CHAPTER 45: MOVED ON

POEKY

Paano naman kami matutulog sa isang kama?? Naka tingin ako kay homer na parang wala lang, nakakainis! Nilapitan ko ung phone ng room at tinawagan sa baba, mag papa add ako ng extrang unan at kumot at----

“ ano ba!”’ inagaw niya ung telepono saakin.

“ ano nanaman ba ang kailangan mo? Hmm??” kanina pa ito nanngingialam ah.

“ mag papadagdag---”

“ no need, this is enough for us tsaka bakit parang takot na takot ka saakin? Aanuhin ba kita?” tinignan ko siya.

“ wa-wala naman, gusto ko lang maging se—”

“ wala naman pala so relax” nag lakad na siya papuntang veranda, masyado ka naman kasing napag hahalata poeky.

Inayos ko na mga gamit ko pero hindi ba saamin si ash? Kaya tinawagan ko si tita at tinanong kung si ash ba ay sakanila or saamin at sabi ay sakanila na lang daw iyon sabi ni ash kaya wala naman akong nagawa.

“ doon daw??” nagulat pa ako, naka tapis na lang na humarap si homer saakin.

“ ma-mag damit ka nga” tumalikod ako, patawarin niyo ang mata ko dahil sila ay makasalanan sana ay---

“ katawan lang yan peoky paano pa kaya pag buo na hahaha” nananadya siya, kainis siya!

Nag shower na nga lang ako para makaiwas sakanya, nag babad ako sa bath tub tsaka pinikit ung mata ko. Hindi ko alam na naka idlip pala ako at nagising na lang ako sa malalakas na katok sa pintuan kaya umahon na ako at nag towel na.

“ bakit ba? Anong problema mo?” bumungad saakin ang mukha ni homer na iba.

“ anong ginawa mo sa loob?” tanong niya.

“ nakaidlip ako” sagot ko.

“ nakaidlip ka?? Sana man lang sinabihan mo ako hindi ung pinag aalala mo ung tao, hindi biro ang tatlong oras na idlip poeky at muntik ko na talagang sirain yang pinto na yan!” tatlong oras?? Hindi ko alam na tatlong oras na pala akong nakaidlip, dahil narin siguro sa pagod.

“ pasensya na akala ko minuto lang” tinalikuran niya na ako na bad trip, hinayaan ko na lang at nag palit na ako. Sakto naman na may kumatok sa pintuan kaya pinag buksan ko.

“ gabi na poeky, tara sa baba na para kumain?” sila tita pala.

“ sige po tita, homer kain na sa baba” tawag ko, tumakbo naman papasok si ash at nilapitan si homer.

“ ano problema non bakit ganun ang itsura?” bulong ni tita.

“ nakaidlip po kasi ako sa cr ng tatlong oras” nanlaki ang mata ni tita.

“ jusko poeky, wag mong gagawin uli yan baka mamaya may ibang mangyari” tumango ako, hindi ko talaga expect na aabutin ako ng ganun.

“ papa I want this” turo sa menu, tinignan ko kung ano at fried chicken lang pala.

“ okay, ano po sainyo” turan ni homer kila tito at tita.

“ ikaw na bahala mag oder, hindi kami pamilyar kung anong masarap dito” sabi ni tita, tiniganan niya ako.

“ ikaw na bahala” sabi ko, kaya kinawayan niya ung waiter at siya na nga ang umorder ng food.

Sa ngayon dito sa hotel muna kami kakain dahil bukas ay mag lilibot kami I tr-try ang mga pwedeng I try, dibale ang pag swimming dahil pwede namin gawin iyon ka pag kada uwi namin.

“ padagdag ka ice cream” sabi ko, nag padagdag nga siya.

“ saan kaya tayo pwede mamasyal bukas?” tanong ko habang tumitingin sa phone na pwedeng puntahan.

“ may alam ako kaya wag kana mag pagod diyan” sabi ni homer, aba ayos din pala na sumama siya.

“ papa I want to fly” sabi ni ash.

“ fly?? Bawal ang zipline sa edad mo ash, if you want im going to carry you and let you fly” tumago si ash, kung hindi ko sila kilala baka iisipin ko na mag ama talaga sila..

Dumating na ung order namin at kumain na kami, masasarap lahat ung inorder niyang pagkain at nabusog kaming lahat. Sakto ung ice cream na dessert namin, nagustuhan ni ash.

“ ako na mag babayad” sabi ni homer, ibinigay niya na unng card niya so wala bahala siya. Lumabas kami saglit sa hotel at tumingin tingin.

Si ash na nag lalaro mag isa habang si homer naka bantay sakanya, siya na naging taga bantay niya imber na kami. Malapit din kasi si ash kay homer at gusto niya kay homer lagi, kaysa naman ipilit namin ung sarili namin.

“ bumabalik na ba?” si tita.

“ anong ibig niyong sabihin?” tanong ko.

“ iha matagal kana naming nakasama, ako pa ba ang paglilihiman mo?” tanong ni tita.

“ kung anong ibig niyong sabihi ay ung tungkol sa nararamdaman ko po ay wala, wala akong nararamdaman kay homer na ngayon at masaya ako doon dahil fully healed na ako” sagot ko.

“ fully healed nga ba?? Sa pag iwas iwas mo at pag suplada mo sakanya parang ang dating ay hindi” sagot naman niya.

“ anak andaming nangyare at andaming panahon na lumipas pero lagi parin kayong pinag lalapit, kayo lang talaga ang umiiwas. Baka sa kakaiwas niyo ang bagsak niyo ay pareho kayong masaktan sa maling relasyon at doon kayo magsisisi” tinignan ko si homer.

“ wag niyong hintayin pa na dumating iyon, kung may nararamdaman man kayo hayaan niyo na at wag ng pigilan pa. sobra sobra na ung mga naranasan niyong dalawa, hayaan niyo naman ang sarili niyo o puso niyo na sumaya”’ dugtong pa ni tita.

“ tita hindi ako ang mag dedesisyon niyan, kung kami talaga. Gagawa ang panahon para saamin pero ako kasi masaya na ako na meron akong ash at kayo kaya wala na ako hihilingin pa” sagot ko.

“ iba ang sinasabi sa ginagalaw mo peoky, pero sige nasainyo parin iyan. Gaya nga ng sabi ko sana hindi dumating ung time na magsisi kayo sa huli” napa buga na lang ako ng hangin.

“ ash lika na at mag pahinga na tayo, maaga pa tayo bukas” sigaw ni ttita, mabilis namang lumapit si ash.