Chapter 46.1
Warning: Language might be disturbing to some readers. Please beware.
~
"Nagkukulong siya sa kuwarto, Sir."
Nilingon ni Gideon si Dalya. Naluluha ito at hindi makatingin nang diretso sa kaniya. Umikhim siya. "Sa kuwarto ko?"
Tumango ito. Nilagay niya ang backpack sa sofa at tumingin siya sa hagdanan. "Maghanda na kayo ng tanghalian. Pupuntahan ko siya," utos niya.
"Ah, Sir. K-Kagabi pa po siya nandoon sa kuwarto. Hindi siya kumain ng hapunan at h-hindi ko po alam kung bakit umuungol si S-Senyorita."
"Umuungol?" Nagsalubong ang dalawang kilay niya. "Hindi niyo binuksan ang kuwarto?"
"Ayaw niya po, S-Sir. Galit na galit siya nang buksan namin ang kuwarto kagabi."
"I see. Ako nang bahala sa kaniya, Dalya."
"S-Sige, Sir..."
Malaki ang hakbang na tinungo niya ang hagdanan at umakyat sa itaas. Nilabas niya mula sa bulsa ang susi ng kuwarto niya.
Tumayo siya sa harap ng pinto at kumatok. "Jewel," tawag niya. Pero walang sumagot.
Bumuntong-hinga siya saka sinuksok ang susi sa keyhole at inikot. Narinig niya ang click. Pinihit niya ang seradura.
"Jewel," tawag niya at pumasok sa loob ng kuwarto.
Natigilan siya nang makita niya si Jewel sa sahig. Nakaupo, nakahubad, at masamang nakatingin sa kaniya. Nagtagis ang bagang niya at agad sinara ang pinto ng kuwarto.
"Jewel," lapat ang ngiping tawag niya. "What do you think you're doing? Tumayo ka diyan at magbihis."
Ilang segundo itong masamang nakatitig sa kaniya, saka unti-unting ngumiti. "Gideon!" ngiti nitong tawag.
Tumayo ang asawa niya at patakbong yumakap sa kaniya. Mabilis niyang pinulupot ang braso sa likod nito at tinukod ang kaliwang kamay sa hamba ng pintuan.
"I'm glad you're back!" sabi ni Jewel habang mahigpit na nakayakap sa kaniya.
Lihim siyang napangiti. "You haven't eaten your dinner and breakfast. What are you thinking? It's not okay to skip meals."
"Mmmm... ang bango mo!" ani Jewel.
Natawa si Gideon. Kinalas niya ang yakap nito at tumitig sa mga mata ng asawa. Nangunot ang noo niya.
He could see lust clearly displayed in Jewel's eyes. Umikhim siya. "Go, take a bath and dress up, wife."
Pero ngumuso si Jewel at naglambitin sa batok niya. His wife tiptoed and kissed him on his lips.
He was caught off guard by Jewel's action.
Ngumiti ito. "I want to kiss you. I'll take a bath later, okay?"
At hindi pa siya nakaimik nang nilapat ulit nito ang mga labi sa labi niya. Napakurap siya. Natigilan.
Jewel is not like this. He had known his wife for too long and he know that she's not a kiss maniac.
Marahan niyang tinulak palayo si Jewel, pero humigpit ang nakalambitin nitong mga braso sa batok niya. Mas nilapit nito ang katawan sa kaniya at wala siyang nagawa kung hindi hawakan ito sa baywang.
"Jewel ---"
Kumalas ito at tinulak siya. Lumapat ang likod ni Gideon sa pader at ngumiwi siya sa lakas ng pagtulak ng babae. "Jewel what are you ---"
Jewel stalked closer to him and kissed him like there's no tomorrow. Napahawak si Gideon sa baywang nito at puwersahan itong inilayo sa kaniya. "Jewel!" he roared.
Nagtaas-baba ang balikat niya dahil sa pinipigilang galit. "You're not a whore so don't act like one!"
Huminga nang malalim si Jewel saka humakbang na naman palapit sa kaniya. Tinaas niya ang kamay para pigilan ito sa mga binabalak, pero hinawi lang nito ang kamay niya at binaklas ang polo niya.
Rinig niya ang paghulog ng mga butones sa sahig. Ngumisi si Jewel nang makita nito ang dibdib at tiyan niya.
Mas lalong nagngitngit ang kalooban ni Gideon sa ginagawa ng asawa. Hindi ito si Jewel. Hindi ito ang babaeng pinakasalan niya!
"What happened to you?" tanong niya at seryosong humakbang palapit sa babae.
Lumapad ang ngiti sa mga labi ni Jewel at umatras, habang dahan-dahang umaabante si Gideon. Nagkibit-balikat ito. "I want to have s** with you. Problem with that?"
"I told you, we're not doing it. Finish your studies first."