CHAPTER 37: INSULT

HOMER

“ kung ganun ibibigay ko para mag tigil ka sa kapapahawak ng katawan” natawa siya sabay punas ng luha niya.

“ ano gusto mo ikaw ang hahawak?? Hahaha” sinara ko ung pintuan at nilapitan siya.

“ deserve ko iyon total bibigyan kita malaking halaga” tinignan niya ako masama.

“ ang user nagiging greedy at ang greedy nagiging halimaw na ngayon, hindi ko alam na may ganito ka pa lang ugali na tinatago” sabi niya, ngumiti ako.

“ ngayong alam mo na, wag mong hintayin na ang halimaw ay mabaliw” hinawakan ko ang bewang niya at inilapit siya saakin.

“ ganito ang gusto mo diba?? Tell me how much do you need para maging akin kana” tinignan ko siya sa mata, tumulo ung luha niya.

“ milyon, milyon ang kailangan ko at sayo na ako” seryoso niyang sabi, tumango ako.

“ sige, ibibigay ko sayo at sumunod ka sa kasunduan” pinakawalan ko siya at pumunta sa mesa ko, kinuha ko ang tseke ko at tinignan siya.

“ ilang milyon??” tanong ko.

“ one million” isinulat ko na at ibinigay sakanya, tinignan niya ung tseke at kinuha niya.

“ now that your mine, stop being ridiculous and focus to your work” tinignan niya ako at pinunasan ung luha niya.

“ paki balik na lang sana ung bar, kawawa naman ung mga taong nawalan ng trabaho” mahina niyang sabi.

“ mangako ka munang hindi kana babalik doon”

“ pangako”sagot niya, kinuha ko ung phone ko at inutusan ung kilala ko na gumawa ng paraan para maibalik ung bar at umuo naman siya.

“ okay na” tumango siya at mag lalakad na sana palabas ng nag salita uli ako.

“ take a day off today, matulog ka para may lakas ka bukas” tumango na uli siya at lumabas na, napa buga ako ng hangin.

Hindi ko alam na aabot kami sa ganung usapan, nadala lang ako sa inis at dahil narin sa pag re-reak niya.

POEKY

Pumunta na ako sa hospital at binayaran na agad ang bill nila pilar matapos ko I withraw ung isnag milyon, bumili na din ako ng mga gamot ni tita at tito. Pang ilang buwan na din itong binili ko at kahit papaano ay may natira pa para pang gastos sa operasyon ni pilar.

“ kausapin mo na ung doctor para maoperahan ka” tinignan ako ni pilar.

“ kakapunta ko lang sa billing at zero balance na, poeky saan ka kumuha ng pera pang bayad eh kulang pa ang sweldo mo pang bayad sa bill ng hospital” seryoso niyang sabi.

“ kay homer” lumapit ako sa baby at tinignan ito.

“ pilar ganito pala pag walang pera, handa kang mag paapak para lang sa mga taong mahahalaga sayo” kinuha ko ang kamay ni baby.

“ ngayon alam ko na ang pakiramdam ni homer noon, kung tutuusin nga napaka swerte ko pa pala noon dahil may pera ako maski walang nag mamahal saakin at iniwan na ako ng magulang ko. Napaka halaga ng pera para sa mga taong tulad nating mahihirap tapos ung may kaya akala mo naman kung sinong mang apak”

“ pero hindi ko sila masisisi lalo pat galing sila sa ganung sitwasyon at naranasan din nilang maapakan” tumulo ang luha ko.

“ poeky” malungkot na tawag ni pilar.

“ bakit ang sakit, ang sakit lang na ung taong pinili mong pagkatiwalaan, pahalagaan at minsan tumibok ang puso sakanya ay kaya kang apakan lang ng ganun” ang sakit na nga ng mga ginawa niya noon tapos madadagdagan pa ngayon, patong patong na.

“ poeky hindi kasi lahat ng yumayaman ay mananatiling mapakumbaba, galing sila sa mga mahihirap na pagsubok kaya intindihin mo na lang. minsan nasa saatin din ang pag iintindi o pag uunawa” tumango ako.

“ hayaan mo na, dibale at tapos na. so paano na mag papa opera kana?” tumango siya.

“ oo para matulungan na din kita” ngumiti ako ng tipid.

“ may pera din para sa operasyon mo kaya wag mo ng alalahanin, ung gamot nila tito at tito ay may stock sila ng ilang buwan kaya makaka hinga tayo” lumapit siya at niyakap ako

“ thank you poeky, babawi ako sayo” umiling ako at kumalas sa yakap.

“ palakas lang kayo ni baby okay na ako” sagot ko.

Kinausap na nga namin ung doctor at inischedule na ung pag papa opera ni pilar at may good news na sinabi saamin na pwede ng idis charge si baby basta patuloy lang siya sa pag vi-vitamin utos saamin.

Magandang motivation iyon kay pilar, ako na muna bahala kay baby habang kinikondisyon si pilar. Basta sinabihan ko si pilar na kayanin ung operasyon dahil hinihintay na siya ng anak niya.

Nag paalam ako kay homer na baka pwedeng hindi ako pumasok ng isang linggo dahil walang mag babantay sa anak ni pilar, pinayagan naman niya ako at hindi na masyadong nag tanong pa.

“ akala ko ba aalis kana?” si homer, nasa opisina kami ni baby. May inaasikaso lang ako bago ako mag leave ng one week para pag balik ko ay hindi magulo.

“ itatapos ko lang to para hindi ako mahirapan pag balik ko” sagot ko.

“ maliban sa leave ano pang kailangan mo?” napa hinto ako sa ginagawa ko.

“ wala na, okay kami” tinignan ko siya na naka tiingin saakin.

“ nakita ko ang pangalan mo sa sorrugate list---”

“ oo tama ka ng iniisip, mahirap ako at madaming kailangang bayaran homer. Hindi ako tulad mo na mayaman kaya lahat ng raket gagawin ko” alam ko na kasi sasabihin niya, pagod na akong makarinig ng masasakit dahil hindi pa ako nakaka recover sa huling sinabi niya.

“ tsaka kailangan ba talagang alamin mo ung mga----”

“ nagkataon lang dahil hinahanapan ako ni carlos na pwedenng maging surrogate ko” kumunot ang noo ko.

“ kaya wag mong iisipin na inaalam ko ang buhay mo dahil noon pa man ay alam ko na hangganng ngayon” tumalikod siya at iniwan na kami, alam na alam mo talaga dahil simula nong dumating ka doon lang nagkaroon ng kulay ang buhay ko kahit mahirap.