Chapter 22 Mistrust
Athalia'sPOV
"CHARLES." ani ko ng madatnan siya sa labas ng gate na nakatayo at naghihintay na may magbukas sa kaniya ng gate. Ngumiti siya ng makita ako.
"Athalia." aniya. Lumapit ako sa gate at binuksan iyon. Niluwagan ko ang pagkakabukas ng gate ng mabuksan iyon.
"Pasok ka, Charles." paanyaya ko sa kaniya. Agad naman pumasok si Luke na may dalang dalawang box. Na-curious ako sa dala niya kaya tinanong ko siya.
"Ano naman yang dala mo?" tanong ko habang iginigiya siya papasok sa bahay. Magkatabi kaming naglalakad.
"Ah ito, it's an Italian Pastry na binake ko. Canolli." aniya. Tumango-tango ako.
"Madami ka talagang alam na i-bake, Charles." ani ko at pumasok na kami sa loob. Nadatnan namin si Mr. Lereño at inay na nakatingin samin. Lumapit kami sa kanila. Lumapit si Charles kay inay at nagmano.
"Magandang gabi po, Tita." ani Charles, matapos makapagmano.
"Magandang gabi rin, iho. Mabuti naman at napasyal ka dito sa bahay." ani inay kay Charles.
"Oo nga po eh, Tita. Niyaya po kasi ako ni Athalia. Para na rin po makilala ko po kayo. Pasensya po kung ngayon lang ako nadalaw, minsan po kasi pag-uwi ko sa bahay. Madami pa pong ginagawa na hindi natapos sa opisina." ani Charles. Ah, kaya pala. Napaka-responsable naman ni Charles. Yung iba kasi, iniaasa sa mga empleyado o sekretarya ang kanilang mga ginagawa.
"Kaya pala, mabuti naman at nakapunta ka ngayon. O siya, ihahanda na namin ang hapunan ni Athalia." ani inay at binalingan ako, kaya dagli naman akong sumunod sa kaniya at tinulungan siya sa pagprepara ng hapunan.
"Nandito po pala kayo Mr. Lereño." narinig kong ani Charles. Naglalagay na kami ni inay ng plato sa mesa.
Hindi na nakapagtataka na magkakilala sila lalo na at nasa industriya sila ng pagnenegosyo. Lumapit ako kay Charles at kinuha sa kaniya ang hawak na kahon ng Canolli ni Charles na ibinigay naman niya at inilagay muna iyon sa ref.
"Oo, inihatid ko kasi si Athalia kanina at makipagkwentuhan na rin. Hindi ko akalain na magkakilala pala kayo." tanong ni Sir Lereño na nagpabaling sakin sa kaniya.
Hindi ko nga akalain na makakakwentuhan namin si Sir Lereño, at parang matagal na silang magkilala ni inay kung makipag-usap ito. Sa totoo lang, magaan ang loob ko kay Sir Lereño.
Yun ang lagi kong nararamdaman kapag nagpapameeting siya samin. Magaan din ba loob niya sakin? Siguro dahil na rin sa mabuti siyang tao kaya ganun ang nararamdaman ko para sa kaniya.
"Opo, nagkakilala po kami sa Welcome Party ng kaibigan niyang si Luke Sebastian." ani Charles.
Tumango-tango naman si Sir Lereño sa sagot ni Charles. Inihanda na namin ni inay ang mga pagkain sa mesa. Alas-otso na pala ng gabi na hindi na namin napansin dahil nawili kami sa pakikipagkwentuhan.
"Upo muna po kayo Sir Lereño at Charles." ani ko sa kanila.
Tumingin sila sakin at sabay na nagpasalamat na sinuklian ko naman ng ngiti. Umupo si Charles sa kanang bahagi kung saan naroon ako at si Mr. Lereño na nasa kaliwang bahagi kung saan naroon si inay.
"Ano pala ang ginagawa mo rito, Charles?" tanong ni Sir Lereño kay Charles.
Bakit pakiramdam ko sa tuno ng boses ni Sir Lereño, paramg may halong galit iyon na para bang hindi niya nagustuhan na narito si Charles o baka guni-guni ko lang iyon. Tumikhim muna si Charles.
"Nanliligaw po ako kay Athalia, Mr. Lereño. Noong nakita ko siya sa Welcome Party, nagkaroon po ako ng atraksyon sa kaniya. Kaya humingi ako ng permiso na ligawan siya na kaagad naman niyang pinahintulutan." sagot ni Charles. Hindi ko maiwasang panulaan ng mukha dahil sa sinabi niya.
