Chapter 21 Hiding The Truth
Carmen'sPOV
NANG marinig ko na may humintong sasakyan sa labas ng bahay at marinig ang boses ni Athalia na para bang May kinakausap. Mula sa ginagawang pagwawalis sa salas ay agad akong lumabas ng bahay para mapagbuksan ng gate si Athalia. Tapos na rin ako nagluto ng hapunan. Nang makalabas ako ng bahay nagulat ako dahil may kasama si Athalia.
"Athalia, ikaw na ba yan?" paniniguro ko.
Lumingon sa kinaroroonan ko ang kasamang lalaki ni Athalia. At mula sa ilaw na nagmumula sa street light, naaninag ko ang itsura ng lalaking kasama ni Athalia. Sa bulto at tindig ay may katandaan na rin ang lalaki. Napakunot-noo ako dahil parang pamilyar siya sakin. Naglakad na ako palapit sa kanila.
"Inay! Pakibuksan po. Nandito po ang Boss ko. Ipapakilala ko po siya sa inyo." ani Athalia.
Ah, Boss pala niya ang kasama niyang lalaki. Hindi ko kasi kilala ang Boss niya dahil hindi naman ako nagtatanong sa kaniya sa mga bagay-bagay patungkol sa trabaho niya.
Hindi ko masyadong mamukhaan ang lalaki dahil nasa likuran nila ang street light. Nang tuluyan na akong makalapit. Muntik na akong mawalan ng balanse ng mapagsino kung sino ang kasama ni Athalia mabuti nalang nakahawak ako sa gate.
Totoo ba itong nakikita ko o guni-guni ko lang. Bakit? Tumingin ako kay Athalia na matamis ang pagkakangiti. Muli kong ibinalik ang tingin sa lalaki. Kitang-kita ko rin ang pagkagulat sa kaniyang mga mata ng mapagsino ako. Bakit ko naman makakalimutan ang itsura niya? Ganun na ganun pa rin ang itsura niya, tumanda lang ng kaonti pero mas kumisig siya.
"Inay? Alam kong gwapo ang Boss ko pero bakit ganiyan kayo makatingin sa kaniya? Parang natatakot kayo. Huwag po kayong mag-alala, mabait po ang Boss ko at di yan nangangain." biro ni Athalia na naging dahilan para matawa ang Boss niya, samantalang nailang ako bigla.
"Oo nga naman. Wala po kayong dapat ikatakot sakin, Ma'am. Inihatid ko po ang anak ninyo, kaysa mag-commute pa po siya." anito.
Huminga ako ng malalim at hindi pinansin ang biro ni Michael, dahil kanina pa malakas ang kabog ng dibdib ko. Inilabas ko ang susi sa bulsa at ginamit iyon para matanggal ang padlock sa gate. Nang matanggal iyon, binuksan ko ang gate.
"Pasok po kayo, Sir." ani ko habang nakatitig sa kaniya.
Kitang-kita ko ang pagbalatay ng sari-saring emosyon ang mga mata ni Michael. Pagkasabik at pagtatampo na may galit. Ngumiti siya sakin at ganun din ako sa kaniya.
"Inay, si Sir Michael Lereño po, ang Boss ko at may-ari ng Heirwone Enterprise na pinagtatrabahuhan ko." pagpapakilala ni Athalia sakin kay Michael. Binalingan niya si Michael. "Sir, siya po ang aking ina na si Carmen Caminez." pagpapakilala sakin ni Athalia kay Michael. Inilahad ni Michael ang kanang kamay sa aking harapan para sa isang pakikipagkamay.
"Ikinagagalak kong makilala ka Ms. Carmen Caminez." ani Michael habang nakatitig sakin.
Hindi ko maiwasang mahiya sa paraan ng pagtitig niya kaya tiningnan ko ang kaniyang kamay na nakalahad at tinanggap iyon. Wala namang masama kung makipagkamay ako. Siguro naman nakamove-on na siya sa ginawa kong pag-iwan sa kaniya at ngayon ay masaya na sa kaniyang pamilya. Eh ikaw nakamove-on ka na ba? Anang isang bahagi ng isip ko na dagli kong iwinaglit.
"Ikinagagalak ko rin na makilala po kayo, Mr. Lereño." ani ko. Naramdaman kong pinisil ni Michael ang aking kamay kaya dagli ko iyong binawi.
