Chapter 30:
Tulad ng napag-usapan namin ay hinatid ako ni Yohan pauwi ng bahay. Agad din naman siyang umalis dahil may schedule daw siya ngayon para sa solo niyang kanta.
"Salamat uli," sambit ko sa kanya at ngumiti saka kumaway sa kaniya bilang pagpapaalam.
"Walang anuman. Ikaw pa." Sambit niya at kumaway sa'kin.
Pumasok na ako sa loob ng bahay at nadama ko na naman ang mabigat na pakiramdam. Ang kanina ko pang kinukubling hinanakit ay lumabas na naman.
"Smile Kieseyah! You need to. Please don't let yourself eat by your d_mn emotions." Sambit ko sa sarili.
Nagulat ako ng lumabas si Yuri mula sa kanyang kwarto. Maging siya ay nagulat din ngunit kumalma rin kalaunan saka naglakad sa aking pwesto.
"Finally your here," sambit niya at pumunta sa sofa saka naupo.
"Yeah," walang ganang sambit ko.
"We need to talk on something," sambit niya at nagdekwatro sa harap ko. Hindi ko alam kung ano ang nais niyang pag-usapan ngunit sa mga oras na ito ay nilalamon na ako ng kaba.
"Next time na wala ako sa mood na makipag-usap sa'yo." Sambit ko sa kanha at pumunta sa kwarto ko.
Pagpasok ko ay tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Sa'ming dalawa ay ako lang talaga ang nasasaktan.
He doesn't care about my feelings. He doesn't care about me. Simo nga ba naman ako para sa kanya? Ako lang naman ang babaeng sumira sa buhay niya. Ang babaeng hadlang sa kanilang dalawa ni Nicole.
--
Lumabas ako ng makarinig ako ng dalawang taong nag-uusap at nakita ko si Nicole at si Yuri sa sala. Napangisi ako ng makita kong magkahawak kamay silang dalawa at halos magkapalit na ng mukha habang nag-uusap.
"Really? Kailangan magpupunta pa rin iyan dito?" I asked him.
"Bakit naman hindi? Alam mo na rin naman ang tungkol sa'min ni Yuri," sambit ni haliparot. Ang kapal talaga ng mukha porke't nandiyan si Yuri ay ang lakas ng loob niyang sabihin ito sa'kin.
"Kapal ha!" Hindi ko napigilang sabihin at napairap sa kanya.
"Shut up, Kie! Bahay ko din naman ito kaya maari akong magdesisyon," sambit ni Yuri kaya napakagat-labi ako upang magtimpi.
F_ck!
"Whatever you say," inis na sambit ko at pumasok muli ng kwarto saka humagulgol.
Alam ko naman na sa pagkakataong ito ay wala na akong laban pa. Anong magagawa ko hindi ako ang mahal niya kahit ipaglaban ko pa at ibigay ang buo kong pagmamahal ay ibabalik niya lang ito ng sugatan.
Pinaglaban ko naman ang pagmamahal ko. Akala ko may puwang na ako sa puso niya ngunit lahat ng pinapakita niya ay pagpapanggap lang pala. Isa akong t_nga dahil umasa ako na mamahalin niya ako pabalik. This is all my fault. Loving you is my fault. Be with you is the happiest thing for me but doing this to me is so painful.
"This is the last time that I will cry in front of you again, Yuri." Sambit ko at pinilit na matulog sa kabila ng lahat ng hinanakit ko sa kanilang dalawa.
-
Yuri's Point of View:
It's been three weeks ng malaman ni Kieseyah ang totoong relasyon namin ni Nicole. Hindi na rin siya tulad ng dati.
I mean nawala na iyong ngiti niya na nakakapagpagaan ng loob ko at ang cold niya na rin sa'kin. Sabagay sinong tao ba ang makakangiti matapos ng lahat? Silly me!
It's been two weeks ng hindi na siya masiyadong nagpupunta dito sa bahay at sa tuwing nandito naman siya ay para bang hindi kami nag-eexist sa mundo niya. Ang kanyang mga mata ay nawalan na din ng buhay. It's a good thing atleast matatahimik na kami ni Nicole.
"Hey, Babe? Anong iniisip mo?" Naputol ang pag-iisip ko ng ikaway ni Nicole ang kamay niya sa harapan ko.
"Nothing..." Sambit ko at ngumiti sa kanya saka hinawakan ang kanyang kamay.
"Mabuti naman at hindi na lumiligid-ligid ang Kieseyah na iyan dito. We can enjoy our time together," masayang sambit niya at niyakap ako. I hugged her back.
"Oo nga..."
"Bakit parang malungkot ka?" Tanong niya sa'kin.
"Ako? Hindi, ah." Sambit ko at inalis naman niya ang pagkakayakap niya sa'kin.
"Liar! Hindi iyon ang nakikita ko sa mga mata mo," sambit niya at tinalikuran ako. Niyakap ko naman siya patalikod at pinatong ang baba ko sa balikat niya.
"Don't ruined the mood, Nicole." Malambing na sambit ko at niyakap siya ng mahigpit.
But somehow, I felt something is weird kaya tinanggal ko ang pagkakayakap sa kanya at hinarap siya sa'kin.
"Asan na iyong niluto mo?" sambit ko sa kanya.