"Hindi lang maganda si Athalia, May mabuti rin siyang kalooban." sinserong ani Sir Lereño. Bumaling ako sa kaniya at bahagyang yumuko.
"Maraming salamat po, Sir." ani ko. Ngiti lang ang isinagot niya sakin.
Tapos na kami magprepara ng pagkain sa mesa kaya naupo na kami ni inay sa upuan. Katabi ni inay si Sir Lereño, samantalang si Charles naman ay katabi ko. Bumaling ako kay Charles.
"Kumain ka na ba?" tanong ko. Umiling siya.
"Hindi pa, pagkadating ko sa bahay. Nag-bake agad ako kaya wala na akong panahon para kumain." ani Charles. Tumango-tango ako sa sagot niya.
"Kung ganoon, kain muna tayo, tiyak na nagugutom na kayo. Pagpasensyahan niyo na itong niluto kong ulam, alam ko naman hindi kayo nag-uulan ng ganito. Ito lang kasi ang kaya namin." ani inay.
Ang ulam kasi ay adobong manok, pero masarap magluto si inay kaya kahit ganito ang ulam. Solve ka pa rin. Pero, kahit ganun man. Mayayaman kasi ang makakasalo namin at tiyak na hindi sila gaanong kumakain ng ganito. Dahil sanay sila sa mga ulam na talagang mayaman lang ang makakakain.
"Carmen, okay lang ito. Ang mahalaga ay may pagkain na nakahain sa mesa na ibinibigay ng Diyos sa atin sa araw-araw. Be thankful, dahil hindi lahat ng tao ay nakakakain ng ganitong pagkain at nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Kami na nga makikikain, kami pa maarte? Hindi naman kami maarte ni Charles. Diba?" ani Sir Lereño at tiningnan si Charles.
"Oo naman po, at tiyak na masarap po itong niluto niyong ulam Tita." may sinseridad na ani Charles.
"Opo. Masarap po talaga magluto si inay, kaya madalas siya po ang nagluluto sa mansiyon ng Sebastian kapag May okasyon dahil talaga namang pambato ang luto ni inay!" puri ko kay inay para mawala ang hiya niya. Tiningnan ako ni inay at nginitian.
Higit sa lahat, hindi ko maiwasang makaramdam ng kagalakan sa aking puso dahil sa ipinapakitang kabutihan ni Sir Lereño at Charles na kahit nagmula sila sa mayayamang pamilya naroon pa rin ang pagpapakumbaba.
Hindi ko lang maiwasang magtaka kung paano kausapin ni Sir Lereño si inay, na para bang matagal na silang magkakilala. Kanina nakita ko ang recognition sa kanilang mga mata, pero hindi ko lang pinansin. Ngunit, kailangan kong makasiguro. Tatanungin ko si inay tungkol rito. Team ko na May inililihim siya sakin.
KINAKAIN namin ang isang box ng Canolli na panghimagas at malapit na namin iyon maubos ng maisip ko na mas mainam na sabihin ko na ngayon ang balak kong sagutin si Charles. Wala namang masama kung malaman man ni Sir Lereño. Tumikhim ako kaya napabaling ang atensiyon nila sakin. Tiningnan ko si Charles.
"Ahm, Nay. Gusto ko pong sabihin sa inyo ang desisyon ko na sagutin si Charles, ngayon mismo." ani ko. Narinig ko ang pagsinghap ni Charles, kaya tiningnan ko siya at nginitian. Kitang-kita ko ang pagtataka sa kaniyang mukha.
"Athalia." yun lang ang namutawi sa bibig ni Charles at buong paysuyo akong tinitigan.
"Deserve mo naman na sagutin kita. Mabait ka at pinaramdam mo sakin na seryuso ka sa panliligaw sakin, kaya sinasagot na kita ngayon. Ito ang rason kung bakit kita inimbitahan dito sa bahay para sagutin ka sa harap ng aking ina." ani ko habang titig na titig sa kaniya.
Pero bakit ganun? Bakit pakiramdam ko hindi ako masaya sa desisyon kong pagsagot sa panliligaw ni Charles? Dahil ba ito kay Luke? Iwinaksi ko sa isip ang pag-aalinlangan na iyon. Pilit kong isiniksik sa isip ko na tama ang desisyon ko, sa ganitong paraan hindi na gagawin ni Luke na makipaghiwalay kay Mickaela dahil sakin na baka pagmulan pa ng gulo. Naputol ang aking pag-iisip ng magsalita si inay.
