CHAPTER 38: MISS LEDESMA
HOMER
Hindi ako mapakali na hindi nakikita si poeky kaya inalam ko kung nasan siya at nasa hospital, anong ginagawa niya sa hospital?? Akala ko ba aalagaan niya ung anak ni pilar?? Pumunta ako sa hospital kung saan si poeky, limang na kasi siyang wala at gusto ko siyang makita.
“ im sorry miss ledesma” kumunot ang noo ko, nag tago na lang muna ako sa pader
“ pero doc bakit biglang nagkaganun?? Okay naman ung operasyon diba? Bakit biglang nag flat line” rinig kong sabi ni poeky.
“ yes po successful pero hindi kinaya ng ulo niya at may ganun talagang case na successful ang operasyon pero may possibility padin na bumigay at naka depende na po sa tao iyon” sagot ng doctor.
POEKY
Paano na ngayon? Paano na? bakit naman ganun ang buhay, may anak pa siya oh tapos may magulang pang nag hihintay sakanya. Bakit naman ganun, kung sino pa ang deserving mabuhay sila pa ung namamatay.
“ poeky” si tita, tinignan ko siya ng malungkot.
“ hindi ko kinaya ni pilar tita” umiyak na si tita, inalo naman siya ni tito at sinabayan pa ni baby.
Mukhang alam ni baby na patay na ang mama niya para umiyak din siya, pilar naman kasi bakit naman ganyan ka. Bumigay ka agad eh, akala ko naman tutulungan mo ako.
Hindi ko na rin maiwasang umiyak at iniwan ko muna sila tito at tita, lumabas muna ako para maka hinga. Pinatahhan ko na si baby at naka tulog na siya, napa buga ako ng hangin.
“ bakit hindi mo sinabi na ganito na pala ang sitwasyon niyo?” nagulat pa ako, si homer pala.
“ may kanya kanya tayong buhay homer, hindi tayo pwedeng mangialam sa mga kanya kanya nating buhay” sagot ko.
“ poeky parte ako ng buhay mo, bakit ang hirap sayong mag tiwala----”
“ nag tiwala ako homer pero ung taong pinag katiwalaan ko ay siya din mismo ang nanira sa tiwalang iyon, minsan lang ako mag tiwala homer pero buong buo iyon at hindi mo alam ang pakiramdam na iyon dahil isa kang manloloko”
“ mag eextend muna ako ng leave dahil aasikasuhin ko pa ang libing ni pilar sana maintindihan mo kung tao ka pa na may puso” iniwan ko na siya, ang galing din ng timing niya, kung kailan may nangyare doon siya susulpot at mananakit.
HOMER
Pumasok ako sa hospital at inayos ang libing ni pilar, well alam kong magagalit si poeky pero kahit ito lang magawa ko kay pilar. Binayaran ko na ang bill, lahat lahat hanggang sa pag cremate ng bangkay niya dahil iyon ang gusto ng magulang niya.
Sabi ng magulang niya, ipupunta muna sa bahay nila para mabantayan ng tatlong araw bago ipunta sa simbahan para sa blessings bago ilibing kaya may inutusan akong tao mag ayos doon sa bahay nila.
Si poeky ay hindi ko pa nakikita hanggang makauwi kami sa bahay nila pilar, hindi pala nila bahay kundi nirerentahan pa nila ito. Sobrang pahirap siguro ang ginawa ni mr. leonardo para umabot pa sa ganitong sitwasyon.
“ salamat iho” ngumiti ako ng tipid.
“ tinawagan ko na si poeky na dumiretso na dito” dugtong niya pa, tinignan ko ang oras at gabi na.
“ ayan na pala siya” halata sa mukha niya ang pagod
“ akin na si baby at mag pahinga ka, ilang araw ka ng walang pahinga at maayos na tulog tsaka poeky kumain ka nga” tumango si poeky.
“ ako na po bahala sakanya, babalik po kami bukas” singit ko, tumango ang mama ni pilar.
“ kaya ko—
“ stop, nakakalimutan mo ata ang pinag usapan natin” tinignan niya ako at inirapan.
“ sige na poeky, ako na bahala kay baby” nag paalam na kami at lumabas na, pinag buksan ko siya ng pintuan at sumakay naman siya.
Malapit lang apartment ko dito kaya sakto lang, nilingon ko siya na naka pikit habang naka sandal pero bakit kumirot ang dibdib ko ng makita ko ang pagluha niya. Hinayaan ko na lang at kailangan niya din ilabas ang lungkot na nararamdaman niya.
Nakarating na kami, pina shower ko muna siya habang mag luluto ako ng dinner namin kahit gabing gabi na. pagkalabas niya sakto naman na tapos ko ung niluluto kasi mabilis lang naman lutuin ung steak at iyon lang kasi ang pwede kong iluto na mabilisan para maka pag pahinga na din siya at may soup na din akong ginawa.
“ kain na” pinaghainan ko na siya, nakatulala lang siya sa pagkain niya.
“ can you stop acting, pagod na akong umasa na totoo ang lahat ng pinapakita mo kasi at the end of the day mananakit ka uli” tinignan niya ako.
“ from the very start hindi ako umaakting poeky, ikaw lang nag sasabi niyan at never kung hinangad na masaktan ka dahil unang una pa lang ang gusto ko ay tulungan ka at maging masaya na”
“ talaga ba? Iba kasi ang nararamdaman ko” sagot niya.
“ iba ang nararamdaman mo dahil iyon ang gusto mong maramdaman, akala mo kasi lahat gusto kang saktan. Poeky iba iba ang tao, wag mo akong igaya sa iba and oo may nasasabi akong hindi maganda pero isipin mo din kasi na tama ang sinasabi ko and yes I ruined your trust but come to think of it na may rason ako kaya ko iyon ginagawa ko pero sa lahat ng mga nangyaring iyon wala naman akong gusto mangyari kundi maging masaya ka”
“ im not happy!” tumulo ang luha niya.
“ im hurt, im in a deep wound homer kahit balik baliktarin pa. sinaktan niyo parin ako, niloko niyo parin ako at ginamit ako, kayong dalawa na minahal ko sa buhay ko maliban sa magulang ko. I never love myself” ano daw?? Hindi masyadong nag pro-process ung mga sinasabi ni poeky saakin.
Kaming dalawa? Minahal niya? Tumayo siya at iniwan akong tulala. Pumasok na siya sa kwarto na hindi ginalaw ang pagkain niya, napa hilamos ako ng mukha gamit ang kamay ko.