CHAPTER 14: Baby
JANE
Awang awa ako kay kylie, alam kong miss niya na ang mama niya pero ganito siya tratuhin ni tita. Gulat din ako dahil anlaki ng pinagbago ni tita.
“ tara na?” tumango siya, kanina pa kasi kami sa labas ng bahay nila nagbabaka sakaling pag buksan ni tita.
Gabi na din kasi kaya need na din naming umuwi, naglakad kami pauwi ng may tinignan siya. Tinignan ko naman kung saan siya naka tingin at… huwag, huwag kang papasok diyan.
“ kylie naman” pumasok sa bar ba naman, napa simangot tuloy ako.
“ isa lang” sabi niya, napa buga na lang ako ng hangin at hinayaan na siya.
Umorder na siya, inorderan niya din ako pero syempre hindi ko ito iinumin dahil sigurado hindi lang isa ito.
Lumipas ang oras pero ung beer namin hindi nagagalaw, tinignan ko si kylie na nakatulala lang sa beer niya
“kylie, tama na? Uwi na tayo??” tumango siya, mabuti naman at hindi tumanggi.
Papalabas na kami ng huminto si kylie, naka tingin siya sa may harap. Tinitignan ko naman kung sino ang tinitignan niya ng namukhaan ko at gulat na gulat ako.
Si tita na naghuhubad sa harapan habang sumasayaw, may mga naka palibot sakanya na mga lalaki. Agad agad namang pinuntahan ni kylie, hinila niya ang mama niya at pinagtatakip ung damit na inalis niya.
Hinila niya hanggang palabas ng bar, naka labas na kami pero patuloy sa pagpupumiglas ang mama niya.
SAMPAL!
Sinampal niya si kylie?!! Hindi ko aakalain na kaya niyang gawin iyon kasi noon maski lamok ayaw niyang palapitin kay kylie.
“ sige sampalin niyo na lang ako ng paulit ulit huwag lang kayong bumalik sa loob” pakiusap ni kylie.
“ ano nangyayari sainyo ma?? Bakit kayo nagkaka ganyan?” umiyak na siya, ngayon ko lang nakitang ganito si kylie.
“ pwede ba… hayaan mo na lang ako?? Bakit hindi mo pakialaman na lang ang buhay mo!” sabi ng mama niya.
“ ma huwag namang ganito, bumalik na tayo sa dati ma… mamuhay uli tayong dalawa, ungkuntento tayo sa buhay pero masaya” sabi ni kylie.
“ paano ako sasaya?? Paano ako sasaya kung hindi dahil sayo sana hindi ako iiwan ni randy, hindi din sana mawawala ang kapatid mo!!!” ano daw?? Kapatid ni kylie??
“ okay na eh… kahit iniwan na tayo ng papa mo okay lang dahil may dumating na rason para mag simula uli, sabi ko sayo bigyan mo lang ng pagkakataon si randy! Mabait naman siya, ayaw niya lang ng nababastos tulad ng ginagawa mo sakanya!!!!”
“ ngayon!! Iniwan ako!!! Kung kailan naman meron si baby!!! Kylie pinatay mo ung kapatid mo, kung hindi mo inaway si randy hindi ako iiwan, hindi ako masstress!!! Hindi sana malalaglag ang kapatid mo!!!”
“ Kaya malabong bumalik sa dati dahil kinasusuklaman kita!!! Ayoko sayo!!! Mamamatay tao ka!!!” pinagsasampal niya si kylie, si kylie naman na tulala at tinatanggap na lang ung ginagawa sakanya.
“ sana hindi na kita ipinanganak total bunga ka ng kasalanan!!!” napa awang ang labi ko.
“ a-ano?” mahinang tanong ni kylie.
“ bunga ka ng kasalanan, hindi ka anak ng alam mong papa mo… anak ka ng lalaking gumahasa saakin na hindi ko nakita ng buong buhay ko!!! Ipinaako ko lang sa ama mo pero ng nalaman niya ay iniwan na tayo, bunga ka ng kamalasan!!!” napa takip ako ng bibig.
“ kaya huwag na huwag mo na akong guguluhin!!! Hindi kita anak!!!!” itinulak niya si kylie para mapaupo, iniwan na kami ni tita habang si kylie na tulala.
“ kylie” nilapitan ko siya at niyakap.
Niyakap ko ng mahigpit dahil ramdam ko ang panginginig ng katawan niya, tahimik lang siyang umiiyak. Hindi umiimik, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya.
Dinala ko muna siya sa park, hinayaan ko muna siyang mag labas ng sama ng loob pero anong oras na. Napaka delikado na kapag ganitong oras, may naramdaman akong nag vi-vibrate. Dala ko pala ang phone ni kylie, may tumatawag sakanya kaya sinagot ko.
“ hello?”
“ kylie??” tanong sa kabilang linya.
“ si jane ito, kasama ko si kylie at nasa park kami” sagot ko.
“ okay… im on my way” pinatay niya na agad ang phone, mabuti na lang. Natatakot talaga ako lalo pat madaming hindi masabing mga manyak.
Ilang minuto lang ang lumipas ay dumatin na si kye, kahit gabi lutang na lutang ang kagwapuhan niya. May mga kasama pa siyang mga kalalakihan, iba talaga kapag hulton.
“ ayon siya” turo ko kay kylie na naka upo.
“ may nangyari??” tumango ako.
“ nagka sagutan sila ng mama niya at may nalamang napaka hirap tanggapin” kumunot ang noo niya napa buga ako ng hangin.
Ikinuwento ko na lang sakanya at hindi naka imik, maski siya gukat at hindi malaman ang sasabihin. Tinignan namin si kykie na andon parin naka upo, awang awa ako sakanya buti nga at kinakaya niya dahil kung ako baka gusto ko na lang mamatay.
“SHIT!!!” ang bilis tumakbo ni kye, teka kanina lang naka upo paanong nasa gilid na ng lake.
“ kylie!” sigaw ko pero hindi na siya naabutan ni kye at nagpaka hulog na si kylie, sumunod si kye at hinanap si kylie pero dahil madilim pahirapan. Agad na tumulong ang mga lalaking kasama niya. May mga nag flash light din para makita nila, hindi ako mapakali dahil hindi nila mahanap.
“ kylie!!!” sigaw ni kye.
“ kylie!!” sigaw ko din.
Mayat maya may sumenyas kay kye kaya agad na pinuntahan niya, nakita kong lumitaw ang mukha ni kylie. Mabuti na lang at nakita siya, agad na binigyan ni kye ng first aid. Hindi malaman ung naramdaman kong takot.
“ kylie gising” mahina kong sabi, hindi parin kasi humihinga.
Mayat maya ay umubo ubo na, mabuti na lang. Napanatag ang loob ko, agad na binuhat ni kye at ipinasok sa kotse. Dali dali din akong pumasok, dinala na namin siya sa hospital para maka siguro na okay siya.