Chapter 29:

Lumulutang na ata ako pero naiintindihan ko pa naman ang nangyayari sa paligid ko. Pakiramdam ko ang laki-laki ng ulo ko kaya natutumba-tumba ako kahit nakaupo ako.

"Sh_t! My handler call me my biglaang photoshoot daw kami ngayon—" sabi niya at iyong iba hindi ko na maintindihan. Bahala siya dyan.

Oo nalang ako ng oo hanggang sa umalis siya. Saan pupunta iyon? Baka magsi-CR lang ata.

"Penge pa." Tinaasan ko naman siya ng kilay ng aapela na naman siya kaya agad siyang kumilos.

----

Yohan's Point of view:

"Coco, come here..." Tawag ko sa aso ko dahil papakainin ko siya. Muli ko siyang tinawag at hinanap siya sa bawat sulok ng bahay

"Coco? Chu-chu..."

Napalingon ako sa ilalim ng mesa ng marinig ko ang tahol niya at nakita ko siya roon. Napangiti naman akong makita na papalapit siya sa'kin at tumatalon-talon pa.

"Here's your food, Coco." sambit ko at binigay ito sa kanya.

Magiliw naman siyang kumain kaya napangiti ako. Kinuha ko ang cellphone ko ng maramdamang nagba-vibrate ito. Agad kong sinagot ito ng makitang si Baymin ang tumatawag.

"Yes?"

"Ikaw nalang ang pag-asa ko. Si Jackson nasa china, si Jayvee ay busy daw, si Jiro ay nasa guesting, si Mark naman kasama ko sa photoshoot mamaya."Mabilis na sambit ni Baymin.

"Tapos? Ano ba iyon diretsahin mo na kasi ako," tanong ko sa kanya.

"Help me here, Yohan. Si Kie kasi nandito sa bar nila at nagpapakalasing kaso may biglaan akong photoshoot ayaw ko naman siyang iwan mag-isa." Sambit naman niya sa kabilang linya

"Bakit ba naglalasing iyan? Nasaan si Yuri?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko rin alam kung bakit siya naglalasing at mas hindi ko alam kung nasaang lupalop si Yuri. Out of reach ang cellphone niya." Sagot naman niya.

"Ganoon ba? Tss. Sige itext mo nalang sa'kin ang lugar at ng makapunta ako agad diyan." Sambit ko at agad na pumunta sa kwarto ko para magbihis.

"Hey, Coco! Guard the house, okay? I will be back." Mukhang t_ngang sabi ko sa aso at tumahol naman ito bilang sagot na tila ba naiintindihan niya lahat ng sinasabi ko

What's happening? Nag-away kaya sila? Anong kayang pinag-awayan nila? Bakit kailangan pang maglasing ni Kie?

Mga tanong sa isipan ko hanggang sa makarating na ako sa bar. Naabutan ko naman siya na nakayuko sa mesa.

"Sino po sila?" Tanong ng bartender sa'kin.

"Kaibigan niya ako. Tinawagan ako ng kasama niyang lalaki kanina para iuwi siya sa bahay nila." Sagot ko sa kanya.

"Ahh.. Kayo po si Sir Yohan?" Tumango naman ako bilang sagot.

"Nakakalabing-lima na po iyang hard drink at nagulat ako na ganoon karami ang nainom ni ma'am. Marahil ay malaki ang problema niya." Sambit nito sa'kin.

"Kieseyah?" Tawag ko sa kanya. Bahagya naman na bumukas ang kanyang mata.

"Yuri..." sambit niya

I don't know why but I felt pain. Wala dito ang lalaking sinasambit mo.

"This is Yohan, Kie." Sambit ko sa kanya.

"Hindi ba pwedeng mahalin mo nalang rin ako, Yuri? I love you but why?" Sambit niya at tumulo ang mga luha niya. Wala sa sariling pinunasan ko naman ang mga luha niya.

"Bakit ano bang nangyari?" Tanong ko sa kanya.

