Last Chapter
“KAISER!!!”
“Ano ba Shamia, ang ingay-ingay mo! Natutulog ang kapatid mo!” singhal nang Mommy ni Shamia sa kaniya. Nakahiga sa kuna sa sala ang isang taong gulang niyang kapatid.
Tinatawag niya kasi si Kaiser dahil inutusan niya itong kunin ang phone niya sa kwarto pero kanina pa ito hindi pa rin nagbabalik. Hindi na kasi siya makakilos ng maayos. Malapit na kasing lumabas ang first baby nila ni Kaiser.
Yes she’s pregnant. Isang linggo matapos ang heart to heart talk nila nang binata kasama ang mga kaibigan niya sa opisina. Nalaman niyang tatlong linggo na siyang buntis. So, nabuo si baby sa batangas noong nagbakasyon sila with friends. Matapos nilang malaman na buntis na siya agad nilang inasikaso ang kasal. Inanyayahan ang buong pamilya Del Mar maging ang buong pamilya Sandler.
Nag-bonding at nag-usap ang buong pamilya. Walang bumanggit sa nangyari sa nakaraan. Tila ba nagkaroon ng tahimik na kasunduan ang lahat na walang babanggitin tungkol sa nakaraan.
Her mommy gave birth to a healthy baby boy. Kabadong-kabado sila ng manganak ang ina dahil nawalan ito ng malay hindi pa man nailalabas ang baby kaya isi-CS ito.
Kasalukuyan silang nasa hacienda Sandler upang bumibisita. Napagkasunduan nila ni Kaiser na pagkatapos niyang manganak at maari nang ibiyahe si baby uuwi sila sa probinsiya nang Marinduque where his parents reside. Sa pamilya na nang binata niya ipinagkatiwala ang buong hacienda na tinitirahan nang mga ito.
“Eto na po Mia baby... tumawag lang si Kharis kaya natagalan ako! makasigaw ka naman diyan akala mo manganganak ka na!”
“Aba’t nagrereklamo ka na?”
“Hindi po. nagpapaliwanag lang.” nakayukong ani Kaiser. Natawa siya dahil sa inasta nang lalaki. Maging ang mommy niyang abala sa pagtutupi ng mga damit ni Baby Sav ay natawa rin.
“Good. ‘lika dito Kai” tawag ni Shamia sa asawa habang tinatapik-tapik ang space sa sofa sa tabi nang kaniyang kinauupuan.
“Ayoko. Kakagatin mo na naman ako di pa nga gumagaling itong mga pasa ko o!” reklamo nang binata na hinihimas pa ang mga braso nitong tadtad ng kagat niya. Ewan ba niya pero simula ng maglihi siya gustong-gutso niyang palaging kinakagat ang asawa. Sabi nang mommy niya ito raw ang pinaglilihian niya.
“Lalapit ka o ako ang lalapit sa ‘yo?” naka-irap na wikani Shamia sa asawa.
“Lalapit na po.” tila maamong tupa naman itong dahan-dahang lumapit sa kinaroroonan niya at umupo sa tabi niya.
Hindi niya napigilang kurutin ang magkabilang pisngi ni Kaiser dahil sa pang-gigigil. Pero hindi niya ito kinagat tulad ng inaasahan nito bagkus niyakap niya ito nang mahigpit. Gumanti naman ang lalaki nang yakap habang hinihimas ang walong buwan na niyang tiyan.
“Mahal na mahal ko po kayo!” turan ni Kaiser. Hinalikan siya nito sa noo saka yumuko at ang nakaumbok naman niyang tiyan ang hinalikan nito.
Nangingiti namang nanunood ang mommy niya na tapos na pala sa pagtutupi at inuutos na sa mga yaya ni Baby Sav na itabi sa kwarto nila ang mga damit.
“Love you too.” Wika niya saka naghikab. “Inaantok ako Daddy Kai.” she teased him.
“Sleep, Mommy Mia.”
Humilig si Shamia sa kaliwang balikat nang asawa. Ganoon siya magpahinga lalo na kapag tanghali at nakakaramdam siya ng antok. Bini-baby naman siya ni Kaiser at ibinibigay lahat ang kaniyang gusto.
Nagising si Shamia na nasa kwarto na at nakahiga sa malambot na kama. Hinanap ng paningin niya ang asawang si Kaiser na natagpuan niya sa terasa. Dahan-dahan siyang bumangon at naglakad patungo sa balkonahe ng kwarto. Niyakap niya ito mula sa likuran. Hindi nga lang mahigpit dahil sa malaki niyang tiyan.
“Gising ka na pala. Let’s go downstairs! Hindi ka pa kumakain ng tanghalian e, alas kwatro na ng hapon.” Inalalayan siya nito palabas ng kwatro at pababa ng hagdan.
Nadatnan nila sa kusina ang mommy at daddy Sandler ganoon din ang kuya at ang asawa nito.
“O gising na pala si buntis! Kain na!” anang sister in law niya. Ipinaghanda siya nito ng pagkain at inagaw siya kay Kaiser upang ito ang umalalay sa kaniya saka siya dinala sa mesa.
“Thank’s, ate.”
“Isang buwan na lang at lalabas na ang baby niyo ano? Alam niyo na ba ang gender?”
“Ayaw niya ate malaman para raw suprise!” reklamo ni Kaiser na naka-upo na rin sa kaniyang tabi. “Paano kaya namin matatapos ang pamimili kung hindi naman namin alam ang gender ni baby.” Patuloy pa rin nitong pagrereklamo na ikinatawa nang kuya at daddy nang pamilya.
