Chapter 48

Tumayo ang lahat at nagpalakpakan. May sumisigaw pa. Pero nandoon lang si Jewel sa gitna ng mga nagsasayang tao. Nakatulala.

Did the preacher just summarized who is Jesus in the Bible?

"Powerful! Praise to the resurrected King! The King of kings, the Lord of lords! There is no other name under heaven given among men that which we must be saved!

JESUS!"

Nagsimulang tumugtog ang isang upbeat music na sinasaliwan ng isang tonong hindi pamilyar sa kaniya.

Tinaas ng mga tao ang kamay. Nagtaka si Jewel sa ginagawa ng mga ito. Tumingin siya kay Gideon nakatayo sa gilid niya. Nakapikit din ito at nakataas ang kamay.

Why do people keep on raising their hands on the air?

Tumaas ang kilay niya. Gusto niya sanang umalis dahil hindi siya komportable habang naririnig ang kinakanta ng mga tao. Pero masyadong maraming tao at magkakalapit pa, kaya mahihirapan siyang lumusot sa mga ito.

Narinig niya pa ang boses ni Gideon, nakasunod lang sa kanta ng nakakarami.

Tinakpan niya ang tainga at pinikit nang mariin ang mga mata. Masakit sa tainga ang boses ng mga tao. Nanghina ang tuhod niya. Nanginig.

Nagmulat siya at masamang tiningnan si Sean na kasalukuyang nandoon sa mataas-taas na platform. Nilibot nito ang tingin at nagtama ang tingin nilang dalawa. Mas pinagbuti nito ang pagkanta at pinikit ang mga mata.

Mas lalong tumalim ang titig niya rito.

Nasapo niya ang bibig nang bumaliktad ang sikmura niya. Umamba siyang susuka, pero walang lumalabas sa bibig niya. Napahawak siya sa tiyan. Patuloy siya sa akmang pagsuka pero walang lumalabas sa bibig.

Ilang minuto siyang gano'n, hanggang sa tuluyang nanghina ang tuhod niya. Napaupo siya sa monoblock chair. Hinihingal.

She's certain that something happened to her. She felt something lifted up, something came out of her. Nawala ang bigat sa kalooban niya. And she felt confident.

Confident for what? She don't know. Hindi niya rin alam kung saan galing ang kompiyansa sa sarili.

Natapos ang kanta. Bumaba mula sa may kataasang platform si Sean, at umakyat doon ang isang lalaki na hindi niya kilala. Naupo naman ang mga tao sa nakahandang mga monoblock chair. Pati si Gideon ay naupo na rin.

Kinuha ng lalaki ang mic at nagsalita. "Magandang araw. Ako si Pastor Berion. Sa mga nakadalo no'ng huling event, kilala niyo na ako." Ngumiti ang lalaki.

Inayos ng mga organizer ang white screen at projector. Maya-maya pa'y pumaskil sa screen ang malalaking letra ng Sexual Immorality.

"May bala ng kanyon na paparating sa atin. Ang iba nga ay binomba na't hindi na kayang lumaban sa kalaban," sabi ni Pastor Berion. "Sexual Immorality. Bakit nga ba napakatahimik ng simbahan pagdating sa usaping ito?"

Nilibot ng Pastor ang tingin hanggang matagpuan ng mga mata nito si Jewel. Hindi niya alam kung ngumiti ang lalaki sa kaniya o ngumiwi.

"Tikom ang bibig dahil ba, masyadong kontrobersyal at konserbatibo ang mga tao? Na ngumingiwi tuwing pinag-uusapan ito? Hindi niyo ba alam na maraming tao ang nahuhulog sa kasalanang sekswal dahil hindi pinapaalala at pinagsasabihan ng simbahan ang mga tao?"

Muling naglakbay ang tingin ni Jewel sa mga letra na nandoon sa white screen. Sexual Immorality.

Never in her life that someone explained about that. Ni hindi nga niya alam kung ano 'yon.

"Immorality. Ayon sa diksyunaryo, pagiging masama, mali, unethical, marumi. Kaya kung ang salitang sexual ay itatabi sa immorality, ibig sabihin, mali at maruming gawaing sekswal.

Isa-isahin natin ang sexual immorality. kung makakaya ba nating masabi ang lahat ng kasalanang sexual.

Una, sex outside marriage o sa ibang salita ay forni-cation. Ito ay ang paggawa niyon nang hindi kayo kasal. Kahit magkasintahan kayo o kaya engage, hindi kayo dapat pumapasok sa ganitong uri ng relasyon dahil malaking kasalanan ang paggawa ng bagay na dapat ay para lang sa dalawang taong ikinasal na. Bawal na bawal 'yan sa Bibliya!

