Special Chapter

“GYLLETTE!”

“Po?”

“Oh?”

Natawa si Kaiser ng sabay na sumagot ang kaniyang mag-ina. Ang kanilang panganay na anak ang kaniyang tinatawag ngunit maging ang kaniyang asawa ay sumagot rin. Hindi maiiwasan na ganoon ang mangyari dahil nga sa pareho ang mag-ina nang pangalawang pangalan.

“Karina?” muli ay tawag niya sa anak na ang unang pangalan na ang kaniyang ginamit. Upang iwas na sa kalituhan.

Ngunit hindi siya nakaiwas sa sermon ng masungit na asawa.

“Bakit kasi iyon ang tawag mo diyan sa anak mo, alam mo namang pangalan ko rin iyon! Pwede namang Karina di ba!?”

“Mahal, hindi naman Gyllette ang itinatawag ko sa’yo di ba?” malumanay na paliwanag ni Kaiser sa asawa dahil kaunting pagkakamali niya sigurado sa labas na naman ng silid ang tulog niya.

Kasalukuyan silang nasa probinsiya sa kagustuhan nang kaniyang masungit na asawa. Tatlong buwan na kasi itong buntis sa kanilang pangatlong anak kaya’t nagsusungit na naman. Kahit na dalawang beses na niyang nararanasan ang kasungitan nang asawa dahil sa paglilihi ay hindi pa rin niya gaanong kabisado.

Ang kaniyang ginagawa na lamang ay amuhin ito at pag-bigyan sa mga nais. Dahil kung hindi magkakaroon na naman sila ng matinding away kahit na ito lamang naman ang galit.

“Nagrereklamo ka na?” singhal ni Shamia.

Dahan-dahang lumapit si Kaiser sa asawa na kasalukuyang nakaupo sa duyan sa lilim ng mangga sa harap ng rest house na tinutuluyan nila sa hacienda. Iyon ang hacienda na binili ni Shamia noong mga panahong galit pa ito sa kaniya.

Napag-alaman niyang ninais pala ng kaniyang asawa na paalisin ang lahat ng mga naninirahan sa hacienda at palitan ito ngunit nakumbinsi raw ng sekretarya na gumawa na lamang nang bagong kautusan.

“Mia baby, alam mo namang hindi kailan man ako nagreklamo sa lahat nang iyong gustuhin, di ba?”

“E bakit mo ba kasi tinatawag si Karina? Ano na naman ang ipapagawa mo?”

Tumabi si Kaiser sa asawa. Iniakbay niya ang kaliwang kamay sa asawa at ang isa naman ay iniyakap niya mula sa harap ng asawa at hinimas ang tiyan nitong may kaunti ng umbok.

“Ipapabantay ko sana si Gelo sa kwarto, natutulog kasi.” Wika niya habang pasimpleng hinahalik-halikan ang pisngi ng asawa.

Hindi niya iyon magawa simula ng muli itong mag-lihi. Masyadong mainit ang ulo ni Shamia pagdating sa lalaki. Marahil ay siya na naman ang pinaglilihian nito.

Sa kanilang panganay na anak gusto nito na palagi siyang nakikita at nakadikit dito ngunit tadtad naman siya nang kagat, sa kanilang pangalawang anak ayaw na ayaw siya nitong makita kaya ang siste hindi siya nakakatulog sa tabi nito kundi sa labas ng kwarto. Ito namang pangatlo palaging mainit ang ulo sa kaniya pero palagi naman gusto nito na makita siya, pero hindi naman siya makayakap o makahalik man lang.

Kaya sinasamantala niya habang hindi pa nito naaalala na ayaw nga pala nito na nakadikit siya sa asawa.

“Bakit hindi ikaw ang magbantay? Ano na naman ang gagawin mo? Tatambay ka na naman sa labas? Aba! Umayos ka Pineda, akala mo hindi ko napapansin na halos gabi-gabi kayong umiinom sa kabila?”

Ang kabila na sinasabi nito ay ang bahay ng magulang niya.

“Hindi naman ako tumatagay, Mia baby, nakikiharap lamang ako sa kanila bilang pakikisama.” Paliwanag niya sa asawang nagsisimula na naman siyang awayin at sikuhin. Namamalayan na ni Shamia na nakadikit na siya. “Alis!”

“Bakit ba ayaw mong magpayakap man lang? Nakakatampo ka na uh,”

Inirapan lamang siya nang asawa. Saka siya itinulak sa duyan na dahilan ng kaniyang walang habas na pagkahulog. At ang kaniyang magandang asawa, tinawanan lamang siya. Sakto naman ang paglabas ni Karina akay ang limang taon nilang anak na si Gelo. Samantalang ang kanilang panganay na anak ay sampung taong gulang na.

“Mom!” sigaw ni Gelo. “Why did you push my daddy, wawa naman siya!” wika nito na may kasama pang paghibi at punas ng pekeng luha. Tumakbo ito patungo sa kaniyang kinasasalampakan sa lupa. Samantalang si Karina ay tumatawang tumabi sa ina.

Yumakap sa kaniya ang lalaking anak saka siya pinupog ng halik sa buo niyang mukha. “Daddy ko...”

Kapag ganoong naglalambing ang pangalawa nilang anak tila natutunaw ang puso niya at hinahaplos ang kaniyang pusong ama. Lalo na kapag nakikita niya ang kaniyang mag-iina na nagtatawanan at masayang magkakasama. Wala na siyang mahihiling pa sa buhay.

