Chapter 49

Warning: Language.

~

Jewel is curious. There is something in her heart that urges her to read the Bible. Lumunok siya at pinahid ang pinagpawisang kamay.

Katatapos lang ng preaching at nandoon si Gideon sa gilid ng mataas na platform ng public audi. Kausap nito si Angela at Sean. Mukhang napaliwanag na nito sa babae ang binintang niya rito kanina.

Tumingin siya sa labas ng public audi. Tumama na ang sinag ng araw sa mga puno. Alas-tres na siguro ng hapon.

"Jewel."

Napatingin siya sa tumawag. Si Gideon. Nasa tabi nito sina Angela at Sean.

Nagulat siya nang humakbang palapit si Angela sa kaniya at yumakap. Gulat siyang nagpalipat-lipat ng tingin kina Sean at Gideon.

"I'm glad to know you," bulong ni Angela sa kaniya.

Kumurap siya. Namalayan na lang niyang yumakap na siya pabalik kay Angela. May ngiting sumilay sa mga labi niya.

"T-Thank you..."

Kumalas si Angela at ngiti siyang tinitigan. "Nalaman mo na ang gospel. Naniniwala ka na ba kay Hesus?"

May namuong luha sa gilid ng mata niya. Ngiti siyang tumango. "I b-believe..."

"Welcome to the family of God, Jewel."

Lumapad ang ngiti niya. Napatingin siya sa platform nang magsimulang kumanta ang worship team doon.

Inaya siya si Angela na sumayaw. Masaya siyang sumunod dito at lumingon kay Gideon. Ngiti lang itong tumango sa kaniya.

In that very same place, at that very same time... Jewel laughed and smiled freely. And she has never felt any freedom she felt in that time in her lifetime.

It was all... joyful, surreal, and her heart can't contain it! She sang after the worship team!

Is this what Gideon talked about? The presence of God?

Well, she's now sure. This experience will really turn her life upside down. Jewel will not be the same Jewel she were once before.

Pagkatapos ng pagsasayawan sa public audi ay inaya siya ni Angela na magpunta sa isang ilog sa ibaba ng Mantalongon.

"Ang ganda ng lugar," manghang sambit niya.

Ngumiti si Angela. "Isang parte lang ito ng Ilog Dalaguete. This is where we baptized people."

"Baptized?" takang tanong niya.

Lumundag siya pababa sa malapad na bato. Lumingon siya sa likod. Nakita niya sina Gideon at Sean na nakasunod lang sa kanila.

Nilibot niya ang tingin at nilanghap ang sariwang hangin. Rumaragasa ang tubig sa mabato at mababaw na parte ng ilog. Malakas din ang ihip ng hangin na siyang nagpapasayaw sa mga sanga ng punong nasa gilid ng ilog.

"Yes, water baptism."

"Is that part of Christian faith?"

Tumango si Angela. "Romans 6:3-4,

Or do you not know that as many of us as were baptized into Christ Jesus were baptized into His death?

Therefore we were buried with Him through baptism into death, that just as Christ was raised from the death by the glory of the Father, even so we also should walk in newness of life.

Sean and I will baptized you with water, but the Lord Jesus will baptized you with the Holy Spirit."

Nangunot ang noo niya. "Wait, bakit mahalaga ang baptism?"

"It is your declaration that you will follow Christ." Tumitig si Angela sa kaniya. "Are you willing to follow Jesus Christ?"

Huminga siya nang malalim at tumango. "I am."

"Then let me submerged you fully into the water." Iginiya siya ni Angela tungo sa mas malalim na parte ng ilog.

Nanigas pa ang kalamnan niya sa lamig ng tubig, pero kalaunan ay nasanay din. Ngiti siyang sumunod kay Angela sa mas malalim na bahagi. Nakasunod lang sa kaniya sina Sean at Gideon.

Hanggang balikat niya ang tubig sa bahaging 'yon. Huminto siya at tinanaw ang kabilang bahagi ng ilog.

"I brought her extra clothes," boses ni Gideon.

Napalingon siya sa asawa. Nakalapit na ito sa kanila ni Angela. Kasunod nito si Sean.

Sinimulan na nila ang baptism. Inilublob siya patihaya sa tubig at makalipas ang ilang segundo ay inalis siya mula sa ilalim.

"Haah!" hinga niya nang malalim. Nagmulat siya at tumingin kay Gideon na nakangiti sa kaniya.

"Welcome home, Jewel!" sigaw ni Angela.

