Chapter 16 Adrian Ruiz
Athalia'sPOV
"Si Adrian Ruiz ay nakilala ko noong second year college ako. Sumali ako sa isang organisasyon na kung saan ang organigasiyon na yun ay naglalathala ng mga Aktibidad sa Unibersidad. Naging magkapareha kami sa isang Aktibidad at naging malapit sa isa't-isa. Hanggang sa naramdaman ko nalang na may paghanga ako sa kaniya at ganun di siya sakin. Sinabi niya iyon sakin at nagpasya na maging kami. Naging magkasintahan kmi ng halos limang buwan hanggang sa naramdaman ko nalang na kapag kasama ko siya, wala akong chemistry na nararamdaman sa kaniya.
Hanggang sa sinabi ko iyon sa kaniya. Naging tapat kami sa nararamdaman naming dalawa, kaya nagpasya kaming maging magkaibigan nalang. Kaya ayun, mas lalong naging matatag ang aming samahan at pagka-graduate namin nangibang-bansa siya para doon magtrabaho. Sa Germany siya ngayon nagtratrabaho at may mga negosyo na roon." mahaba kong kwento sa kaniya.
Titig na titig sakin si Luke habang nagkwekwento ako. Pero kitang-kita ko sa kislap ng kaniyang mga mata ang selos na nararamdaman para kay Adrian. Huminga siya ng malalim at mapait na ngumiti.
"Hindi ko maiwasang magselos, Ath. Nagseselos ako dahil may ibang lalaki ka pang naging kaibigan bukod sakin. Pero, wala naman akong magagawa dahil ako ang umalis at simula noong umalis ako pinutol na ni Mom ang ugnayan nating dalawa. Pero ayos lang iyon, karapatan mo na makipagkaibigan dahil parte iyon Ng buhay. Nandito na ako at babawi ako sa mga naging pagkukulang ko sa iyo." aniya habang titig na titig sa aking mga mata. Naroon ang sinseridad sa mga salitang binitawan.
"Alam ko naman na bumabawi ka ngayon kaya huwag mo na siyang pagselosan. Si Adrian ay parte na ng nakaraan ko. Eh ikaw, parte ka pa ng nakaraan at kasalukuyan ko." ani ko.
Ngumiti si Luke sakin at kinintalan ako ng mabilis na halik sa labi. Napapadalas na ang paghalik niya sakin na hinahayaan ko lang. Dahil pagkatapos ng gabing ito, hindi ko na hahayaan na halikan niya ako dahil maling-mali iyon.
"Matulog na tayo. May pasok ka pa bukas. Goodnight, Ath." aniya at hinawakan ako sa bewang at mas inilapit pa ako lalo sa katawan niya.
Ramdam ko ang init ng kaniyang katawan dahil sa pagdidikit ng aming katawan pero hinayaan ko siya sa gusto niyang gawin. Sa ngayon susulitin ko na kasama ko siya at kayakap dahil bukas at sa mga susunod pang mga araw hindi na ito mauulit pa.
"Goodnight, Luke." ani ko at ipinikit na ang mga mata para matulog.
NAGISING ako sa marahang paghaplos sa aking pisngi. Iminulat ko ang aking mga mata at nasilayan si Luke na siyang may gawa niyon. Ngumiti siya sakin ng magtama ang aming mga mata na tinugon ko ng isang matamis na ngiti.
"Good Morning Ath. Kamusta ang tulog mo?" tanong niya sakin.
"Good Morning din. Ayos naman, ikaw? Nakatulog ka ba?" tanong ko. Pagkapikit ng mga mata ko kagabi agad akong dinalaw ng antok kaya hindi ko na napansin kung nakatulog ba siya o hindi.
"Oo, nakatulog ako. Mas masarap palang matulog kapag katabi ka." ani Luke na naging dahilan ng pamumula ng aking pisngi. Biglang nanlaki ang aking mga mata nang may maalala. Napabangon ako bigla sa kama.
