Chapter 3— Embarrassed

Gabi na. 6:16 pm.

Ngayon ang usapan namin kaya.... nagprepare na ako.

Ligo. Bihis. Make-up. Tingin sa salamin.

I wore a floral dress together with a stilleto.

Kinakabahan ako. Pero diko 'yon pinahalata.

Bumaba na ako ng sasakyan pagkatapos akong pagbuksan ng ni manong.

18 years of service.

18 years ng naninilbihan sa'kin si manong Helario. Kaya komportable ako na sya ang naghahatid sakin araw-araw. Mapa eskwela man noon hanggang ngayon na ako'y nagtatrabaho na.

Pagkapasok ko palang sa entrance ng restaurant ay agad kong nakuha ang attention ng lahat. Unang pasok ko pa lang pero nagagandahan na ako. Ang cute kasi ng interior design nila. Nakakabighani talaga. Nakaka amuse. At yon ang type ko sa isang lugar.

Pero isinawalang bahala ko na 'yon.

May waitress namang sumalubong sa'kin at tinanong ako.

"Hi, good evening ma'am!" Buong galak na tanong ng waitress sa'kin. "Do you have a reservation, ma'am?"

"Good evening too. Yes, under reservation of Ms. Haisquin, pls!" tugon ko naman at sinuklian ang kaniyang ngiti kaya mas lalong lumapad ang kanyang ngiti.

Ayaw ko munang maging plastic kahit ngayon lang. Gusto kong ipakita ang totoong sarili ko kahit ngayon lang.

Syempre ayaw ko namang maging rude at saka isa pa ngayon lang ako naging ganito kasi palagi kong ipinapakita sa publiko na ganyan ako ka sopistikada.

Buong galak naman nya akong hinatid sa table namin. Habang sumusunod sa kanya, I took a glance to the whole place.

Maganda sya. Maamoy mo talagang pang mayaman ang restaurant na ito. Bigatin pala yon? Natural maganda ang sasakyan non e.

The whole place was very organize. I like the ambiance. The tables and chairs are very organized, the flowers also. Parang type kona ang resto na'to. Ayan umandar na naman ang pagka perfectionist ko.

Naputol ang pag masid masid ko sa paligid ng huminto na ang waitress sa harap ng isang table. Ang table ay malapit sa salamin na sobrang nagpaganda sa lugar. Nasa rooftop kami ngayon.

"Evening." bati ko.

"Evening too." saad din nito. "Have a seat."

Pagkasabi niya ay umupo na agad ako.

Malamang di talaga to gentleman, mukha nga syang matino at mabait pero di gentleman. Nakaka turn off.

He just wore a plain white polo shirt na pinatungan ng coat. Mukhang dumiretso na'to dito galing sa duty.

Bago pako makapagsalita ay may dumating na mga waiter. Isi-nerve na nila ang mga pagkain.

Ugh! Mukhang masisira ang diet ko tonight a. Pero syempre diko ipinahalatang gutom ako. Di pa ako kumain e. But, I'll try my best to be responsible. Hindi ako kakain ng marami kahit pa masarap yong pagkain.

Sinulyapan ko sya na nakasulyap na din pala sa'kin. Nakikita na siguro na gutom na ako.

"Haven't eat yet?" he asked.

Kahit nakakahiya, I nodded. I heard him chuckled kaya bahagyang namula ang pisngi ko.

"Sige. Kain ka nalang muna. I'll wait."

Pagkatapos niyang sabihin yon ay tumunog ang tiyan ko kaya wala na akong nagawa kundi kumain nalang.

Kumain ako ng hindi man lang nalaman ang pangalan nya. Pero bahala na gutom ako.

Masasabi kung hindi lang maganda ang kanilang resto, kundi pati nadin ang kanilang pagkain. By the way we're here at the... I think Korean restaurant. Kasi base sa mga food nila, pang korean ang lasa e.

Pagkatapos kung kumain ay bumalik ko na sa normal ang tindig ko. Uminom ng tubig. Di ako sanay mag wine. Bawal.

"So... I guess you're done?"

"Ehm! Before anything else, I want to introduce myself first. I'm Xander Clint Castromayor, a doctor."

So tama nga ako. Doctor nga. Pero parang familiar pangalan nya. Pero diko matandaan kaya... bahala na.

He extend his hand, ready to have a shakehands with me. "Kyle Elijah Haisquin, actress." I extend my hand too.

I saw amusement in his eyes. At sa hindi malamang kadahilanan bigla nalang akong nailang pero ipanagsawalang bahala ko nalang iyon.

"Anong pag uusapan natin?" tanong ko, kahit halata namang about sa sasakyan nya ang pag uusapan namin.

"About don sa sasakyan, uu!" sarkastikong saad nito.

"Magkano ang babayaran?" diniretso kona para makauwi na ako at makapag pahinga.

Pagod na pagod na ako pero diko pinahalata.

Pero bago pa sya makasagot ay may nag flash na camera, hudyat na may kumukuha samin ng litrato.