"Kung yun ang desisyon mo, anak. Sumasang-ayon ako. Nasa tamang edad ka na para sa mga bagay na iyan at alam kong kaya mo ang sarili mo. Kaya, hinahayaan na kitang magdesisyon para sa sarili mo." ani inay at binalingan si Charles.
"Alagaan mo ang anak ko, Charles. Huwag mo siyang sasaktan at paiiyakin. Malaki ang tiwala ko sa iyo." ani inay. Tiningnan ko si Charles kung ano ang magiging reaksiyon niya. Kitang-kita ko ang bakas ng kasiyahan sa kaniyang mukha.
"Oo naman po, Tita. Makakaasa po kayo." sagot ni Charles. Napatingin ako sa gawi ni Sir Lereño na matamang nakatingin kay Charles na parang bang inaarok kung may katotohanan ba ang mga sinabi ni Charles.
"Sir Lereño." tawag-pansin ko sa kaniya. Mula sa pagtitig kay Charles, bumaling siya ng tingin sakin at ngumiti.
"Congratulations, ana— ahm, Athalia at Charles." aniya at masuyong ngumiti.
"Salamat po." ani ko.
"Alagaan mo si Athalia, Charles. Kapag sinaktan at niloko mo siya. Mananagot ka sakin. Wala akong pakielam kahit mayaman ka pa." ani Sir. Lereño na parang tatay kong magalit.
Hindi ko naman maiwasan makaramdam ng kasiyahan dahil sa dun. Dahil pakiramdam ko may importansiya ako sa Boss ko. Kung bibigyan ako ng pagkakataon na magkaroon muli ng ama, gusto kong hilingin na maging ama si Sir Lereño. Para bang may nararamdaman akong lukso ng dugo sa kaniya. Pero imposible iyon, dahil hindi naman kami magkadugo. Sumaludo si Charles dito.
"Yes, Boss." ani Charles na ikinatawa ko ng mahina.
"Salamat po sa concern, Sir Lereño." sagot ko. Tiningnan ako ni Sir Lereño at masuyong nginitian.
"Parang anak na ang turing ko sayo. Kung bibigyan ako ng pagkakataon na magkaroon ng anak, gusto ko ikaw ang maging anak ko." aniya habang masuyong nakatitig sakin. Ramdam ko sa kaniyang boses ang emosyon.
"Ako rin po, Sir Lereño. Kung bibigyan ako ng pagkakataon na magkaroon pa ng ama. Ikaw po ang pipiliin ko." ani ko.
Nakita kong namalisbis ang luha sa mga mata ni Sir Lereño, agad niyang pinahid iyon gamit ang likod ng kamay. Binalingan ko si inay, titig na titig siya kay Sir Lereño na hindi ko alam kung bakit ganoon makatitig si inay. Iba yung titig eh. Kailangan ko na talagang malaman dahil nalilito na talaga ako.
"Pasensiya na, natutuwa lang ako." ani Sir Lereño at tumayo na tsaka muling binalingan si Charles. "Yung banta ko, huwag mong kalimutan. Huwag mong sasaktan si Athalia." aniya. Natawa si Charles.
"Oo naman po." sagot ni Charles.
"Mauna na ako, Athalia at Charles." paalam ni Sir Lereño samin. Ngumiti ako kay Sir Lereño.
"Sige po, mag-iingat po kayo." ani ko. Tumayo na rin si inay.
"Ihahatid ko na siya sa labas." at sabay na umalis si inay at Sir Lereño at naglakad palabas ng bahay.
"Magkakilala ba ang iyong inay at si Mr. Lereño." tanong bigla ni Charles na ikinabaling ko rito.
"Hindi, bakit? Ngayon lang sila nagkita eh, kaya imposibleng magkakilala sila." tanong ko. Ibig bang sabihin nakita rin ni Charles ang recognition sa mga mukha nila inay at Sir Lereño?
"Iba kasi kung tingnan nila ang isa't-isa o baka akala ko lang iyon." ani Charles. Napansin din pala iyon ni Charles.
"Mas mainam na tanungin ko si inay, patungkol doon. Dahil ako din nararamdaman ko iyon na parang magkakilala sila at hindi lang nila sinasabi sakin." ani ko.