"He can't love me back. Bakit ganoon siya? Pinaramdam niya na mahalaga at importante ako tapos sasabihin niya na wala lang lahat ng iyon sa kanya. F_ck! Ang sakit lang." Sambit niyang muli habag humihikbi at tumulo na ng sunod-sunod ang kanyang mga luha.

Nalulungkot ako para sa kanya dahil sa sitwasyon niya. Parehas silang nahihirapan but she has a point para saan lahat ng pinakita ni Yuri kung wala lang ang lahat.

Is he playing around? If he. Hindi ko siya mapapatawad.

Ang mga mata niya ay maraming nais sabihin. Nakikita ko na puno ng hinanakit ang sumasalamin sa kanyang mga mata. Pinunasan ko muli ang pisngi niya dahil sa patuloy siya sa pagluha.

"Alam mo Yohan?" Sambit niya at umayos ng upo. Muntik na nga siyang bumaliktad mabuti na la mang at nasalo ko siya agad. Dumiretso siya sa dibdib ko at muli siyang humikbi.

"Alam mo Yohan. Tama siya..." Sambit niya at pinakinggan ko lang siya.

"Hmm... Bakit naman?" sambit ko habang nakasandal ang ulo niya sa aking dibdib. Inalo ko siya at tinapik-tapik ng mahina ang kanyang likod.

"Asawa niya lang ako sa papel ngunit ang puso niya ay hindi ko pagmamay-ari..." Sambit niya at muling lumakas ang hikbi niya.

"Shh! Kie, you still his wife." Sambit ko at hinaplos ang kanyang buhok.

I don't want to see girls crying. That's my weakness.

"Asawa niya lang ako sa papel at ang puso niya ay nasa babaeng iyon. Ang babaeng mahal niya. Ang babaeng inagawan ko ng pwesto. Ang babaeng asawa niya dapat at hindi ako."

Nagulat ako sa biglang paglakas ng boses niya kasabay ng kanyang paghigbi at paghigpit ng hawak niya sa damit ko. Ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binibitawan niya.

Pero teka? Babaeng mahal niya?

May girlfriend ba siya si Yuri?

"What do you mean, Kie? Sino ang babaeng iyon? Sino ang tinutukoy mo?" Tanong ko sa kanya at hinarap siya sa'kin. Ngumiti lang siya ng mapait.

"That girl? Lagi siyang naggugulo sa'min ni Yuri. Lagi nalang siyang nandiyan tapos lagi nalang siyang kinakampihan ni Yuri. Kaya pala gano'n nalang sila ka-close. Akala ko ba mag-bestfriend lang? Bakit may ganoon?" Sambit niya at malungkot na tumawa.

"Si Nicole ba?" Hindi siya sumagot sa tanong ko at tanging iyak lang ang narinig ko. Maybe it's Nicole. Siya lang ang kilala kong bestfriend niya.

"Hays," sambit niya at yumuko saka pinunasan ang luha niya.

"Ikaw nalang kaya magmahal sa'kin?" Sambit niya at nagulat ako ng hawakan niya ang aking mukha. Nanlalaking matang tinignan ko siya dahil hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya.

"O-oi!" sambit ko dahil unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa'kin. Hindi ko naman siya pwedeng itulak dahil malalaglag siya. Sh_t! What shall I do?

Dahil sa taranta ko ay napapikit nalang ako.

"Acckkkwaggghjj"

"Sh_t!" sambit ko ng sukahan niya ang damit ko.

"Kaasar ka ha? Matapos kong umasa sa— Argh? Seriously, Yohan? What's running to your mind? " Sambit ko sa sarili ko.

"Pahingi pong tissue." Sambit ko sa bartender at agad-agad naman niya akong kinuhanan ng tissue.

Pinunasan ko naman ang damit kong sinukahan niya pagkatapos ay ang mukha niya.

"So, gross..." Sambit ko sa kanya.

