Chapter 15 Connection

Athalia'sPOV

PAGKARATING ko sa kwarto. Nanghihinang napaupo ako sa kama at napabuntong-hininga ako ng malalim. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala at hindi pa rin nagsisink- in sa isipan ko na may nararamdaman para sakin si Luke. Akala ko one-sided love lang, akala ko ako lang ang nagmamahal sa kaniya. Marami talagang nalilinlang sa making akala. Kung may gusto nga siya sakin, bakit umuwi siyang may kasintahan? Ibig bang sabihin nun dalawa kaming mahal niya?

Litong-lito na ako! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Huminga ulit ako ng malalim tsaka nahiga sa kama. Pinakatitigan ang kisame na para bang nandoon ang kasagutan sa mga tanong sa aking isipan. Biglang sumakit ang ulo ko sa mga iniisip. Pinilit kong iwinaksi sa aking isipan ang mga iyon, bahala na kung ano ang mangyayari. Go to the flow nalang ako.

Oo, may gusto ako kay Luke at may gusto siya sakin pero hindi ko susunggaban iyon. May kasintahan si Luke at ayaw kong saktan si Charles lalo at nangako ako kay Charles na sasagutin ko siya. Ayaw ko siyang paasahin sa wala. Handa kong isakripisyo ang kaligayahan ko kung alam ko naman na may masasaktan ako. Hindi kaya iyon ng konsensiya ko. Sigurado naman ako na matututunan ko ding mahalin si Charles, hindi pa man ngayon pero darating din ang panahon na mangyayari iyon.

Yung namagitan saming halik kanina, ramdam ko ang emosyon sa halik na ipinapadama niya sakin. Kaya nga pinilit ko ang sarili ko na hindi magpatangay sa agos ng pagnanasa na namamagitan samin bago ko pa pagsisihan ang lahat. Nasa huli ang pagsisisi ay ayaw kong magsisi bandang huli.

Pinikit ko ang aking mga mata at pinilit na matulog pero hindi ako dalawin ng antok. Gising na gising ang diwa ko. Bumangon ako at bumaba ng hagdan para uminom ng tubig. Nang makainom ako bumalik ako ng kwarto, napadaan ako sa kwarto na inoukupa ni Luke. Hindi ko maiwasang mapahinto sa harap ng pintuan.

Kamusta kaya siya ngayon? Hindi yun makakatulog at baka nilalamig na rin dahil rinig ko pa rin ang patak ng ulan sa bubong. Gusto ko siyang puntahan pero nahihiya ako. Pero isasantabi ko ang hiya ko, gusto ko siyang samahan ngayon. Kahit ngayong gabi lang makasama ko siya.

Pumasok agad ako sa kwarto at nagtungo sa closet, kumuha ako ng jacket at isinuot iyon. Kinuha ko rin ang jacket na binili ko para kay Luke noong nalaman ko na uuwi na siya dahil ibibigay ko sana sa kaniya iyon bilang surpresa sa kaniya subalit ako ang nasurpresa sa kaniyang Pagbabalik sa kaalamang may kasintahan na siya.

Kaya hindi na ako nag-abala na ibigay pa sa kaniya lalo at iniiwasan ko siya. Hindi ko akalain na maibibigay ko pala ito sa kaniya. Napangiti ako sa isiping iyon. Kinuha ko iyon at isinampay sa braso tsaka lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kabilang silid.

Nang nasa tapat na ako ng kwarto ni Luke, kumatok ako ng tatlong beses. Nakarinig ako ng mga yabag na papalapit. Biglang lumakas ang tibok ng aking puso sa kaalamang magtatabi kami ngayong gabi. Sh*t! Eh ano naman ngayon? Magkaibigan naman kami at ginagawa naman namin iyon noong mga bata kami.

Bata pa kayo noon pero ngayon dalaga at binata na kayo, magkaiba iyon. Anang isang bahagi ng utak ko. Ipinilig ko ang aking ulo, nababaliw na ata ako. Bumukas ang pintuan at tumambad sa aking harapan ang bulto ni Luke na magulo ang buhok, pero mas nakadagdag iyon sa angkin niyang kagwapuhan. Nakita ko ang pagkagulat sa kaniyang mukha pero agad ding nakabawi sa pagkabigla at napalitan iyon ng hindi maiilawanag na kasiyahan na mababakas sa kaniyang mukha.

"Athalia? Bakit gising ka pa? Matulog ka na. Ayos lang ako rito, huwag mo akong alalahanin." aniya.

Hindi ko maiwasang mapakagat-labi dahil sa hiyang nararamdaman. Nandito na ako kaya papanindigan ko na at tsaka nag-aalala din ako sa kaniya.

"Hindi rin kasi ako makatulog sa isiping hindi ka dadalawin ng antok kaya pwede bang dito nalang ako matulog? Ayos lang ba?" tanong ko.

Nakita ko ang pagkislap ng pagnanasa sa kaniyang mga mata at maging ang kasiyahan na naroon. Tumikhim siya at niluwangan ang pagkakabukas ng pintuan.