Pagtingin ko sa gilid, shucks! Madami na palang reporter ang nakakuha ng mga video at photos.

Kaya Dali-dali akong tumayo at humanap ng tataguan. Pero bago pako makatago ay may humigit na sa'kin at itinago ako sa kaniyang likod na akala moy pinoprotektahan ako sa mga kidnappers.

Gusto ko sana maging malaya muna ngayong gabi. Kaso ipinagdamot pa sa'kin.

Nagkamali pala ako ng akala.

Tiningala ko ito at si Clint na nakatalikod sa'kin. Ang bango nya.

At tangina, nasa gitna ako ng emergency pero nagawa kopang mang-amoy ng iba.

"Hello... yes... papuntahin muna dito... bilisan mo..."

Yon lang ang nadinig ko kasi may mga nagtatanong na.

"Ms. Haisquin, bakit kayo nandito?"

"Mr. Silverio, are you two dating?"

"Mr. Silverio and Ms. Haisquin, are you in a relationship already?"

Hindi ko na pinansin pa ang mga tanong nila dahil may dumating na mga gwardiya at mga taong naka black polo. Siguro tauhan nito.

Nahawi ang mga tao at reporter dahil hinarangan na ng mga guards... at nitong mga naka black.

Ito marahil yong tinawagan nya kanina.

Mabilis kaming nakalabas to the point na diko napansin na nakahawak na pala sya sa bewang ko at inalalayan ako sa balikat ko.

"Are you okay?" Tanong nito at sinuri pa ako Kung may galos ba ako or something.

I can see through his eyes, nag aalala sya sakin. Or maybe I'm just mistaken.

Pero kung totoo naman, bakit sya nag aalala?

I chuckled 'coz of that.

"Okay lang ako! Ikaw ba?" Sinuri ko din sya gaya ng ginawa nya sa'kin.

"I am very sure that mag t-trending na'to tomorrow, gosh!"

Napahahilot nalang ako sa sentido dahil don.

Gusto ko na sanang tawagan si manong pero huli na nang ma realize ko na nasa isang sasakyan na Pala ako.

Is this his car? I mean, surely this is his car.

Organized. Comfy.

Yan ang una kong nakita at napi feel.

Kahit sa sasakyan nya diko mapigilan na humanga dahil ang ganda din. Ang lambot ng upuan kaya malaya akong humiga.

"Give me your address, I'll give you a ride."

Nagdadalawang isip pako kung ibibigay koba o hindi. Pero sa huli binigay ko nalang din dahil pagod na ako para makipag argumento pa.

The whole ride was silent. You've only heard the sound of the horn.

Natandaan kong di pa pala namin napag usapan ang tungkol don sa sasakyan nya. Kaya ako na ang bumasag sa katahimikan.

"Ano... di pa pala natin napag-usapan ang tungkol don sa kotse mo." basag ko sa katahimikan.

"Hmm... but, can we just talked about it some other time? I know you're tired too, and so am I." saad nya din sa pagod na din na tono.

"Okay! Naiintindihan naman kita. Pagod din naman ako... so, resched nalang natin yon!"

He chuckled. "It looks like you want to see me again!" He said. Kaya nagmukha akong kamatis ngayon.

"Hoy! Sabi mo kaya na sa susunod nalang dahil pagod ka din!" natatarantang sabi ko.

Natawa naman sya don. "Someone's sounds defensive!"

"Hindi a. I'm just stating the fact, you know!"

Bago palang kami nagkakilala pero ang gaan na ng loob ko sa kaniya. Yong tipong parang matagal na kaming magkakilala. Komportable akong kausap sya.

Parang ganong din sya sakin dahil tumatawa na sya e.

Napansin kong ang daming ugat nya sa kamay na lalong nagpa gwapo sa kaniya.

Hays! Kakakilala ko lang. Kalma self! Pangaral ko sa sarili ko.

Ang dali ko namang ma attached.

"I'll just take a nap, okay? Wake me up if we're there." I told him and he just nodded.

Kaya natulog na lang ako.

Naalimpungatan ako ng may mahinang tumapik saking mukha.

Wait tumapik?

Nasan ba'ko?

Hanggang pumasok sa isipan ko ang mga nangyari. Mula sa restaurant hanggang sa... kotse.

"Good evening sleepyhead. We're here!" pang-aasar nito kaya pinamulahan ako ng mukha.

Kaya Dali dali akong bumangon at inayos ang sarili.

Alam mo yong feeling na gusto mo nalang mamamatay sa hiya. Pero hindi pede.

Lupa!!!!

Si gago naman tuwang tuwa pa! Tangina ka Kyle nakakahiya!!

Tawa pa ng tawa ang kingina!

"Ahm!.. Salamat sa paghatid!" buong hiyang saad ko at Dali daling lumabas ng sasakyan. "Bye!!" tanging nasabi ko nalang dahil sa sobrang hiya.

Diko na inabala pang magpaalam ng maayos sa kaniya.