“E pwede namang mamili ng mga gamit na pwede sa girl and boy.” Sagot niya.
“Oo na po. O kain na! baka magutom na ang baby natin.”
Nagtatawanan sabay-sabay na kumain ang buong pamilya
ANOTHER month swiftly passes by. And today is Shamia’s due date. Aligaga si Kaiser sa pag-aalaga sa kaniya. Hindi na rin ito pumapasok sa kompaniya ni Ysa dahil ayon dito kailangan siya nitong bantayan. Saad naman niya andito naman si Manang Leny para bantayan siya habang nasa trabaho si Kaiser pero hindi talaga ito pumayag.
Nasa kwarto siya sa kasalukuyan at nagbabasa-basa ng mga papeles na kailangan sa kompaniya habang isinasalit ang pagbubukas ng mga regalo ay nakaramdam siya ng pananakit ng tiyan. Iinat-inat siyang tumayo sa swivel chair at naglakad palabas ng silid.
“Kai?” tawag niya sa asawa na hindi niya mahagilap. “Kai? Where are you?”
Dahan-dahan siyang humakbang pababa ng hagdan. “Manang?” maging si Manang ay hindi niya makita. Dati-rati ay naglalagi ito sa sala kundi naman ay sa kusina para masigurado na palagi siyang may pagkain.
Lalong tumindi ang sakit nang tiyan ni Shamia. “Wait lang baby, wag kang magmadali please! Wala tayong kasama... wala ang daddy mo! Ewan ko ba kung saan nagsuot ang lalaking iyon... Kaiser?”
Nakababa na siya ng hagdan pero hindi pa rin niya mahagilap si Kaiser. “Manang?” tawag niya muli kay Manang habang naglalakad patungo sa kusina. Hawak na niya ang tiyan niyang naghihilab.
“O, hija bakit?” sagot ni Manang na kakapasok lamang sa kusina gamit ang back door. “Sumasakit ba ang tiyan mo?”
“Medyo lang Manang. Asan ba si Kaiser? Kanina ko pa siya tinatawag e!”
“Nasa likod hija! Inaayos iyong duyan na nakakabit sa mangga para daw magamit mo kapag naboboring ka na sa loob ng bahay.”
Napahawak siya sa tiyan ng muli itong humilab. “A-aray... Manang masakit.” Daing ni Shamia. Sakto naman ang pagpasok ni Kaiser mula sa pintong pinasukan din ni Manang kanina.
“Babe okay ka lang?” nag-aalala itong lumapit sa kinaroroonan niya at hinawakan rin ang tiyan niya habang hinimas iyon.
Kahit na masakit ang tiyan ni Shamia nagawa pa rin niyang batukan ang asawa. “Letse ka! Kanina pa ako naghahanap sa’yo!”
Panay naman ang ilag nito. “Babe teka... a-aray... baka mapa-anak ka nang maaga niyan... tigil na!”
Natigil siya sa paghampas sa lalaki dahil sa tubig na umaagos sa pagitan ng mga hita niya. Napangiwi siya dahil sa basang pakiramdam.
Napansin naman iyon ni Manang. “Naku! pumutok na ang panubigan niya Kaiser, dalhin na natin siya sa ospital.” Ani manang saka dali-daling lumabas ng mansion at ipinahanda ang sasakyan.
Dali-dali siyang pinangko ni Kaiser at itinakbo papalabas. Humihilab ng husto ang tiyan niya habang patungo sa ospital.
“Kaiser masakit.. m-masakit!”
“Breathe baby breathe... andito lang ako... kaya mo yan Mia baby... konting tiis na lang makikita na natin si baby...”
Kahit na tumatango siya hindi pa rin mapigilan ni Shamia ang ngumiwi dahil sa sobrang sakit. Naiipit na rin masiyado ang kamay ni Kaiser dahil sa higpit ng kapit niya dito pero hindi ito nagrereklamo.
Ilang minuto pa nakarating sila sa pinakamalapit na ospital. Agad siyang dinala sa ER. Ayaw papasukin si Kaiser sa loob pero hindi siya pumayag na hindi ito kasama habang inilalabas niya ang kanilang anak. ilang minuto pa ay dumating rin ang personal ob-gyne niya.
Makalipas ang isang oras ay ligtas niyang nailabas ang kanilang unang anak. Nang marinig ni Shamia ang unang pag-iyak nang sanggol hindi rin niya napigilang tumulo ang mga luha. Maging si Kaiser ay umiiyak sa tabi niya. Nasulyapan niya lamang ang baby bago siya tuluyang hinila ng karimlan.
Nagising siya sa isang silid katabi ang isang sanggol. Si Kaiser ay nakaupo sa gilid ng kama at pinagmamasdan silang mag-ina.
“Mia baby... we have a baby girl.” Wika ni Kaiser nang mapansin na mulat na siya. “Anong ipapangalan natin sa kaniya?”
Since hindi nga alam ng mag-asawa ang gender, hindi sila nag-isip ng pangalan ngunit siya’y nag-iisip nang names for baby boy and baby girl. In case.
“Karina Gyllette Pineda.”
“That’s beautiful name for our baby girl. Gyllette.”
“Thank you for the wonderful gift this christmas babe...” madamdaming wika ni Kaiser saka hinalikan sa noo ang asawa ganoon din ang ginawa nito sa kanilang prinsesa.
And yes. It’s Christmas. I had born our first child on Christmas.