Chapter 9
"WHERE DID YOU F*CKING GET THIS?"
Sumilay ang kaba at takot ko sa biglaang pagsigaw ni Primo. Agad akong nanghina nang salubungin ang kulay lila na mga mata nito. Tila ba isa itong bangungot na gusto ko nang makawala at magising.
Hindi ako makasagot. Naging tahimik ang buong paligid. Pati ang tunog ng hangin at mga huni ng ibon ay hindi ko marinig. Tila ba pati ang mga ito ay natatakot rin na gumawa ng kahit na anong ingay.
Akmang tatakbo na ako para makatakas nang marahas niya akong hilahin at itulak sa dingding malapit sa pintuan ng kanilang tinitirhan.
Agad akong napadaing sa sakit nang maramdaman ko ang malakas na pagbangga ng aking katawan sa matigas na parte ng dormitoryo. Mabilis niyang iniharang ang dalawa niyang mga kamay sa magkabilang gilid ko dahilan upang matrap ako at hindi makalabas. Bigla niyang inilapit ang katawan niya sa akin at ang kanina'y galit na mukha ay napalitan ng isang mapaglarong ngiti.
Naging doble ang kaba na naramdaman ko sa pagngiti niya. Tila mas nakakatakot ito kapag ngumingiti. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Parang mahihimatay na ako sa kaba at takot. Pero bago pa man niya maisagawa kung anuman ang iniisip niya ay nagsalita na agad ako.
"Let me explain".
-kabado kong sagot
Nilakasan ko ang loob ko at tiningnan siya mata sa mata. Kahit kulay lila parin ang mga mata nito ay iwinaksi ko ang lahat ng takot sa aking sistema at sinimulan ang pagpapaliwanag.
"Unang araw ko dito sa Manderstein noon nang maaga akong lumabas ng dormitoryo para mamasyal. Bigla akong nakakita ng aso na parang nasusuka. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kaya tinapik-tapik ko nalang ang batok nito at lumabas ang singsing na iyan. Agad na nawala ang aso pagkatapos ko linisin ang singsing. Hindi ko naman alam kung sino ang may-ari kaya tinago ko nalang muna".
-mahabang pagpapaliwanag ko
Naisip ko na bakit ako matatakot kung wala naman akong ginagawang masama at isa pa hindi naman ako nagnakaw.
Hindi ito nagsalita. Tinitigan niya lang ako. Marahil ay tinitimbang kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. Kalaunan ay ibinulsa nito ang singsing.
"Bakit mo iyan nilagay sa bulsa mo? Sayo ba yan?"
-inis na tanong ko
Inalis niya ang dalawang kamay sa pagkakaharang at nakapamulsang tumayo ng diretso habang hindi pinuputol ang pagtitig sa akin.
Mahina itong tumawa na agad kong ikinainis.
Agad niyang inilapit ang labi sa aking tenga dahilan sa aking pagkagulat. Pero bago pa man ako maka-atras ay nasakop na agad ng kaliwang kamay niya ang likod ng bewang ko.
Mabilis niya akong itinulak palapit sa kanya dahilan upang mas magkalapit pa ang aming mga katawan.
"Ano ba!"
-reklamo ko
"Don't you know that you makes me turn on?"
-bulong niya sa tenga ko
"ANONG SABI MO? NAPAKABASTOS MO!"
-sigaw ko habang pinipilit na makawala sa pagkakahawak niya sa akin
Gustuhin ko mang makawala pero masyado siyang malakas kumpara sa akin. Akmang susuntukin ko na ito sa mukha nang makita ko si Ethan na tumatakbo papunta sa amin. Marahil ay tutulungan niya akong makawala sa demonyong ito.
"ETHAN!"
-sigaw ko
Pero bago pa man niya marating ang kinaroroonan namin ay naramdaman ko ang biglaang pagdampi ng labi ni Primo sa aking labi.
Agad kong nilingon si Ethan at napansing napahinto ito sa nakita. Maging siya ay nagulat rin sa nasaksihan.
Hinalikan ako ni Primo.
.....
"What the hell really happen?"
-mahina pero galit na tanong ng isa sa mga miyembro ng Magic 8
Andito ako ngayon kasama ang lahat ng mga miyembro ng Magic 8 sa isang silid ng kanilang dormitoryo. Pagkatapos akong halikan ni Primo ay sinuntok ito ni Ethan dahilan upang magsuntukan sila at magkagulo. Agad rin namang naawat nang dumating ang natitirang mga miyembro ng Magic 8. Marahil ay nakaramdam sila sa mga nangyayari sa dormitoryo.
Wala ni isa sa aming tatlo ang sumagot. Nakatungo lang ako habang kabadong tinitingnan ang aking mga kamay.
"WALA BA TALAGANG MAGSASALITA SA NANGYARI?"
-galit na sigaw ni Emmy, isa sa mga babaeng miyembro ng Magic 8
"You? Why are you here?"
-baling niya sa akin
Nagdadalawang-isip akong sumagot. Natatakot ako na baka magkagulo ulit kung may hindi maganda akong masabi.
"Just let her go Emmy. She's not involved here."
-malamig na tugon ni Ethan
"If she's not involved then why is she f*cking here?"
-galit na tanong nito kay Ethan
Imbes na sumagot ay tumayo ito at hinatak ako palabas ng silid. Pero bago pa man kami makalabas ay agad na nagsalita si Primo.
"She entered the dormitory without our permission. She should be punished."
-kalmadong sabi nito
Napalitan ng pagkabuweset ang kanina'y kaba na naramdaman ko sa sinabi nito. Ang kapal ng mukha niyang sabihin iyon. Hindi naman siya ang pinunta ko dito.
"I let her enter."
-nagulat ako sa pag-ako ni Ethan ng kasalanan ko