CHAPTER 44: VACATION

HOMER

Dahil nga may reservation na sila, ako na bahala sa seat ko pero panigurado punuan iyon kaya pinagawan ko na lang ng paraan at okay na. hindi ko aakalain na mag babakasyon ako, hindi ko din akalain na maiisahan ako ng bata.

Nasa plane na kami at kasama ko siya, ayaw niya sa momita niya. Wala namang problema na tawagin akong papa pero ung literal na ginagawa akong papa tapos ganito pa na awkward kami ni poeky sa isat isa parang ang hirap gumalaw.

“ papa dede” dede?? Tinignan ko si poeky pero naka ppikit

“ okay, just wait here” tumayo ako at nilapitan si poeky, tinapik tapik ko siya.

“ ohhh shi--- bakit ka andiyan” siya pa talaga nagulat.

“ dede daw” sabi ko sabay tingin kay ash, tumango tango si poeky.

“ okay, bumalik kana sa upuan mo” utos niya, bakit ang sungit niya.

Lumapit na saamin si poeky na may dalang dede pero si ash ay kumandong saakin at sinabihan ang momita niya na umupo sa upuan niya.

“ seat momta” sabi niya uli, umupo na siya kasi sinabihan na need niya ng umupo.

Pumikit na si ash at kami naman ay tahimik, iba din mang trip itong si ash. Siguro kung anak namin ito iisipin kong sinasadya niya na eh pero hindi eh, naramdaman kong inayos ni poeky si ash ng biglang nagulat ako.

“ sorry, mangangawit kasi siya” tumango ako pero hindi ko pinahalata na kinabahan ako don, sa isang taon kong nabubuhay ngayon lang nagalaw ang junior ko, kalma homer, kalma junior nasagi niya lang.

Nakarating na kami sa boracay, kita mo ang excitement sa mukha ni ash. Matagal tagal na din pala akong hindi nakaka pag bakasyon simula nong iniwan niya ako, tinignan ko si poeky.

“ papa lab momta” tinignan ko si ash, nagulat pa ako sinabi niya.

“ how did you know?” tanong ko.

“ because momta lab papa” ewan ko pero napa ngiti ako sa sagot niya, hindi ko na lang pinansin at nag lakad na kami.

Nagkaroon ata ng problema sa reservation ni poeky kaya kanina pa siya sa may reception, tinigna ko si ash na naiinip kaya ibinigay ko muna si ash kay tita.

“ puntahan ko lang po si poeky” tumango siya, lumapit na ako sa reception.

“ may problema?” tanong ko.

“ iisang room lang kasi ung naireserve nila eh dalawa ung kinuha ko na family room” sagot ni poeky na halatang naiinis na.

“ tapos ngayon wala na silang extrang room so paano na? bukas pa mag kakaroon, ano to kami pa mag aadjust sa mali niyo” sabi ni poeky, tinignan ko ung staff na natatakot kay poeky.

“ what time magkakaroon ng extrang room sa family?” kalmado kong tanong.

“ gabi pa po sir” naku po, alangan namang mag siksikan kami sa isang room pero kung family naman okay lang.

“ ung isang nireserve ba na room family?” tanong ko kay poeky.

“ hindi, couple ung nireserve nila” couple?? Hindi kami mag kakasya doon tsaka may bata.

“ sorry ma’am, sir nagkaroon---”

“ sorry is not the answer for the problem” sabi ni poeky.

“ poeky relax, natatakot na sila” pinaikutan ako ng mata, aba ako naman ang pinag iinitan.

“ ako na bahala, mag hanap na lang tayo ng ibang hotel” sabi ko.

“ no! gawan nila yan ng paraan! Kaya nga ito ang pinili ko kasi highly recommended tapos ganito pala” pinapalaki lang si poeky imbes na maka pag pahinga na ang lahat.

“ ah ma’am, sir ako po ang manager ng hotel at nakarating saakin ung problema niyo and inaayos ko na po pero hindi ko po maipapangako na dalawang family room ang maibibigay ko” sabi ng manager.

“ anong room ang pwede?” tanong ko.

“ family nga nireserve ko tapos hindi iyon ang maibibigay” singit naman ni poeky, kulit ni poeky. Wala na nga ung room na iyon kaya ginagawan na lang ng solusyon para maka check in na kami.

“ poeky” sita ko, pinaikutan niya uli ako ng mata. Isang beses pa talagang ikutin mo yang mata mo, bibigyan kita ng rason para ikutin ng ikutin mo yan.

“ ah sir, may nakausap na ako. May va-vacant na room pero couple tapos ung couple na naireserve sa name ni ma’am na hindi naman. Okay lang po ba iyon na dalawang couple room po?” tanong ng manager.

“ family nga—”

“ okay na iyon pero may kasama kaming bata so free na siya?” tanong ko.

“ ah yes sir” sagot ng manager.

“ paaong okay? Paano naman si ash---”

“ poeky this is better than nothing total ayaw mo namang lumipat ng ibang hotel” sabi ko, pinaikutan niya uli ako ng mata kaya hinila ko bewang niya at inilapit saakin.

“ may problema ka ba saakin?” kita ang gulat sa mukha niya, hindi na siya nakaimik at iniwas ang tingin at pilit na kumakawala pero hindi ko binibitawan.

“ okay na iyon” sabi ko sa manager.

“ okay sir, paki hintay lang po ng 30 minutes para sa isang room pero ung isang room pwede na po nila kayong samahan” sabi ng manager.

“ ano mauna na tayo?” pang iinis kong tanong kay poeky, nanlaki naman ang mata niya.

“ si-sila tita na para maka pag pahinga sila” mahinahon niyang sabi, ayon hihinahon ka din pala eh kaya binitawan ko na bewang niya.

“ tita sumama na po kayo muna sakanila, nagkaroon kasi ng mali sa rooming kaya itong available na lang kaysa wala” sabi ko, tumango sila.

“ isama na namin si ash para maka pag pahingaa na” tumango si poeky kaya nauna na sila.

“ sir, ma’am maupo muna kayo, aabisuhan ko na lang po kayo pag okay na ung room” sabi ng manager tapos kinawayan ung isang staff at inutusan na kuhanan kami ng drinks.

“ pag laging mainit ang ulo mo walang masosolusyonan niyan” sabi ko sakanya.

“ minsan need nating maging masungit para matutu sila” sagot naman niya, hayy ayaw niya talagang mag patalo.