"Mainam nga kung ganun." ani Charles at hinawakan ang aking kamay at pinisil iyon.
Wala talaga, wala akong maramdaman na kuryente ng hawakan niya ang aking kamay na madalas kong maramdaman kay Luke. Pakiramdam ko, nagi-guilty ako sa ginawa ko. Sinagot ko si Charles hindi dahil sa mahal ko siya. Sinagot ko siya dahil sa kailangan. Pero pasasaan ba't matututunan ko din siyang mahalin.
"Salamat, Athalia dahil binigyan mo ako ng chance na mahalin at alagaan ka. Sinisiguro ko na rerespetuhin kita at mamahalin, at hindi kita sasaktan." ani Charles habang titig na titig sakin. Napapikit ako ng halikan niya ako sa noo.
"Walang anuman, Charles." ani ko. Napatingin ako sa orasan. Alas nuwebe y medya na pala ng gabi.
"Gabi na pala." nasabi ko bigla.
"Oo nga." ani Charles at tumayo na.
"Aalis na ako, Athalia. You need rest, alam kong pagod ka. Magkita tayo sa day-off mo. Sigurado naman na magiging busy ka nitong mga susunod na araw." ani Charles. Tumayo na rin ako.
"Sige, magkita tayo sa Linggo. Ihatid na kita sa labas." ani ko at nauna ng naglakad habang nakasunod si Charles. Pumasok si inay mula sa paghatid kay Sir Lereño. Bakit parang ang tagal naman ata? Tumingin siya kay Charles at sakin.
"Uuwi ka na Charles?" tanong ni inay.
"Opo, Tita. Gabi na rin po kasi. Kailangan na pong magpahinga ni Athalia lalo at May pasok pa siya bukas. Salamat po sa magiliw na pagtanggap sakin." sensirong ani Charles. Ngumiti si inay.
"Walang anuman, iho. Mag-ingat sa byahe." paalala ni inay.
"Opo."
"Ihatid ko lamang po siya sa labas, inay. May itatanong po ako sa inyo mamaya." ani ko.
Tumango lang si inay at naglakad na patungo sa kusina para siguro magligpit ng mga pinagkainan. Lumabas na kami ng bahay ni Charles at tinungo sa tabi ng daan ang kaniyang Black Kia Optima K5. Iba talaga kapag mayaman nabibili ang mga mamahaling sasakyan na naisin. Bago siya tuluyang pumasok, humarap siya sakin.
"Pwede humingi ng pabor, Athalia?" tanong ni Charles.
"Sure. Ano iyon?" tanong niya.
"Can I kiss you on the lips?" tanong niya.
Bakit ba napa-kagentleman ni Charles? Kailangan niya pang ipaalam iyon sakin? Samantalang si Luke.. No! No! Don't go there Athalia! Wala namang masama kung hahalikan ako ni Charles, kasintahan niya ako at kasintahan ko siya.
"Oo naman, girlfriend mo naman ako. So, may karapatan kang halikan ako." ani ko.
Yun lang at dahan-dahang bumaba ang ulo ni Charles at hinawakan ako sa balikat at sinakop ang aking mga labi. Masuyo at mababaw lang ang halik niya. Hanggang sa ako na ang kusang kumalas sa halikang iyon.
"Thank you for letting me kiss you." ani Charles.
"You're welcome, Charles. So, have a safe drive. Good night." ani ko.
"Goodnight din, Athalia." aniya at hinalikan ako sa noo.
Pumasok na sa loob ng Black Kia Optima K5. Kumaway ako at nang magawi ang tingin ko sa kaliwang bahagi ng daan. Napakunot-noo ako ng makita ang isang sasakyan na pamilyar sakin di kalayuan sa bahay.
Sh*t! Kay Luke yun ah. Hindi ako nagkamali, dahil bumukas ang pintuan sa driver seat at lumabas roon si Luke at naglakad palapit sakin. Hindi ko maiwasang mapahawak sa aking dibdib na kaybilis ng tibok niyon. Anong ginagawa ni Luke rito?
Ibig sabihin nakita niya ang paghalik sakin ni Charles? Mariin akong napapikit at napabuntong-hininga. Anong gagawin ko ngayon? Eh, ano naman ngayon? Hindi mo kasintahan si Luke na pinagtaksilan mo para maguilty ka. May kasintahan din siya, anang isang bahagi ng isip niya.
Haharapin ko siya, anuman ang mangyari.