Chapter 14
Nagtinginan sina Marcia at Nicole.
“Dahil sure kaming may pagkaing darating para sa atin galing sa asawa mo,” ngumising anang Marcia.
Napatawa siya nang mapakla at naiiling. “Don’t count on it. He’d be busy working or something,” sabi niyang sabay dampot ng telepono para mag-order na lang ng pagkain saka idinayal na ang numero ng suking fast food.
“Huwag na nga sabi, eh,” ang pigil ng nakaismid na si Marcia at saka tumingin ito sa labas.
Napasunod naman siya ng tingin at nakita niyang parating ang asawa na may dalang malalaking supot. Pinagbuksan naman ito kaagad ni Stella nang nakangiti. Nagpasalamat ang lalaki rito at siya naman ang agad na tiningnan nito.
“Hi. I brought you some lunch. I thought we could eat together,” ang nakangiting sabi pa nito.
“O, ‘di ba? Sabi naman namin sa ‘yo, eh,” ang anang bakla saka nagtungo ito sa mini kitchen para maghanda ng mga plato.
Samantalang kinuha na nina Stella at Marcia ang mga dala ng lalaki. Narinig niyang may sumagot na sa kabilang linya ng telepono. Inabot iyon ng kanyang asawa at ibinalik sa cradle habang nagkatitigan naman silang dalawa.
But then, he still had a moment or two to caress her hand. And she just realized that he already saw her wedding ring on her finger.
“I was about to…” she said distractedly. Napansin niya rin ang wedding ring nitong suot pa rin nito, tulad niya. Her heart was beating so hard because of it.
‘Is he wearing it all this time?’ tanong pa ng isipan niya dahil hindi man lang niya maisip tingnan ang kamay nito kanina nang ipinagmaneho siya papuntang office.
“Order? There’s no need for that, right?” ang anitong ngumiti na naman sa kanya.
“O, kain na tayo. Tama na muna ‘yang sweet moments n’yo riyan at kami ay nagugutom na,” ang sabi pa ni Marcia mula sa mini kitchen.
Tumayo na lang siya nang walang imik.
“You’re welcome,” ang sabi pa ng lalaki nang pabulong na sumunod sa kanya.
His warm breath tickled her ear, and she tried to hide a smile.
Habang kumakain sila, sagot naman nang sagot ang lalaki sa mga tanong nina Marcia at Nicole. Paminsan-minsan naman ay nagsasalita siya upang suportahan o hindi ang sinasabi ng lalaki. Depende sa mga tanong ng dalawa. Kahit binigyan na niya ng silent warnings ang dalawa ay patuloy pa ring nagtatanong ang mga ito sa lalaki.
“So, kailan ang second honeymoon ninyong dalawa?” ang nanunuksong tanong ni Nicole at napabaling-baling ng tingin sa kanila na magkatabing umupo na tila nasa hotseat.
She nearly choked at that. Inabot niya ang baso ng juice at mabilis na ininom iyon.
“Ano? Dapat mo bang itanong ‘yan, Nicholas?” inis na aniya sa bakla. Then, she caught the amused eyes of her husband.
“We’ll get to that, Nicole. Don’t worry. But right now, I’m still working my way to that point,” ang pahayag ng asawa niya na nakatitig sa kanya.
‘The nerve!’ naisip niya habang nanunukso pang lalo sina Marcia at Nicole sa kanilang dalawa at si Stella naman ay nakangiti sa kanya.
Automatically, her mind was playing the scenes of the nights of their smoky lovemaking more than three years ago. She tried to hold back and not let out a sigh.
Paano kung hind sila nagkahiwalay ni Calvin? May anak na kaya sila nang mga sandaling ito? At the time, it did not occur to her to have a child. Nag-control lang sila dahil gusto nilang sila munang dalawa at walang istorbo. And they still wanted to tour around the world when he would have time. And if they could have that second chance he asked for? What then? Was she ready to be a mom?
***
Louise blushed, and Calvin could see it clearly. He knew right at this moment she was thinking of their past when they were still together.
Oh, how he wished he could just kiss her right here and right now, make love to her until she screams with satisfaction… but, no. He had to wait. Dahil kailangan pa niyang suyuin ito.
He hung around after lunch, hanggang sa bumalik na sa trabaho ang mga ito. Nagpaalam na muna siya sa asawa na bumalik sa hotel.
“Sa hotel? Bakit ka nakatira doon?” ang tanong ni Nicole na nakataas ang kilay.
“None of your business, Nicholas!” ang matigas na wika ng asawa niya.
Napangisi na lang siya at kumindat sa bakla. Bago siya lumabas ng travel agency ay nag-blow pa siya ng kiss sa asawang umiwas ng tingin sa kanya pagkatapos niyon. He could sense she was going to smile after he left. Alam niyang kinikilig ito kahit ayaw nitong aminin o ipakita sa kanya.
Lumulan na siya ng kotse na gamit niya. Hindi na muna niya aayusin ang flat tire ng kotse ng asawa niya. Susunduin na lang niya ito mamaya kahit hindi niya iyon sinabi rito. Perhaps, another surprise would be good for them both, katulad ng lunch na ito.
Nag-ring ang cell phone niya at nakitang si Scott iyon.
“What is it this time?” ang tanong niya kaagad habang iginarahe ang kotse sa hotel parking lot.