayo kaya wala ng dahilan para makipaghiwalay pa kay Mickaela. Huwag ka na makipaghiwalay. Ayos lang sakin." aniya. Natawa ako sa sinabi niya. Napakagat-labi si Athalia.
"Athalia, hindi ako masaya sa piling ni Mickaela. At, walang dahilan para manatili pa ang relasyon naming dalawa. Bakit naman ako mag-sstay sa isang relasyon na hindi ako masaya? Para saan? Niloloko ko na nga siya pati sarili ko niloloko ko pa." ani ko. Natigilan si Athalia dahil sa sinabi ko at nagbaba ng tingin.
"Okay.—" nag-angat siya ng tingin. "Galit ka ba sa ginawa ko dahil sinagot ko si Charles kahit na ang sabi mo ay liligawan mo ako?" tanong niya. Kitang-kita ko ang takot sa kaniyang mga mata. Mas lumapit ako sa kaniya at hinawakan ko ang kaniyang pisngi.
"Masakit Athalia, sobrang sakit na makita kong masaya ka sa kaniya. Parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit. Pero, anong magagawa ko? Choice mo iyan. Ayaw kong pilitin ka sa isang bagay na alam ko naman na ayaw mo. One-sided love is hard.
Mas maganda na naging totoo ka sa sarili mo. Gusto ko kung magiging tayo, mahal mo ako. Masaya ako para sayo. Para sa inyo ni Charles. After all, I'm still you're bestfriend and no matter what happens I'm always here for you." ani ko at tumalikod na at naglakad patungo sa aking sasakyan. Hindi ko namalayan na may tumulong luha sa aking mga mata. F*ck! Ang sakit!
NAMALAYAN ko nalang ang sarili ko na tinatahak ang daan patungo sa bahay ni Ate Melissa. Gusto kong mailabas lahat ng sama ng loob na aking nararamdaman at gagaan lang iyon kapag nasabi ko ang bumibigat sa dibdib ko. Baka mabaliw ako kapag kinimkim ko ito.
Nang marating ko ang bahay nina Ate Melissa di-kalayuan sa mansiyon. Mabuti nalang at gising pa sila dahil nakabukas pa ang ilaw sa May kwarto nila. Lumapit ako sa gate at pinindot ang doorbell.
Ilang minuto rin ako naghintay bago bumukas ang pintuan ng bahay at lumabas roon si Ate Melissa. Nakadamit pantulog siya. Mukhang naabala ko pa ata siya pero kailangan ko talaga siya ngayon. Kailangan ko ng makakausap. Nagtatakang tiningnan ako ni Ate Melissa at naglakad palapit sa gate. Nang makalapit siya ay binuksan niya ang gate at niluwagan ang pagkakabukas nun.
"Luke? Anong ginagawa mo rito? Alas dyes na ng gabi. May problema ka ba?" nag-aalalang tanong ni Ate Melissa.
Kilala talaga ako ni Ate Melissa. Noong sana Canada ako, sa kaniya ako lagi nagsasabi ng mga problema ko thru Skype, at sobrang nakakatulong ang mga advices niya sakin. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
"Ayaw sana kitang istorbohin ate, kaso kailangan ko ng kausap ngayon dahil sobrang bigat ng dibdib ko. Wala naman akong ibang malapitan kundi ikaw lang." ani ko.
Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Ate Melissa na para bang naiintindihan ang pinagdadaanan ko. Tunalikod na siya at nagsimulang maglakad.
"Halika pasok ka, tulog naman na ang mga bata." ani Ate Melissa at nauna nang naglakad patungo sa loob ng bahay. Sumunod naman na ako. May dalawang anak si Ate Melissa, kambal na babae. May lahing kambal ang asawa niya.
"Salamat ate." ani ko nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ng bahay. Humarap sakin si ate Melissa at ngumiti.
"Wala iyon, Luke. Sino pa ba ang magmamalasakitan kung hindi tayo-tayo lang din diba? Namimiss ko na nga si Tito Adan e, kapag tumatawag kami hindi siya sumasagot. Ganun na ba siya kabusy sa negosyo at hindi man lang kaming magawang kmaustahin?" ani Ate Melissa na kababakasan ng lungkot sa boses.
Natigilan ako sa sinabi niya. Kung alam lang ni Ate Melissa ang nangyari kay Dad. Pero, ayaw kong magalit si Mom sakin kaya hahayaan ko nalang na siya ang magsabi.
Pero bakit inililihim ni Mom kina Tita ang nangyari kay Dad? Pero deserved nilang malaman ang totoo. Kakausapin ko si Mom kapag dumating siya na dapat sabihin na kina Tita ang nangyari sa aking ama.
"Luke? Okay ka lang?" ang tanong na iyon ni Ate Melissa ang nagpabalik sakin sa kasalukuyan. Tiningnan ko si Ate Melissa na bakas ang pag-aalala sa mukha. Nguniti ako para ipaalam na ayos lang ako.
