Chapter 15
Alas-kuwatro pa lamang ng umaga ay nakahanda na ako para sa magiging pagsasanay ko. Hindi ko alam kung sino sa Magic 8 ang magsasanay sa akin. Pero sana si Ethan.
Maagang inihatid ang aking almusal ng isang tagaluto sa aking silid. Marahil ay ipinaalam na sa kanya na magsasanay ako ngayon.
Matapos ang lahat ng paghahanda ay bumaba na ako at nagpunta sa activity center ng unibersidad. Sa kasamaang palad ay si Primo ang naabutan kong andoon imbes na si Ethan. Nakapamulsa itong nakatayo habang seryosong nakatingin sa akin.
Nang marating ko na ang kinaroroonan nito ay agad nitong ibinigay ang isang malaking bag. Nagtataka man ay napilitan akong kunin ito.
"Anong gagawin ko dito?"
-nagtatakang tanong ko habang sinusuot ang bag sa aking likod
"We'll be going somewhere."
-saad nito at nagsimula ng maglakad
"Ano? Akala ko ba ay magsasanay ako ngayon?"
-gulat na tanong ko habang pilit itong hinahabol
Bored akong nilingon nito.
"Faster Vanderweele!"
-utos nito
Mahigit isang oras na kaming naglalakad sa lugar na kung saan ay hindi ko alam.
Kanina ko pa siya tinatanong kung saan kami pupunta pero wala akong nakuha ni isang sagot kung kaya ay pinili ko na lamang na tumahimik.
Masukal ang daan na aming nilalakbay ngayon. Mas masukal sa daan papuntang Mt. Matterhorn. Nagsisimula na akong mainip dagdag pa ang mabigat na bag na dala-dala ko. Wala yatang balak ang kasama ko na tulungan ako. Baka kung may madaanan kaming bangin at mahulog ako ay matuwa pa ito.
Malayo-layo ang distansiya naming dalawa. Kahit anong bilis ng paglalakad ko na minsan ay nagiging takbo na ay hindi ko parin ito maabutan. Kanina pa ako nabubuweset sa mga nangyayari. Hindi ito ang klase ng pagsasanay na inaasahan kong gagawin sa araw na ito.
Nang makitang mas lumayo na ito mula sa akin ay napagdesisyunan kong huminto na muna. Hindi na ako nagpa-alam pa. Buti nga kung hindi ako nito mapansin hanggang marating nito ang pupuntahan. Mas gusto ko pang maiwan mag-isa sa lugar na ito kaysa sa makasama siya.
Ilang minuto narin akong nakaupo sa damuhan. Pero imbes na tumayo at ipagpatuloy ang paglalakad ay nanatili ako sa aking kinaroroonan. Hindi ko rin naman alam kung saan kami pupunta at tuluyan na akong naiwan ni Primo. Uuwi nalang siguro ako pagkatapos nito.
"Sarap ng hangin!"
-saad ko sa kawalan habang nawiwili sa malamig na simoy ng hangin.
"Finish resting?"
-tanong ng isang lalaki na naging dahilan upang mapasigaw ako
sa gulat at awtomatikong mapatayo sa aking kinauupuan
Laking gulat ko ng makita si Primo na nakasandal sa isang puno di kalayuan sa kinaroroonan ko.
"Kanina ka pa ba diyan?"
-gulat na tanong ko
"What do you think?"
-balik na tanong nito sa akin
Agad itong tumayo at kinuha ang bag na nakasabit sa aking likod.
"Next time tell me if you're already tired."
-saad nito at nagpatuloy sa paglalakad
Huminto ito ng napansing hindi ko ito sinundan sa paglalakad. Agad itong naglakad papunta sa aking kinaroroonan. Nagulat ako ng hawakan nito ang aking kamay at itinuloy ang paglalakad.
"Uy ano ba! Let go of my hand!"
-sigaw ko habang pilit na binabawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya
"Will you shut up? Or I'll carry you."
-pagbabantang tanong nito dahilan upang tumahimik ako at hinayaang hawakan nito ang aking kamay
Nagpatuloy kami sa paglalakad habang hawak-hawak nito ang kaliwang kamay ko. Gustuhin ko mang magtanong kung malayo pa ba kami pero mas pinili ko na lamang tumahimik.
Di kalaunan ay naabot namin ang isang pangpang. Hindi naman siguro ako nito itutulak dito diba? Agad nitong binitawan ang pagkakahawak sa kamay ko at itinuon ang atensiyon sa bag na kanina ay dala-dala ko.
Binuksan niya ito at inilabas ang isa pang bag mula dito. Agad akong nagtaka ng mapansin na isa itong tent.
"Ano bang gagawin natin dito? Bakit may dala kang tent?"
-takang tanong ko
"We'll be staying here tonight."
-saad nito
......
Tahimik kaming nakaupo sa pangpang habang nakatingin sa tanawin sa baba. Gabi na at tanging sinag lamang na nanggagaling sa buwan ang nagbibigay liwanag sa paligid.
Dito kami matutulog ngayong gabi. Hindi ko alam kung ano ang naisip ni Primo at sinama pa ako sa pagpunta rito.
"Who are you? How did you know each other?"
-tanong nito na nagpabasag ng katahimikan
"Sino?"
-takang tanong ko
"Ethan."
-tipid na sagot nito
Nagdalawang-isip ako kung sasabihin ko ba ang totoo o hindi. Pero pinili ko nalang maging totoo.
"Bata palang kami magkaibigan na kami."
-sagot ko
"Naligaw ako non sa gubat at nakita siya. Doon nagsimula ang lahat."
-dagdag ko
"Ethan's heart is already taken by someone."
-kalaunan ay saad nito
"Alam ko."
-mahinang saad ko
"Then why? Why are you letting yourself suffer?"
-tanong nito
Ibinaling nito ang atensiyon sa akin at tinitigan ako. Agad akong napaiwas ng tingin at itinuon ang atensiyon sa ibang direksiyon.
Nakaramdam ako ng pagsakit ng dibdib dahil sa tanong nito sa akin.