CHAPTER 15: Thruth
KYLIE
Tahimik lang akong naka higa sa hospital, dumating si papa. Hindi ko nga pala ama siya, tumulo na lang uli ang luha ko.
“ kylie, bumangon kana diyan para makauwi na tayo” bumangon ako at pinunasan ang luha ko.
“ kung gusto mo palang puntahan si mama mo bakit hindi mo sabihin saamin ang totoo” tinignan ko si jane, sinabi niya ba ang lahat o ung pag punta lang namin doon ang sinabi niya.
“ ah tito nahihiya kasi si kylie pero kasama naman ho ako, iyon lang kasi napag diskitahan kami” hindi niya sinabi ang lahat, tinignan niya ako.
“ okay… so next time lagi kang magpapasama kay kye na” tinignan ko si kye na tahimik sa gilid.
Umuwi na kami, bungad pa lang niyakap na agad ako ng mama ni kye. Alalang alala siya, kung sino pa ang hindi ko kadugo sila pa ang nag aalala saakin.
“ please mag sabi ka next time” tumango ako, hinatid na ako sa kwarto.
Pinag pahinga na nila ako, tumayo ako at lumabas sa may veranda. Naka tingin ako sa mga kakahuyan sabay buga ng hangin.
Akala ko naman nasaakin na ang mabait na magulang, akala ko swerte ako pero hindi pala dahil may madilim pa lang katotohanan ang pagkatao ko. Sana sinabi na nila saakin noon pa at hindi na kailangan pang mag imbento.
Ano na gagawin ko? Hindi ko naman tunay na ama pala ung kinikilala kong ama, ung nanay ko naman itinakwil ako dahil ako daw ang dahilan kung bakit nawala ang baby niya. Hindi niya naisip na dahil iyon sa pambubogbog sakanya pero dahil nga mahal niya si randy ako ang sinisisi niya.
Gabi na pero nasa labas parin ako, hindi ako dapat andito. Hindi ko sila pamilya, mukhang kailangan kong hanapin kung sino ang ama ko. Baka sakaling sakanya hindi ako itakwil at makasama maski ganun ung ginawa kay mama dahil ama ko parin naman siya.
Kinuha ko ung bag at nag lagay ng mga gamit, kinompleto ko para hindi ko na kailangang bumili. Tinignan ko ang pitaka ko na kokonti lang ang laman, may binigay naman na card saakin. Okay na ito, sana maintindihan nila kapag nalaman nilang umalis ako.
Hinintay ko lang na mas hating gabi bago ako umalis, dahan dahan akong lumabas at mabuti walang nakakita saakin.
“ saan ang punta?” nagulat ako.
“ si kye” may dala itong baso.
“ hayaan mo na lang ako” humarang siya sa daan ko.
“ your just making this hard to us, kung didito ka lang walang problema at kung aalis ka bibigyan mo pa kami ng problema”
“ hahanapin ko lang ang---”
“ tapusin mo muna pqg aaral mo bago mo siya hanapin, bakit kaya mo na ba?? Mabubuhay mo na ba siya? Handa ka ba na tanggapin kung may pamilya na siya o handa ba silang tanggapin ka?!! Kylie andito ka sa pamilyang tanggap ka so ano pa ang hanap mo??”
“ tinaggap ka ni papa na kahit hindi ka kadugo just like me so ano pa ang hanap mo? My mom is so nice to you… kung ako sayo tqpusin mo ang pag aaral mo na kahit iyon lang ang magawa mo para sakanila” nag lakad na siya paloob, ako na nagdadalawang isip na dahil sa sinabi niya.
Bumalik ako sa loob, oo nga naman ano pa bang hinahanap ko? Tanggap naman ako kaya bakit pa ako umaarte arte? Naglakad ako pataas ng marating ko ang dulo ay ini angat lo ang mukha ko.
“ stay here” sabi ng mama ni kye, niyakap ko siya at umiyak na.
--
Isang buwan na ang lumipas naiilang parin ako pero dahil sa mama ni kye at unti unti akong nagiging komportable sakanila.
“ make it fast, malalate na tayo” napa simangot ako, kakaumpisa ko pa lang kasing kumain.
“ kung maaga ka sana gumising edi sana hindi ka nagmamadali” dagdag niya.
“ puro ka kasi chat chat” sinamaan ko ng tingin.
“ may jowa kana anak?” tanong ni tita saakin.
“ wala po, may ka chat ako pero sila jane ho iyon. May plano po kasi kami this summer, inimbita kasi kami ni katie sA province nila” paliwanag ko.
“ pupunta ka?!” tanong ni kye, tinignan ko si tita at ngumiti siya.
“ asked your papa pero saakin okay lang as long as kasama mo si kye” tumaas ang kilay ni kye.
“ no way…paano naman lakad ko mom?” tanong niya.
“ hindi rin naman kita papayagan kapag di mo kasama si kylie so you two decide kung saan kayo pupunta” nag tinginan kami, inirapan ko siya.
Nasa sasakyan na kami at naka simangot ako, panigurado kasi ung gusto niya ang masusunod. Gusto kong sumama sana doon para maka kita naman ng ibang tanawin.
“ saan ba ang province ni katie?” tanong niya.
“ sa ilocos” sagot ko.
“ mmm… okay ganito na lang papayag ako pero your going to be my maid” naningkit ang mata ko, naka ngiti pa siya. Ito ung gusto niyA ung inaapi ako, ang saya niya kapag ganito.
“ While we are on vacation, your going to be my maid. Ayaw mo ba iyon? Makakasama ka sakanila, im not that harsh naman na hindi kita hahayaang mag enjoy” okay sana pero ugh!!! Magiging katulong ako, napa buga ako ng hangin.
“ okay” mahina kong sabi.
“ good… sabihin mo kay katie sasama kaming tatlo” nilingon ko siya.
“ bakit??? Kapag sasama ako syempre sasama mga kaibigan ko” mukhang hindi magiging okay ang bakasyon ko.
Nakarating na kami sa school, naka simangot ako na pumasok sa school. andon na sila jane at katie na nag uusap.
“ hindi ka pinayagan?” tanong ni jane.
“ papayagan ako kapag kasama si kye” sagot ko.
“ that’s good!” sabi ni katie.
“ huh?” tanong ko.
“ ano ka ba, okay lang na kasama siya. Hindi siya sanay so magsisisi siya kasi sumama siya” sabi ni katoe, napa isip ako. Ahy oo nga no, napa ngiti ako.
“ kasama din mga kaibigan niya” namula si jane.