"Oo ate, ayos lang ako. Oo, ate busy siya. Kaya madalang lang niyang mahawakan ang cellphone niya."—sagot ko sa tanong niya. Tumango-tango si Ate Melissa. Iginala ko ang paningin sa loob ng bahay. Maganda ang bahay at talagang pinag-ipunan ang mga kagamitan roon. Work at home ang trabaho ng asawa ni Ate Melissa kaya hindi na nila kailangan ng katulong. —"Saan pala tayo pwede mag-usap ate?" tanong ko.
"Dito nalang sa kusina. Halika at ng mapag-usapan natin ang problema mo at gumaan yang nararamdaman mo. Tiyak na kailangan na kailangan mo naman ng advice ko." ani Ate Melissa at naglakad na patungo sa kusina.
Umupo ako sa upuan sa mahabang mesa na naroon na gawa sa narra. Samantala, nagtungo naman sa refrigerator si Ate Melissa. Kumuha siya ng dalawang beer at ibinigay ang isa sakin. Binuksan ko ang beer na hawak sa pamamagitan ng can opener at tinungga iyon. Nakarinig ako ng mga yabag na papalapit sa kinaroroonan namin. Lumingon ako at nakita si Kuya Cyron na asawa ni Ate Melissa.
"Kuya Cyron." ani ko ng makalapit siya samin.
"Luke!" aniya at tinapik ang aking balikat tsaka umupo sa katabing upuan ni Ate Melissa.
Tumayo si Ate Melissa at nagtungo sa ref para kunuha ng beer tsaka ibinigay iyon kay Kuya Cyron. Kumuha na rin si Ate Melissa ng tatlong baso at ibinigay samin ang dalawa samantalang ang isa ay sa kaniya. Binuksan iyon ni kuya Cyron gamit ang can opener.
"Anong problema natin, Luke?" tanong ni Kuya Cyron habang nagsasalin ng beer sa baso. Tumikhim muna ako para mawala ang bara sa aking lalamunan.
"Si Athalia Ramos kuya at ate, nakita ko silang dalawa na magkasama at ang masakit pa doon. Hinalikan ni Charles si Athalia. Sobrang nasaktan ako sa nakita ko." ani ko at nagsalin ako ng beer sa baso at ininom iyon at nagsalin muli.
"Athalia Ramos, siya ba yung kababata mo?" tanong ni Kuya Cyron. Hindi na nakapagtatakang malaman ni Kuya Cyron na kababata ko si Athalia. Malamang nasabi na iyon ni Ate Melissa.
"Oo kuya, siya nga."sagot ko. Tumango-tango si Kuya Cyron.
"Naikwento kasi sakin ng Ate Melissa mo." sagot ni Kuya Cyron. Bununtong-hininga si Ate Melissa.
"Nagseselos ka sa nakita mo?" tanong ni Ate Melissa. Tumango ako.
"Oo ate, hindi ko mapigilan. Kahit ang totoo ay wala naman akong karapatan na magselos dahil wala kaming relasyon at may kasintahan ako. Hindi ko maiwasan kasi May ibang pinagtutuunan ng pansin si Athalia bukod sakin. Kung maibabalik ko lang ang panahon ate, sana naitama ko lahat. Pero huli na, at alam ko na hindi na mapapasakin si Athalia." paliwanag ko.
Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Ang sakit sakit! Kaytagal kong pinangarap si Athalia. Ito ba ang senyales na hindi kami para sa isa't-isa? Na dapat ko nang kalimutan ang nararamdaman ko para sa kaniya? Hinawakan ni Ate Melissa ang aking kamay at pinisil iyon. Napatitig ako kay ate Melissa, ramdam ko sa kaniyang paghawak ang malasakit at pagmamahal para sakin.
"Mahirap nga iyang pinagdadaanan mo, Luke. Pero, kung ako ang tatanungin. Kailangan mo ng magmove-on, kailangan mo na siyang kalimutan. Dahil kung hindi mo gagawin iyon, ikaw lang ang masasaktan at mahihirapan." ani Ate Melissa habang masuyo akong tinitingnan.
"Nahihirapan ako ate. Iniisip ko pa lang, mahirap gawin. Easier said than done. Sobrang mahal ko si Athalia ate, hinangad ko na makasama siya habang buhay at maging ina ng aking mga anak. Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin." ani ko.
"Pero nasabi mo na sa kaniya ang nilalaman ng puso mo? Na hindi lang kaibigan ang turing mo sa kaniya?" tanong ni Ate Melissa. Tumango ako.
"Oo ate, nasabi ko na noong pumunta ako sa kanila. Noong pumunta ka sa bahay para ibigay ang folder na ipinabibigay ni Mr. Lereño." sagot ko. Naibigay ko na noong nakaraan ang folder na iyon at napirmahan ang dapat pirmahan. Tumikhim si Kuya Cyron.
"Tama si Ate Melissa mo. Kailangan mo na siyang kalimutan. Yun lang ang tanging paraan para hindi ka masaktan ng ganiyan. Kung kayo talaga, kayo talaga. Pero kung hindi, kailangan mo nalang tanggapin iyon."
Tiningnan ko si Ate Melissa, na tumango bilang tanda na sumasang-ayon siya sa sinabi ng kaniyang asawa. Sabagay, tama sila. Yun lang. Paano ako makakapagmove-on gayong Sekretarya ko si Athalia?