"Tuloy muna po kayo sa loob, Sir Lereño para makapagkape muna kayo bago umalis. Ipagtitimpla po kayo ni inay, magaling pong magtimpla ng kape yan." pagmamalaki sakin ni Athalia. Kung alam mo lang Athalia kung sino si Mr. Lereño sa buhay mo. Tumingin si Michael kay Athalia.
"Sige ba, iha. Gusto ko iyan." ani Michael.
Nauna ng pumasok sa loob si Athalia. Naiwan kami dito sa labas ni Michael. Ayaw kong makipag-usap sa kaniya kaya naglakad na rin ako papasok sa bahay. Sumunod naman si Michael sakin. Nang makapasok kami sa loob, wala sa salas si Athalia. Marahil, nasa kwarto na siya at nagbibihis. Dumiretso ako sa kusina, pero ramdam kong may sumusunod sakin, at yun ay si Michael.
"Ang dami kong gustong itanong sayo, Carmen. Pero ito muna ang itatanong ko. Bakit Carmen Caminez ang pangalan mo? Diba dapat Carmen Ramos ang buo mong pangalan dahil yun ang apelyidong gamit ni Athalia?" kuryos na tanong ni Michael.
"Hindi mo na kailangang malaman iyon, Michael. Narito ka dahil inihatid mo ang anak ko, Michael at hindi para itanong ang mga bagay na iyan." ani ko.
Hindi na dapat niya malaman ang katotohanan. Dapat na namin ibaon sa limot ang lahat, kahit hanggang ngayon na siya pa rin ang tinitibok ng aking puso at hinahanap-hanap nito sa mga taong nagdaan. Maglalakad na sana ako patungo sa mesa kung saan naroon ang termos at tasa para ipagtimpla siya ng kape. Ngunit, humarap siya sakin.
"Gusto kong malaman kung bakit? Carmen, ilang beses na may nangyari satin noong nagtapos tayo ng Sekondarya, Carmen. Kailanman, hindi ako gumamit ng proteksyon dahil gusto ko magbunga iyon at magkaroon ng dahilan na hindi mo ako iwan. Ibig sabihin, baog ako? Dahil wala akong naging anak sa iyo." aniya.
Kitang-kita ko ang pagsusumamo sa kaniyang boses. Hindi ko alam kung tama bang sabihin ngayon ang katotohanan o huwag nalang. Pero, karapatan niyang malaman iyon.
Karapatan niya na malaman na anak niya si Athalia. Dahil sa mga emosyong nararamdaman ko ng mga sandaling iyon, tumulo ang aking luha at nakita iyon ni Michael. Lumapit siya sakin at pinunasan iyon gamit ang hintuturo.
"Shh. Don't cry. Ayaw kong nakikita kang nasasaktan ng dahil sakin, Carmen. Kung hindi ka pa handa na sabihin sakin ang katotohanan ay ayos lang. Naiintindihan ko at hihintayin ko ang araw na handa mo ng sabihin ang lahat." ani Michael habang nakatitig sakin ng buong pagsuyo. Totoo ba itong nakikita kong emosyon sa kaniyang mga mata?
"Sige, sasabihin ko na ang totoo. Hindi kami kasal ni Ernesto Ramos kaya Carmen Caaminez ang buo kong pangalan, Michael. At alam iyon ni Athalia, ang alam lang niya ay hindi kami naikasal dahil namatay si Ernesto. Pero ang totoo magkaibigan lang kami ni Ernesto, Michael.
Nakisuyo ako na ipagamit niya kay Athalia ang apelyido niya dahil ayaw kong magtanong si Athalia paglaki niya kung bakit magkaapelyido kami. Anak mo si Athalia, Michael. Nang iniwan kita, isang buwan na akong buntis nun. Gusto kong humingi ng tawad dahil ipinagkait ko sayo ang pagiging ama kay Athalia. Naging duwag ako.—
Naputol ang aking mga sasabihin ng magsalita si Athalia mula sa hagdan.
"Inay? Umiiyak po ba kayo?" tanong ni Athalia. Nilingon ko si Athalia at nakita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata.