"Si Inay! Baka makita niyang magkasama tayo dito. Tiyak na magtataka iyon." ani ko habang nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Luke.
Ayaw kong mag-isip ng hindi maganda si Inay. Oo, magkaibigan kami ni Luke pero dalaga't binata na kami para gawin ang mga ganitong bagay, kahit sabihin man na wala kaming hinagawang masama. Hindi pa rin magandang tingnan, hindi katulad noong mga bata pa kami. Huminga ng malalim si Luke at bumangon rin.
"Huwag kang kabahan, Athalia. Ayos na. Nasa mansiyon na si Tita Carmen." ani Luke.
"Ano ginawa mo?" tanong ko sa kaniya na hindi pa rin naaalis ang pag-aalinlangan at pangamba sa aking sistema.
"Nagising ako ng maaga kanina at pumunta ako sa kwarto. Nang maramdaman kong parang may mga yabag na pababa ng hagdan. Lumabas ako at nakita niya ako, inalok niya akong magkape muna. Hanggang sa hinintay ko siyang matapos sa mga ginagawa, at nang makaalis siya dumiretso ako dito sa kwarto mo, Ath. Kaya irelax mo ang sarili mo dahil ayos na ang lahat." ani Luke habang titig na titig sa aking mga mata.
Doon lamang ako nakahinga ng maluwag, mabuti nalang at nagawan ng paraan ni Luke para hindi malaman ni Inay na magkasama kami ngayon. Tiningnan ko ang orasan na nasa dingding.
"Kailangan ko na magprepara, mag-aalas otso na ng umaga. Baka pwede ako humabol kahit hanggang 9." ani ko at dali-daling bumaba ng kama. Tumatawang sumunod sakin si Luke palabas ng kwarto patungo sa kusina para mag-agahan.
MABUTI nalang at may lutong pagkain na kaming nadatnan, omelet at sandwich. Talagang nagluto na si inay bago siya umalis. Napaka-maasikaso talaga niya.
"Mabuti nalang nagluto si Inay ng makakain– naputol ang sasabihin ko ng magsalita si Luke.
"Ako ang nagluto niyan at gumawa ng sandwich, Ath. Gusto sana ni Tita Carmen na siya ang magluto ng agahan natin, pero nag-insist ako na ako na, para mainit-init pa kapag nag-agahan tayo. Nahihiya nga si Tita pero ipinilit ko ang gusto ko kaya wala siyang nagawa kundi pumayag." ani Luke habang nakayuko ang ulo na wari'y nahihiya. Bakit naman? Dahil sa nagluto siya para sakin?
"Eh bakit nakayuko ka? Nahihiya ka?" tudyo ko sa kaniya.
Nag-angat siya ng tingin mula sa pagkakayuko at muntik na akong matawa dahil kasing-pula na ng kamatis ang kaniyang mukha pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka mas lalo siyang mahiya.
"Oo, ito ang unang beses na pinagluto kita. Sana magustuhan mo, Ath." aniya na naroon pa rin ang pamumula ng pisngi pero hindi na kasing-pula kanina.
"Ganun ba. Hindi ka na dapat nag-abala, pwede naman ako ang magluto eh. Nakakahiya naman bisita ka namin, tapos ikaw magluluto diba?" tanong ko sa kaniya. Nagtungo ako sa Dish rack at kumuha ng plato, kutsara't tinidor. Inilapag ko iyon sa mesa.
"Gusto lang kitang ipagluto. Ngayon lang ang pagkakataon na makakasama kita ulit sa agahan. Baka hindi na maulit, kaya ipinagluto kita. Sana magustuhan mo." ani Luke. Tutulungan sana niya ako sa paghahain ng pigilin ko siya.
"Ako na, ikaw na nagluto eh. Hayaan mo na ako naman ang magprepara." ani ko at binigyan siya ng matamis na ngiti.