Agad siyang pumunta sa kusina ng sabihin ko iyon. Maya-maya ay bumalik na siya na may dalang mga pagkain.
"Best recipe of your original future wife. Lahat 'yan paborito mo," sambit niya ng nakangiti sa'kin.
Ngumiti din naman ako pabalik sa kanya at nagsimula ng kumain saka inamoy ang mga niluto niya.
"Amoy pa lang mukhang masarap na," sambit ko at kinuha ang kutsara upang tikman ito.
"Bakit hindi ba masarap?" Tanong niya sa'kin.
"Masarap naman. Bakit mo naman naitanong?" Takhang tanong ko sa kanya.
"Nakakunot kasi ang kilay mo habang kumakain ka." Sambit niya at binaba ang hawak na kutsara upang uminom.
"Nanibago lang ata ako," Sagot ko ng hindi tumitigin sa kanya.
"Nanibago saan?" Tanong niya sa'kin ng nagtataka.
'Nasanay kasi ako na laging maalat ang luto ni Kie.' Sagot ko sa'king isipan.
"Wala. Kumain ka na..." Sambit ko at kumain na ulit.
Makalipas ang ilang oras ay umalis na rin si Nicole. Kinatok ko ang pintuan ng kwarto niya ngunit wala namang sumasagot. Hindi pa kasi siya kumakain at hindi naman ako ganoon kasama. Okay, let me rephrase that hindi ako sobrang sama.
"Kie?" Tawag ko muli pero tulad kanina wala pa ring sumasagot
"Buksan ko na, ah.." Sambit ko at binuksan ang pinto ngunit wala namang tao.
"Asan kaya 'yun?"
Sinubukan ko namang tawagan siya pero out-of-reach. Hays.
Nang hindi ko siya makita ay pumunta nalang ako sa Sync Entertainment upang magpractice mag-isa. Wala naman kaming practice ngayon pero gusto kong magsayaw ng magsayaw. I want to drain myself hanggang sa bumagsak na ako sa sobrang pagod and I don't know why?
---
Nang makarating ako sa Sync Entertainment ay agad din naman akong nakapasok dahil kilala naman ako ng guard. Sanay na rin sila na kahit gabi ay nandito ako. Pumasok na ako sa loob ng training room at pinili ang may pinaka-mahirap na choreography.
Pagsasayaw ang nakakatulong sa'kin upang mabawasan ang stress ko at makapag-isip-isip. Sinabayan ko ng pag-indak ang bawat ritmo ng kanta. Masasabi kong ito na ata ang pinakabigay todo kong ginawa simula ng nagsayaw ako sa talang buhay ko.
Gulong-gulo na ako.
Noong mga panahong wala si Nicole siya 'yong laging hinahanap ko pero...
Pero...
Bakit noong nandito na siya ay nag-iba ang lahat?
Noong simula ay napakasaya ko na kasama si Nicole... Pero simula ng hindi na ako kinakausap at pinapansin ni Kie ay parang may kulang na. Si Kie na ang hinahanap-hanap ko lagi.
Ano ba talagang nangyayari sa'kin?
Mas binilisan at binigay todo ko pa ang pagsasayaw dahil nararamdaman ko ang inis sa'king buong sistema.
Nagsimula lang naman ito sa sapilitang pagpapakasal na siyang nagpagulo sa buhay ko... Pati ba naman sa nilalaman ng puso ko ay ginugulo na rin niya?
I'm so confuse! What shall I do? I hate to feel this way!
Nagi-guilty lang ata ako dahil gabi-gabi ko siyang naririnig na umiiyak sa kwarto niya. Especially kapag andyan si Nicole.
She change a lot. I miss her smile.
Aaminin ko namimiss ko din ang kabaliwan at pagkaisip bata niya.
But my heart is beating for Nicole,
Before...
But now? I don't know.
Hindi ko na kinaya ang pagsasayaw dahil sa sobrang pagod at napaluhod nalang ako sa sahig. Umayos ako ng upo at saka kinuha ang mineral water sa gilid ko.
Bakit ba ako pinaparanas ng ganto?
Hinagis ko sa hindi kalayuan ang boteng nayupi ko sa sobrang inis saka humiga sa sahig. I need to confirm it. I need to confirm what I really feel to both of them.
To confirm what I really feel about Kieseyah.
To know if I still love Nicole or I just miss her presence.
To know who I will choose between them.
This situation sucks.
Kailangan kong malaman kong bakit ako nagkakaganito and I need to do something ukol dito.
But for now let me sleep and relax.
Nagising ako ng may tumawag sa'kin at bahagya akong tapikin, "Yuri?!"
"Yuri? Bakit dyan ka natutulog?" Minulat ko ang aking mata at bumungad sa'kin ang mukha ni Jackson.
"Ahh, nakatulog lang ako dahil sa pagpa-practice ko rito. Anong oras na ba?" Tanong ko sa kanya at umupo.
"6 am." Sagot niya at nilapag ang mga gamit na dala niya.
"Uuwi na muna ako, Bro. Sige na, dumiretso ka na sa opisina mo. Napatigil ka pa tuloy dito dahil sa'kin." Sabi ko sa kanya.
Tinignan ko ang cellphone at nakita ang text tsaka tawag na galing kay Nicole. Nireplayan ko nalang siya na busy ako at pasensya na.
---