"Ahm. Napaiyak lang ako dahil napagkwentuhan namin ni Sir Lereño ang tungkol sayo. Hindi ko lang maiwasan na maging emosyonal habang nagkwenwento. Sobrang proud kasi ako sa'yo, anak." ani ko at tiningnan si Lereño. Kitang-kita ko ang galit sa kaniyang mga mata. Marahil ay dahil sa pagsisinungaling ko. Lumapit agad sakin si Athalia at niyakap ako.
"Proud din ako sa inyo, inay." aniya habang nakayakap sakin.
Napatingin ako kay Michael na matamang nakatingin kay Athalia na may pangungulila sa mga mata. Nang kumalas si Athalia sa pagkakayakap sakin. Lumingon siya kay Michael.
"Pasensiya na po, Sir. Naging emosyonal kami sa harapan niyo." hinging-paumanhin ni Athalia.
Ngumiti si Michael. Ang sayang pagmasdan silang dalawa na nag-uusap. Sa ngayon, hindi muna ito ang tamang pagkakataon para ipagtapat kay Athalia ang katotohanan. Unti-unting ko munang sabihin sa kaniya iyon para hindi siya mabigla at baka kamuhian ako. Hindi ko hahayaang mangyari yun. Magalit na sakin ang lahat huwag lang si Athalia.
"Wala yun, iha. Masaya ako na nakikita ko kung gaano mo kamahal ang iyong ina." ani Michael.
"Oo naman po. Mahal na mahal ko po si inay. Sobrang sakripisyo po ang ginaw niya para sakin. Naging katulong siya sa loob ng halos labing-limang taon para lang may maipantustos sa mga pangangailangan namin at sa pag-aaral ko po. Nagpapasalamat po ako doon, sana kung kasama lang namin si itay. Tiyak na masaya kami ngayon at alam kong proud din siya sakin at kay inay." ani Athalia na may kislap ng kasiyahan sa mga mata.
"Tiyak na kung nabubuhay man ngayon ang iyon ama, sobrang proud na proud siya sayo." ani Michael at tiningnan ako. "At, proud na proud din siya sa iyong ina dahil matapang siya na lampasan lahat para sayo at nagawa niyang ibigay lahat ng mga pangangailangan mo." ani Michael at muli itinuon ang pansin kay Athalia. Ngumiti si Athalia.
"Salamat po, Sir. Sandali po, nagkape na po ba kayo?" tanong ni Athalia kay Michael.
"Hindi pa e. Nakalimutan na dahil nagkwentuhan kami ng iyong ina." ani Michael na ikanatawa ni Athalia at siniko ako.
"Nay, ipagtimpla mo na daw po si Sir Lereño at ng makauwi at makapagpahinga." ani Athalia.
"Sige. Maiwan ko muna kayo huh." ani ko at tinungo na ang mesa.
Habang nagtitimpla ng kape, binalingan ko sina Athalia at Michael na ngayon ay nakaupo na at nag-uusap. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Athalia kapag nalaman niya na ama niya ang Boss niya?
Hindi ko maiwasang mapangiti habang tinitingnan sila. Kitang-kita ko sa bakas ng mukha ni Michael ang kasiyahan na kapiling na niya ngayon ang kaniyang anak.
Michael'Lereño'sPOV
"Lagi pong sinasabi ni inay na mahal na mahal niya si itay." ani Athalia habang nakangiti.
"Napakaswerte naman ng iyong ama." ani ko.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot sa dibdib. Siguro minahal niya si Ernesto kahit na kaibigan lang ang turing nila sa isa't-isa. Hindi na sumagot si Athalia, bagkus ay tumingin siya aking likuran.
"inay." aniya.
Inilapag ni Carmen ang tatlong tasang kape na nakapatong sa isang aluminum tray sa mesa. Pagkatapos, umupo siya sa katabing upuan ni Athalia.
"Inay, magkwento ka naman kung paano kayo nagkakilala ni itay." tanong ni Athalia. Tiningnan ako ni Carmen, ibig sabihin ang pagkakakilala namin ang ikwento niya. Nakaramdam ako ng kasiyahan dahil doon kaya tinanguan ko siya para iparating na pwede.
"Nagkakilala kami ng iyong ama noong nagtratrabaho ako sa isang kainan di-kalayuan sa paaralan noong High School ako, pandagdag sa mga miscellaneous fee at baon na rin noong First Year ako. Pumunta siya roon kasama ang isang kaibigan ata niya at doon sila kumain. Habang nasa counter ako nun at may inaasikaso, lumapit siya sakin at hiningi ang aking numero na hindi ko alam kung bakit pero dahil costumer namin siya ibinigay ko pa rin.