"Okay. Ikaw ang bahala." aniya at naupo na sa katapat na upuan.
Naglagay ako ng kanin sa kaniyang plato pero ramdam ko ang titig niya sakin kaya tiningnan ko siya. Tama nga ako dahil nahuli ko siyang nakatitig sakin.
"May dumi ba sa kamay ko?" tanong ko. Naiiling na nakangiti siya. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa.
"Wala, ang ganda mo parin kahit bagong gising ka, Ath. You don't need make-up to look beautiful. And I admire you for that. Ang pagiging simple mo ang isa nagustuhan ko sayo. At isa pa, ngayon ko lang naranasan ang pag-aasikaso mo na hindi ko naranasan ng maraming taon." matapat niyang saad na nagpatigil sa ginagawa kong paglalagay ng omelet sa plato niya kasabay ng pagbilis ng aking puso dahil sa mga sinabi niya. Bakit ba lagi nalang niya pinapabilis ang pagtibok ng aking puso? Ano ba ang meron sa mabulaklak niyan dila na nagiging dahilan ng pagbilis ng tibok ng aking puso at ang pagtuliro ng aking isipan.
"Salamat sa papuri. Halika na, kain na tayo." masiglang anyaya ko sa kaniya para mawala kahit papaano ang pagkailang na nararamdaman ko.
Kitang-kita ko ang pagbalatay ng lungkot sa mga mata ni Luke dahil sa hindi ko matipid kong pagsagot. Siguro kung kasintahan ko lang si Luke, baka kanina ko pa pinupog siya ng halik. Pero malabong mangyari iyon dahil hanggang magkaibigan lang kami. Nakakalungkot man pero kailangang tanggapin ang katotohanan na ang nararamdaman namin sa isa't-isa ay dapat nang ibaon sa limot. Dahil kung pipilitin namin maging kami mading masasaktan at may masasagaan kaming tao.
"ANG SARAP ng luto mo, Luke!" ani ko habang nakapikit at ninanamnam ang lasa niyon. Natawa si Luke sa naging reaksiyon ko.
"Natuto akong magluto noong Kolehiyo ako. Tumira ako sa isang condominium malapit sa Unibersidad. Sa lungsod pa kasi ang Unibersidad na pinapasukan ko kaya no choice ako kundi ang tumira mag-isa." aniya at isinubo ang isang kutsara ng kanin.
Dumako roon ang paningin ko. Bakit ang hot niya nang isubo niya ang kutsara na may kanin? Tumikhim si Luke. Awtomatikong nalipat ang tingin ko sa kaniya. Titig na titig siya sakin.
"Athalia.." aniya habang titig na titig sakin.
Nagbaba ako ng tingin at itinuon ang atensiyon sa kinakain. Nakakahiya ang ginawa ko! Ano nalang ang iniisip ni Luke? Baka iniisip na niya na nabighani ako sa kaniyang mapupulang labi at gusto ko siyang halikan. Gustong-gusto ko ng kitusan ang ulo ko dahil sa ginawa ko! Sana bumukas nalang ang lupa at lamunin ako dahil sa hiyang nararamdaman.
"Ganun ba. Kaya pala masarap kang magluto." ani ko at binilisan na ang pagkain. Nang matapos ako, tumayo na ako at kinuha ang plato para sana ilagay sa sink nang pigilan ako ni Luke.
"Ako na ang ang maghuhugas, maghanda ka na para sa pagpasok dahil ihahatid pa kita." ani Luke.
Hindi na ako umangal pa. Tumango ako at ibinalik ko ang plato sa mesa tsaka tumalikod na para pumunta sa banyo para maligo. Nasa banyo na lahat ng kailangan ko.
HABANG nasa daan patungo sa trabaho. Tahimik lang kami ni Luke, walang nais bumasag sa katahimikang namamagitan samin kaya minabuti ko na lang na ituon ang atensiyon sa daan.
