CHAPTER 17: Randy
KYLIE
Ang sakit na ng paa ko, pabalik na din naman kami. Humawak ako kay kye kasi masakit na talaga ang paa ko, pagod na din ako. Galing pa kami sa biyahe nito tapos pasyal na agad.
“ angkas ka sa likod ko” umiling ako.
“ okay na ako sa braso mo” sabi ko.
“ iba din ung dalawa oh, daig ang mag jowa… ganyan na ba ang ligawan ngayon?”
“ nate is a sweet person” sabi ni kye.
“ dapat humingi ka ng konti sakanya” nilingon ako.
“ im a sweet person but in other ways”
“ aysus…daming alam…hala!” napa hinto ako.
“ bakit?”
“ Akala ko sa school lang ako makakakita ng matambok, pati pala dito” sakto kasi sa harap ko.
“ jane” tawag ko, tinuro ko at nakita niya kaya nag ngitian kami.
“ ugh!!! Enough” sabi ni kye, hinila ako.
“ wait lang” inalis ko ung kamay niyang naka takip.
“ eto ang k. j naman, minsan na nga lang maka kita ng ganun” napa pout tuloy ako, si jane naman hila hila din ni nate.
“ just look at me makukuntento kana” nanlaki ang mata ko sabay tingin sa baba niya ng bigla akong itinalikod.
“ sabi mo tignan ko” ngiti kong sabi.
“ shut up” inis niyang sabi.
Kinukulit ko siya ng napa bangga ako, tinignan ko kung sino. Si randy, naningkit ang mata ko habang siya naka ngiti.
“ ikaw pala yan, kamusta na??” inilayo ako ni kye sakanya.
“ ohh may boyfriend kana, kabata bata mo may boyfriend kana…. Tsk! Tsk! “ inirapan ko siya.
“ babyyy” nanlaki ang mata ko kung sino ang tumawag sakanya, si mama.
Lumapit si mama kay randy at niyakap ito, masama ang tingin saakin. Bakit mama? Bakit sumama ka nanaman sakanya?!!
“ tara na, baka mamalas nanaman tayo” sabi ni mama, nag ngitngit ang ngipin ko.
“ mama” tawag ko ng patalikod na siya
“ mama I miss you” hindi niya ako pinansin at nag lakad sila palayo.
“ ano nangyayari sakanya? Hindi ba siya natutu sa nangyari??!!!” Inis kong sabi, kailan ka magigising mama?? Kailan ka matatauhan??
“ lets go” tumango ako.
Nawala tuloy ung saya ko, nag aalala ako na baka kung ano nanaman iutos kay mama at gawin sakanya. Wala pa man din matakbuhan si mama dito, napa buga ako ng hangin.
“ whay do you want me to do?” si kye.
“ gusto ko hindi na siya maka bangon dahil sa lamog na mukha niya tapos makulong na siya” sagot ko, tinignan ko siya
“ I can do that” ngumiti ako.
“ biro lang, baka mapa hamak ka pa…. darating din ung time na maipapakulong ko iyon”
“ You sure?? Kaya ko iyon, im rich” mayabang din ito.
“ kayo ko siya” sagot ko., mag sasalita pa sana siya ng may sumigaw.
“ andadaya niyo, iniwan niyo kami!” reklamo ni katie.
“ etong mga ito, sumama lang kami” turo ko kila nate, gulat naman sila.
“ hmp.. andaya, okay sana kung ung iniwan niyong kasama ko ay may buhay… grabe ang boring” tinignan namin si toby.
“ ikaw na lang sana naiwan kylie kaysa sa mabunganga na kaibigan mo, daig pa ang taga palengke” sabi naman ni toby.
“ alam niyo guys doon nagsisimula ang mga lover, una nagkaka inisan sunod mag aasara tapos magiging mag kaibigan tapos next lovers na” singit ni nate.
“no way!” sabi agad ni katie.
“ as if gusto ko din” sabi naman ni toby, ang cute nilang dalawa.
“ lika kylie, mamasyal tayo” hinila ako ni toby.
“ pero—” hinila ako ni kye.
“ pagod na siya, bukas na lang tayo mamasyal. Lets go kylie” hinila na ako para mag lakad, tinignan ko sila na naka tingin saamin.
“ ikaw naman, okay lang namang mamasyal ng saglit” sabi ko sakanya
“ it’s a no, your my maid at kailangan ko ng katulong” sumimangot ako, akala ko nakalimutan niya hindi naman pala.
Lumuob na kami at umupo na siya sa may sala, naka tingin lang ako sakanya at hinihintay kung ano ang sasabihin.
“ maupo ka at magpapa hinga ako sa lap mo” tumaas ang isang kilay ko.
“ ano ako jowa mo?!!” angal ko.
“ gawin mo na lang” wala ako nagawa at umupo ako tsaka siya pumuwesto at ipinikit ang mata niya.
Dumating na ung mga kasamahan namin, tinignan nila ako. Alam naman nila ung kondisyon ni kye saakin kaya wala na sila magagawa, sila nate at jane nag umpisa ng mag luto habang ung dalawa ay umupo at inon ang t. v.
Itong si toby sobrang nilakasan ang t. v, tinignan ko si kye na naka pikit ang mata na parang tulog na. hindi pa nakuntento si t0by ay nilakasan pa niya, bumango si kye.
“ sorry nagising ka ba??” sabi ni toby, ang sama ng tingin ni kye sakanya.
Akala ko papatulan ni kye pero tumayo siya at pumunta sa kwarto niya, pinahinaan na ni toby at kinindatan ako. Ginawa niya iyon para umalis si kye pero sana hindi na kasi okay lang naman at hindi naman ako nahihirapan.
“movie marathon?” tanong ni katie.
“ okay yan!” sabi ni nate.
“ ako na mamimili ng panuopd natin” sabi ni toby.
Matapos mag luto nong dalawa, tumayo na ako para tawagin si kye kasi mag momovie marathon na pero ilang beses na akong kumakatok ay hindi parin siya sumasagot.
“ hayaan mo na siya kylie” sabi ni toby.
“ baka tulog siya” sabi ni nate.
“ lalabas din yan kapag gutom” sabi ni toby, wala na ako gumawa kaya nag lakad na at umupo.
“ dito ka” sabi ni toby, tumabi ako kay toby at katie.
Nanuod na kami, naka ilang movies kami. Nakalimutan na nga namin na kumain dahil sa ganda ng panuod, naalala lang namin nong lumabas si kye na dinaanan lang kami.
“ kain na tayo guys” sabi ni nate, nagkanya kanyang pwesto na kami at nag hain na si jane.
“ natulog ka ba kye?” tanong ni katie.
“ none of your business” sagot ni kye, nagka tinginan kami kasi parang bad mood si kye.