Kahit na nagkaroon man nang gusot sa pagitan nila ni Shamia sa nakaraan hindi iyon naging hadlang para sa kanilang pagmamahalan. Kahit na hanggang sa kasalukuya’y hindi pa rin pumapayag si Shamia na siya’y makapag-paliwanag man lang. Na siyang naging problema nila nang asawa minsan dahil kapag pinipilit niya na makapag-paliwanag ay nauuwi sa hindi pagkakaintindihan.

Pinipilit niyang magpaliwang lalo na at hindi maiiwasan na makasalamuha nila ang babaeng naging dahilan. Ngunit magka-gayon man hindi siya nawawalan ng pag-asa na papayag ang asawa na malinis niya ang kaniyang pangalan dahil pakiramdam niya hanggang sa kasalukuyan ay nagdaramdam si Shamia kahit na sinasabi nitong tanggap na nito at hindi na iyon mahalaga pa.

“Sige anak, yakapin mo si Daddy inaaway na naman siya ni Mommy,” Kaiser said while hugging his son and returning the kisses.

“Nag-iinarte ka na naman,” kontra naman ni Shamia na nanatiling nakaupo sa duyan at katabi ang panganay na anak. Hinahaplos nang asawa ang mahabang buhok ng kanilang babaeng anak.

“Mommy, bad inaaway mo si Daddy!”

“Hindi anak, naglalambing lang si mommy sa akin,” paliwanag ni Kaiser kay Gelo na malapit na namang umiiyak but this time it’s real. “Sige na, pasyal na kayo ni Ate Karina kila Lolo, dali!”

Ani Kaiser sa mga anak upang maiiwas ang usapan. Hindi sila titigilan ng mga anak kapag nahalata ng mga itong sinusungitan na naman siya ng asawa.

Agad na bumaba sa duyan si Karina at kinuha sa kaniya ang kapatid. Akay ni Karina ang kapatid na si Gelo ng lumabas ang mga ito sa gate ngunit ng tuluyang makalabas binitiwan nito ang kapatid saka mabilis na tumakbo at iniwan si Gelo na hirap na hirap man ay sinikap na makahabol sa kapatid.

Hindi niya sinaway ang mag-kapatid. Pinagmasdan lamang niya ang mga anak na nagtatakbuhan.

Alam ni Kaiser na hindi man niya paalalahanan ang panganay kung may mangyayari naman sa kapatid nito ay agad nitong babalikan.

Tumayo siya mula sa pagkakasalampak sa lupa at tumabi sa asawa sa duyan. Sa pagkakataong iyon hindi siya itinulak papalayo ng asawa bagkus ay iniyakap nito ang mga braso saka ipinatong ang baba sa kaniyang kanang balikat.

“Mahal po kita...”

Lumukso ang puso ni Kaiser dahil sa biglaang saad ni Shamia. Ten years of being married to her but her simple gesture made his heart beats fast.

KASALUKUYANG nasa kusina si Shamia nagluluto siya ng hapunan nilang mag-anak. Simpleng pork chop at gulay lamang ang kaniyang lulutuin dahil iyon ang request nang kaniyang mag-aama.

Hindi sinasanay ng mag-asawa ang kanilang mga anak na kumain ng mga pagkaing masyadong mahal ang presyo kahit na kayang-kaya naman nila iyong ibigay sa kanilang mga anak. Ayaw nilang masanay ang mga anak sa karangyaan.

Ayon kay Kaiser, marapat lamang na maranasan ng mga anak nila na hindi basta-basta ang buhay na hindi man lang nila naranasan ang kahirapan. Nais raw nitong malaman ng mga anak ang kahalagahan ng pera. Upang matuto raw ang mga itong magtipid.

Nang matapos ang pagluluto, inihanda niya ang mga ito sa mesa at naglagay ng mga kubyertos. Nang matapos tinawag na niya ang mag-aama na busy sa panunood ng tv sa sala. Hapon na ngunit hindi man lang umalis ang mag-aama sa sala.

“Kain na.” aniya na bahagya lamang sumilip sa pinto ng kusina.

Kanina nang umuwi ang mga anak galing sa bahay ng kaniyang mga biyenan, doon na nagdiretso ang mga ito, inagawan ng remote ang amang noo’y nanunood ng basketball game. Wala itong nagawa kundi pagbigyan ang mga anak.

Ilang sandali pa naramdaman niya ang mga bisig na pumulupot sa kaniyang mga bewang. “Babe, ang bango...” wika nang asawa niya na inaamoy ang kaniyang buhok pababa sa kaniyang leeg. “Amoy usok...”

Tinawanan niya ang sinabi ng asawa. Kahit na nakakaramdam ng pagka-irita dahil sa lapit ng distansya nito sa kaniya ay pinabayaan na lamang niya at pinagtuunan ng pansin ang pag-aasikaso sa dalawang anak na maganang kumakain.

“Ikaw Kaiser, nang-gigigil na ako sa’yo! Kumain ka na...” turan niya sa lalaki.

Ngunit bago ito umupo siya muna ang inuna. Ipinaghila siya ni Kaiser ng silya, ipinaglagay ng pagkain sa plato saka ito kumuha ng para sa sariling pagkain.

Masayang kumain ang mag-anak ng hapunan.

Sa kabila ng problema hindi niyon mapapantayan ang saya at pagmamahal.

Love is greater than anger.