Yes, I am afraid that when I come again, God will humble me in your presence. And I will be grieved because many of you have not given up your old sins. You have not repented of your impurity, sexual immorality, and eagerness for lustful pleasure. (2 Corinthians 12:21)

Pangalawa, pakikipagtalik sa kaparehong kasarian o homosexuality!" Naningkit ang mga mata ng Pastor. "Ang pakikipagtalik sa kaparehong kasarian ay isang nakakasukang gawain na hindi niyo dapat ginagawa o tinatangkilik!

What happened to you? Why do you love to see, read, and proclaim homosexuality?" Huminga nang malalim ang Pastor. "Do you know the story of Sodom and Gomorrah?

In Genesis chapter 19 it was written that two angels came to Sodom and they were accepted by Lot who was Abraham's brother.

Then the males in city came to Lot's house. They called to Lot, 'Where are the men who came to you tonight ? Bring them out to us so that we can have sex with them.'

Because of that, the Lord destroyed Sodom and Gomorrah.

It was written in Leviticus 18:22, Do not have sexual relations with a man as one does with a woman; that is detestable.

And in 1 Corinthians 6:9, we can read the passage that all unrighteous will not inherit God's kingdom, neither forni-cators, idolaters, adul-terers, homosexuals, nor sodomites...

This means that all people who do homosexuality and those who support them will not enter God's kingdom. The truth is difficult. Yes, it is."

"But Pastor!" protesta ng isang babaeng may maiksing buhok. "What if they are born in that way?"

"God only created male and female. Those who say that they are born in that way, they are influenced by the enemy to think that they are homosexuals.

There are many testimonies of freedom from homosexuality. If they are born in that way and they are sure that they can't be free from homosexuality, then who are they to judge God's power to tranform one's life?

If God can not transform life, then how come our brothers and sisters, who were once homosexuals, were freed from the bondage of homosexuality? They are now actively serving God and people."

Natahimik ang babaeng nagtanong kanina. Napalunok naman si Jewel.

Mayroon sa loob-loob niya ang kagustuhang mas makinig pa. And that was odd. She's indifferent towards God, but how is that she's eager to know more about Him and His holiness?

"Pangatlo, pakikipagtalik sa hindi mo asawa o adul-tery.

You shall not commit adul-tery. (Exodus 20:14)

The man who commits adul-tery with another man's wife, he who commits adul-tery with his neighbor's wife, the adul-terer and the adul-teress, shall surely be put to death. (Leviticus 20:10)

But I say to you that whoever looks at a woman to lust for her has already committed adul-tery in his heart. (Matthew 5:28)

Sa libro ni Matthew, mababasa natin na kung sinoman ang tumitingin sa babae o lalaki nang may pagnanasa, gumagawa na sila ng adul-tery sa kanilang puso. Kaya 'wag kayong magnasa sa pareho o ibang kasarian!"

Nangunot ang noo ni Jewel. She have read thousands of books, kung saan pinagnanasaan ng bidang lalaki ang bidang babae o vice versa. Does it mean that those books promote sin?

Nagpatuloy ang Pastor. "Pang-apat, pakikipag-talik sa ha-yop o bestia-lity.

Anyone who has sexual relations with an animal is to be put to death. (Exodus 22:19).

Do not have sexual relations with an animal and defile yourself with it. A woman must not present herself to an animal to have sexual relations. (Leviticus 18:23)."

Ngumiwi si Jewel. Hindi niya maatim na maisip ang mga taong gumagawa ng ganiyan.

"Panlima, in-cest at pakikipagtalik sa kaanak o kapamilya mo, kadugo man o sa batas.

No one is to approach any close relative to have sexual relations. I am the LORD. (Leviticus 18:6)

Sa Leviticus 18:7-18, mababasa natin ang pagbabawal sa in-cest at pakikipagtalik sa malapit na kaanak.

Sa Leviticus 18:19, bawal ang pakikipagtalik sa babaeng kasalukuyang may buwanang dalaw."

"Pang-anim, mga salitang malalaswa, mga gawaing malalaswa, hindi disente at maruming gawaing sekswal.

For they mouth empty, boastful words and, by appealing to the lustful desires of the flesh, they entice people who are just escaping from those who live in error. (2 Peter 2:18)

Nakarinig na ba kayo ng taong puro malalaswa ang lumalabas sa bibig? Mapabiro man o seryoso, palaging may kasamang mura at malalaswang salita?

Nakakita na ka ba ng taong nagma-mastur-bate sa public space? Nakakita ka na ba ng public display of sexual acts including porn-ography? Involving minors? Anal or oral se*? BDSM, at iba pa?

Those are lewdness and uncleanness."

