Chapter 14

"ASTRID!"

Malakas na sigaw ni Ethan pagkapasok ko sa activity center ng unibersidad. Agad itong tumakbo papunta sa akin at mahigpit akong niyakap.

"Damn where have you been?"

-alalang tanong nito habang yakap-yakap parin ako

"I'm sorry Ethan I got lost."

-mahinang saad ko

"I should be the one saying that. I'm sorry I tried to find you but I failed."

-malungkot na bulong nito

"No it's okay."

-saad ko

"You will be having a whole day training tomorrow. That's your punishment."

-singit ni Primo dahilan upang mahiwalay kaming dalawa ni Ethan sa pagkakayakap

Sasagot pa sana si Ethan pero hindi na natuloy nang agad na itong nawala sa aming paningin.

"I'll talk to him."

-agad na sabi nito

"Okay lang kasalanan ko naman."

-sagot ko

Agad rin namang nagpa-alam ang natitirang miyembro ng Magic 8 maliban kay Ethan na sinabing ihahatid raw ako sa aking dormitoryo.

Malapit-lapit na kami sa aking dormitoryo nang biglang magsalita si Ethan.

"Mind to tell me what really happen?"

-tanong nito

Tumigil kami sa paglalakad at umupo sa damuhan upang pag-usapan ang mga nangyari.

"Napagod ako sa pagtakbo kaya napagdesisyunan kong magpahinga ng saglit. Matapos non sinubukan ko naman silang sundan pero huli na ng mapansin ko na ibang daan na pala ang tinatahak ko."

-pagpapaliwanag ko

Hindi agad ito nakasagot. Medyo nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito habang nakatingin sa akin. Tila ba ay may mali akong nasabi.

"You got tired from running? Are you sure Astrid?"

-nagtatakang tanong nito

"Ewan."

-tanging nasabi ko

May sasabihin pa sana ito ng marinig namin ang hudyat para sa hapunan. Iisa lamang ang oras ng pagkain sa lahat ng dormitoryo kung kaya kapag oras na ng pagkain ay naririnig sa buong unibersidad ang hudyat na nanggagaling sa lahat ng mga dormitoryo. Bago pumasok ay nilingon ko ito.

"Sorry Ethan."

-saad ko sa isip

Mabilis kong natapos ang aking pagkain. Agad rin naman akong umakyat sa aking kuwarto upang makapagpahinga. Hindi ulit sumabay sa hapunan si Cindy. Hindi ko nalang ito kinatok sa kanyang sillid. Marahil ay mas pinili nalang nitong matulog kaysa kumain dahil narin sa pagod sa pagsasanay.

Kasalukuyan akong nakahiga sa aking kama habang tumitingin sa kawalan. Nakakapagod man ay masaya ako sa nangyari sa araw na ito. Agad kong kinapa ang aking bulsa at kinuha ang kuwentas na nakalagay doon. Bigay ito ni Aziel, ang lalaki sa gubat kanina.

Napagdesisyunan kong sumama sa kanya. Binuhat niya ako papunta sa isang tagong kubo malapit sa hangganan ng Manderstein University at ng Hutchmaine University, ang kanilang unibersidad. Hindi pa kami ipinapanganak ay ipinagbabawal na ang pagpasok sa teritoryo ng mga estudyanteng taga ibang unibersidad. Dalawang beses lamang sa isang taon malayang nakakapasok ang mga estudyante sa lahat ng unibersidad sa mundo ng mga bampira.

Nang marating na namin ang kubo ay agad niyang ginamot ang aking pilay. Nilagyan niya ito ng isang dahon na kulay asul. Hindi ko mawari kung ano ito sapagkat ito ang unang beses na makakita ako ng ganitong klase ng dahon. Hinayaan ko na lamang ito sa kanyang ginagawa at itinuon ang pansin sa tanawin sa labas.

"Ba't ka andun kanina? Sakop na iyon sa teritoryo ng Manderstein."

-tanong ko na nakabasag ng katahimikan

"Bored."

-tipid na sagot nito

"Hindi ka ba natatakot mahuli?"

-dagdag na tanong ko

"Hindi pa naman ako nahuhuli."

-mabilis na sagot nito

"Bakit may kubo dito?"

-tanong ko

"Ikaw gumawa nito?"

-dagdag na tanong ko

"No. Pero wala namang nakatira dito kaya ginawa kong tambayan."

-sagot nito

Agad na bumalik ang katahimikan sa paligid. Naubusan na ako ng mga tanong upang hindi kami magkailangan sa isa't-isa.

"Walk!"

-utos nito

Agad akong tumayo at sinubukang maglakad. Laking gulat ko ng hindi na ulit ako nawalan ng balanse at nawala na ang sakit sa aking paa.

"Have you ever gone to Hutchmaine University?"

-tanong nito sa akin

"Manderstein palang ang unibersidad na napasukan ko."

-pag-amin ko

"Wanna go there?"

-tanong nito

"Pero---"

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil tuluyan na akong hinatak nito papunta sa kanilang unibersidad. Nang medyo malapit na kami ay maingat kaming naglakad, sinisigurado na walang makakakita sa amin lalong-lalo na sa akin. Nagpunta kami sa likod na parte ng unibersidad at inakyat ang mataas na bahagi nito.

"I can't let you enter it's too dangerous. But atleast you can see the university from here."

-saad nito

Agad akong namangha sa aking nakita. Kita ang kabuuan ng Hutchmaine University dito sa kinatatayuan namin. Kung napapalibutan ng maraming puno ang Manderstein ay kasalungat ito sa Hutchmaine. Malawak ang paligid at makikita ang malaking impluwensiya ng modernisasyon sa buong university. Dahil sa labis na tuwa ay hindi ko sinasadyang mayakap si Aziel na agad kong ikinagulat. Maging ito ay nagulat rin.

"Sorry."

-pagpapaumanhin ko habang mabilis na kumalas sa pagkakayakap

"Too obvious."

-nakangising saad nito

"Ang kapal!"

-mahinang saad ko at pinalo ito

Masyado kaming nawili sa pag-uusap na hindi namin namalayan ang paglubog ng araw.

Agad niya akong inihatid hanggang sa hangganan ng aming mga unibersidad. Bago umalis ay ibinigay nito ang isang kuwentas na kulay ginto, regalo raw sa pagsama sa kanya kanina.

"I'll see you again."

-saad nito bago kami tuluyang maghiwalay ng landas.

Agad kong ibinulsa ang kuwentas. Sa ngayon ay wala muna akong pagsasabihan sa mga nangyari, maging kay Ethan.