CHAPTER 18: Jealous
KYE
Fuck! I hate it, habang nasa kwarto ako rinig na rinig ko ang paghaharot ni toby kay kylie at ayokong naririnig. Lalaki ako at ramdam ko na may something si toby kay kylie, ito namang si kykie okay lamg sakanya at hindi makaramdam.
I don’t know pero ayokong may lumalapit kay kylie na iba, gusto ko nasa tabi ko lang siya. Ewan ko, ewan ko kung bakit pero may nararamdaman ako kapag kasama ko si kylie.
“ may problema ba??” si nate, nag si tulog na kasi sila habang ako hindi maka tulog.
“ wala” sagot ko.
“ kye were friends, sa tingin mo maniniwala ako sa wala wala mong yan” napayuko ako.
“ I hate this feeling nate”
“ your falling in love” nilingon ko siya
“ malalaman mo kye kung naiinlove ka sa tao is 1. Nagseselos ka na hindi naman kayo 2. Gusto mo ikaw lang ang kasama 3. Ikaw ang pinapansin niya at wala ng iba 4. Your happy kapag kasama mo siya 5. Hindi ka maka tulog kakaisip sakanya” ngumiti siya.
“ baliw” natawa siya
“ gotcha…inlove ka at kilala ko kung sino” sumeryoso ang mukha niya.
“ pero pre hindi ba mahirap yan?? Especially na nasa iisang bahay kayo at itinuturing siyang anak ng magulang mo?” napa tingin ako sa malayo.
“ although hindi kayo magka dugo pero andon na kayo sa sitwasyon na iyon, kulang na lang ampunin na si kylie”
“ I don’t know maybe pigilin ko na lang at dedmahin na lang siya”
“ malabo yan, sa utos pa lang ng mama mo malabong dedmahin mo siya” iyon nga din tsaka sa kakulitan niya malabong maiwasan iyon.
“ tsaka pre love yan… once na umusbong yan wala ng makakapigil niyan lalo na kapag tinulungan pa kayo ng tadhana” hindi ako naka imik at napa buga na lang ng hangin.
Hindi na kami natulog ni nate kasing konting oras na lang ay umaga na, nag kwentuhan na lang kami at pinayuhan siya tungkol sa panliligaw kay jane. Ang galing kong mag payo pero kapag sarili ko na ang kailangan ng payo ay hindi ko kayang payuhan.
“ araaaayyyyh” napa lingon ako, si kylie na napapaluhod sa sakit
“ bakit?” naunahan ako ni toby tanungin siya.
“ ang sakit ng paa ko, nag cra-cramps”
“ wait… upo ka muna diyan at akin na ang paa mo” naka masid lang ako sakanila habang nakakaramdam ng kirot ang puso ko.
“ kye ung niluluto mo----ahhhh!!” hindi ko napansin na kumukulo na pala ung niluluto ko at napa sandok ako patungo kay katie
“ ahhhhh” kinuha ko ung kamay niya at agad na pinadaluyan ng tubig.
“ masakit pa?” tumango siya, matapos padaluyan ay kinuha ko ung first aid kit at nilagyan ng ointment para sa napaso, mabuti na lang ay meron.
“ just rest at mamaya ay okay na iyan” tumango siya at ngumiti.
“ ang sweet niyo naman” si toby, nasa gilid na pala namin sila.
“ kamusta ang paa mo?” tanong ko kay kylie.
“ okay na” sagot niya.
Hindi na ako umimik at pinuntahan ung niluluto ko, si kykie naman lumapit at nag saing na ng kanin. Kumuha ako ng gulay at hiniwa hiwa ito
“ may kailangan ka pa ba?” tanong niya.
“ ihiwa mo ito para ako don sa isa” utos ko, kinuha naman niya.
Hinihiwa ko ung mga iba, lumapit si toby at kinausap si kylie. Kumunot ang noo ko kasi hindi na maayo ang hiwa ng gulay, nagtatawanan sila.
Natapos na akong nag hiwa habang siya ay hindi pa, lumapit ako at kinuha ung hinihiwa niya. Nagulat siya kasi bigla ko na lang kinuha, natapos ko ng hiwain kaya huhugasan ko na.
“ alo na maghuhugas” sabi niya, hindi ko siya pinansin at ako ang nag hugas ng mga gulay.
“ tabi diyan, maki pag tawanan ka na lang doon” utos ko, hindi siya naka imik.
Ako na lahat ang gumawa ng pagluluto habang siya nasa gilid lang naka masid, tinawag ko na sila para kumain.
“ woooowww mukhang masarap” sabi ni jane.
“ aige na kain na kayo” sabi ko, nag si kuha na sila ng pagkain nila.
“ ang sarap ah” sabi ni katie.
“ kylie ano niluto mo dito?” tanong ni katie.
“ huh? Wala” sagot niya.
“ hahahaha paano ba naman kasi busy na busy sila ni toby sa gilid habang si kye nagluluto” sabi ni nate tapos tawang tawa pero tumigil ng naisip niyang napa sobra siya.
“ tumutulong naman si kykie pero itong si kye ayaw pagalawin si kylie” singit ni toby.
“ kung hindi ka mang iistorbo sana may nagawa siya” sagot ko naman, nagka tinginnan kami ni toby.
“ okay na, hayaan niyo bukas ako na lang ang magluluto” sabi ni kylie.
“ help kita” sabi ni toby.
“ hindi na, ako mag isa” wala ng umimik at nag si kain na kami
“ anyway saan tayo mamamasyal ngayon?” tanong ni jane.
“ mag swimming kaya tayo?? Ang init kasi” sabi ni katie.
“ sige gusto ko yan” sabi ni jane, hindi ako umimik kasi okay na din naman saakin.
Matapos kaming kumain si kylie na ang nag hugas, inayos ko lang ang mesa. Tinignan ko siya na tahimik, inilapg ko na lahat ng hugasin niya.
“ next time huwag makipag harot kapag alam mong may gagawin ka”
“ hindi ako nakiki pag harot” sagot niya.
“ ano tawag mo sa ginagawa niyo kanina?? Naglalampungan??” nilingon ako.
“ kung may problema ka saakin sabihin mo” naka tingin alo ng seryoso sakanya.
“ mas okay na mag focus ka muna sa pag aaral bago ka maki pag harutan” kumunot ang noo niya.
“ hindi ako nakiki pag harutan? Masama bang maki pag kaibigan?! Wala naman kaming ginagawa kundi nagtatawanan lang, masama na pala tumawa ngayon” sagot niya.
“oo masama lalo na kapag hindi saakin galing ang saya mo” tumalikod na ako at iniwan siya.