Ma-iuwi na nga ang babaeng ito dahil mukhang may problema sila ni Yuri ay doon muna siya sa bahay ko. Tss.

Okay? Err... What's really with my mind right now?

I'm just helping her that's all. I'm his friend.

-

Kie's Point of View:

First time kong magpakalasing at hard pa talaga ang napagtripan ko kaya tila ba binibiyak ang ulo ko. Napaupo ako sa kama at mahinang hinampas-hampas ito na nakadagdag lang ng pagsakit ng ulo ko. Pagdilat ko ay napakunot ang noo ko ng marealize ko na hindi ko kwarto ang lugar na ito.

WHAT THE FUDGE?! NAASAN AKO?!

Anong kalokohan ba ang ginawa ko kagabi?

Lumabas ako ng silid ngunit napabalik ako ng makita ko ang pamilyar na mga salita.

"Art is long, Life is short." Basa ko sa nakasabit sa pinto.

Yohan? Nasa bahay ba ako ni Yohan? He's the only one who always said that.

Lumabas ako ng kwarto at sumalubong ang mabangong amoy ng pagkain. Agad akong napahawak sa tyan ko ng makaramdam ako ng gutom. Napatalon ako sa gulat ng tahulan ako ng isang aso.

Sh_t! Nasa bahay nga ako ni Yohan dahil nasa harapan ko ngayon si Coco.

"Coco, come here," rinig kong sambit ni Yohan. Agad na lumapit naman sa kanya si Coco na kumakawag-kawag pa ang buntot.

"Gising ka na pala? Halika rito at kumain ka na ng mawala iyang hang over mo," nakangiting sabi niya.

Lumapit na din ako sa kanga dahil nararamdaman ko na ang pagrereklamo ng tyan ko. Umupo ako sa tapat ng upuan niya. Binigay niya naman niya sa'kin ang soup na niluto niya.

"Kumain ka na." sambit niya at sumubo ng pagkain. Nagsimula na rin ako sa pagkain ngunit paano ba na siya na ang kasama ko?

"Si Baymin ang kasama ko kahapon,'di ba? Bakit nasa bahay mo na ako?" Takhang tanong ko sa kanya. Napahinto naman siya sa pagsubo ng pagkain at napatingin sa'kin.

"Tinawagan ako ni Baymin kagabi at sabi niya ay may biglaang photoshoot daw siya kaya ako daw muna ang magbantay sa'yo. Balak mo kasing magpakalunod sa alak at ayaw magpapigil kay Baymin." Sagot niya sa'kin at pinagpatuloy ang pagkain.

"Wala ba akong nagawang kalokohan o nasabi man lang?"

Wala kasi akong maalala sa pinaggagawa ko kagabi. Natigilan siyang muli at nag-isip.

"Wala naman pwera sa ginawa mo akong sink kagabi." Sambit niya at tinignan ako ng masama.

"S-Sorry, hindi ko naman sinasadya." Sambit ko at napakamot pa sa batok ko.

"Pero pwera doon wala naman na akong ginawa, di ba? O sinabi man lang?" Tanong ko sa kanya. Saglit siyang nag-isip at umiling bilang sagot saka siya nagpatuloy sa pagkain.

Nakahinga ako ng maluwag dahil wala naman pala akong ginawang kakaiba. Ang iba kasi kapag nasobrahan na sa alak ay kung ano-anong ginagawa.

"Salamat nga pala." Sambit ko sa kanya.

Uminom naman siya ng tubig at tumango sa'kin.

"Pwede bang magpahatid pauwi?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit si Baymin ang kasama mo at hindi si Yuri?" Tanong niya sa'kin.

"He's busy with something..." Hindi ko napigilang hindi lumungkot ang boses ko, ngunit kalaunan ay pilit akong ngumiti at nagpatuloy sa pagkain.

Napayuko ako ng maramdamang tutulo na ang luha ko kaya mabilis ko itong pinunasan para hindi niya mapansin.

"Sige."