Natahimik ang mga tao sa public audi. Tumaas naman ang kuryosidad ni Jewel sa sinasabi nito.

Even mastur-bation is an act of lewdness and uncleanness? How come?

Ngumiwi siya. She has been reading a lot of books that promotes mastur-bation. So that means what she's reading promotes sin?

"There are a lot of sexual immorality that people don't know. This list is so far the most obvious one and are widely spread around the world."

May binuklat si Pastor Berion. Nagpalipat-lipat naman ang mga litrato ng verses sa white screen.

Umikhim ang Pastor. "Sexual immorality is the last bullet of the dark kingdom, and the church is greatly affected and wounded by this sin. Naghahasik ng kalaswaan sa buong kalupaan ang kalaban. Sino ba itong kalaban? Ito ang mga alalay at miyembro ng organisasyong tinukod ni Satan.

"Sila ang mga taong inalay at binenta ang kaluluwa sa demonyo. Sila ang gumagawa ng mga po-rn videos, erotic novels, erotic manga, at lahat ng taong nagpapakita, nagtuturo, at nagsusulat ng kalaswaan! Hinihikayat ang mga taong makikipag-apid, makikipag-sex sa kung kani-kanino.

Kaya ingat kayo sa mga taong ganiyan, dahil nga ang demonyo hindi nahihiyang sumambit ng diyos, kaya madali lang maniwalang walang masama sa panonood at pagbabasa ng mga gawang malalaswa dahil sinasambit do'n ang salitang diyos."

Nag-angat ng tingin si Berion sa mga tao. "And it is easy for you to defend your idols because you think that they acknowledge god in their writing. The question is... is their god the God of Israel?"

Naningkit ang mga mata ng Pastor. "Minulat kayong lahat sa mundong ito na puno ng bitag. Sa bawat binabasang porno-grapiya at erotica ay isang hakbang papuntang impyerno.

Sapagkat sa bawat istoryang binabasa mo, dahan-dahan kang hinihila palugmok sa kasalanan hanggang sa hindi mo na kayang bitawan at magpapakalulong ka na nang husto sa putik na minamahal mo nang husto!"

Napalunok na naman si Jewel.

"Galatians 5:19-21, Now the works of the flesh are evident, which are: adul-tery, forni-cation, uncleanliness, lewdness, idolatry, sorcery, hatred, contentions, jealousies, outbursts of wrath, selfish ambitions, dissensions, heresies,

Envy, murder, drunkenness, revelries, and the like; of which I tell you beforehand, just as I also told you in time past, that those who practice such things will not inherit the kingdom of God.

Sobrang linaw. Hindi makakaakyat sa langit ang sinumang gumagawa ng mga ganiyang bagay. Dahil gusto ng Diyos na maging banal tayo. Banal, dahil Siya ay banal. At walang makakakita sa Kaniya kung hindi 'yong mga banal lang.

Ang iba sa inyo ay hindi man lang matitinag sa paalalang ito.

Iniisip nilang marami pa silang oras para magpakalasing sa porno-grapiya at erotica, at tatalikod lang sa oras na nagsawa na sa porn-o at erotica.

Kailan ka magsasawa sa erotica? Hindi mo ba alam na kinukulong ka ng erotica na minamahal mo? Pinapaikot nito ang isip mo para hindi mo siya bitawan.

May ilan pa sa iyong proud erotica reader at proud po-rn viewer.

Natatawa sa paalala na ito at sasabihing OA ang mga taong nagsasabi na masama at kasalanan ang pagiging ganiyan.

Ipagdasal nalang natin na ang sigaw ng hinagpis at sakit sa impyerno ay hindi OA.

May ibang iniisip na walang masama sa pagbabasa hangga't hindi mo 'yon ginagawa nang actual." Natawa ang Pastor. "Wag kang maging bulag at ipokrito!

Ni hindi mo na kayang lumapit sa Diyos habang binabasa ang mga erotica. Ni hindi mo gustong magbasa ng Bibliya habang nagbabasa ng malalaswa. Ni hindi mo gustong pag-usapan ang Diyos habang nagpapakalulong ka sa erotica at por-no!

'Yan ba ang walang masamang epekto?"

Lumakas ang ihip ng hangin at ang tibok ng puso ni Jewel ay bumibilis nang bumibilis.

Lumunok siya.

Hinahabol siya ng konsensya niya habang nakikinig sa Pastor. Pero pilit niyang binabalewala ang munting tinig ng konsensya pero sa bawat tanggi niya ay mas lalo lang 'yong lumalakas!

"Hindi lahat ng tumatawag at sumusulat kalakip ang salitang diyos ay tumutukoy sa Diyos na makapangyarihan sa lahat.