Naiyak siya bigla sa tuwa. Hindi niya alintana ang lamig ng tubig at isa-isang niyakap si Angela at Sean. Pagkatapos ay ngiting tumingin sa gawi ni Gideon.

Hawak nito ang water-proof digital camera at nakatutok sa kaniya. May narinig nalang siyang click.

"Mauna na kami, Gideon, Jewel. Pupuntahan pa namin si Pastor Berion," paalam ni Sean.

Binaba ni Gideon ang camera at tumango kay Sean. "Pakisabi sa kaniyang salamat sa extrang damit."

Natawa si Sean at iginiya si Angela paahon sa ilog. Kumaway si Angela sa kaniya na tinugunan niya ng isang ngiti.

Nakagat niya ang labi nang lumapit si Gideon sa kaniya. Hanggang balikat niya ang tubig pero dahil mas matangkad si Gideon kaya hanggang sa ibaba ng dibdib nito ang tubig sa ilog.

Nakita niya ang ngiti sa mga labi nito. Lumunok siya. "I'm sorry pala sa ginawa ko last night."

Huminto ito sa harap niya at nagulat siya nang ito mismo ang kumabig sa kaniya at humalik sa labi niya. Napahawak siya sa balikat nito at napakurap-kurap.

Lumayo ito pagkuwan at sinapo ang magkabila niyang pisngi. "I love you."

Napigil niya ang hininga habang nakatitig sa mga mata ni Gideon. There was gentleness in his eyes and his smile seems genuine.

"Breathe, Jewel."

Ginawa niya ang sinabi nito at pabiro niyang hinampas ang balikat ni Gideon. "Ayan ka na naman!" natatawa niyang saad.

Natawa ito at kinabig siya't niyakap. Her heart skipped a beat hearing Gideon singing the song that she danced earlier.

Yumakap siya pabalik sa asawa at sabay nilang tinanaw ang papalubog na araw sa kanluran habang nakababad sa malamig na tubig ng Ilog Dalaguete.

NAGHAPUNAN SILA sa bahay nina Angela at Sean. Maraming handa sa mesa. At kadalasan ay mga paborito niya kaya hindi niya maalis ang panaka-nakang tingin niya kay Gideon.

Ito yata ang nagsabi kay Angela kung anong paborito niyang ulam. Wala namang kaso sa kaniya kung maghahain ang babae ng pagkaing paborito niya, pero ayaw niyang naabala ito dahil sa kaniya.

"Ayaw mo ba sa ulam?" tanong ni Angela.

Umiling siya. "I like them."

"Bakit hindi ka kumakain?" 

"Uh, kasi nag-abala pa kayo."

Natawa si Angela saka tinuro si Gideon. "Actually, Jewel, si Gideon 'yong nagluto ng mga 'yan. Kanin lang yata ang niluto ko sa nakahain sa mesa."

"Ha?" Napatingin siya kay Gideon pero tahimik lang itong sumusubo at hindi tumitingin sa gawi niya. Hilaw siyang ngumiti. "S-Salamat sa pagkain."

"You're welcome," sabi ni Angela at sinundot si Gideon sa tabi nito. "Nagpasalamat asawa mo. Hindi ka ba magwi-welcome?" Ngumiti si Angela na parang nang-aasar.

Lihim siyang napangiti. Uminit ang pisngi kaya nag-iwas siya ng tingin mula kay Gideon at binaba ang tingin sa sariling pinggan.

"Just eat, Jewel."

Sabay na natawa sina Sean at Angela. Napakamot naman siya sa pisngi dahil sa hiya. 

Hanggang sa labas ng bahay ay hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ni Angela. Panay ang pang-aasar nito kay Gideon na tinutugunan ng tawa ng huli. 

"Ingat kayo sa biyahe," paalam ni Angela.

Ngumiti siya. "Salamat."

Kumaway si Sean sa kaniya at kay Gideon. Ngumiti lang ang asawa niya at pinaandar ang kotse.

Huminga siya nang malalim.

"Kaya mo bang mag-drive? Mag-book nalang kaya tayo?" suhestiyon niya.

"I'm okay, Jewel."

"Are you sure?"

Tumango ito at ngumiti na parang may naalala. "Pinabiyahe mo ako noon mula Oslob papuntang Medellin. I'm good in this long drive."

Napaiwas agad siya ng tingin. "Sorry naman," bulong niya.

Natawa lang si Gideon at hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa hita niya. Pinagsiklop nito ang kamay nilang dalawa.

Bumilis na naman ang tibok ng puso niya. Naalala niyang hindi pala siya nakasagot dito kanina.

She smiled and whispered, "I love you too."