Chapter 16

Bata palang ay nahulog na ang loob ko kay Ethan. Hindi mahirap mahalin ang lalaking tulad niya. Kailanman ay hindi niya ipinaramdam sa akin na nag-iisa ako. Siya ang nagpapasaya sa akin tuwing malungkot ako. Sa kanya, malaya kong naipapakita ang totoong ako ng walang takot dahil alam kong tanggap niya ako.

Akala ko noong una na mawawala din kalaunan ang nararamdaman ko para kay Ethan ngunit nagdalaga na ako ay hindi pa rin ito nawawala. Sa tingin ko ay mas lumalim pa nga ang nararamdaman ko para sa kanya. Kaya napagdesisyunan kong sabihin na ito kay Ethan.

Nang araw rin na iyon unang nadurog ang aking puso. Ipinagtapat ni Ethan na may babae raw siyang gustong-gusto matagal na. Agad akong umalis ng malaman ko iyon.

Iyak lang ng iyak ang ginawa ko. Kalaunan ay natutunan ko na ring tanggapin na hanggang pagkakaibigan lang talaga ang puwedeng ibigay ni Ethan sa akin.

"It's none of your business!"

-mataray na saad ko

"You were hoping for nothing."

-mabilis na sagot nito

Kaagad na pumatak ang mga luha sa aking mga mata ng hindi namamalayan. Mabilis ko itong pinahid gamit ang aking kamay.

"Sinama mo lang ba ako para pag-usapan ang mga bagay na tungkol sa akin?"

-tanong ko upang baguhin ang napag-usapan

Tumawa lang ito at ibinalik ang atensiyon sa tanawin sa baba. Napatitig ako ng dahil sa pagtawa nito. Minsan lang ito magbigay ng ekspresyon kung kaya ang simpleng pagtawa lang nito ay nakakapanibago.

"Eh ikaw anong kuwento mo?"

-tanong ko dito

"What do you see?"

-tanong nito

"Madilim."

-tanging nasagot ko

"That's it."

-sagot nito dahilan upang malito ako

"Ha?"

-litong saad ko

Agad itong lumapit at sumandal sa akin. Imbes na magreklamo ay hinayaan ko nalang ito.

Ipinikit nito ang mga mata. Agad na napatitig ako sa kabuuan ng mukha nito. Dati ko pa napapansin na gwapo ito pero iba parin talaga kapag natitigan mo na ito sa malapitan.

Agad kong narinig ang pagtibok ng aking puso. Mas mabilis ito ngayon kumpara sa normal na pagtibok nito. Agad kong itinuon ang atensiyon sa ibang mga bagay, nagbabakasakaling mawala ang kakaibang nararamdaman sa loob-loob ko.

Ilang minuto na rin ang lumipas nang sumandal si Primo sa akin. Mahina ko itong niyugyog pero hindi na ito gumalaw pa. Marahil nga ay nakatulog na ito.

Sinubukan kong kargahin ito papunta sa aming tent pero masyado itong mabigat.

Ihiniga ko na lamang ito sa aming kinaroroonan. Naglatag naman kami ng kumot dito kanina para maging mas komportable ang aming pag-upo. Bumalik ako sa tent upang kumuha ng mga unan at kumot na siyang gagamitin namin ngayong gabi. Hindi ko puwedeng iwanan dito si Primo sa labas ng mag-isa kung kaya ay sasamahan ko na lamang ito matulog dito.

Nang matapos kong lagyan ng unan at makumutan si Primo ay humiga narin ako upang makatulog na.

"Goodnight Primo."

-mahinang sabi ko bago ipikit ang mga mata

......

Nagising ako sa liwanag na nanggagaling sa sinag ng araw. Agad kong napansin na wala si Primo sa tabi ko. Bumangon ako at sinubukang hanapin ito. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap sapagkat madali ko itong nakita na nakaupo malapit sa apoy na marahil ay ginawa nito.

Agad ko itong nilapitan.

"Magandang araw!"

-bati ko

"How's your sleep?"

-tanong nito

"Okay lang naman."

-masayang sagot ko

Napansin kong nag-iihaw ito. Marahil ay maaga itong nanghuli ng hayop para may makain kami.