"Pasok ka, Ath." aniya at tiningnan ang jacket na nasa aking braso.

Ayun na naman ang endearment niya sakin na mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko. Nginitian ko siya tsaka pumasok sa loob. Lumapit ako sa kaniya at ibinigay ang jacket.

"Suotin mo, baka kasi nilalamig ka na. Kanina pa hindi tumitila ang ulan at ramdam ko na ang lamig kaya naiisipan kong dalhan ka ng jacket." ani ko.

Tinanggap niya iyon habang matiim na nakatitig sakin. Hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha dahil sa paraan ng pagkakatitig niya na para bang kinikilatis ang ekspreksiyon ng aking mukha. Nagbaba ako ng tingin.

"Bakit meron kang ganitong jacket? Wala ka namang kapatid na lalaki. Kung para ito kay Charles, huwag nalang, kaya kong tiisin ang lamig kaysa ang isuot ang isang bagay na hindi ko pag-aari—

"Para sayo yan! Hindi ko naman ipapasuot yan sayo kung para yan kay Charles. Alam ko naman kung gaano mo siya pinagseselosan."—ani ko. Nag-angat ako ng tingin at tiningnan siya. Kita ko ang pagkagat niya ng kaniyang labi para pigilin ang sarili na mapangiti.

"Para sakin talaga ito? Bakit hindi mo ibinigay sakin?" aniya na may pagtatampo sa boses pero nakangiti naman siya.

Isinuot niya ang jacket, kitang-kita ko ang pang-flex ng mga muscles niya sa braso. Halatang batak siya sa ehersisyo. Hindi ko maiwasang humanga sa ganda ng kaniyang katawan. Tiningala ko siya at nahuli ko siyang nakatitig sakin. Nagbaba ako ng tingin para itago ang hiyang nararamdaman. Sh*t! Nahuli niya siguro akong nakatingin sa kaniyang katawan! Malamang, anang isang bahagi ng isip ko. Minabuti ko nalang sagutin ang tanong niya.

"Oo, binili ko iyan noong nalaman ko na babalik ka na rito sa Pilipinas. Nakalimutan ko kasing ibigay dahil naging abala ako. Ngayon ko lang naisip, baka kasi nilalamig ka na, lalo at kanina pa hindi tumitila ang ulan." pagsisinungaling ko. Walang dahilan para umamin ako sa dahilan kung bakit hindi ko ibinigay sa kaniya ang jacket.

"Paano mo maibibigay, umiiwas ka sakin." aniya.

Ramdam ko ang pagdaramdam sa boses niya. Sinalubong ko ang kaniyang tingin. Hindi ngayon ang tamang panahon para sabihin sa kaniya ang totoo. Masyado pang komplikado ang lahat. Ayaw ko ng gulo.

"Hindi ah! Talagang nakalimutan ko ibigay, kaya huwag ka na magtampo dyan." ani ko at naglakad patungo sa kama at naupo, nangawit ako na nakatayo habang nakikipag-usap sa kaniya. Sumunod naman si Luke at naupo sa tabi ko

"Nangawit ako na nakatayo!" bulalas ko sa kaniya.

Tumawa lang si Luke, hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. Nakaramdam ako ng bolta-boltaheng kuryente na dumaloy sa aking katawan patungo sa aking puso. Tiningnan ko si Luke, nakatingin siya sakin habang nakangiti, ngumiti rin ako sa kaniya. Bumuntong-hininga siya.

"Aayusin ko muna ang lahat, Athalia para walang maging hadlang sa naramdaman ko para sayo." aniya when looking at me intenly.

Napalunok so dahil sa intensidad ng titig niya. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang ipahiwatig. Natagpuan ko nalang ang sarili ko na tumatango sa tinuran niya. Inilapit niya ang kaniyang labi sa aking noo at kinintalan iyon ng halik. Always the sweetest Bestfriend ever. Paano naman ako makakamove-on sa narardaman ko para sa kaniya, kung ganito siya lagi?

"Matulog na tayo, kailangan mo na magpahinga. May pasok ka pa bukas." ani Luke.

Napatingin ako sa wall clock ng kwarto. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtantong alas onse na ng gabi! Yes, may wall clock ang kwarto para kapag naglilinis si inay, malaman niya ang oras at baka mawili siya sa paglilinis. Alas-otso pa man din ang oras ko bukas. Sh*t! Tumingin ako kay Luke.

"Oo nga, anong oras na. Alas-otso pa man din ang pasok ko. Nakalimutan ko, nawili kasi ako makipagkwentuhan sayo. Hindi pa man din ako sanay na pumasok sa trabaho na hindi kumpleto ang tulog. Pero kakayanin ko naman siguro." ani ko na hindi napigilan ang pagngiwi. Tumango-tango si Luke sa sinabi ko habang nakakunot ang noo.

