CHAPTER 49: WEDDING
POEKY
Tuloy ang buhay, matapos sumuko si homer ay nag desisyon akong bumalik sa abroad. Unti unti ko ding kinuha sila tita at tito tsaka si ashton, naka pondo ako ng bahay at lupa dito sa states tsaka may business akong resto kung saa doon na kami kumukuha ng expense namin.
Tinutulungan ako nila tita at tito sa pamamalakad at si ashton ay malaki naman na kaya pero minsan makulit at halatang may hinanapa. Limang taon na siya at ngayon nagkakaintidihan naman na kami.
“ momita I want to play at the park” sabi niya.
“ samahan mo na poeky, kami na muna bahala sa resto” sabi ni tita.
“ okay po, saglit lang po kami” malapit lang naman ang park saamin, iyon ang kagandahan dahil nasa sentro kami kaya maganda din ang kitaan ng resto namin.
“ momita I miss papa” tinignan ko si ash, ngayon niya lang uli binanggit si homer.
“ ash diba nag usap na tayo?” tumango siya.
“ pero I really miss him po” hinimas ko ang ulo niya, balita ko ay hindi rin nag tagal ang pagkakakulong ni homer pero kasi bago siya makalaya ay wala na kami sa pinas at wala na din ako balita sakanya.
“ poeky??” kumunot ang noo ko, hindi ko kilala ung lalaki.
“ poeky si carlos” ahhh! Tumaba siya kaya hindi ko siya nakilala.
“ sorry hindi kita nakilala” ngumiti siya.
“ lahat naman ng nakakakilala saakin kaya sanay na ako” napa ngiti ako.
“ kamusta na, dito ka pala sa states” tumango ako
“ okay kami at for good na kami kasi dito” sagot ko.
“ so wala na kayo balak bumalik sa pinas o mamasyal man lang? sa kasal ni homer hindi kayo pupunta?” medyo nabingi ako sa sinabi niya, ikakasal na si homer.
“ papa is getting married?” tanong ni ashton.
“ homer and nancy are getting married this coming month” tinignan si ash na nalungkot, pinisil ko ung kamay niya at tumingin siya kaya nginitian ko siya.
“ hindi ko sigurado kasi hindi ko pwedeng iwan ung resto dito” sagot ko uli.
“ ahhh pero get this one na lang para kung sakaling maka punta kayo” may ini abot na invitation card, mukhang tuluyan na ngang nag separate ang daan namin ni homer.
Kailan ba magiging isang daan kung andito ako at siya ay nasa pinas, nag paalam na si carlos at naiwan kami ni ash na naka upo sa park. Napa buntong hininga tuloy ako ng wala sa oras, napa tingin si ash saakin.
“ can we go momita? Kahit iyon na lang po ang last” hindi ko alam kung dapat pa nga ba o hindi dahil kung pupunta kami baka magulo lang sila.
“ momita please kahit iyon na ung last, I want to say congratulation to papa and say goodbye too”tumango ako kahit aayaw, nakapili na kasi siya ng tamang daan kaya ayaw ko na ssanag pumunta pa doon.
“ thank you momita” niyakap niya ako.
“ uuwi din tayo agad after non okay??” tumango siya, bumalik na kami sa resto at sinabi ko kila tita at tito ung usapan namin ni ash at ang sabi nila ay kami na lang at sila na muna bahala sa resto.
“ sigurado po kayo? Ayaw niyong sumama?” tanong ko.
“ hindi pwedeng iwan ang resto lalo pat summer ngayon madaming turista” sagot ni tita, totoo naman kasi kaya nga ayaw ko din umalis dahil iyon ang iniisip ko.
“ kaya niyo na po ba talaga??” tumango sila.
“ kaya namin, sige na pag bigyan mo na si ash para narin matahimik siya” sabi ni tito.
Nag pa reserve na ako ng ticket papuntang pinas, iniayos ko na din ang kunting damit namin dahil hindi naman kami mag tatagal doon. Dumating na ung araw ng flight namin at nakasabayan pa namin si carlos, mabuti na iyon.
“ akala ko hindi kayo pupunta?” sabi niya
“ request ni ash” tinignan niya si ash.
“ magiging masaya si homer pag nakita kayo” ngumiti ako ng tipid.
Nakarating na kami sa pinas, nakaka pagod ang biyahe medyo matagal na din kasi na hindi kami bumibiyahe.
“ ihatid---”
“ carlos” napa tingin kami sa tumawag kay carlos at muling nabuhay ang puso ko na matagal ng inaamag sa loob.
“ papa” napa tingin sa banda namin si homer.
“ ash not now” mahina kong sabi, napayuko si ash.
“ hi, anlaki mo na pala” nabuhayan ng loob si ash.
“ what if kumai muna tayo total pareho tayong lahat na pagod” sabi ni carlos, tumango na lang ako.
Sumakay ako kay carlos habang si ash ay kay homer, masyadong napaaga ung pagkikita namin. Hindi ko inaasahan na makikita namin siya ngayon.
“ until now pag nag kikita kayo naiilang kayo sa isat isa, parang wala naman kayong pinagsamahan” sabi ni carlos.
“ dahil na din siguro matagal na kaming hindi nagkita” sabi ko na lang, tumingin na ako sa labas ng bintana para di pa siya mag tanong.
Nakarating na kami sa resto at nauna na sila ash, mukhang andami nilang pinag uusapan. Limang taon pa lang si ash pero kung kakausapin mo para na siyang sampung taon.
“ momita what do you want?”
“ kahit ano na” sagot ko.
Tahimik lang ako habang hinihintay ang pagkain namin, si ash ay patuloy sa pag kwento ng kung ano ano. Hindi na ako nakiki sabat at hinahayaan na lang sila na mag usap.
“ poeky how are you?” natameme ako, tinignan nila ako.
“ ha? Im okay” sagot ko, ngumiti siya.
“ that’s good to here” sabi niya, ngumiti ako ng tipid sakto naman na dumating na ung order namin.
Tahimik kaming kumakain, ung pagkain ko hindi ko alam kung anong lasa dahil nga hindi ako mapakali. Tinignan ko si ash na komportableng komportable.
“ momita, papa suggest na if pwede sa condo na lang niya tayo mag stay total hindi naman tayo mag tatagal” sabi ni ash.
“ huh? Ah o-okay” jusko poeky kumalma ka, hindi ka nakaka pag isip ng maayos.