"Si Adrian lang ba ang Ex-boyfriend mo noong Kolehiyo ka?" biglang tanong ni Luke sakin. Napabaling ako sa kaniya. Nakatuon pa rin ang atensiyon niya sa daan.
"Oo, hanggang crush lang naman ako noong high school at college hanggang sa nakilala ko si Adrian, at nang maghiwalay kami itinuon ko na ang pansin sa pag-aaral at hindi ko binigyan ng pagkakataon ang mga manliligaw ko na makapasok sa buhay ko." ani ko. Naramdaman kong biglang humigpit ang hawak niya sa manibela pero isiniwalang-bahala ko nalang iyon.
"Ikaw? Sino naman mga naging ex-girlfriend mo noong nasa High School at Kolehiyo ka?" may kuryusidad kong tanong. Bumaling siya sakin at nakita ko roon ang pag-aalinlangan sa kislap ng mga mata. Takot at pangamba ba iyon?
"Nahihiya akong magkwento, Ath. Baka maturn-off ka sakin." aniya. Kumunot ang noo no sa mga sinabi niya.
"Bakit naman ako matuturn-off? Wala namang dahilan para maturn-off ako. It was your past, so be it. At tatanggapin ko anuman ang naging nakaraan mo, dahil kaibigan kita at wala akong karapatang husgahan ka dahil hindi naman ako perpekto. May mga kapintasan din ako, Luke. Ang Diyos lang ang may karapatang humusga satin." mahaba kong paliwanag.
Ayaw ko magkaroon si Luke ng doubt sa sarili niya. Malapit na kami sa Heirwone Enterprise— ang pinaka-main, nang ihinto ni Luke ang sasakyan sa gilid ng kalsada di-kalayuan sa gusali.
"Luke—
Sumulyap ako sa kaniya para tanungin kung bakit kami huminto nang makitang matiim siyang nakatitig sakin. Hindi ko alam ang gagawin ko, pakiramdam ko natulos ako sa kinauupuan dahil sa matiim niyang pagtitig sakin. Napakabilis din ng tibok ng aking puso, tagos hanggang buto ang titig niya sakin.
"Tatanggapin mo pa ba ako kung sabihin ko sayo na ilang babae na ang dumaan sa buhay ko? Ilang babae na ang nabigyan ko ng kaligayahan sa piling ko? Athalia, lumaki ako sa bansang s*x is normal, walang pakielam ang mga tao roon sa virgxnity o hindi ang isang babae as long as napapaligaya niya ang lalaki. Dahil sa barkada, natuto akong mag-bar at lumabas kasama ang mga babae at gawin ang bagay na iyon. Pero, pinagsisisihan ko iyon Athalia. Ngunit, kahit gaanong pagsisisi pa hindi ko na maibabalik iyon. Marumi akong lalaki, Ath." aniya na mababanaag ang pagsisisi sa tinig at bakas ng mukha. Huminga ako ng malalim at pinakatitigan siya ng punong-puno ng pagmamahal at pagtanggap sa kaniyang nakaraan.
"Anuman ang nakaraan mo, Luke. Tanggap ko iyon. Naiintindihan ko ang naging sitwasyon mo sa Canada, at hindi lingid sakin ang kulturang mayroon ang ibang bansa. Gaya nga ng sabi ko, sino ba ako para husgahan ka? Tao lang din ako at nagkakamali, Luke. Pero nagpapasalamat ako kasi ipinaliwanag mo sakin. Pero asahan mo, nandito parin ako sa tabi mo bilang kaibigan. Mahal na mahal kita, Luke."
Mahal na mahal kita higit pa sa isang kaibigan, gusto kong idugtong pero hindi ko na ata masasabi iyon sa kaniya. Ngumiti si Luke at niyakap ako ng mahigpit.
"Salamat, Athalia." aniya. Niyakap ko din siya pabalik at mas lalong isiniksik sa kaniyang katawan ang aking sarili.