Naunang umakyat si Luke sa kama at pumwesto sa kanang bahagi ng kama. Kinuha ko ang extrang unang sa lagayan at lumapit sa kama. Kinuha ni Luke ang unan sa aking kamay at inilagay iyon sa tabi niya. Lihim akong napangiti sa ginawa niya. Gentleman huh? Umakyat ako at tumabi sa kaniya. Humarap sakin si Luke.

"Gusto mo bang e-email ko si Mr. Lereño na malalate ka ng pasok? For sure naman papayag siya." tanong niya na kababakasan ng pag-aalala ang mukha. Ngumiti ako para ipaalam na ayos lang ako at umiling.

"No need, Luke. Ayos lang ako. Kaya ko naman siguro pumasok kahit kulang ako sa tulog." ani ko. Bumuntong-hininga siya na para bang ang bigat ng dinadala.

"Ako ang dahilan kung bakit hindi ka maagang natulog dahil nag-aalala ka sakin at syempre dahil nandito ako. So please, hayaan mo ng gawin ko ito. Ginagawa ko ito, para bumawi sa mga naging pagkukulang ko bilang kaibigan mo. Pwede ba?" nagmamakaawa niyang tanong.

Hays. May magagawa pa ba ako? Ayaw ko siyang hindi-an dahil ayaw ko siyang mag-alala. Tumango ako bilang pagsang-ayon. Napakalapad ng kaniyang ngiti dahil sa pagsang-ayon ko.

"Okay. Ikaw ang bahala. Pwede na siguro yung 9am." ani ko.

Tumango siya. Inilabas niya ang cellphone at ginawa na ang gustong gawin. Hindi ko maiwasang mapatitig sa gwapo niyang mukha. Ano kaya ang mangyayari kung magiging kami? Siguradong madaming hahadlang. Hindi nababagay ang isang tulad ko kay Luke, mayaman siya mahirap lang kami.

Ang katulad ni Luke ay nababagay sa mga kagaya nitong mayaman din. Kailanman hindi pwede magsama ang langit at lupa. Sa teleserye lang nangyayari iyon pero sa totoong buhay hindi. Hindi ko maiwasang masaktan sa sinabi ko.

"Ayun ayos na. Nasend ko na kay Mr. Lereño." aniya at nag-angat ng tingin mula sa cellphone. Kababakasan ng kasiyahan ang kaniyang mukha. Ngumiti ako.

"Salamat. Anong idinahilan mo at anong oras pasok ko?" tanong ko.

"Huwag mo na isipin ang idinahilan ko. Basta, alam kong tatanggapin niya ang dahilan ko. Ahm, 11am. Yun ang ni-request kong oras mo." aniya. Nanlalaki ang mgaatang tiningnan ko siya.

"Bakit 11?! Pwede namang 10 diba?" tanong ko. Tumawa siya sa naging reaksiyon ko.

"Ngayon lang kita makakatabi sa pagtulong, Ath. Kaya susulitin ko na." aniya at kinindatan ako. Pinaikot ko ang mga mata sa ginawa niya pero sa loob-loob ko kinikilig ako.

"O sige na nga! Matulog na nga tayo!" ani ko. Akmang tatalikod ako ng higa nang hapitin niya ako palapit sa kaniya.

Magkadikit na magkadikit na aming katawan. Nakalapat na aking d*bdib sa kaniyang matitipunong dibdxb. Kaybilis ng tibok ng puso ko. Nararamdaman kaya niya ang mabilis na pagtibok ng puso ko?

"Only this night, Ath. Hayaan mo sanang ganito tayo matulog. Please, gusto kong bumawi sa mga taon na hindi kita nakasama. Sobrang namiss kita, Ath." aniya habang titig na titig sakin.

Ramdam ko sa mga binitawan niyang salita ang emosyon na nakapaloob doon. Pangungulila at pagmamahal. Tumango ako, hahayaan na muna namin ang isa't-isa ngayong gabi. Wala naman kaming ginagawang masama. Wala nga ba? Tandaan mo, Athalia. May kasintahan si Luke. Anang isang bahagi ng isipan ko. Iwinakasi ko iyon. Bahala na. Ipinikit ko ang mga mata para sana matulog pero bigla ko rin iyon iminulat nang magsalita si Luke.

"Anong dahilan ng paghihiwalay ninyo ng kaibigan mo na naging Ex-boyfriend mo?" ani Luke.

Nagmulat ako ng mga mata at tiningnan siya. Nabanaag ko sa kaniyang boses ang selos. Kung hindi ko lang alam na may gusto siya sakin siguro ang iisipin ko nagseselos siya dahil may naging kaibigan ako bukod sa kaniya.

Pero ngayon na alam ko na ang nararamdaman niya para sakin. Marahil, nagseselos siya sa kaalamang naging kami ng kaibigan ko. Kailangan ko na talaga ipagtapat sa kaniya ang naging samahan namin ni Adrian Ruiz, ang aking Best Friend noong Kolehiyo, para mapanatag na rin ang loob niya.