CHAPTER 19: Brother
KYLIE
Ano daw?!
Buong araw na pamamasyal walang ibang ginawa ang utak ko kundi isipin ung sinabi ni kye, naisipan naming mag over night dito sa swimming pool.
“ ano nanaman iniisip mo?” si jane.
“ may kakaiba kasi kay kye” ngumiti si jane
“ napansin mo din pala, sa totoo lang pansin ko na yan matagal na pero ayokong mag salita at hinihintay na mapansin mo pero antagal mong mapansin ah” kumunot ang noo ko.
“ pero kapatid ko siya”
“ baliw… hindi kayo magka dugo”
“ Pero parang magulang ko na ang magulang niya” sagot ko uli.
“ so ano balak mo??”
“ Wala…iiwas siguro or huwag na lang pansinin”
“ Sinong hindi mo papansinin?” dumating si katie.
“ may nagpaparamdam kasi kay kylie eh hindi niya type kaya hindi niya papansinin” sabi ni jane.
“ ahy sino??” tanong niya
“ naku huwag mo na alamin pero katie kanina narinig ko tumawag mama mo” pang iiba ni jane
“ ah yes… need natin bumalik sa may hotel bukas kasi may ipapakilala daw sila saakin” ang lawak ng ngiti niya
“ oh my… mukhang gwapo at yummy” sabi ni jane.
“ ewan ko sayo jane talagang iyon pa ang naisip mo” natatawa na lang si jane.
“ haha…iyon din naisip ko, meron kayong investor na gwapo tapos may abs” sabi ko.
“ hahaha makiki pag kita siya na walang shirt no, angas… tulo laway si katie” sabi ni jane habang natatawa.
“ kadiri kayo” sabi ni katie
“ huwag ka nga gusto mo din iyon, gusto mo makakita ng mga ganun” sabi uli ni jane.
“ isa lang gusto kong makita ang abs” sabi naman ni katie.
“ sino?” tanong ko, tinuro ng bibig niya kaya tumingin kami at hoooollllaaaa! Anong nakain nong tatlo labas abs sila.
“ nanginginig akkkkkkkoooo” sabi ni jane habang nanginginig pa, pinalo tuloy namin
“ mga mata niyo” sita ni nate.
“ wala namang makita” sabi ni jane
“ aysus huli na kayo…kulang na lang malaglag undies niyo” sabi ni nate, nag tinginan kami.
“ hahahaha…sabi na eh, katawan pa lang ni kye laglag na panga niyo” tinignan ko at oo nga no, hindi mo maiisip na ganyan ang katawan ng second year college parang ang matured na.
“ luhhhhh ung tingin ni kylie” na off guard ako
“ sa iba ako naka tingin ah” agad kong sabi.
“ hahahha saan sa baba?” tanong ni nate, namula ang mukha ko.
“ huli!!! Manyak girl” inirapan ko siya.
“ eto maka manyak” pagtatanggol ni jane, napa tiklop naman agad si nate.
“ okay… lets enjoy the night, what if we drink?” tanong ni toby.
“ nah… masyadong—”
“ kye… just for this night” putol agad ni toby.
“ come on kye… huwag kang k. j, wala namang mangyayaring masama at hindi naman tayo magpapaka wasted. Iinom lang tayo to be more close” sabi ni toby.
Tinignan ako bago kaming tatlo, sabi naman ni katie ay okay lang at parang okay lang din naman basta huwag lang sosobra.
“ okay… kukuha na ako” presinta ni toby, sinamahan naman siya ni katie kasi siya lang naman ang may alam sa lugar.
“ don’t drink too much” bulong ni kye, tumango ako.
Pumuwesto na kami, hindi ako sanay kaya mag hihinay hinay na lang ako. Nag kwe-kwentuhan kami, hindi kami naubusan ng kwentuhan at mas lalong nagkasiyahan kami.
“ enough na” sabi ni kye, umiling ako.
“ gusto ko pa” lasing kong sabi.
“ tama na, lasing kana” tinignan ko siya.
“ hayaan mo siya kye kung gusto niya pa” singit ni toby.
“ shut up” sagot ni kye.
“ eyyy chill lang, alam niyo tapusin na natin ito at mag pahinga total mga lasing na din tayo” sabi ni nate.
“ kayo na tumapos, kylie lets go” tumayo na si kye, wala naman ako magawa kaya tumayo ako pero hindi ko expect na hindi ko na kayang tumayo.
“ tsk.. like what I expected” binuhat ako ni kye, hindi ko akalain iyon pero hindi na ako umangal dahil nga hindi ko na din kaya tumayo.
KYE
Kanina ko pa siya tinitignan at lasing na nga pero parang hindi niya halata, hanggang hindi na ako nakatiis at napapansin na parami ng parami ang lagay ni toby sa baso ni kylie.
“ kuya” nag lalakad pa lang kami papunta sa kwarto niya.
“ kuya!!” sigaw niya.
“ kuya!!! Bingi ka?!!”
“ Ako ba?” tanong ko
“ oo! Kuya kita diba?!”
“ nope… were not siblings” sagot ko.
“ ganun na rin iyon, anak na din ang trato nila saakin so kuya na kita” kumirot ang puso ko.
“ still were not siblings” natawa siya.
“ ayaw mo ba?”
“ Hmmm” iyon lang sagot ko.
“ bakit?” tanong niya.
“ nothing”
“ Bakit nga!!!!” sigaw niya uli.
“ lower your voice” utos ko.
“ iisipin ko talagang may gusto ka saakin kung ayaw mo sagutin” sabi niya, kumalabog ang puso ko.
“ then think what ever you want” tinignan ako kahit papikit na ung mata niya
“ hehe alam mo ako rin” huminto ako, sakto naman na nasa kwarto na niya kami
“ gusto kita pero dahil kapatid kita hindi pwede, respeto na lang sa magulang mo” ngumiti siya.
“ kaya itigil mo na din iyan—”
“ why would I stop kung alam kong gusto mo naman pala ako” tinignan ko siya na naka tulog na.
“ kung dahil lang pala sa sitwasyon natin ang makakapag pigil then I think I need to find your dad na and kapag dumating na ung time ill make sure na akin ka” ipinasok ko na siya sa kwarto niya, sinigurado kong okay siya bago ko siya iwan.
Ìnilock ko na ung pinto sakto na meron si toby.
“ can we talked?” Tumango ako.
Lumayo lang kami ng konti.
“ I want kykie” tumaas ang isang kilay ko.
“ you want??”
“ I mean.. I like her, I want to court her and being respect to you, sinasabi ko—”
“Drop it toby”