Ang demonyo na hari ng kadiliman na si Satan ay tinatawag ding diyos ng mga alagad niya.

Lahat ng nagkakasala at gumagawa ng ikakasala ng iba ay kampon ni Satanas. Hindi ka kailanman kikilalanin ng Diyos hangga't hindi mo binibitawan ang bisyo mo.

Walang mabuting hatid ang ero-tica at porno-grapiya sa buhay ng tao, sapagkat hinihila lamang ng mga ito ang mga tao palayo sa Diyos!

At hindi mo maaring diktahan ang oras at araw dahil hindi mo alam kung kailan kakatok ang kamatayan sa pintuan mo. At kung sa tingin mo ay marami pang oras para gumawa ng mabuti upang makaakyat sa langit... isang kahangalan!

Sapagkat hindi mo kayang tumbasan ang ginawang sakripisyo ni Hesus sa krus. Ibinigay ng Diyos ang sariling Niyang Anak para pumalit sa pwesto mo doon sa krus! Ikaw ang nagkasala kaya ikaw dapat ang ipinako sa krus at hindi si Hesus!

Pero nagpresenta Siyang pumalit sa puwesto mo dahil sino ba ang kayang tumagal sa poot ng Diyos? Sino ba ang banal na kayang maging sakripisyo sa krus? Sino ba ang may malinis na konsensya?

Si Hesus lang!

Lahat ng hinagpis, sugat, pawis, dugo, paghihirap, sakit, kirot, habag, pagod, pagka-uhaw, pagkagutom, at takot ay napunta lahat kay Hesus alang-alang sa 'tin!

Ganiyan tayo kamahal ng Diyos! Ibinigay Niya ang sariling Anak para lang sa mailigtas tayo sa impyerno!

Kaya lumapit ka kay Hesus para humingi ng tawad, dahil kahit anong gawin mong kabutihan, hindi niyon malilinis ang dumi sa pagkatao mo. Tanging si Hesus lang ang may kakayahang magpabago sa 'yo. Lilinisan ka Niya upang maging malinis sa harap ng Diyos Ama.

Nagpakamatay Siya sa krus, para magkaroon tayo ng pagkakataong maging tunay na anak ng Diyos. At nando'n Siya ngayon sa langit at nakaupo sa kanang kamay ng Ama. Babalik Siya rito sa lupa at lilipunin Niya ang lahat ng kampon ni Satanas at itatapon sa impyerno.

Kaya tayong naghihintay sa Kaniyang pagbabalik, dapat tayong maging matatag sa pananampalataya. Dahil ang demonyo na kaaway ni Hesus ay nandito sa lupa at kasalukuyang naghahasik ng kasalanan.

Ginagawa niyang kultura ang kasalanan, kaya marami ang nabulag. Iniisip nilang walang masama sa pagiging ero-tica reader at po-rn viewer dahil ang mga ito ay ginagawa ng marami.

Kaso... ang tao ay gustong mapakasawa sa kasalanan. Kaya kung ano ang ginagawa ng marami, malamang ay isa 'yong kasalanan o may masamang epekto sa espirituwal na aspeto!

Maging alerto kayo at 'wag magpabulag sa kaaway!"

"At sa lahat ng temptasyon, binigyan tayo ng daan para makawala. 

No temptation has overtaken you except such as is common to man; but God is faithful, who will not allow you to be tempted beyond what you are able, but with the temptation will also make the way of escape, that you may be able to bear it. (1 Corinthians 10:13)

Ibig sabihin, lahat ng temptasyon na nararanasan natin, naranasan na rin ng iba. Binigyan tayo ng Diyos ng daan para makawala sa temptasyon. Nasa atin kung kakapit tayo sa Kaniya o hindi.

There is power in the name of Jesus. There is power in the Blood of Jesus.

Therefore submit to God. Resist the devil and he will flee from you. Draw near to God and He will draw near to you. Cleanse your hands, you sinners; and purify your hearts, you double-minded.

Lament and mourn and weep! Let your laughter be turned to mourning and your joy to gloom. Humble yourselves in the sight of the Lord, and He will lift you up. (James 4:7-10)

If you believe that Jesus died for your sins, then confess your sins to Him! And repent.

A true repentance will free you from that burden. Jesus is close to broken-hearted so don't afraid to cry to Him all your fears, struggles, addiction, problems, and worries. Cast it away for salvation is free. And salvation belongs to Jesus Christ.

Repent for the Kingdom of God has come near you!"

Sa mahinang saliw ng gitara, unti-unting namuo ang luha sa mga mata ni Jewel. Nanlabo ang paningin niya.

At sa oras na 'yon, parang may nag-udyok sa kaniyang lumuhod at humingi ng tawad kay Hesus.

Then... she did it.