CHAPTER 47: FACE THE PAST

POEKY

“ sa tagal ni pilar na nag tra-trabaho saakin hindi ko napansin na may nagugustuhan na pala siyang tao at hindi ko akalain na ikaw iyon” tinignan ko si homer na gulat.

“ nagulat din ako kasi hindi naman mag papapa yan kung walang pag kukunan ng basis si ash, tinago na lang niya iyon dahil narin siguro sa sitwasyon natin noon” dugtong ko.

“ ganun ba, wala naman problema saakin kung tatawagin akong papa ni ash” sagot niya.

“ dapat ituro mo ang tama dahil pag dating ng panahon at nag asawa ka, baka makaapekto naman sainyo iyon ng asawa mo” naka tingin siya saakin.

“ poeky wala akong ibang gustong maasawa kundi ikaw” hindi ko inaasahan ang pagiging straight forward niya.

“ pero hindi ko alam kung karapat dapat nga ba ako dahil sa ginawa ko” kumunot ang noo ko, bumuga siya ng hangin.

“ poeky bago ko sabihin ang ginawa ko gusto kong malaman mo na lahat ng iyon ay dahil sayo, wala akong ibang gusto kundi ang tulungan ka at mapasaya ka dahil mahal nga kita noon hanggang ngayon” dugtong niya.

“ poeky willing akong panagutan ang kasalanan ko after neto, gusto ko na kasing matahimik” ano ba pinag sasabi neto

“ poeky hindi sa pagtanda ang dahilan kung bakit namatay ang lolo mo, nagkunware ako noon na walang alam sa mga pinag gagawa ng lolo mo sayo pero bawat detalye ay alam ko at hindi ko maatim hanggang nagkaroon ako ng pagkakataon na patayin siya”

“ sa una wala akong balak na ganun dahil ang balak ko ay hayaang mag tiwala siya at unti kung kunin ang mga kinuha niya sayo saka ibalik pero araw araw lagi kong naririnig ang mga ginagawa niya sayo at hindi ko kaya poeky, yes! Sabihin na nating obsess ako sayo noon dahil mahal nga talaga kita eh, ewan ko kung bakit ang lakas ng tama ko sayo pero ayon nga humantong sa ganun”

Pinatay niya si lolo dahil saakin?? Dahil mahal niya ako??

“ lahat ng mga ginawa ko ay para sayo poeky, hinayaan ko na magalit ka saakin at hinayaan ko ang mga maling akusasyon mo saakin dahil sa kabila non ay ang gusto ko ay tulungan ka dahil saksi din ako sa hirap mo at sa pag trato sayo ng lolo mo maski hindi ka pa kadugo ay hindi parin dapat ganun dahil tao ka at hindi hayop” hindi ko inaasahan itong naririnig ko pero bakit parang mas naaawa ako sakanya.

Dala dala niya itong bigat na ito sa ilang taon, dala dala niya ang kagustuhan na tulungan ako pero wala akong ibang ginawa sakanya kundi akusahan siya ng mali, bakit? Bakit hindi niya sinabi saakin noon pa.

“ bakit? Bakit ngayon mo lang sinasabi to?” tanong ko.

“ dahil hindi mo ako binibigyan ng pagkakataon, gustong gusto ko ng makaalis sa buhay na ito. Ayoko na, ayoko na sa madilim at malungkot na buhay na ito” ramdam ko ang bigat ng loob niya.

“ pero wala ako magawa dahil sa mahal kita, sabi ko nga bakit ikaw pa? bakit nag mahal ako ng napaka taas na tao tuloy ang hirap abutin. Poeky im tired, im really tired and I want to leave in peace na. kaya sinabi ko ito sayo dahil gusto ko ng pagbayaran ung ginawa ko sa lolo mo”

“ im really sorry, all I want is you to be happy but I failed. Wala akong nagawang matino kundi ang saktan ka” napayuko siya at kita ko ang pagluha niya.

“ im sorry dahil napunta ka pa sa sitwasyon na ganito homer” umiling siya.

“ ginusto ko ito, wala naman akong pinagsisisihan sa ginawa ko dahil ginusto kong gawin at nagmahal lang naman ako” napa ngiti siya ng tipid.

“ so I think this is our last long chat, gaya ng sabi ko pagbabayaran ko ung ginawa ko sa lolo so pagbalik natin ay babalik na ako sa city para sumuko” tumayo na siya at iniwan ako.

After non wala na hindi na siya umimik, gabi na at mga huni na lang ng gubat ang naririnig. Tinignan ko ang iba na nagkakanya kanya na sila ng latag para pag tulugan. Lumapit si homer na may dala na mukhang pag tutulugan.

“ pag tiyagaan mo muna ito, bukas na bukas ay darating na din naman sila para kunin tayo” tumango ako, inayos na niya ang pag higaan namin at pumuwesto na ako.

“ sige na matulog kana, mag babantay ako” humiga na ako pero hindi ako makatulog dahil nga sa mga iniisip ko.

Ngayon lang nagkaroon ng linaw ang lahat, ngayon lang luminaw ang matagal ng kinikimkim na katanungan at sa hindi inaasahan na ganun pala.

Nakaidlip ako at nagising pero madilim parin, mukhang hating gabi. Tumingin ako sa tabi at nakita ko parin si homer na gising, hindi talaga siya natulog kaya bumangon na ako at umupo.

“ gabi pa lang, tulog ka pa” sabi niya.

“ okay na ako, sasamahan na kita dito mag bantay” sagot ko.

Tahimik kaming dalawa, tinignan ko ung iba na tulog at ung iba na kagaya namin na gising. Tumingin ako sa taas at nakakagaan ng loob ang panunuod ng stars.

“ hindi mo kailangang sumuko homer, ipinagtanggol mo lang ako at sa dami ng ginawa ni lolo saatin ay biktima lang tayo” tinignan ko siya.

“ hayaan mo na ang nakaraan homer, kalimutan mo na iyon at pagbayaran mo gamit ang pag papahalaga sa kompanya. Iyon ang kabayaran sa ginawa mo kay lolo, ang hindi na makakabalik sa dating buhay mo” dugtong ko.

“ mas gagaan ang kalooban kung patatawarin mo ang sarili mo, tapos na at hindi na maibabalik pa. oo malaki ang ginawa mong kasalanan pero sobra sobra ang mga naranasan natin mula sa kamay ni lolo at hanggang ngayon ay pinag babayaran pa natin” tumango tango siya.

“ kung ganun pinatawad mo ako sa ginawa ko?” tumingin ako sa kawalan.

“ dahil saakin nagawa mo iyon kaya sino ba naman ako para hindi ka patawarin basta ba sa susunod wag mo ng gagawin iyon” tumango siya.