Chapter 10

"Ethan. It's not your fault."

-bulong ko

"So punish me instead."

-dagdag na saad nito

Agad kong nilingon ang lahat.

"No. It's my fault not his."

-matapang na pag-amin ko

Sumilay ang ngiti ng isa sa mga lalaking miyembro ng Magic 8. Agad ko itong tinaasan ng kilay dahilan upang mapatawa ito.

Tumayo ito at naglakad palapit sa akin.

"Riggs Octavius Barringer Miss."

-pagpapakilala nito sa akin

"Astrid."

-tipid na sagot ko habang di pinapansin ang kamay nitong naghihintay para sa isang handshake

Agad nitong binawi ang kamay at ipinamulsa.

"Nice meeting you beauty."

-nakangiti nitong sabi

"Astrid not beauty."

-pagtatama ko

Tumawa lang ito at bumalik na ulit sa kinauupuan.

"So what's the punishment?"

-matapang na tanong ko kay Primo para matapos na at makauwi na ako

Napansin ko ang pagtaas ng kilay ng dalawang babaeng miyembro ng Magic 8. Kanina pa lang ay napapansin ko nang ayaw nila sa akin. Mas ayoko sa kanila.

Tumaas ang isang kilay ni Primo nang marinig ang matapang na pagtanong ko. Di ko alam kung nagulat ito o nagalit sa inasta ko.

"Go back here after your class tomorrow and you will know."

-sagot nito

Nang matapos itong magsalita ay agad akong lumabas ng silid at tinahak ang hagdan pababa. Palabas na sana ako ng dormitoryo ng tinawag ako ni Ethan.

"I'm sorry. I'll see what I can do."

-sabi nito

"No babe. It's my fault don't worry."

-I assured him

Agad ko itong niyakap at hinalikan sa may pisngi bago umalis. Takot man sa mga posibleng mangyari alam kong may mahihingian ako ng tulong, may kaibigan ako at si Ethan yon.

.....

"Ayos ka lang?"

-napakurap ako ng tapikin ako ng mahina ni Cindy

"Ha?"

-tanging nasagot ko

"Kanina ko pa kasi napapansin na tulala ka. May problema ba?"

-nag-aalalang tanong niya

"Puyat lang."

-tipid na sagot ko sabay ngiti

Kasalukuyan kaming nakatambay sa parke ng unibersidad. Wala ang guro kung kaya naisip namin na magpalipas ng oras dito habang hinihintay ang oras para sa susunod na klase.

"Nga pala ba't di kita nakita sa pagtitipon kagabi?"

-tanong nito

"Ah sumama kasi ang pakiramdam ko kaya natulog nalang ako."

-pagdadahilan ko

Hindi nawala sa isip ko kung anong klaseng parusa ang ibibigay sa akin ni Primo. Sana nga ay madali lang ito. At sana hindi na ulit akuin ni Ethan ang parusa. Ayokong siya ang magbayad ng kasalanan na hindi naman niya ginawa.

Pagkatapos ng klase sa hapon ay agad akong dumiretso sa dormitoryo ng Magic 8. Hindi na ako nahirapang gumawa ng dahilan kay Cindy dahil nauna na itong magpaalam dahil may gagawin daw na importante.

Patingin-tingin ako sa paligid habang naglalakad upang masiguro na walang nakasunod o nakakita sa akin. Nang masiguradong wala ay maingat akong pumasok sa tinitirhan ng Magic 8 at dumiretso sa silid na pinasukan namin noong nakaraan.

Agad na nakita ko pagkapasok si Primo na mag-isang nakaupo sa gitnang upuan ng silid. Agad nitong itinuro ang isang upuan hudyat upang maupo ako roon. Pero imbes na sumunod ay nanatili ako sa aking kinatatayuan.

"Hindi na. Hindi rin naman ako magtatagal."

-kalmado kong sagot

"Are you in a relationship with Ethan?"

-mapaghamon niyang tanong na ikinagulat ko

"No."

-tipid kong sagot

"Then what's with the babe endearment Vanderweele?"

-tanong ulit nito na mas lalong ikinagulat ko

"Bakit mo alam?"

-tanong ko

"NONE OF YOUR BUSINESS!."

-galit na sigaw nito

"Would you just go straight to the point? Marami pa akong mas importanteng gagawin kaysa dito."

-galit na tugon ko

"Marry me."

-diretsahang saad nito

"ANOOOOOO?"

.....

Kasalukuyan akong nakahiga sa aking kama habang hawak-hawak ang puting papel na ibinigay ni Primo. Muntik na akong masamid nang inakala kong totoong nagyayaya ito ng kasal.

Sa huling linggo sa unang buwan ng pasukan dito sa Manderstein ay magaganap ang isang eclipse, na kilala sa tawag na Stella Corona, kung saan magkakaroon ng isang kasiyahan mula alas-nuwebe ng gabi hanggang ala-una ng madaling araw. Lahat ay kinakailangang pumunta sapagkat tinuturing itong isang mahalagang pagtitipon ng unibersidad.

Ayon kay Cindy, kung mahalaga ang pagtitipon na ito sa university ay mas mahalaga ito sa mga estudyante. Isa sa mga inaabangan na aktibidad ay ang kasalan kung saan ang mga miyembro ng Magic 8 ay puwedeng mamili kung sino man ang gusto nilang makapareha anuman ang lebel na kinabibilangan nito. At sa kasamaang palad ako ang napiling makapareha ni Primo.

Hindi ko alam kung ano ang rason ng pagpili niya sa akin. Marahil ay gusto niya akong ipahiya at magback-out para makabawi sa akin.

Agad kong ibinalik ang aking atensiyon sa papel na ibinigay nito sa akin. Isa itong confirmation card na nagpapatunay na ako ang kapareha nito. Simple lang ito. Ginto ang kulay at walang nakasulat na kahit na ano sa labas na bahagi ng papel. Sa pagbuklat naman nakasulat ang pangalan ni Pimo.

Nagdadalawang-isip akong pumunta sa nasabing kasiyahan pero kung hindi ako magpapakita ay baka magalit ito at bigyan ako ng mas mahirap na parusa.