Chapter 46.2
Nahulog sa kama si Jewel nang maabot nito ang paanan ng matres. Tumayo naman siya sa harapan nito at humalukipkip.
Jewel is naked under his gaze. He shook his head and turned around. Humakbang siya palapit sa kabinet para sana kumuha ng tuwalya para sa asawa, pero nahinto siya nang may yumakap sa kaniya mula sa likod.
"Let's do it. I'm ready, Gideon."
And now, he is certain that it is not Jewel. Kinalas niya ang mga kamay nito at hinarap ang babae.
Namumula ang mga mata nito dahil sa kawalan ng tulog. May napansin din siyang mga pulang marka sa katawan nito. Mapusyaw lang kaya hindi pansin sa unang sulyap.
"What did you do last night?" tanong niya.
Bumaba ang tingin nito sa tiyan niya. "I..." Jewel bit her lips and touched his abdomen. "I just read something," bulong ng babae.
Pinagmasdan lang niya kung paano nito pinaglaruan ang munting balahibo sa dibdib niya. Lumunok siya at nag-iwas ng tingin. Pumikit siya at inalala ang sinabi ni Zion.
"Temptation is not an event but a process... it strengthen your flesh to caught you off guard in times of weakness."
He is sure now. Jewel is tempting him.
Mabilis niyang hinawi ang kamay nito at pwersahan itong hinila sa banyo.
"Gideon!" protesta nito.
Binuksan niya ang cold shower at hinila si Jewel patayo sa ilalim nito.
"Ah!" sigaw ng babae. "Gideon, you beast! Ang lamig!"
Ngumiti siya. "Finish your shower and dress up. We'll have our lunch."
"Nakakainis ka talaga!"
Kinuha ni Jewel ang walang lamang bote ng shampoo at hinagis sa kaniya. Nakailag siya. Mas lalong nagsalubong ang kilay nito.
"Wag ka ngang umiwas!" asar nitong sambit.
He just showed his infamous smile at her and turned. "Pack your things. I'll bring you tomorrow to Mantalongon."
Impit na sigaw ni Jewel ang narinig niya bago tuluyang nilisan ang banyo.
ISA ANG MANTALONGON sa mga lugar na pupuntahan ng adventurous tourists. Sigurado si Jewel roon. Daanan kasi ang lugar papunta sa Sergio Osmeña Peak --- ang pinakamataas na elevation ng Cebu. Maraming tanim at sobrang tataba, kaya napagtanto niyang sagana sa bitamina ang lupa.
Huminto ang Navarra sa isang may kalakihang bahay. May bahaging sementado at mayroon namang hindi, pero ang pumukaw sa atensyon niya ay ang malawak na gulayan sa tabi nito.
Umibis si Gideon kaya umibis din siya. Inayos niya ang saya ng white dress na suot at ang summer hat sa ulo. Medyo mahangin sa lugar at gusto niya ang preskong hanging humahalik sa balat niya.
Tumingin siya kay Gideon, nakatingala ito sa bahay. Her forehead creased. Hindi niya alam kung anong plano ni Gideon. Basta lang siya nitong dinala sa Mantalongon nang hindi sinasabi kung bakit.
"I still have my class," sabi niya. Umihip na naman ang hangin kaya hinawakan niya ang summer hat sa ulo. "Hindi ako pwedeng magtagal dito."
"I know. I want you to be delivered."
Nangunot ang noo niya. "Delivered? Delivered from whom?"
Sumulyap si Gideon sa kaniya. Umihip na naman ang hangin at tinaas nito ang laylayan ng white dress niya. Binaba niya ang laylayan at hinawakan 'yon, pero ang summer hat naman ang tinangay ng hangin.
"Bi***," bulong niyang mura.
"It's not good to curse, Jewel."
Minasdan niya ang summer hat na lumipad sa hangin at tungo sa kakahuyang nasa malapit lang. Naningkit ang mga mata niya. "Don't correct me, I'm not a child."
"But you act like one."
Pinukol niya ang masamang tingin kay Gideon. "Don't start any fight. Hindi pa rin tayo bati."