CHAPTER 16: Vacation
KYE
Naipaalam ko na si kylie kay dad, pumayag naman siya basta alam namin ang boundaries namin habang si mommy naman binibilin si kylie at huwag ako iinom dahil baka hindi ko mabantayan si kylie.
“ wala kana nakalimutan??” nag isip pa siya
“ all good na” tumango ako at pumasok na sa kotse, pumasok na din siya.
“ seatbelt” utos ko, hinila ung seatbelt pero hindi mahila hila kaya lumapit na ako para ako na ang manghila. Sobrang higpit nong seatbelt, mukhang hindi napalitan kuya ito.
“ wait” lumapit pa ako para hilahin hanggang nahila ko, hindi ko namalayan na sobrang lapit ko na pala sakanya.
“ tell them that were on our way” iniwas ang tingin, inandar ko na ang sasakyan pero bakit naman ganito ang pakiramdam ko.
Tahimik kami habang nasa biyahe ng napapansin ko na busy siya sa phone niya, sinisilip ko kung sino pero dahil para hindi ako mapansin ay hindi ako lumapit.
“ huh??” sabi niya, kumunot ang noo ko.
“ bakit??” tanong ko.
“ ahahaha” biglang tumawa.
“ para kang baliw diyan” sabi ko.
“ ayyyiiii” aba nakikilig pa.
“ oyyy… umayos ka nga diyan”
“ Huh??” tanong niya.
“ sino ba yan at para kang oud diyan” ngumiti siya.
“ si toby, mga banat niya kasi nakakatuwa” si toby??? Nilingon ko si toby sa likod.
“ ahmmm… kylie kung ako sayo huwag siya” kumunot ang noo ko.
“ kaibigan pwede pa pero nothing more than on that” dagdag ko.
“ o. a mo….” Sabi niya at pinag patuloy ang pag chachat.
SA inis ko kinuha ko ung phone niya at nilagay sa bag ko tsaka pumikit.
“ ayoko ng maingay kapag natutulog ako” sabi ko, hindi na siya naka angal pero ramdam ko ang pagmamaktol niya.
Nakarating na kami sa ilocos at hindi mo maikakaila na maganda ung lugar, dumiretso kami sa hotel. Doon kami tutuloy kasi ung hotel naman ang pagmamay ari nila katie. Hindi ko alam na mayaman si katie, I mean hindi ko expect na ganito sila. kayaman well malayo pa naman saamin.
“ kylie lowbat kana?” si toby, tinignan niya ako.
“ ah oo” sagot niya.
“ kylie kunin mo na ito para ipasok sa kwarto natin” sabi ko, tinignan nila ako.
“ magka hiwalay kayo ni kylie” sabi ni katie.
“ hindi pwede, kasama ko siya dapat. Mapapagalitan ako kapag hindi ko yan nabantayam” dagdag ko.
“ hindi naman pwede na mag—” tinignan ko si kylie, hindi na niya itinuloy ung sasabihin.
“ okay sige ganito na lang… ung vip na lang kunin natin na good for 6 persons para magkakasama gayong lahat” sabi ni katie.
“ doon may kanya kanya tayong room pero nasa iisa lang kasi may kusina at sala” dagdag niya.
“ iyon na lang” sabi ni kylie.
“ oo nga” sabi ni jane.
“ okay tara na”
Nag desisyon muna kami na mag pahinga muna kami, bukas na lang daw kami mamasyal at ung food naman may toka toka sa pag luluto. Mabuti na lang kami ni kylie ang mag kasama sa pag luto, humiga na muna ako sakto na may tumawag.
“ mom”
“ Were here na”
“ I know mom, she will be fine”
“ Okay”
“ Yes I will”
“ Okay, bye” hay naku parang pababayaan naman kasi, parang siya pa ang tunay na anak kaysa sakin.
Lumabas ako para uminom, sakto na andon siya.
“ mom called” nilingon ako.
“ tatawagan ko siya mamaya” sagot niya.
“ mmm” natapos na akong uminom.
“ saan ka punta??” palabas kasi ako.
“ maglalakad lakad”
“ sama ako”
Binilisan niyang mag lakad, nasa hallway na kami ng makita namin sila jane at nate. Nag tinginan pa nga kami, hindi ko napansin na wala si nate.
“ loko to… nakiki pag date na” sabi ni kylie.
“ oyy saan kayo punta??” tanong ni nate.
“ mamamasyal, kayo bakit nag dadate kayo dito sa hallway?” tanong ko.
“ haha hallway date” pang aasar ni kylie.
“ sama na kami”
SUmama sila saamin, panigurado hinahanap kami nong dalawang naiwan. Pumunta kami sa may casa, ang ganda parin ng lugar sana mapanatili parin ito ng madaming taon pa.
“ picture” nagulat naman ako doon, siya talaga ang pumuwesto para kunan ako.
“ kayong dalawa” sabi ni jane, tumabi naman agad si kylie.
“ mag dikit kayo” utos niya, nailang tuloy si kylie kaya inakbayan ko siya at mas nilapit saakin.
“ kung di ko kayo kilala pagkakamalan ko kayong mag jowa” ngumiti na lang ako, si kylie naman tumalikod at nag lakad na lang.
“ huwag ka masyado lumayo” sabi ko.
Ung sabi naming pamamasyal bukas ay nag umpisa na ngayon, andami kinainan. Nagtataka nga kami kung bakit hindi kami nabubusog sa dami ng kinainan namin.
“ kye pwede mo ba akong tulungan?” ang seryoso niya.
“ tungkol saan?” tanong ko.
“ hanapin ang papa ko” kumunot ang noo ko.
“ sigurado ka ba diyan kylie?? Hahanapin mo parin ung ama mo?” tumango siya.
“ gusto kong malaman ung nakaraan kahit masakit” sagot ko.
“ paano kung masamang tao?? Baka saktan ka uli?” tanong ni jane
“ hindi ko hahayaan iyon” singit ko.
“ kung gusto mo talaga pwede naman kitang tulungan, may mga koneksyon ako na pwedeng maka tulong saatin” ngumiti siya.
“ thank you”
“ teka nga… kayo bang dalawa may something?!” pang iiba ni kylie.
“ wala” sabi ni jane.
“ meron… im courting her, is that okay??” si nate, basta itong si nate hindi marunong mag sinungaling yan.
“ matino ka ba??”
“ Ofcourse!! Mabait din naman ako, may pagka mayabang, hindi kasing sungit ni kye, hindi babaero na tulad ni toby pero mayaman ako” napa ngiti ako sa sinabi niya, lokong nate.
“ siguro nasa satisfactory ako kapag grade haha” natawa si kykie.
“ wala namang problema yan basta kung ayaw mo na sa kaibigan ko tapusin niyo ng maayos, ung walang nasasaktan” ayos na payo ah.
“ I will but I think pang death do us part na si jane”