Chapter 2— Visit
"And cut!" sigaw ng direktor. " 15 minutes break everyone!"
Kasalukuyan kaming nag shoshoot ng isang series. Pagod na pagod na ako this following days. Wala na akong pahinga dahil sa sunod sunod ang schedule ko sa pag record at sa pag eendorse and sa ginagawa naming serye.
Pero kinaya ko nalang. Walang magawa e. Ito na buhay ko.
Hindi naman sa pag a-assume a pero hanggang ngayon 'di padin tumatawag o mag text man lang iyong nakabungguan ko nong nakaraang araw. 5 days na. Siguro sobrang busy nya sa hospital kaya ganon. Pero diko nalang sya pinagtuunan ng pansin dahil masasayang lang ang oras ko sa kaniya.
Kasalukuyan akong nagpapahinga kahit 15 mins lang. Though, di naman sya complete rest dahil inaayusan nila ako.
Hairstyles. Make up. Dress.
Pinapabihis na ako para sa susunod na episode.
The shooting went well. Pahinga. Shooting. Pahinga. Shooting. Yan lang ang routine ko every shoot.
We are heading back to my condo, para makapag complete rest ako kahit ngayong gabi lang.
Sa kinamalas-malasan pa naman, pahiga na sana ako ng may tumawag. Napakunot ang nuo ko dahil unregistered ang numero. Pero sinagot ko nalang. At sa kamalasan ko, yong doctor pala ang tumawag.
"Hello!" He greet me in a deep low tone.
Shucks! Nakakakilabot naman ang boses nito. Pagod ang boses nito.
"Hi!" bati ko naman pabalik.
"Busy?" tanong nito.
"Nope. Pahinga lang, pagod sa shoot."
"Shoot?" ay ang tanga ko talaga. Di pa pala kami magkakakilala.
"Hmm. Ngayon naba tayo mag uusap about don?" iniba ko na agad ang usapan.
"No. I'm busy right now, I'll just call you para ma informed kita. Maybe tomorrow night, 7pm?"
7pm? As in pm?? Tangina gabi yon a? Pero okay na din para may time ako. Busy ako pag araw e.
"Sige. Just text me the address nalang."
"Ok." and after that he end the call.
Pagkatapos ng tawag ay nabitawan ko na ang phone ko dahil pagod na pagod na ako at gustong gusto ko talagang matulog. Pero kahit ganon, diko pinahalata ang pagod kong boses ng tumawag sya. Sa kalagitnaan ng pag iisip ay nakatulog na ako.
Pagkagising ko ay umaga na. 7:28 am. Dali dali akong bumangon dahil may shoot pa ako ngayon.
Naligo. Nagbihis. Make-up.
Ang suot ko ngayon ay Floral Dress at pinaresan ko ng stilleto.
Ginawa ko na lahat at pagkatapos ah bumaba na ako para pumuntang restaurant para kumain. Tamad akong magluto. Kaya nakikikain nalang ako.
Matapos kumain ay pumunta muna akong restroom para mag retouch.
Nang makontento na ako sa itsura ay lumabas na ako.
Paglabas na paglabas ko ay madami na palang nag aantay na gagamit ng restroom. Makikita sa mga mata nila ang paghanga at mayroon ding panghuhusga. Di ko nalang inabala ang kanilang mga bulungan at mapanghusgang tingin.
Bago ako pupunta sa shoot, ay may pinupuntahan muna ako. Habit ko na ito dahil palagi kotong dinadaanan.
Para kahit papa'no maibsan naman ang pagod ko. Sila ang kinukuhanan ko ang lakas sa tuwing pagod na pagod na ako. Bumyahe ako mag-isa para walang makakaalam na dito ako pumupunta kaya nalilate ako minsan sa shoot. Napalapit na sila sa puso ko dahil dito din ako galing.
Pagkarating na pagkarating ko don ay dinagsa agad ako ng mga bata upang yakapin. Natawa na lang ako at hinalikan sila isa-isa.
"Hi, ate elay!!" excited na excited sya. Kaya natawa nalang ako haha ang cute na e. Kinurot ko ang pisngi nya dahil nakakagigil talaga. Napasimangot sya dahil sa ginawa ko.
"Hi hello, everyone!" bati ko sa lahat at binati naman nila ako pabalik kaya kahit papa'no nawala ang pagod ko at parang hinaplos ang puso ko don. "Kumain naba kayo, mga anak?!" excited na tanong ko.
"OPO, NAY!!" aktibong saad nila.
"Hahaha! ano? Dating gawi?" tanong ko na tinanguan naman.
Nakagawian na namin ang mag kwentuhan at maglaro. Kaya kahit pagod ako ay ginawa ko padin iyon.
Nandito ako sa isang Orphanage ngayon. Nakagawian kona ang pagdalaw dito dahil nadin siguro dito ako galing. I think from 8 years of existence ay nandito na ako at kung hindi pa ako inampon ng mga Haisquin ay di ako mawawala dito.
Binihisan. Pinakain. Pinag-aral. Pinagamit sa'kin ang kanilang apilyedo at marami pang iba. Ganyan sila kabait sakin dahil di sila binigyan ng anak. Nag-iisa akong anak kahit ampon lang pero pinadama nila sakin ang pagmamahal ng isang magulang.
Pagkatapos ko silang yakapin, halikan, pinakain ko na din dahil busy ang mga madre.
Umalis na ako don matapos ko silang bihisan at nakipag kwentuhan sa kanila. Kahit papa'no nawala ang pagod at ready ng tumanggap ng trabaho ulit.
Pagkarating ko sa set ay nag-aalburutong mukha at parang kakain at galit na galit na mukha ni direktor ang nag welcome sa'kin. Diko naman sinasadyang matagalan don, sadyang nag enjoy lang talaga ako.
"Buti naman at may plano ka pa palang magtrabaho?" sarkastikong saad nito.
"May dinaanan lang po direk. Nag start na ba?" pa inosenteng tanong ko na halata naman talagang nag start na kasi nakabihis at umacting na ang iba.
"KANINA PA!!" ay shit, sakit sa eardrums! Sinigawan nya ako, Kaya naagaw namin ang attention ng ibang artista.
Kahit kailan talaga tong baklang 'to. Pabida ang tangina.
Wala na akong nagawa kundi tumungo nalang sa dressing room para magbihis na at inayusan na din ako ng mga Stylist ko.
"San Kaba kasi galing bruhelda ka?" taas-kilay na tanong Lajia.
"May dinaanan lang ako... importante."
Wala naman syang nagawa kundi tumango nalang.
Pagkatapos akong ayusan, ay lumabas na ako at dumiretso na sa set.
The day went well and so far so good, di naman ako nagkamali. Ito yong tinatake advantage ko e. Late nga ako pero mabilis ko namang nagagawa ang tasked at role ko.