Chapter 13

Calvin was grinning from ear to ear when he stepped out of his wife’s travel agency office. Napalingon pa siya at nakitang pinaligiran ito ng tatlong tauhan. He knew they were going to press her about the issue regarding him and why the secret about being married was kept.

He felt sorry for her to be grilled by her own employees like that. Still, they deserved to know. Kung hindi siya nagkakamali, mga kaibigan na rin ang mga ito ni Louise.

Nang ginising siya nito kanina ay masaya siya dahil nagkaroon ng bunga ang pinagpaguran niya kaninang madaling-araw. Hindi rin madaling gawin iyon dahil nakonsensiya siyang sadyaing gawin ang flat tire sa kotse ng asawa. Right, he was going to mix dirty tricks on her just so she would take him back. Saka na lang siya makokonsensiya at saka na siya kukumpisal kapag ayos na sila. Alam niyang mapapatawad din naman siya nito.

‘Dahil mahal niya pa rin ako.’

Natuwa siya sa reaksyon ni Louise nang makita siyang hindi man lang nagtakip sa sariling kahubdan kanina. If he had to seduce her, then he was doing all he could. And if he had to do it over and over again, he would do so.

But when she took that call from a certain Nicholas, umuusok talaga siya sa galit at selos. How would he know if she was still a loyal wife all these three years? He did not want to think that she was having an affair while he was living like a monk all these years in California! Malay niya ba kung ginamit nito ang ibang lalaki para kalimutan siya?

Subalit nang napansin niya ang wedding band sa daliri ng asawa kanina habang papunta sila sa opisina nito ay nagkaroon siya ng alinlangan tungkol sa pinagseselosan niyang si Nicholas. Well, she could lie all she could about that ring if somebody would care to ask and would not press her about it any longer.

Ngunit nang malaman niya kung sino si Nicholas, napakasaya niya! If he thought about it, it meant that his wife never had an affair all these years, he was sure of that now, and he would bet his life on it. Just to think that she was still carrying his family name all these years, he was sure she never thought of having a boyfriend after him. Lalo na’t inisip nitong may kasalanan siya rito. She would not trust men that easily, would she?

Calvin went back to the hotel and thought of something to do the whole day. Something for his beloved wife.

The meeting went smoothly last night. Ipapaubaya na lang nila sa police ang nangyaring piracy ng kanilang software na may kinalaman kay Bill. He was sorry for him, but he had to do it. He just asked the authorities to keep it under wraps.

Naligo siya at saka nagbihis ng kaswal. He called the hotel’s restaurant. Nag-order siya at pinapa-pack ang mga iyon para i-take out. Literally take out of the hotel. Saka nag-order siya ng mga bulaklak para sa asawa. Tatlong baskets iyon. Katulad ng dati. Ginagawa niya iyon kahit ordinaryong mga araw at hindi lang tuwing monthsary o anniversary nila noon.

***

Bago pa madampot ni Louise ang telepono, may isang flower delivery truck na huminto sa tapat ng kanyang opisina. Nakita niya iyon sa glass door.

“Oy, mukhang alam ko na kung para kanino ang mga ‘yan,” ang react kaagad ni Nicole at tinutukso na naman siya nito at ni Marcia.

Napangiti naman siya kahit papaano nang pumasok ang delivery boy.

“Para po kay Louise Fernan?” anang delivery boy na napatingin sa kanilang apat, pati na ang mga customers nila.

Agad naman siyang itinuro ng tatlong tauhan. Tumango siya sa delivery boy. Lumapit ito sa kanya at inilagay ang mga baskets sa tabi ng kanyang mesa at may pinapirmahan sa kanya. Umalis naman kaagad ang delivery boy na nakangiti.

Sinilip niya ang baskets. Maliban kasi sa mga bulaklak ay may mga chocolates iyong kasama at kung anu-ano pang stuff.

‘Typical of Calvin,’ naisip pa niya at nakita ang ilang kahon ng chocolates. ‘He’s really starting to court me now,’ dagdag ng isip niyang nasisiyahan sa ginagawa ng asawa.

Would she give in this early? Dapat bang hindi na niya paghintayin pa ang asawa niya? Dapat bang makipagbalikan na siya rito at bumawi sa tatlong taong nawala sa kanila?

“Oy, pahingi naman ng chocolates mo,” untag sa kanya ni Marcia na lumapit na nang makaalis na ang customer nitong nagpapa-assist ng passport processing na isang first timer.

“Hay, kumuha na kayo diyan kung anuman ang gusto ninyo. Hindi ko naman mauubos ang mga ‘yan.” Kumumpas pa siya sa ere at ibinalik na ang atensyon sa kanyang PC.

Naalala niyang may tatawagan pala siya at kung kaya’t dinampot niya ang telepono. Nakita niyang kumuha nga ng kani-kanyang nagugustuhan ang dalawang tauhan niya at binigyan ni Marcia ng ilang piraso si Stella na busy sa pag-aasikaso sa customer nitong nagpapa-assist ng tourist visa patungong Netherlands.

May pinapa-book siyang dapat i-confirm sa airline.

Naging busy rin siya sa umagang iyon ngunit palagi siyang napapaisip kay Calvin. Paano nga namang hindi, eh may mga bulaklak sa may paanan niya. Feeling niya tuloy ay para siyang isang santa na inalayan ng mga bulaklak ng kanyang deboto.

Binaliktad na ni Nicole ang signage nila ng CLOSED mula OPEN. Hudyat na para mag-break sila nang isang oras para mananghalian.

“So, ano’ng lunch natin?” tanong pa niya sa tatlo.

Napatingin naman ang mga ito sa kanya.

“Walang um-order sa ‘min ng food,” umiiling na anang Nicole na nagkuros ng mga braso at sumandal sa mesa nito.

Napataas siya ng kilay. “At bakit? Ano’ng kakainin natin ngayon?”