Chapter 15

“Well, uh… Mr. Fernan, I just got a call from Sabrina,” alanganing pagpaalam ni Scott sa boss.

“Again?” Nalukot ang mukha ni Calvin.

“Yes, sir.”

Napabuntong-hininga siya habang nakasimangot. “Just don’t tell her where and how you can contact me. I don’t want her to ruin my one and only chance with my wife, Scott! Do all you can to⸺”

“Sir, I’m sorry for cutting you off, but Sabrina said she’s going to send you an invitation.”

“An invitation?” galit na alunignig pa niya. “What invitation? For what? You know I don’t need to see her ever again!” Kumuyom ang isa niyang palad at humigpit ang pagkakahawak niya sa gamit na aparato.

“I know that, Mr. Fernan. You’ve made it clear. But I’m just trying to pass on the word to you that she’s going to get married next month, and she’s inviting you to come. As a sign of goodwill, she’d be happy to have you with your wife.”

Napatiim-bagang at napasingasing siya sa kanyang narinig. Naisip niyang napakawalang kuwenta nito. It was even absurd. Was Sabrina gloating at him or what? Hindi niya alam kung ano ang plano ng babaeng iyon gayong hindi niya ito mapapatawad kahit kailan nang dahil sa ginawa nito at nagkahiwalay tuloy sila ng mahal niyang asawa.

“No. We’re not going, Scott. Tell her that, if she calls again,” ang tiim-bagang na sabi niya at tinapos na ang tawag na iyon.

‘Definitely not!’ naisip pa niya.

Para sa ano pa ang pagpunta niya at ni Louise sa kasal nito gayong ito naman ang sumira sa relasyon niya sa kanyang asawa? Hinding-hindi niya talaga mapapatawad ang babaeng iyon! Sinaktan nitong masyado ang asawa niya at dahil doon ay nagtiis siya sa loob ng tatlong taon na wala sa piling niya si Louise. It was a fucking hell that he would not want to go back to. Not ever! Not in this lifetime.

Now that he had found Louise, he would do everything in his power so that she would never see any link to their bad and painful past. Kahit na pangalan lang ni Sabrina.

He got out of his car and went to his hotel room. Matutulog muna siya bago siya aalis muli para sunduin ang asawa mamaya. Maybe he could take her out to dinner. That way, they could be together alone. At siguro naman ay makapag-usap sila nang mas masinsinan.

***

Why was she not surprised?

Sinundo si Louise ng kanyang asawa pagka-alas singko y media ng hapon. Nakaalis na ang kanyang mga tauhan samantalang nire-review pa niya ang kanilang transactions sa araw na iyon. She had to keep the ledger updated and clean on a daily basis.

“I’ll just wait right here ‘til you’re done,” ang sabi ni Calvin nang nakapasok na sa opisina at saka umupo sa isang mahabang sofa na malapit sa pintuan.

Hindi siya umimik dito. Nagpatuloy siya sa ginagawa.

“Are you up to dining out?” ang tanong nito sa kanya.

Tiningnan niya ito. “Is it a date?” She tried hard not to smile.

Kumibit ito at ngumisi sa kanya. “Yes? So?”

Kumibit lang si Louise.

***

Calvin took her to a fine restaurant. Iyon ang pinakaunang restoran na kanilang pinuntahan noong unang date nila… the same day when they first met in a mall.

Napangiti si Louise kahit papaano. This brought good and happy memories.

Hindi niya namalayang napakapit pala siya sa braso ng kanyang asawa habang nakatingin ito sa kanyang mukha at may ngiti rin.

“Remember this place?” ang anito.

“Yes, of course,” ang tumangong sabi niya.

Dinala siya nito sa mismong puwesto na kanila ring ginamit noon. Ngayon ay may nakalagay na roong “Reserved.” May nakalagay rin doong pumpon ng paborito niyang puting rosas.

Napangiti siya sa mga bulaklak. Pinagplanuhan pala ito ng asawa niya. Kaya naman ay naa-appreciate niya ang effort nito.

Inalalayan siya nitong umupo habang lumapit sa kanila ang waiter. Nang makaupo na si Calvin sa tapat niya ay tiningnan nila ang menu. They ordered the dishes and drinks they used to have five years ago.

Hindi niya mawari pero masarap sa pakiramdam ni Louise na bumalik sa kanilang masayang nakaraan. Unti-unti ay nawawala ang galit niya sa asawa. If he could remember all this, it just meant that everything mattered to him. Not a detail was skipped or forgotten. And she felt so good that she just kept smiling at him.

Ginagap nito ang kamay niya nang umalis ang waiter, bagay na ginawa rin nito noon sa kanya. Hindi niya iniwas ang kanyang kamay mula sa asawa. Sa totoo lang ay na-miss naman niya ang paghawak nito sa kanya. Lahat-lahat ay na-miss niya.

Parang kailan lang ay ikinasal sila. Wala na yatang mapaglalagyan ang saya niya noon dahil damang-dama niya ang pagmamahal sa kanya ng asawa. Wala na nga siyang mahihiling pa. Ang suwerte-suwerte niyang babae dahil minahal siya ng isang katulad ni Calvin. Ni hindi niya pinangarap iyon. Basta lang itong dumating sa buhay niya nang ganoon lang.

Bahagya nitong pinisil ang kamay niya. Napatingin siya sa kanilang magkahawak na kamay.

“I love you, Louise,” ang sabi pa nito. Exactly the way he said it five years ago.

‘Is this some kind of déjà vu?’ Ito ang naglaro sa isip niya at natutuwa siya.