"Kelan tayo uuwi?"

-kalaunan ay tanong ko nang hindi na ito nagsalita pa

"Evening."

-matipid na sagot nito

"Hindi ka talaga marunong magsalita ng mahaba no?"

-saad ko

"Noisy!"

-nakangising saad nito at mahinang tinapik ang aking baba

"Nagtatanong lang naman."

-mahinang saad ko

Nang maluto na ang karneng iniihaw ay hinati niya ito sa dalawa at binigay sa akin ang isa.

Tahimik lang kaming kumakain ng biglang may tumalon na palaka sa aking paa. Awtomatiko akong napatili at di sinasadyang mayakap si Primo sa takot at gulat.

"MAY PALAKA! MAY PALAKA!"

-tarantang sigaw ko habang mahigpit na nakayakap kay Primo

"Calm down it's already gone."

-pagtatahan nito sa akin

Tinapik-tapik nito ang aking likod habang pinapakalma ako. Huli na ng mapagtanto ko na nakayakap na pala ako kay Primo.

Mabilis pa sa alas-kuwatro akong kumalas sa pagkakayakap dahilan upang aksidente kong matapakan ang isang malaking bato at mawalan ng balanse. Pero imbes na sa matigas na lupa ako bumagsak ay naramdaman ko ang mga palad na dumapo sa aking likod, nagbibigay-suporta upang hindi ako tuluyang bumagsak sa lupa.

"Stop being so clumsy!"

-saad nito nang maiangat na ako

"Pake mo!"

-pagsusungit ko

Agad akong bumalik sa tent pagkatapos. Masyado akong nanghina sa mga nangyari. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing magkadikit kami ay nanghihina ako. Siguro ay may kapangyarihan siyang magpahina ng mga taong malapit sa kanya. Pero maliban doon, ay bumilis na naman ang naging pagtibok ng aking puso. At lahat ng iyon nangyayari tuwing siya ang kasama ko.

Pagkatapos ng almusal ay pinanood ko lang itong magsanay ng mag-isa. Imbes na ako ang magsasanay ay heto ako ngayon pinapanood kung paano magsanay ang bampirang sana ay magiging aking tagapagsanay ngayon.

Isang malaking puno ang ginawa nitong kalaban. Namangha ako ng wala pang dalawang minuto ay napatumba na niya ito. Ilang sipa at suntok lang ang pinakawalan nito pero ang kanina'y matibay na puno ay nadurog na. Tama nga sila hindi basta-basta ang mapabilang sa Magic 8. Kailangan mong maging malakas, matapang at maabilidad para makamit ang isa sa mga puwesto nito.

Nang matapos mapabagsak ang puno ay agad nitong hinubad ang pang-itaas na damit dahilan upang makita ko ang matigas at matipunong likod nito. Agad napako ang aking paningin sa likod na parte ng katawan ni Primo dahilan upang hindi ko namalayan ang biglaang pagharap nito sa direksiyon ng kinatatayuan ko.

Agad akong napakurap ng tumama mismo sa aking mukha ang damit na kanina'y hinubad ni Primo.

"Enjoying the view Vanderweele?"

-nakangising saad nito

Mas lalong iniharap nito sa akin ang hubad nitong katawan na labis kong ikinainis.

Imbes na sumagot ay sinungitan ko ito at iniwan sa kinaroroonan nito. Ibinaling ko ang aking atensiyon sa isang maliit na puno na maraming bulaklak. Agad akong pumitas ng ilang mga piraso para iuwi sa dormitoryo.

Ilang minuto bago ang paglubog ng araw ay napagdesisyunan na naming umuwi ni Primo. Tahimik lamang ang aming naging paglalakbay pauwi.

Matapos ang mahigit isa at kalahating oras ng paglalakbay ay sa wakas nakabalik na kami ng unibersidad. Inihatid ako ni Primo hanggang sa labas ng aking dormitoryo.

Papasok na sana ako sa aking dormitoryo ng tinawag ako nito. Agad akong lumingon at sa paglingon ko ay naramdaman ko ang mabilis na pagdampi ng labi nito sa aking pisngi. Bago ko pa man maproseso ang mga nangyayari ay agad na itong nawala sa aking paningin.