CHAPTER 48: SMILE
HOMER
Tapos na ang bakasyon namin at mamayang hapon ang alis namin kaya sinulit namin nong gabi kaya hanggang ngayon ay tulog sila, okay na din iyon para hindi nila malaman ang gagawin ko. Nag iwan ako ng sulat at video pero isesend ko iyon pag naka sakay na ako sa plane.
Kahit okay na kami ni poeky ngayon hindi parin ako natatahimik, oo pinatawad na niya ako pero parang may kulang pa kaya mukhang ito lang ang mag papatahimik saakin. Alam kong sinabi na ni poeky na wag pero naka pag desisyon na ako at gagawin ko ito para sa sarili ko.
Pumunta na akong airport saktong dumating ang sundo ko, nag pasundo na ako para mas mabilis kasi baka magising si poeky at malaman pa ang gagawin ko.
“ ano bang ginagawa mo dito?!” inis na tanong ni nancy.
“ tsaka ano ung sinasabi mong pupuntahan natin?” tanong niya.
“ presinto” tinignan ako ni nancy.
“ homer gago ka ba?! Nag usap na tayo---”
“ para sa ikakatahimik ng buhay ko nancy, please lang kahit dito lang ay wag mong pakialaman” sagot ko, hindi siya makapaniwala sa narinig niya.
“ homer useless na din lang dahil walang magkakasu sayo” sabi niya.
“ ang mahalaga inamin ko ang kasalanan ko at willing akong pagdusahan ang kasalanan ko” napailing siya.
“ homer!” sigaw niya, alam niiya ang ginawa ko sa lolo ni poeky dahil minsan ginusto kong sumuko pero pinigilan niya ako.
“ ang selfish mo! Paano naman na ang kompanya! Paano na mga tao mo at ako? Sila tiita at tito hindi mo ba naisip iyon??” naisip ko na iyan at habang wala ako, alam kong hindi mo pababayaan ang kompanya at sila mama at papa maiintindihan nila ito kung bakit ko ginawa.
“ sigurado na ako sa gagawin ko nancy, sorry kung maiiwan muna ang kompanya sayo. Pag balik ko babawi ako” nakarating na kami sa airport at iniwan ko na si nancy na hindi maka paniwala.
Dumiretso na akong presinto at biglang dumating si nancy, hinila niya ako. Hinila niya ako hanggang palabas ng presinto, tinignan ko siya at umiling ako.
“ I need this nancy” bakas sa mukha niya ang lungkot sa mata niya.
“ homer baka pwede mo pang pag isipan pa?” tinignan ko siya na desidido na ako at doon pa lang ay binitawan niya na ako.
“ kahit kailan talaga napaka selfish mo, hindi mo man lang inisip kong anong mararamdaman ko” tumulo na ang luha niya.
“ sorry nancy pero ganito talaga ako eh, ayokong mamuhay ng maayos na may bahid na itim sa puso ko. Sana maintindihan mo” nag lakad na ako paloob ng presinto at sinabi na ang lahat.
Inamin ko ang ginawa ko ikinulong na nila ako, ako lang ata ung nakulong na masaya dahil sa wakas mapag babayaran ko na din ang kasalanan na nakatago ng ilang taon. Siguro sa oras na ito, nabasa na ni poeky ang sulat ko at narinig na din nila ung video na sinend ko.
Im sorry ashton pero kailangan kong gawin ito, bilang isang mabuting ehemplo sayo dapat simulan ko sa sarili ko. Mr. leonardo pasensya na kung nagawa ko man iyon sainyo pero wala eh nagawa ko iyon dahil sumobra na din kayo kay poeky.
“ what do you think are you doing?” nagulat pa ako, si poeky.
“ im just doing what is right” tinignan ko siya.
“ right? Is this the right for you?? Paano na si ash?? Ano na lang sasabihin ko?? Hmm?” ngumiti ako ng tipid.
“ ash is smart, maiintindihan niya ito----”
“ homer!” umalingawngaw ang sigaw ni poeky, kita ko ang galit sa mukha niya.
“ im sorry poeky pero---”
“ paano naman ako?” mahina niyang sabi? Doon kumalabog ang dibdib ko.
Kung ito lang pala ang kailangan para umamin ka sana ginawa ko na noon pa, napa ngiti sa sosbrang saya. Hindi ko aakalain na parehas lang kami ng nararamdaman, akala ko talaga naka move on na siya.
“ gaya nga ng sabi mo poeky, hayaan mo ang daan na mag salubong kung para tayo sa isat isa talaga” tinignan ko siya, hindi ko aakalain na luluha siya sa harap ko.
“ kung noon lumayo ka para mag hilom ako naman kailangan ko ito para mag hilom na din, malay mo sa muli nating pagkikita handa na tayo para sa isat isa kung hindi pa nga huli ang lahat” ngiti kong sabi.
“ ilang beses tayong pinagtatagpo, ilang beses tayong sinusubok pero meron at merong laging rason para tayo’y mag hiwalay. Destiny is not really our thing poeky, the only chance that we have is our path” yumuko ako para pigilan ang pag luha ko.
“ im sorry poeky and also to ash” inilahad ko ang kamay ko sakanya at kinuha niya ito, im happy na sa wakas hinawakan mo na din ang kamay ko sa tagal nating magkakilala.
“ don’t cry, masyado akong naiinlove kapag nakikita kang umiiyak” pinunasan ko ito.
“ sige na, alagaan mo ng mabuti si ash and always manage your temper okay??” tumango siya.
“ hihintayin kita” sabi niya, umiling ako.
“ wag mong gagawin iyan, hayaan mo na kusang ang daan natin ang mag tagpo at pag nangyari iyon panigurado hindi na kita pakakawalan pa” binitawan ko na ang kamay niya, tumalikod na ako at doon tumulo na ang luha ko.
Sana hindi pa huli ang lahat pag nag kita tayo, pero kung may makilala ka man sana mahalin ka niya at hindi ka pababayaan tsaka hindi sasaktan. You deserve to be happy poeky and im sorry dahil sinaktan uli kita ngayon.
Dahil sa pag amin ko at wala namang case saakin maaring hindi mag tagal ang pagkakulong ko sabi ng attoreney ko, kahit ano pang hatol yan ang mahalaga magaan na ang loob ko at sigurado ako na pag labas ko dito ay mamumuhay na ako na naka ngiti sa labi.