Hanggang sa palagi na siya sa Karinderya, at nagkapalagayan kami ng loob at makalipas ang ilang buwan, nanligaw ang iyong ama hanggang sa sinagot ko siya." ani Carmen habang nakatungo. Like mother, like daughter. Mahiyain. Pero anong ugali ang mayroon ako na namana ni Athalia? Binalingan ko si Athalia ng pumalakpak.
"Ang ganda ng lovestory niyo ni itay, nay." aniya. Tiningnan ko ang relong-pambisig, alas-syete y medya na pala ng gabi. Tumayo na ako.
"Aalis na ako, para makapaghapunan na kayo. Gabi na at para makapagpahinga ka na rin Athalia." ani ko at sinulyapan si Athalia. Tumayo na rin siya at si Carmen.
"Oo nga naman. Baka nag-aalala na ang iyong asawa't anak dahil anong oras na di ka pa umuuwi." ani Carmen na ikinabigla ko.
"Wala akong asawa, Carmen." ani ko na ikinabigla niya. Hindi ko naman pwedeng sabihin na wala din akong anak dahil nasa harapan ko nag aking nag-iisang anak at tagapagmana.
"Opo, inay. Singel po si Boss."—ani Athalia at binalingan ako.— "Dito nalang po kayo kumain, Sir. Para matikman niyo po luto ni inay." ani Athalia. Binalingan ko si Carmen na nagulat sa anyaya ng aming anak.
"Basta ba papayag ang iyong ina— naputol ang sasabihin ko ng tumunog ang doorbell.
"Baka si Charles na po iyon, inay." ani Athalia at dali-daling lumabas ng bahay. Sinong Charles? Manliligaw ba ni Athalia o boyfriend? Binalingan ko si Carmen na walang imik sa aking tabi.
"Sinong Charles iyon?" tanong ko.
"Charles Andrew." sagot ni Carmen.
Charles Andrew? Ang pamilya ba niya ang may-ari ng Andrew Automart Inc.? Itatanong ko na sana ng biglang pumasok sa isip ko ang ginawa niyang pagsisinungaling kanina kay Athalia tungkol sa pinag-usapan namin. Wala ba siyang balak sabihin sa anak namin ang tunay niyang pagkatao na ako ang kaniyang ama?
"Wala ka bang balak sabihin kay Athalia ang totoo?" tanong ko at binalingan siya. Lumingon siya dahil sa tanong ko tsaka huminga ng malalim.
"Syempre, meron Michael. Karapatan ni Athalia na malaman ang tunay niyang pagkatao, kung sino nga ba talaga siya at kung sino ang tunay niyang ama. Pero, sana huwag natin madaliin. Baka mabigla siya. Unti-unting kong sabihin sa kaniya. Bigyan mo ako ng isang buwan para roon." aniya.
Tumango-tango ako. Sabagay tama siya, baka mabigla si Athalia kapag sinabi namin agad ang totoo.
"Sige. Pero, kung hindi ako pumunta dito at natuklasan ang totoo. Wala ka bang balak sabihin sa kaniya ang totoo?" curious kong tanong ko. Ilan taon na si Athalia at nasa tamang edad na siya para maintindihan ang mga bagay-bagay.
"Syempre meron. Balak ko na sanang sabihin sa kaniya ang katotohanan per naduwag ako na baka magalit siya sakin, Michael. Pero dahil nandito ka na, tulungan mo akong sabihin sa kaniya ang totoo." ani Carmen at tinitigan ako ng may pagsusumamo.
Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay at pinisil iyon para iparamdam sa kaniya na nandito lang ako sa tabi. Ang sarap sa pakiramdam na mahawakan muli ang kaniyang kamay. Hindi naman iyon inagaw ni Carmen. Tinitigan ko siya.
"Makakaasa ka. Nandito ako para sayo, para sa anak natin." ani ko.
"Salamat." aniya habang nakatitig din sakin. Ilang segundo kaming nagtitigan hanggang sa may narinig akong mga paparating na yabag kaya binitawan ko na ang kaniyang kamay.