CHAPTER 46: MOVED ON (2)

HOMER

“ poeky” papasok na kasi siya, gusto ko muna sana siyang makausap.

“ hmm?” tanong niya.

“ pwede ba tayong mag usap?” hinarap niya ako.

“ kung tungkol sa pag tawag sayo ng papa don’t worry---”

“ I don’t care sa pag tawag saakin ng papa, gusto kitang makausap tungkol—”

“ homer bumalik ako para mag bakasyon at ayoko na sanang pag usapan pa ang past dahil fully healed na ako, ayoko ng bumalik sa nakaraan na puro lungkot at sakit na lang” seryoso niyang sabi.

Hanggang kailan siya magiging ganito? Hanggang kailan siya magiging mailap saakin? Fully healed? Kung fully healed siya sana hindi niya ako iniiwasan at nakaka tingin siya saakin sa mata.

“ talaga ba?? Bakit ang dali naman sayong mag hilom?” ako kasi gabi gabi parin akong binabangongot sa nakaraan, hindi ko nga alam kung paano ako mag hihilom.

“ at bakit hindi? Deserve nating matahimik ang buhay at kalimutan ang mga nangyari” yes, alam ko iyon pero hindi ko magawa.

“ hindi ko magawa” kumunot ang noo niya, gusto kong sabihin sakanya ang tungkol sa lolo niya. Kung ano talaga ang nangyare dahil gusto kong pagbayarin ung kasalanan ko.

“ poeky---”

“ homer gabi na, saka na uli tayo mag usap” tumalikod na siya, napa buga na lang ako ng hangin.

Sobrang nag eenjoy si ash at papunta kami ngayon para sa kabilang island, maganda daw doon lalo pat low tide.

“ ang ganda naman dito” sabi ni tita, nag picture picture kami. Hindi ko inaasahan na kasama ako sa picture at ngayon ko uli makitaa na naka ngiti ng ganito si poeky.

‘I really missed her’

“ momta papa “ gusto ni ash na mag picture kami, pumuwesto na ako at si poeky na dumistansya ng konti kaya hinila ko ang bewang niya.

“ teka naman” napa ngiti na lang ako, pati si ash ay natuwa sa ginawa ko.

Nag lakad lakad na lang muna kami total sabi ay pwede pa kami mamasyal basta bumalik kami after 30minutes.

“ papa lab momta” nginitian ko si ash.

“ alam mo ba ash aamin na ako, oo lab ko si momita mo and until now hindi ko alam kung paano maka get over sakanya maski ilang beses niya na akong tinutulak palayo”

“ bakit hindi mo uli ligawan” nagulat pa ako, ama pala ni pilar.

“ malabo na dahil sabi niya ay nakalimot na daw siya” natawa si tito.

“ ang puso hindi nakakalimot lalo pat kung mahal mo ang isang tao, bakit hindi subukan? Single ka at single siya” sabi niya pero gusto kong ligawan siya ng walang tinatagong sekreto.

“ pero paano po? May ginawa akong napaka laking kasalanan sakanya at pag nalaman niya iyon ay maaari niya akong kamuhian at tuluyan na nga talagang di na pansinin” sagot ko.

“ kung ano man ang nagawa mo siguro ay may rason ka, bakit di mo sabihin sakanya at mag paliwanag ka. Si poeky naman ay nakakaintindi basta ba karapat dapat ang rason mo kung bakit mo iyon ginawa” iisa lang ang rason ko at iyon ay para lang sakanya kaya nagawa ko iyon.

Pabalik na kami pero parang may problema kaya mabilis kaming lumapit, ung tour guide nag sasalita at mukhang nagka palya sa boat na sinasakyan namin.

“ maghintay muna daw tayo ng 30 minutes para maayos ung boat” sabi ni tita.

“ pero baka mag high tide na” sabi ko.

“ iyon nga din iniisip ko” sabi ni poeky, wala kaming nagawa kundi mag hintay.

“ ma’am sir, pasensya na po pero kalahati lang muna maibabalik namin at babalikan namin uli ung kalahati para sa safety na din baka kasi lahat tayo sumakay di kayanin pasensya na po” nag tinginan kami.

“ paano na poeky?” tanong ni tita.

“ mauna po kayo nila tito at isama si ash, ang importante ay si ash naman dibale saamin ni homer na susunod na lang” sabi ni poeky.

“ okay lang ba iyon homer?” tumango ako, balak ko nga na ako na lang maiwan.

“ sakay na po kayo” sabi ko, sumakay na nga sila at gaya namin priority din nila ung mga bata at may edad.

“ babalikan po namin kayo, kunin niyo ito just incase lang po” binigyan kami ng tig iisang life best at nag iwan ng isang med kit, umalis na sila at lumangoy tinitignan ko ung tubig mukhang hindi kami agad mababalikan dahil pa high tide na.

“ kailangan nating pumunta doon dahil pa high tide na” tinignan ni poeky ung tubig, sinuot na naminn ung life best at lumangoy papunta sa pangpang na isa, sumunod naman ung iba dahil pansin din na pa high tide na.

“ mga babae maiwan muna kayo dito, kaming mga lalaki mangunguha muna ng kahoy dahil parang di agad tayo mababalikan” sabi ng isang lalaki.

“ dito ka lang, wag kang lalayo” tumango si poeky, nag lakad na kami at nag hanap ng kahoy, sakto lang dahil ilang oras na lang ay mag gagabi na.

Mabilis lang kami nakaipon ng kahoy at tulad ng akala namin hindi agad kami mababalikan dahil umulan pa nga, mukhang tinamaan kami ng kamalasan ngayon.. tinabihan ko si poeky na nag aalala.

“ rela naka balik na sila sa pang pang” sabi ko.

“ sigurado ka?” tumango ako, doon ay huminga siya ng malalim.

“ paano na tayo? Mukhang matataggalan pa tayo dito” sabi niya.

“ natatakot ka ba dahil matatagalan tayo dito o natatakot ka dahil kasama mo ako?” inirapan niya ako.

“ pwede ba homer” napa ngiti ako.

“ ang ganda mo parin kahit nagsusungit ka, sana lang di ma mana ni ash” kita ko ang ngiti niya na tipid.

“ hindi ka ba nag tataka kung bakit papa ang tawag sayo ni ash?’ tanong niya.

“ dahil siguro gwapo ako at nakikita niya na----”

“ baliw hindi, napag kamalan ka niyang ama niya dahil may mga pictures ka na naka tago sa gamit ni pilar” kumunot ang noo ko.